التَّحْذِيرُ مِنَ البِدَعِ
Babala Laban sa mga Bid'ah
لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ
عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ
رَحِمَهُ اللهُ
Akda ni Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Ikalimang Mensahe:
Ang Kahatulan sa Pagdiriwang ng Kaarawan ng Propeta at Iba pa Rito na mga Kaarawan
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh, sa mag-anak niya, mga Kasamahan Niya, at sinumang napatnubayan sa pamamagitan ng patnubay niya.
Sa pagpapatuloy: Nauli-ulit nga ang tanong mula sa marami tungkol sa kahatulan sa pagdiriwang ng kaarawan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagtayo para rito sa sandaling iyon, pagbigay ng pagbati sa kanya, at iba pa riyan kabilang sa ginagawa sa mga kaarawan.
Ang sagot ay na sabihing hindi pinapayagan ang pagdiriwang ng kaarawan ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ng iba pa sa kanya dahil iyon ay kabilang sa mga bid`ah na pinauso sa Relihiyon dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi gumawa nito ni ang mga Matinong Khalīfah ni ang iba pa sa kanila kabilang sa mga Kasamahan (ang kaluguran ni Allāh ay sumakanila) ni ang mga Tagasunod nila sa paggawa ng maganda sa mga minagaling na salinlahi. Sila ay ang pinakamaalam sa mga tao sa Sunnah at ang pinakakumpleto sa pag-ibig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sa pakikipagsunuran sa Batas niya kaysa sa mga matapos nila. Nagsabi nga Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa Malinaw na Aklat Niya:
﴿...وَمَآ ءَاتَىٰكُمُ ٱلرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَىٰكُمۡ عَنۡهُ فَٱنتَهُواْ...﴾
{... Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo [na si Propeta Muḥammad] ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. ...}
(Qur'ān 59:7) Nagsabi pa Siya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿...فَلۡيَحۡذَرِ ٱلَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنۡ أَمۡرِهِۦٓ أَن تُصِيبَهُمۡ فِتۡنَةٌ أَوۡ يُصِيبَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾
{... Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang sigalot o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit.} (Qur'ān 24:63) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿لَّقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِي رَسُولِ ٱللَّهِ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَ وَذَكَرَ ٱللَّهَ كَثِيرٗا21﴾
{Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam [sa pakikipagkita] kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas.} (Qur'ān 33:21) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَٱلسَّٰبِقُونَ ٱلۡأَوَّلُونَ مِنَ ٱلۡمُهَٰجِرِينَ وَٱلۡأَنصَارِ وَٱلَّذِينَ ٱتَّبَعُوهُم بِإِحۡسَٰنٖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُ وَأَعَدَّ لَهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي تَحۡتَهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ100﴾
{Ang mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga tagalikas at mga tagaadya at ang mga sumunod sa kanila ayon sa paggawa ng maganda ay nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan.} (Qur'ān 9:100) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿...ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ وَأَتۡمَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ نِعۡمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلۡإِسۡلَٰمَ دِينٗا...﴾
{... Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. ...} (Qur'ān 5:3) Ang mga talata [ng Qur'ān] kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Napagtibay nga [ang ḥadīth] ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, iyon ay tatanggihan." Ibig sabihin: aayawan. Nagsabi naman siya sa iba pang ḥadīth: {Manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Kahaliling Matinong Napatnubayan nang matapos ko. Kumapit kayo rito at kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagong pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bagong pinauso ay bid`ah at ang bawat bid`ah ay kaligawan."} Kaya sa ḥadīth na ito ay may isang matinding pagbibigay-babala laban sa pagpapauso ng mga bid`ah at paggawa ayon sa mga ito.
Ang pagpapauso ng tulad ng mga kaarawang ito ay maiintindihan mula rito na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nagkumpleto ng Relihiyon ng Kalipunang ito at na ang Sugo (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay hindi nagpaabot ng nararapat para sa Kalipunang Islām na gawin nito hanggang sa dumating ang mga nahuling ito saka nagpauso sila sa Batas ni Allāh ng hindi Niya pinahintulutan, habang mga nag-aakala na iyon ay kabilang sa nagpapalapit-loob sa kanila kay Allāh. Ito, walang duda rito, ay isang mabigat na panganib at isang pagtutol kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay bumuo na para sa mga lingkod Niya ng Relihiyong Islām at lumubos sa kanila ng biyaya. Ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaabot na ng pagpapaabot na malinaw. Hindi siya nag-iwan ng isang daang magpaparating sa Paraiso at magpapalayo mula sa Impiyerno malibang naglinaw siya nito sa Kalipunan gaya ng napagtibay sa tumpak na ḥadīth ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nagpadala si Allāh ng anumang propeta malibang naging isang tungkulin sa kanya na gumabay sa kalipunan niya sa mabuti na nalalaman niya para sa kanila at magbabala sa kanila sa masama na nalalaman niya para sa kanila."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya.
Nalalaman na ang Propeta natin (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamainam sa mga propeta, ang pangwakas sa kanila, at ang pinakakumpleto sa kanila sa pagpapaabot at pagpapayo. Kaya naman kung sakaling ang pagdiriwang ng mga kaarawan ay bahagi ng Relihiyon na kinalulugdan ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), talaga sanang naglinaw nito ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan o gumawa siya nito sa buhay niya o gumawa nito ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila). Yayamang walang nangyaring anuman mula roon, nalalaman na ito ay hindi mula sa Islām sa anuman; bagkus ito ay kabilang sa mga pinauso na nagbibigay-babala ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban dito sa Kalipunan, gaya ng naunang pagkabanggit niyon sa mga ḥadīth. Ang mga talata at ang mga ḥadīth kaugnay sa paksang ito ay marami.
Nagpahayag ang isang pangkat ng mga maalam ng pagmamasama sa pagdiriwang ng mga kaarawan at ng pagbibigay-babala laban sa mga ito, bilang pagsasagawa sa mga nabanggit na patunay at iba pa sa mga ito. Sumalungat naman ang ilan sa mga nahuli sapagkat nagpahintulot sila ng mga ito kapag hindi naglalaman ang mga ito ng anumang kabilang sa mga minamasama gaya ng pagpapakalabis-labis sa pagpipitagan sa Sugo ni Allāh at gaya ng pakikihalubilo ng mga babae sa mga lalaki at paggamit ng mga kasangkapan ng mga paglilibang at iba pa riyan kabilang sa minamasama ng dinalisay na Batas. Nag-akala kasi sila na ito ay kabilang sa mga magandang bid`ah.
Ang panuntunang legal ay ang pagsangguni ng anumang naghidwaan hinggil doon ang mga tao sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan), gaya ng sinabi Niya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَأُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنكُمۡۖ فَإِن تَنَٰزَعۡتُمۡ فِي شَيۡءٖ فَرُدُّوهُ إِلَى ٱللَّهِ وَٱلرَّسُولِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلًا59﴾
O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may katungkulan mula sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan. (Qur'ān 4:59) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَا ٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِيهِ مِن شَيۡءٖ فَحُكۡمُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ ...﴾
{Ang anumang nagkaiba-iba kayo hinggil sa anumang bagay, ang kahatulan nito ay sa kay Allāh...} (Qur'ān 42:10)
Sumangguni nga tayo sa usaping ito, ang pagdiriwang ng mga kaarawan, sa Aklat ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) saka natagpuan nating nag-uutos Siya sa atin ng pagsunod sa Sugo (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa anumang inihatid nito. Nagbibigay-babala naman sa atin ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa sinaway ni Allāh at nagpapabatid siya sa atin na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay bumuo na para sa Kalipunang ito ng Relihiyon nito at ang pagdiriwang na ito ay hindi kabilang sa inihatid niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya ito ay hindi mula sa Relihiyon na binuo ni Allāh para sa atin. Nag-utos Siya sa atin ng pagsunod sa Sugo rito.
Sumagot na tayo roon, gayon din, sa Sunnah ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ngunit hindi tayo nakatagpo rito na siya ay nagsagawa niyon ni nag-utos niyon ni nagsagawa niyon ang mga kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila). Kaya naman nalaman natin dahil diyan na iyon ay hindi kabilang sa Relihiyong Islām; bagkus iyon ay mula sa mga bid`ah na pinauso at mula sa pagpapakawangis sa mga may kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga pista nila.
Dahil doon, lumiliwanag sa bawat sinumang may pinakamababang pagkatalos at pagkaibig sa katotohanan at pagpapakamakatarungan sa paghahanap nito na ang pagdiriwang ng mga kaarawan ay hindi mula sa Relihiyong Islām; bagkus ito ay mula sa mga bid`ah na pinauso, na nag-utos si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at ang Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) ng pagwaksi ng mga ito at pag-iingat laban sa mga ito. Hindi nararapat sa nakapag-uunawa na malinlang siya ng dami ng nagsasagawa nito na mga tao sa nalalabi sa mga rehiyon sapagkat tunay na ang katotohanan ay hindi nakikilala sa dami ng tagapagsagawa at nakikilala lamang sa mga legal na patunay gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya) tungkol sa mga Hudyo at mga Kristiyano:
﴿وَقَالُواْ لَن يَدۡخُلَ ٱلۡجَنَّةَ إِلَّا مَن كَانَ هُودًا أَوۡ نَصَٰرَىٰۗ تِلۡكَ أَمَانِيُّهُمۡۗ قُلۡ هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ111﴾
Nagsabi sila: "Walang papasok sa Paraiso kundi mga Hudyo o mga Kristiyano." Iyon ay mga pinakamimithi nila. Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat." (Qur'ān 2:111) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَإِنْ تُطِعْ أَكْثَرَ مَنْ فِي الْأَرْضِ يُضِلُّوكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ...﴾
{Kung tatalima ka sa higit na marami sa mga nasa lupa ay magliligaw sila sa iyo palayo sa landas ni Allāh.} (Qur'ān 6:116)
Pagkatapos tunay na ang nakararami sa mga pagdiriwang na ito ng mga kaarawan, bukod sa pagiging ang mga ito ay bid`ah, ay hindi nawawalan ng pagkakataglay ng mga iba pang nakasasama gaya ng pakikihalubilo ng mga babae sa mga lalaki, paggamit ng mga awit at mga pagpapatugtog, pag-inom ng mga nakalalasing, paggamit ng mga droga, at iba pa riyan na mga kasamaan. Maaaring may nagaganap sa mga ito na higit na mabigat kaysa roon, ang Malaking Shirk. Iyon ay dahil sa pagpapakalabis-labis sa pagpipitagan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o sa iba sa kanya kabilang sa mga walīy, pagdalangin sa kanya, pagpapasaklolo sa kanya, paghiling sa kanya ng ayuda, paniniwala na siya ay nakaaalam sa Nakalingid, at tulad niyan na mga bagay-bagay na pangkawalang-pananampalataya na isinasagawa ng marami sa mga tao sa sandali ng pagdiriwang nila ng kaarawan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng iba pa sa kanya na tinatawag nila bilang mga walīy. May natumpak nga na ḥadīth tungkol sa Sugo ni Allāh na siya ay nagsabi: "Kaingat kayo sa pagpapakalabis-labis sa Relihiyon sapagkat ang nagpasawi lamang sa mga bago ninyo ay ang pagpapakalabis-labis sa pagpipitagan sa Relihiyon."} Nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Huwag kayong magpalabis sa pagpuri sa akin gaya ng pagpapalabis sa pagpuri ng mga Kristiyano sa Anak ni Maria. Ako lamang ay isang alipin Niya, kaya sabihin ninyo: ang Alipin ni Allāh at ang Sugo Niya." Nagsadokumento nito si Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya mula sa ḥadīth ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya):
Kabilang sa mga kataka-taka at mga kakaiba ay na ang marami sa mga tao ay sumisigla at nagsisipag sa pagdalo sa mga pagdiriwang na pam-bid`ah na ito at nagtatanggol nito ngunit nagmimintis sa inobliga ni Allāh na pagdalo sa mga ṣalāh sa Biyernes at mga konggregasyon. Hindi sila nagkakaroon sa kabila niyon ng pangingimi at hindi nagtuturing na nakagawa ng mabigat na nakasasama. Walang duda na iyon ay bahagi ng kahinaan ng pananampalataya, kakauntian ng pagkatalos, at dami ng nagmantsa sa mga puso na mga uri ng mga pagkakasala at mga pagsuway. Humihiling tayo kay Allāh ng kagalingan para sa atin at para sa nalalabi sa mga Muslim.
Kabilang doon na ang ilan sa kanila ay nagpapalagay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dumadalo sa kaarawan. Dahil dito, tumatayo sila para sa kanya habang mga bumabati at mga sumasalubong. Ito ay kabilang sa pinakamabigat na kabulaanan at pinakapangit na pagkamangmang sapagkat tunay na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi lumalabas mula sa libingan niya bago ng Araw ng Pagbangon, hindi nakikipag-ugnay sa isa sa mga tao, at hindi dumadalo sa pagtitipon nila; bagkus siya ay nananatili sa libingan niya hanggang sa Araw ng Pagbangon. Ang kaluluwa niya ay nasa pinakamataas ng `Illīyūn sa piling ng Panginoon niya sa Tahanan ng Karangalan, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya):
﴿ثُمَّ إِنَّكُمْ بَعْدَ ذَلِكَ لَمَيِّتُونَ15 ثُمَّ إِنَّكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ تُبْعَثُونَ16﴾
{15. Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay.
16. Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin.} (Qur'ān 23:15-16)
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako ay kauna-unahan sa sinumang mabibiyak para sa kanya ang libingan sa Araw ng Pagbangon. Ako ay kauna-unahang tagapamagitan at kauna-unahang pamamagitanin." Sumakanya ang pinakamainam na basbas at pangangalaga.
Kaya ang dalawang marangal na talatang ito, ang marangal na ḥadīth, at ang anumang nasaad kaugnay sa kahulugan ng mga ito na mga talata at mga ḥadīth, ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang iba pa sa kanya kabilang sa mga patay ay lalabas lamang mula sa mga libingan nila sa Araw ng Pagbangon. Ito ay isang bagay na napagkaisahan sa gitna ng mga maalam ng mga Muslim at wala ritong hidwaan sa pagitan nila. Kaya nararapat sa bawat Muslim na matawagan ng pansin sa mga bagay-bagay na ito at na mag-ingat laban sa pinauso ng mga mangmang at mga kawangis nila na mga bid`ah at mga pamahiin na hindi nagbaba si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Si Allāh ay ang Pinagpapatulungan at sa Kanya ang pagtitiwala. Walang pagpapakilos at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.
Hinggil naman sa pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ito ay kabilang sa pinakamainam sa mga pampalapit-loob [kay Allāh] at kabilang sa mga gawang maayos, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya):
﴿إِنَّ ٱللَّهَ وَمَلَٰٓئِكَتَهُۥ يُصَلُّونَ عَلَى ٱلنَّبِيِّۚ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ صَلُّواْ عَلَيۡهِ وَسَلِّمُواْ تَسۡلِيمًا56﴾
{Tunay na si Allāh ay nagbabasbas sa Propeta at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon]. O mga sumampalataya, dumalangin kayo [kay Allāh] ng pagbasbas sa kanya at bumati kayo sa kanya ng pagbati ng kapayapaan.} (Qur'ān 33:56) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang sinumang dumalangin [ng basbas] para sa akin ay magbabasbas sa kanya si Allāh nang makasampu.} Ito ay isinasabatas sa lahat ng mga oras, na binibigyang-diin sa pagtatapos ng bawat ṣalāh; bagkus kinakailangan sa ganang isang pangkat ng mga alagad ng kaalaman sa Huling Tashahhud ng bawat ṣalāh. Nabibigyang-diin ang pagkasunnah nito sa maraming pangyayari, na kabilang sa mga ito: ang matapos ng adhān, sa sandali ng pagkabanggit sa kanya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), at sa araw ng Biyernes at gabi nito, gaya ng ipinahiwatig ng maraming ḥadīth.
Si Allāh ay ang hinihilingan na magtuon sa atin at sa nalalabi sa mga Muslim sa pag-unawa sa Relihiyon Niya at katatagan dito at na magmagandang-loob sa lahat sa pamamagitan ng pananatili sa Sunnah at pag-iingat laban sa bid`ah; tunay na Siya ay Galante, Marangal.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya.
***
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Ikaanim na Mensahe:
Ang Kahatulan sa Pagdiriwang ng Gabi ng Isrā' at Mi`rāj
Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh, sa mag-anak niya, at mga Kasamahan niya.
Sa pagpapatuloy, walang pag-aalinlangan na ang Isrā' at ang Mi`rāj ay kabilang sa mga dakilang tanda ni Allāh na nagpapatunay sa katapatan ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) at sa kadakilaan ng katayuan nito sa ganang Kanya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya), kung paanong ito ay kabilang sa mga katunayan sa nagniningning na kakayahan Niya at sa kataasan Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa lahat ng nilikha Niya. Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِيٓ أَسۡرَىٰ بِعَبۡدِهِۦ لَيۡلٗا مِّنَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ إِلَى ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡأَقۡصَا ٱلَّذِي بَٰرَكۡنَا حَوۡلَهُۥ لِنُرِيَهُۥ مِنۡ ءَايَٰتِنَآۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ1﴾
{Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalakbay sa Lingkod Niya isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Jerusalem] patungo sa Masjid na Pinakamalayo, na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur'ān 17:1)
Nagkasunud-sunuran ang mga salaysay tungkol sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay pinapanik sa mga langit at pinagbuksan para sa kanya ang mga pinto ng mga ito hanggang sa lumampas siya sa ikapitong langit, saka nakipag-usap sa kanya ang Panginoon niya (kaluwalhatian sa Kanya) ng ninais Nito at nagsatungkulin sa kanya ng limang ṣalāh. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagsatungkulin ng mga ito sa unang pagkakataon bilang limampung ṣalāh ngunit hindi tumigil ang Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabalik kay Allāh at humihiling ng pagpapagaan, hanggang sa ginawa Nito ang mga ṣalāh na lima. Ang mga ito ay lima sa tungkulin at limampu sa pabuya dahil ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito. Kaya ukol kay Allāh ang papuri at ang pasasalamat sa lahat ng mga pagpapala Niya.
Ang pagdiwang ng gabing ito na nangyari rito ang Isrā' (paglalakbay sa gabi) at ang Mi`rāj (pagpapanik) ay hindi nasaad sa mga tumpak na ḥadīth ang pagtatalaga nito: hindi sa Rajab ni sa iba pa. Ang bawat nasaad sa pagtatalaga nito ay hindi napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ganang mga alagad ng kaalaman sa ḥadīth. Kay Allāh ang karunungang masidhi sa pagpapalimot sa mga tao rito. Kung sakali mang napagtibay ang pagtatalaga nito, hindi naman pinayagan para sa mga Muslim na magtangi rito ng anuman mula sa mga pagsamba at hindi pinayagan para sa kanila na magdiwang nito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ay hindi nagdiwang nito at hindi nagtangi nito sa anuman. Kung sakaling ang pagdiwang nito ay isang bagay na isinasabatas, talaga sanang naglinaw nito ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunang Islām, maaaring sa pamamagitan ng pagsasabi o maaaring sa pamamagitan ng paggawa. Kung sakaling may naganap na anuman mula roon, talaga sanang nalaman ito at napatanyag ito at talaga sanang nagpaabot nito ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa atin sapagkat nagpaabot nga sila buhat sa Propeta nila (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng bawat bagay na kinakailangan ng Kalipunang Islām at hindi sila nagpabaya sa anuman mula sa Relihiyong Islām; bagkus sila ay ang mga nangunguna sa bawat kabutihan. Kaya naman kung sakaling ang pagdiwang ng gabing ito ay isinasabatas, talaga sanang sila ay ang pinakauna sa mga tao roon. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamapagpayo sa mga tao . Naipaabot nga niya ang mensahe nang sukdulang pagpapaabot at ginampanan nga niya ang ipinagkatiwalang tungkulin. Kaya naman kung sakaling ang pagdakila sa gabing ito at ang pagdiwang nito ay bahagi ng Relihiyon ni Allāh, hindi nalingat dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya nagkubli nito. Yayamang walang naganap na anuman mula roon, nalaman na ang pagdiwang nito at ang pagdakila rito ay hindi bahagi ng Islām sa anuman. Bumuo nga si Allāh para sa Kalipunang ito ng Relihiyon nito at lumubos dito ng biyaya. Nagmasama si Allāh sa sinumang nagsabatas sa Relihiyon ng hindi Niya pinayagan ayon sa nasaad sa Malinaw na Aklat Niya.
﴿...ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ وَأَتۡمَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ نِعۡمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلۡإِسۡلَٰمَ دِينٗا...﴾
{... Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. ...} (Qur'ān 5:3) Nagsabi Siya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَٰٓؤُاْ شَرَعُواْ لَهُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا لَمۡ يَأۡذَنۢ بِهِ ٱللَّهُۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةُ ٱلۡفَصۡلِ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۗ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ21﴾
{O nagkaroon ba sila ng mga katambal [kay Allāh] na nagsabatas para sa kanila sa relihiyon ng hindi pumayag dito si Allāh? Kung hindi dahil sa salita ng pagpapasya ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.} (Qur'ān 42:21)
Napagtibay buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tumpak na ḥadīth ang pagbibigay-babala laban sa mga bid`ah at ang pagsasatahasan na ang mga ito ay kaligawan, bilang pagtawag-pansin sa Kalipunang Islām sa bigat ng panganib ng mga ito at bilang pagpapalayo sa kanila sa paggawa ng mga ito. Kabilang doon ang napagtibay sa Ṣaḥīḥān ayon kay `Ā'shah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."} Sa isang salaysay ni Imām Muslim: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos Namin, ito ay tatanggihan." Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa talumpati niya sa araw ng Biyernes: "Hinggil sa pagpapasimula, tunay na ang pinakamabuting sanaysay ay ang Aklat ni Allāh, ang pinakamabuting patnubay ay ang patnubay ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pinakamasama sa mga bagay-bagay ay mga pinausong katuruan ng mga ito, at ang bawat bid`ah ay kaligawan."} Nagdagdag si Imān An-Nasā’īy sa isang sanad na mahusay: "at ang bawat kaligawan ay mapupunta sa Impiyerno" Nasaad sa mga Sunnah ayon kay Al-`Irbāḍ bin Sāriyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nangaral sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang masidhing pangaral, na nasindak ang mga puso rito at tumulo dahil dito ang mga mata, kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, para bang ito ay isang pangaral ng isang namamaalam, kaya magtagubilin ka po sa amin." Kaya naman nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh, pagdinig, at pagtalima, kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah at kumagat kayo rito ng mga bagang [ninyo]. Kaingat kayo sa mga pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat pinauso ay bid`ah at ang bawat bid`ah ay kaligawan."} Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Napagtibay nga ayon sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ayon sa Maayos na Kanunu-nunuan matapos nila ang pagbibigay-babala laban sa mga bid`ah at ang pagpapasindak mula sa mga ito. Walang iba iyan kundi dahil ang mga ito ay pagdaragdag sa Relihiyon, pagbabatas na hindi pinayagan ni Allāh, at pagpapakawangis sa mga kaaway ni Allāh kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano sa pagdaragdag nila sa relihiyon nila at pasasakalakaran nila dito ng hindi pinayagan ni Allāh at dahil ang implikasyon nito ay ang pagpapakulang sa Relihiyong Islāmiko at pagpaparatang dito ng kawalan ng kakumpletuhan. Nalalaman ang taglay nito na mabigat na kasiraan, karumal-dumal na nakasasama, pakikipagbanggaan sa sabi ni Allāh (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿...ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ...﴾
{... Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo ...} (Qur'ān 5:3) at tahasang pakikisalungatan sa mga ḥadīth ng Sugo (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), na nagbibigay-babala laban sa mga bid`ah at nagpapataboy laban sa mga ito.
Alinsunod dito, umaasa ako na sa nabanggit natin na mga patunay ay may kasapatan at pagkumbinsi sa naghahanap ng totoo sa pagmamasama sa bid`ah na ito. Tinutukoy ko rito ang bid`ah ng pagdiriwang ng gabi ng Isrā' at Mi`rāj at ang pagbibigay-babala laban dito at na ito ay hindi bahagi ng Relihiyong Islām sa anuman.
Dahil sa inobliga ni Allāh na pagpapayo sa mga Muslim, paglilinaw sa isinabatas ni Allāh sa kanila sa Relihiyon, at pagbabawal sa pagkukubli ng kaalaman, nagsaalang-alang ako ng pagtawag-pansin sa mga kapatid kong mga Muslim sa bid`ah na ito na naglipana sa marami sa mga rehiyon hanggang sa nagpalagay rito ang ilan sa mga tao na bahagi ito ng Relihiyon.
Si Allāh ay ang hinihilingan na magsaayos sa mga kalagayan ng mga Muslim sa kalahatan at magkaloob sa kanila ng pagkaunawa sa Relihiyon at na magtuon sa amin at sa inyo sa pagkapit sa katotohanan, katatagan dito, at pagwaksi sa nakisalungatan dito; tunay na Siya ay ang Katangkilik doon at ang Nakakakaya roon.
Basbasan ni Allāh at pagpalain Niya ang Lingkod Niya at Sugo Niyang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito.
***
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Ikapitong Mensahe
Ang Kahatulan ng Pagdiriwang Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān
Ang papuri ay ukol kay Allāh na bumuo para sa atin ng Relihiyon at lumubos sa atin ng biyaya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta Niya at Sugo Niyang si Muḥammad na Propeta ng pagbabalik-loob at awa.
Sa pagpapatuloy, nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya):
﴿...ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ وَأَتۡمَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ نِعۡمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلۡإِسۡلَٰمَ دِينٗا...﴾
{... Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. ...} (Qur'ān 5:3) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَٰٓؤُاْ شَرَعُواْ لَهُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا لَمۡ يَأۡذَنۢ بِهِ ٱللَّهُ...﴾
{O nagkaroon ba sila ng mga katambal [kay Allāh] na nagsabatas para sa kanila sa relihiyon ng hindi pumayag dito si Allāh ...} (Qur'ān 42:21) Nasaad sa Ṣaḥīḥān ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan."} Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa talumpati niya sa araw ng Biyernes: "Hinggil sa matapos niyon, tunay na ang pinakamabuting sanaysay ay ang Aklat ni Allāh, ang pinakamabuting patnubay ay ang patnubay ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pinakamasama sa mga usapin ay mga pinausong katuruan sa mga ito, at ang bawat bid`ah ay kaligawan."} Ang mga talata at ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Ang mga ito ay nagpapatunay nang isang tahasang pagpapatunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay bumuo nga para sa Kalipunang ito ng Relihiyon nito at naglubos nga rito ng pagpapala Niya. Hindi pinapanaw ang Propeta ni Allāh (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) malibang matapos na nagpaabot siya ng malinaw na pagpapaabot at naglinaw siya para sa Kalipunan ng bawat isinabatas ni Allāh para rito na mga sinasabi at mga ginagawa. Nagbigay-linaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat ipinauuso ng mga tao matapos niya at inuugnay nila sa Relihiyong Islām na mga sinasabi at mga ginagawa ay pawang bid`ah na ibinabalik sa sinumang nagpauso nito, kahit pa man maganda ang pakay nito. Nakaalam nga sa bagay na ito ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at gayundin naman ang mga maalam ng Islām matapos nila sapagkat nagmasama sila sa mga bid`ah at nagbigay-babala sila laban sa mga ito gaya ng pagkabanggit niyon ng bawat sinumang umakda kaugnay sa pagdakila sa Sunnah at pagmamasama sa bid`ah gaya nina Ibnu Waḍḍāḥ, Aṭ-Ṭurṭūshīy, Abū Shāmah, at iba pa sa kanila.
Tunay na kabilang sa mga bid`ah na ipinauso ng ilan sa mga tao ang bid`ah ng pagdiriwang ng Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān at ang pagtatakda sa araw nito ng pag-aayuno samantalang wala roong patunay na pinapayagan ang pagsalig doon. May nasaad nga kaugnay sa kainaman nito na mga mahinang ḥadīth na hindi pinapayagan ang pagsalig sa mga iyon.
Hinggil sa nasaad kaugnay sa kainaman ng pagdarasal dito, ang lahat ng ito ay ginawa-gawa gaya ng pagkatawag-pansin doon ng marami sa mga alagad ng kaalaman. Darating ang pagbanggit ng ilan sa pananalita nila kung loloobin ni Allāh.
May nasaad kaugnay rito rin na mga ulat buhat sa ilan sa Kanunu-nunuan mula sa mga mamamayan ng Sirya at iba pa sa kanila.
Ang napagkaisahan ng mayoriya ng mga maalam ay na ang pagdiwang nito ay isang bid`ah at na ang mga ḥadīth na nasasaad sa kainaman nito ay pawang mahina at ang ilan sa mga ito ay ginawa-gawa. Kabilang sa tumawag-pansin doon ay si Ḥāfiḏ Ibnu Rajab sa aklat niyang Laṭā'if Al-Ma`ārif at iba pa rito. Nalalaman na ang mga mahinang ḥadīth ay isinasagawa lamang kaugnay sa mga pagsambang napagtibay ang pinag-ugatan ng mga ito sa pamamagitan ng mga tumpak na patunay. Hinggil naman sa pagdiwang ng Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān, wala itong isang tumpak na pinag-ugatan nang sa gayon magamit para rito sa pamamagitan ng mga tumpak na ḥadīth. Bumanggit nga sa kapita-pitagang panuntunang ito si Imām Abu Al-`Abbās na si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah (kaawaan siya ni Allāh).
Ako ay magpaparating sa iyo, O mambabasa, ng sinabi ng ilan sa mga alagad ng kaalaman kaugnay sa usaping ito nang sa gayon ikaw ay maging nasa isang malinaw na patunay roon.
Nagkaisa ang mga maalam (kaawaan sila ni Allāh) na ang kinakailangan ay ang pagsangguni ng pinaghidwaan ng mga tao na mga usapin sa Aklat ni Allāh (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya) at Sunnah ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang anumang inihatol ng dalawang ito o ng isa sa dalawang ito, ito ang batas na kinakailangang sundin. Ang anumang nakisalungatan sa dalawang ito, kinakailangan ang pagtulak doon. Ang anumang hindi nagsaad sa dalawang ito ng mga pagsamba, ito ay isang bid`ah na hindi pinapayagang gawin lalo na ang pag-aanyaya tungo rito at ang pagmamagaling dito. Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَأُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنكُمۡۖ فَإِن تَنَٰزَعۡتُمۡ فِي شَيۡءٖ فَرُدُّوهُ إِلَى ٱللَّهِ وَٱلرَّسُولِ إِن كُنتُمۡ تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ وَأَحۡسَنُ تَأۡوِيلًا59﴾
{O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may katungkulan mula sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay sumangguni kayo kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagsasakatuparan.} (Qur'ān 4:59) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَا ٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِيهِ مِن شَيۡءٖ فَحُكۡمُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ...﴾
{Ang anumang nagkaiba-iba kayo hinggil sa anumang bagay, ang kahatulan nito ay sa kay Allāh ...} (Qur'ān 42:10) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿قُلۡ إِن كُنتُمۡ تُحِبُّونَ ٱللَّهَ فَٱتَّبِعُونِي يُحۡبِبۡكُمُ ٱللَّهُ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡ...﴾
{Sabihin mo [O Propeta Muḥammad]: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo ...} (Qur'ān 3:31) Nagsabi pa Siya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿فَلَا وَرَبِّكَ لَا يُؤۡمِنُونَ حَتَّىٰ يُحَكِّمُوكَ فِيمَا شَجَرَ بَيۡنَهُمۡ ثُمَّ لَا يَجِدُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَرَجٗا مِّمَّا قَضَيۡتَ وَيُسَلِّمُواْ تَسۡلِيمٗا65﴾
{Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya hanggang sa nagpapahatol sila sa iyo sa anumang napagtalunan sa pagitan nila, pagkatapos hindi sila nakatatagpo sa mga sarili nila ng isang pagkaasiwa sa anumang inihusga mo at nagpapasakop sila nang isang pagpapasakop [na lubos].} (Qur'ān 4:65) Ang mga talata ng Qur'ān kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Ang mga ito ay teksto sa pagkakinakailangan ng pagsangguni sa Qur'ān at Sunnah ng mga usapin ng pagkakaibahan at pagkakinakailangan ng pagkalugod sa kahatulan ng dalawang ito at na iyon ay hinihiling ng pananampalataya, mabuti para sa mga tao sa madalian at matagalan, at pinakamaganda sa kahihinatnan.
Nagsabi si Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Rajab (kaawaan siya ni Allāh) sa aklat niyang Laṭā'if Al-Ma`ārif kaugnay sa usaping ito – matapos ng pananalitang nauna – ng sumusunod na ang teksto nito:
"Sa Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān, ang mga Tagasunod noon kabilang sa mga mamamayan ng Sirya gaya nina Khālid bin Ma`dān, Makḥūl, Luqmān bin `Āmir, at iba pa sa kanila ay dumadakila nito at nagsisipag dito sa pagsamba. Buhat sa kanila humango ang mga tao ng kainaman nito at pagdakila rito. Sinabi ngang tunay na may umabot sa kanila kaugnay roon na mga ulat na Isrā'īlīyah. Noong tumanyag iyon buhat sa kanila sa mga bayan, nagkaiba-iba ang mga tao kaugnay roon sapagkat mayroon sa kanila na tumanggap nito mula sa kanila at sumang-ayon sa kanila sa pagdakila rito, na may kabilang sa kanila na isang pangkating mula sa mga mananamba ng mga mamamayan ng Baṣrah at iba pa sa mga iyon. Nagmasama niyon ang higit na marami sa mga maalam ng Ḥijāz, na kabilang sa kanila sina `Aṭā' at Ibnu Abī Mulaykah. Nagparating nito si `Abdurraḥmān bin Zayd bin Aslam buhat sa mga hurista ng mga mamamayan ng Madīnah. Ito ang sabi ng mga kasamahan ni Mālik at iba pa sa kanila. Nagsabi sila na iyon sa kabuuan niyon ay bid`ah.
Nagkaiba-iba sa dalawang pahayag ang mga maalam ng mga mamamayan ng Sirya hinggil sa paraan ng pagdiwang nito:
Una: Na isinakaibig-ibig ang pagdaos nito ng isang konggregasyon sa mga masjid, na sa mga ito noon sina Khālid bin Ma`dān, Luqmān bin `Āmir, at iba pa sa kanila ay nagsusuot ng pinakamaganda sa mga damit nila, nag-iinsenso, naglalagay ng kohl sa mata, at nagdarasal sa masjid sa gabi nilang iyon. Nakisang-ayon naman sa kanila si Isḥāq bin Rāwayhi roon at nagsabi kaugnay sa pagdarasal sa gabi sa mga masjid sa isang konggregasyon na iyon daw ay hindi isang bid`ah. Nagparating nito si Ḥarb Al-Karmānīy sa mga usapin niya.
Ikalawa: Na kinasusuklaman ang pagtitipon dito sa mga masjid para sa pagdarasal, mga pagkukuwento, at pagdalangin samantalang hindi kinasusuklaman na magdasal ang lalaki roon para sa natatangi sa sarili niya. Ito ang sabi ni Al-Awzā`īy na imām ng mga mamamayan ng Sirya, hurista nila, at maalam nila. Ito ay ang pinakamalapit [sa tama] kung loloobin ni Allāh (napakataas Siya)." Hanggang sa nagsabi siya: "Walang nalalaman kay Imām Aḥmad na may isang pananalita kaugnay sa Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān. May naisasadokumento kaugnay sa pagsasakaibig-ibig sa pagdarasal sa gabi nito ayon sa kanya na dalawang [magkasalungat na] salaysay mula sa dalawang salaysay ayon sa kanya kaugnay sa pagdarasal sa dalawang gabi ng pagdiriwang sapagkat tunay na sa isang salaysay ay hindi isinakaibig-ibig ang pagdarasal sa gabi nito dahil ito ay hindi naiparating buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Kasamahan niya. Nagsakaibig-ibig naman siya ito sa isang salaysay dahil sa paggawa niyon ni `Abdurraḥmān bin Yazīd bin Al-Aswad, na kabilang sa mga Tagasunod. Gayundin ang pagdarasal sa gabi ng Kalagitnaan, walang napagtibay kaugnay rito na anuman ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ayon sa mga Kasamahan niya samantalang may napagtibay kaugnay rito ayon sa isang pangkatin ng mga Tagasunod kabilang sa mga prominente sa mga hurista ng mga mamamayan ng Sirya."
Nagwakas ang pinapakay mula sa pananalita ni Ḥāfiḏ Ibnu Rajab (kaawaan siya ni Allāh). Nasaad dito ang pagsasatahasan mula sa kanya na walang napagtibay ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ayon sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) na anuman kaugnay sa Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān.
Hinggil naman sa napili ni Al-Awzā`īy (kaawaan siya ni Allāh) na pagsasakaibig-ibig sa pagdarasal sa gabi nito para sa mga individuwal at pagkapili ni Ḥāfiḏ Ibnu Rajab sa sabing ito, iyon ay kataka-taka at mahina dahil ang bawat anumang hindi napagtibay sa pamamagitan ng mga patunay na pangkapahayagan sa pagiging ito ay isinasabatas ay hindi pinapayagan para sa Muslim na magpauso nito sa Relihiyon ni Allāh, maging ang paggawa man nito ay individuwal o sa isang konggregasyon at maging siya man ay naglihim nito o naghayag nito, batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos Namin, ito ay tatanggihan." at iba pa rito kabilang sa mga patunay na nagpapatunay sa pagmamasama sa mga bid`ah at pagbibigay-babala laban sa mga ito.
Nagsabi si Imām Abū Bakr Aṭ-Ṭurṭūshīy (kaawaan siya ni Allāh) sa aklat niya na Al-Ḥawādith Wa Al-Bida` ng sumusunod na ang teksto nito:
"Nagsalaysay si Ibnu Waḍḍāḥ ayon kay Zayd bin Aslam na nagsabi: Hindi kami nakaabot sa isa kabilang sa mga shaykh namin ni sa mga hurista namin na pumapansin sa [pagdiwang sa] Kalagitnaan ng Sha`bān, hindi pumapansin sa ḥadīth ni Makḥūl, at hindi nagtuturing para rito ng isang kainaman sa iba rito."
Sinabi kay Ibnu Abī Mulaykah: "Tunay na si Ziyād An-Numayrīy ay nagsasabi: "Tunay na ang pabuya sa Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān ay gaya ng pabuya sa Gabi ng Pagtatakda." Kaya nagsabi siya: "Kung sakaling nakarinig ako sa kanya samantalang sa kamay ko ay may patpat, talagang pinalo ko siya." Si Ziyād ay nagkukuwento. (Nagwakas ang pinapakay.)
Nagsabi ang pantas na si Ash-Shawkānīy (kaawaan siya ni Allāh) sa aklat na Al-Fawāid Al-Majmū`ah ng sumusunod na ang teksto nito:
Ang ḥadīth: "O `Alīy, ang sinumang nagdasal ng isandaang rak`ah sa Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān, na bumibigkas sa bawat rak`ah ng Kabanatang Al-Fātiḥah at Kabanatang Al-Ikhlāṣ nang sampung uli, tutugon si Allāh sa kanya sa bawat pangangailangan." Ito ay ginawa-gawa. Nasa mga pananalita nitong nagsasatahasan ng matatamo ng tagagawa nito na gantimpala ang hindi mag-aalangan ang isang taong may pagkatalos sa pagkagawa-gawa nito habang ang mga tagasalaysay nito ay mga di-nakikilala. Naisalaysay nga ayon sa paraan ng ikalawa at ikatlo na ang lahat ng mga ito ay ginawa-gawa at ang mga tagasalaysay ng mga ito ay mga di-kilala. Nagsabi siya sa Al-Mukhtaṣar: Ang ḥadīth ng pagdarasal sa Kalagitnaan ng Sha`bān ay kabulaanan. [Ang salaysay] batay kay Ibnu Ḥibbān mula sa ḥadīth ni `Alīy: "Kapag Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān, magdasal kayo sa gabi nito at mag-ayuno kayo sa maghapon nito" ay mahina. Nagsabi siya sa Al-La'āli': "Ang isandaang rak`ah sa [Gabi ng] Kalagitnaan ng Sha`bān nang may pagpapakawagas ay sampung ulit [ang gantimpala]" kasama ng haba ng kainaman nito. [Ang salaysay] batay kina Ad-Daylamīy at iba pa sa kanya ay ginawa-gawa. Ang mayoriya sa mga tagasalaysay nito sa tatlong paraan ay mga di-kilalang mahihina. Nagsabi siya: "Ang labindalawang rak`ah nang may pagpapakawagas ay tatlumpung ulit [ang gantimpala]" ay ginawa-gawa. "Ang labing-apat na rak`ah ..." ay ginawa-gawa.
May nalinlang nga dahil sa ḥadīth na ito na isang pangkat ng mga hurista gaya ng may-akda ng Al-Iḥyā' at iba pa sa kanya at gayon din may kabilang sa mga tagapagpakahulugan [ng Qur'ān]. Naisalaysay nga ang pagdarasal sa gabing ito – tumutukoy ako sa Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān – sa magkakaiba-ibang dako, na ang lahat ng mga ito ay kabulaanang ginawa-gawa. Hindi nagkakaila ito sa salaysay ni Imām At-Tirmidhīy mula sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ng pagpunta niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Al-Baqī` at pagbaba ng Panginoon sa Gabi ng Kalagitnaan [ng Sha`bān] sa langit ng Mundo at na Siya ay nagpapatawad sa higit na marami kaysa sa bilang ng buhok ng mga tupa ng aso sapagkat tunay na ang pananalita ay tanging sa ginawa-gawang pagdarasal na ito sa gabing ito. Gayon pa man ang ḥadīth na ito ni `Ā'ishah ay may kahinaan kung paanong ang ḥadīth ni `Alīy na nauna ang pagkabanggit kaugnay sa pagdarasal sa gabi nito ay hindi nagkakaila sa pagiging ang pagdarasal na ito ay ginawa-gawa dahil sa taglay nito na kahinaan alinsunod sa binanggit natin. (Nagwakas ang pinapakay.)
Nagsabi si Ḥāfiḏ Al-`Irāqīy: "Ang ḥadīth ng pagdarasal sa Gabi ng Kalagitnaan ay ginawa-gawa hinggil sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at kasinungalingan laban sa kanya." Nagsabi si Imām An-Nawawīy sa aklat na Al-Majmū`: "Ang pagdarasal na kilala bilang pagdarasal ng mga pagnanais, na labindalawang rak`ah sa pagitan ng maghrib at `ishā' sa gabi ng kauna-unahang Biyernes ng Rajab, at ang pagdarasal sa Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān ng isandaang rak`ah, ang dalawang pagdarasal na ito ay mga bid`ah na minamasama. Huwag malinlang dahil sa pagkabanggit nito sa aklat na Qūt Al-Qulūb at Iḥyā' `Ulūm Ad-Dīn ni sa ḥadīth na nabanggit kaugnay sa dalawang ito sapagkat tunay na ang lahat ng iyon ay walang-saysay. Huwag malinlang sa isa na nalilito sa kahatulan sa dalawang ito mula sa mga imām, na may naisulat na mga pahina kaugnay sa pagsasakaibig-ibig sa pagsasagawa ng dalawang ito, sapagkat tunay na siya ay nagkamali roon."
Nag-akda nga si Shaykh Imām Abū Muḥammad `Abdurraḥmān bin Ismā`īl Al-Maqdisīy ng isang mahal na aklat hinggil sa pagpapabula sa dalawang ito saka nagpakahusay siya rito at nagpakagaling. Ang pananalita ng mga alagad ng kaalaman hinggil sa usaping ito ay lubhang marami. Kung sakaling nagpatuloy tayo na nagpaparating sa bawat napag-alaman natin na pananalita hinggil sa usaping ito, talaga sanang tumagal sa atin ang pagsasalita. Marahil sa binanggit natin ay may kasapatan at pagkumbinsi sa naghahanap ng katotohanan.
Mula sa pagtatalakay sa naunang nabanggit na mga talata, mga ḥadīth, at pananalita ng mga alagad ng kaalaman, lumiliwanag sa naghahanap ng katotohanan na ang pagdiwang ng Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān sa pamamagitan ng pagdarasal at iba pa rito at ang pagtatakda ng pag-aayuno sa araw nito ay bid`ah na minamasama sa ganang higit na marami sa mga may kaalaman. Wala itong pinag-ugatan sa Batas na dinalisay; bagkus ito ay kabilang sa nangyari sa Islām matapos ng panahon ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila). Nakasasapat sa naghahanap ng katotohanan kaugnay sa paksang ito at iba pa rito ang sabi ni Allāh (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿...ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ...﴾
{... Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo ...} (Qur'ān 5:3) Gayundin ang nasaad kaugnay sa kahulugan nito mula sa mga talata at sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan." Gayundin ang nasaad kaugnay sa kahulugan nito mula sa mga talata at sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong magtangi sa gabi ng Biyernes ng pagdarasal sa gitna ng mga gabi at huwag kayong magtangi sa araw nito ng pag-aayuno sa gitna ng mga araw maliban na ito ay maging nasa isang pag-aayunong [nakahiratiang] inaayuno ng isa sa inyo."} Kung sakaling ang pagtatakda sa isang anuman mula sa mga gabi nito ng isang anuman mula sa pagsamba ay naging pinapayagan, talaga sanang ang gabi ng Biyernes ay higit na marapat kaysa sa iba pa roon dahil ang araw niyon ay pinakamabuting araw na sumikat doon ang araw ayon sa teksto ng mga tumpak na ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Yayamang nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagtatakda rito ng pagdarasal sa gitna ng mga gabi, nagpatunay iyon na ang iba pa rito na mga gabi sa isang punto ay higit na marapat. Hindi pinapayagan ang pagtatakda sa isang anuman mula sa mga ito ng isang anuman mula sa pagsamba malibang may isang tumpak na patunay na nagpapatunay sa pagtatakda.
Yayamang ang Gabi ng Pagtatakda at ang mga gabi ng Ramaḍān ay isinasabatas ang pagdarasal sa mga ito at ang pagsisipag sa mga ito, tumawag-pansin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) doon, humimok siya sa pagdarasal sa mga ito, gumawa siya niyon mismo gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥān ayon sa kanya na siya ay nagsabi: "Ang sinumang nagdasal sa gabi ng Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad sa kanya sa anumang nauna na pagkakasala niya. Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad sa kanya sa anumang nauna na pagkakasala niya." Kaya kung sakaling ang Gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān o ang kauna-unahang gabi ng Biyernes ng Rajab o ang Gabi ng Isrā' at Mi`rāj ay isinasabatas ang pagtatakda sa mga ito ng isang pagdiriwang o ng isang anuman mula sa pagsamba, talaga sanang gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunang Islām tungo roon o gumawa siya mismo nito. Kung sakaling may naganap na isang anuman mula roon, talaga sanang nagparating nito ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Kalipunang Islām at hindi sila nagkubli nito sa mga iyon. Sila ay ang pinakamabuti sa mga tao at ang pinakamapagpayo sa mga tao matapos ng mga propeta (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga). Malugod si Allāh sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at magpalugod Siya sa kanila.
Nakaalam ka nga kanina mula sa pananalita ng mga maalam na walang napagtibay ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ayon sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) na isang anuman kaugnay sa kainaman ng kauna-unahang gabi ng Biyernes ng Rajab ni kaugnay sa gabi ng Kalagitnaan ng Sha`bān, kaya naman nalaman na ang pagdiwang ng dalawang ito ay bid`ah na pinauso sa Islām, at gayon din, ang pagtatakda rito ng isang anuman mula sa pagsamba ay bid`ah na minamasama. Gayon din, ang gabi ng ikadalawampu't pito ng Rajab, na naniniwala ang ilan sa mga tao na ito ay gabi ng Isrā' at Mi`rāj, ay hindi pinapayagan ang pagtatakda rito ng isang anuman mula sa pagsamba kung paanong hindi pinapayagan ang pagdiwang dito batay sa mga patunay na nauna. Ito ay kung sakaling nalaman. Kaya naman papaano na samantalang ang tumpak mula sa mga sinasabi ng mga maalam na ito ay hindi nalalaman? Ang sabi ng sinumang nagsabi na ito ay sa gabi ng ikadalawampu't pito ng Rajab ay isang bulaang sabi na walang pundasyon sa mga tumpak na ḥadīth. Talaga ngang nagpakahusay ang sinumang nagsabi:
"Ang pinakamabuti sa mga bagay-bagay ay ang mga nauuna sa patnubay at ang pinakamasama sa mga bagay-bagay ay ang mga pinausong kahanga-hanga."
Si Allāh ay ang hinihilingan na magtuon sa atin at sa nalalabi sa mga Muslim sa pagkapit sa Sunnah, katatagan dito, at pag-iingat sa anumang nakisalungatan dito; tunay na Siya ay Galante, Marangal.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Lingkod Niya at Sugo Niyang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang sama-sama.
***
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Ikawalong Mensahe:
Mahalagang Pagtawag-pansin sa Kasinungalingan ng Tagubiling Iniugnay
Ni Shaykh Aḥmad na Tagapagsilbi ng Pampropetang Marangal na Ḥaram
Mula kay `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz tungo sa sinumang sa makaaalam nito kabilang sa mga Muslim. Ingatan sila ni Allāh dahil sa Islām at kupkupin Niya kami at kayo laban sa kasamaan ng mga ginawa-gawa ng mga mangmang na masa. Āmīn.
Kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagbabala Niya.
Sa pagpapatuloy, nakaalam nga ako sa isang pananalitang inuugnay kay Shaykh Aḥmad na Tagapagsilbi ng Pampropetang Marangal na Ḥaram na may pamagat na: Tagubilin Mula sa Madīnah Munawwarah buhat kay Shaykh Aḥmad na Tagapagsilbi ng Pampropetang Marangal na Ḥaram, na nagsabi siya rito:
"Ako minsan ay nagpupuyat isang gabi ng Biyernes habang bumibigkas ng Marangal na Qur'ān. Matapos ng pagbigkas ng pagbasa ng mga pinakamagagandang pangalan ni Allāh; saka noong nakatapos ako niyon at nakapaghanda ako para matulog, nakita ko ang Tagapagtaglay ng Magarang Anyo, ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na nagdala ng mga talata ng Qur'ān at mga patakarang marangal bilang awa sa mga nilalang, ang pinapanginoon nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi siya: O Shaykh Aḥmad! Nagsabi naman ako: Bilang pagtugon sa iyo, O Sugo ni Allāh, O Pinakamarangal sa nilikha ni Allāh! Saka nagsabi siya sa akin: Ako ay hiyang-hiya sa mga pangit na gawain ng mga tao. Hindi ako nakakaya na humarap sa Panginoon ko ni sa mga anghel dahil mula Biyernes hanggang sa Biyernes, namamatay ang isandaan at animnapung libo sa iba pa sa Relihiyong Islām. Pagkatapos bumanggit siya ng ilan sa kinasadlakan ng mga tao na mga pagsuway. Pagkatapos nagsabi siya: Kaya ang tagubiling ito ay awa sa kanila mula [kay Allāh,] ang Makapangyarihan, ang Palasupil. Pagkatapos bumanggit siya ng ilan sa mga palatandaan ng Huling Sandali hanggang sa nagsabi siya: Kaya ipabatid mo sa kanila, O Shaykh Aḥmad, ang tagubiling ito dahil ito ay ipinararating sa pamamagitan ng panulat ng Pagtatakda mula sa Tablerong Pinag-iingatan. Ang sinumang magsusulat nito at magpapadala nito mula sa isang bayan patungo sa isang bayan at mula sa isang lugar patungo sa isang lugar ay pagpapatayuan ng isang palasyo sa Paraiso at ang sinumang hindi magsusulat nito at hindi magpapadala nito ay pagkakaitan ng Pamamagitan ko sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang magsusulat nito at siya ay maralita, magpapayaman sa kanya si Allāh; o siya ay nagkautang, magbabayad si Allāh ng utang niya; o sa kanya ay may pagkakasala, magpapatawad si Allāh sa kanya at sa mga magulang niya dahil sa pagpapala ng tagubiling ito. Ang sinumang hindi magsusulat nito kabilang sa mga lingkod ni Allāh, mangingitim ang mukha niya sa Mundo at Kabilang-buhay. Nagsabi pa siya: Sumpa man kay Allāh, ang Dakila, nang makatatlo, ito ay katotohanan. Kung sakaling ako ay naging sinungaling, palalabasin ako mula sa Mundo sa iba pa sa Islām. Ang sinumang maniniwala rito ay maliligtas mula sa pagdurusa sa Apoy at ang sinumang magpapasinungaling dito ay tumangging sumampalataya."
Ito ay ang buod ng nasa tagubiling ipinansinungaling sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Talaga ngang narinig namin ang tagubiling ipinansinungaling na ito nang maraming ulit magmula ng ilang taon, na ipinalalaganap sa gitna ng mga tao sa tuwi-tuwina at inilalako sa gitna ng marami sa madla. Sa mga pananalita nito ay may pagkakaiba-iba. Ang sinungaling nito ay nagsasabi: Tunay na siya ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkatulog saka nagdala sa kanya ng tagubiling ito. Sa huling pagkalathala na ito na binanggit namin sa iyo, O mambabasa, nag-angkin dito ang tagagawa-gawa na siya ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang nakapaghanda siya sa pagtulog, kaya naman ang kahulugan ay siya ay nakakita rito samantalang gising!
Nag-angkin ang tagagawa-gawang ito sa tagubiling ito ng maraming bagay. Ang mga ito ay kabilang sa pinakamaliwanag na kasinungalingan at pinakamalinaw na kabulaanan. Tatawag-pansin ako sa iyo sa mga ito mamaya kaugnay sa pananalitang ito kung loloobin ni Allāh. Talaga ngang tumawag-pansin ako sa mga ito sa mga nagdaang taon. Naglinaw ako sa mga tao na ito ay bahagi ng pinakamaliwanag na kasinungalingan at pinakamalinaw na kabulaanan. Noong nakabatid ako sa huling lathala, nag-atubili ako sa pagsusulat tungkol dito dahil sa pagkahayag ng pagkabulaan nito at kasukdulan ng kapangahasan ng tagagawa-gawa nito sa pagsisinungaling. Hindi ako dati nagpapalagay na ang pagkabulaan nito ay mailalako sa sinumang may pinakamababang pagkatalos o matinong naturalesa. Subalit nagpabatid sa akin ang marami sa mga kapatid na ito ay nailako na sa marami sa mga tao. Nagpasa-pasahan sila nito sa gitna nila at naniniwala rito ang ilan sa kanila. Kaya alang-alang doon, nagturing ako na naoobliga sa mga tulad ko ang magsulat tungkol dito para sa paglilinaw sa pagkabulaan nito, at na ito ay gawa-gawa laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang sa gayon walang malinlang dito na isa man. Ang sinumang nagbulay-bulay kabilang sa mga may alam at pananampalataya o mga may matinong naturalesa at tumpak na pag-iisip, makaaalam siya na ito ay isang kasinungalingan at isang gawa-gawa sa maraming punto.
Talaga ngang nagtanong ako sa ilan sa mga kamag-anak ni Shaykh Aḥmad na pinag-uugnayan ng paninirang-puring ito tungkol sa tagubiling ito. Sumagot naman ito sa akin na ito ay ipinansinungaling laban kay Shaykh Aḥmad at na siya ay hindi nagsabi nito sa simula pa. Ang nabanggit na si Shaykh Aḥmad ay namatay na noon pa. Kung sakaling magpapalagay tayo na ang nabanggit na si Shaykh Aḥmad o ang sinumang higit na matanda kaysa sa kanya ay nag-angkin na siya ay nakakita sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nasa pagkatulog o pagkagising at nagtagubilin sa kanya ng tagubiling ito, talagang nakaalam tayo nang tiyakan na siya ay sinungaling; o na ang nagsabi sa kanya niyon ay isang demonyo at hindi ito ang Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dahil sa maraming punto, na kabilang sa mga ito:
Una. Na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakikita habang nasa pagkagising matapos ng pagpanaw niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang sinumang nag-angkin kabilang sa mga mangmang ng Sufismo na siya ay nakakikita sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) habang nasa pagkagising o na ito ay dumadalo sa kaarawan o anumang nakawangis niyon, nagkamali nga siya ng pinakapangit na pagkakamali, pinalito siya nang sukdulang pagpapalito, nasadlak siya sa isang mabigat na kamalian, at sumalungat siya sa Qur'ān, Sunnah, at Ijmā` ng mga alagad ng kaalaman dahil ang mga patay ay lalabas lamang mula sa mga libingan nila sa Araw ng Pagbangon hindi sa Mundo. Ang sinumang nagsabi ng kasalungatan niyon, siya ay nagsisinungaling nang maliwanag na pagsisinungaling o nagkakamaling nililito, na hindi nakaaalam ng katotohanan na nalaman ng Maayos na Kanunu-nunuan at nakasanayan ng mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga Tagasunod nila sa paggawa ng maganda. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
﴿ثُمَّ إِنَّكُم بَعۡدَ ذَٰلِكَ لَمَيِّتُونَ15 ثُمَّ إِنَّكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ تُبْعَثُونَ16﴾
{Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay.
Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin.} (Qur'ān 23:15-16) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ako ay kauna-unahan sa sinumang mabibiyak para sa kanya ang libingan sa Araw ng Pagbangon. Ako ay kauna-unahang tagapamagitan at kauna-unahang pamamagitanin." Ang mga talata at ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Ikalawa. Na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagsasabi ng kasalungatan ng katotohanan: hindi sa sandali ng buhay niya at hindi sa sandali ng pagkapanaw niya. Ang tagubiling ito ay sumasalungat sa Batas niya nang hayagang pagsalungat. Iyon ay sa maraming punto gaya ng sa darating na pagtatalakay, na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay maaaring makita habang nasa pagkatulog. Ang sinumang nakakita sa kanya habang nasa sandali ng pagtulog ayon sa marangal na anyo niya ay nakakita nga sa kanya dahil ang demonyo ay hindi nakapagsasalarawan ng anyo niya gaya ng pagkakasaad niyon ng tumpak na marangal na ḥadīth subalit ang usaping buong usapin ay nasa pananampalataya ng nakakikita, katapatan nito, katarungan nito, kawastuhan nito, pagrerelihiyon nito, pagkamapagkakatiwalaan nito, at kung nakita kaya nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anyo niya o sa iba pa riyan.
Kung sakaling may nasaad ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang ḥadīth na sinabi niya sa sandali ng buhay niya ayon sa iba pa sa paraan ng mga katiwa-tiwalang makatarungan nakawawasto, hindi ito sasaligan at hindi ito ipangangatwiran, o may nasaad ayon sa paraan ng mga katiwa-tiwalang nakawawasto subalit ito ay sumasalungat sa salaysay ng sinumang higit na mapagsaulo kaysa sa kanila o higit na katiwa-tiwala sa pagsalungat na hindi maaari roon ang pagtutugma sa pagitan ng dalawang salaysay, talaga sanang ang una sa dalawa ay naging isang napawalang-bisang hindi maisasagawa samantalang ang ikalawa naman ay naging isang tagapagpawalang-bisang maisasagawa yayamang naisaposible iyon dahil sa mga kundisyon niyon. Kapag hindi naisaposible ang pagtutugma ni ang pagpapawalang-bisa, kinakailangan na isaisang-tabi ang salaysay ng sinumang higit na kaunti sa pagkasaulo at higit na mababa sa katarungan at ang paghatol dito na ito ay isang kakaiba na hindi maisasagawa.
Kaya papaano na sa isang tagubiling hindi nakikilala ang may-ari nito na nagparating nito buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi nakikilala ang katarungan niya at pagkamapagkakatiwalaan niya. Ito, habang ang kalagayang ay iyan, ay isang reyalidad na isinasaisang-tabi at hindi pinapansin, kahit pa hindi nagkaroon dito ng isang anumang sumasalungat sa Kapahayagan. Kaya naman papaano na kapag ang tagubilin ay naging isang nakasasaklaw sa maraming bagay na nagpapahiwatig sa kawalang-saysay nito at na ito ay ipinansinungaling laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at naglalaman ng isang pagbabatas ng isang relihiyong hindi pinayagan ni Allāh?
Nagsabi nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsabi laban sa akin ng hindi ko sinabi, lumuklok siya sa upuan niya mula sa Impiyerno." Nagsabi nga ang tagagawa-gawa ng tagubiling ito laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng hindi sinabi niya at nagsinungaling ito hinggil sa kanya ng isang tahasang mapanganib na pagsisinungaling. Kaya napakamarapat siya sa mabigat na bantang ito at napakakarapat-dapat siya rito kung hindi siya nagdali-dali sa pagbabalik-loob at naglathala sa mga tao ng kasinungalingan ng tagubiling ito laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil ang sinumang naglathala ng isang kabulaanan sa gitna ng mga tao at nag-ugnay nito sa Relihiyon, hindi matutumpak ang pagbabalik-loob niya mula roon malibang sa pamamagitan ng pagpapahayag nito at paglalantad nito nang sa gayon makaalam ang mga tao ng pagbabalik niya palayo sa kasinungalingan niya at pagpapasinungaling niya sa sarili niya, batay sa sabi ni Allāh (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡتُمُونَ مَآ أَنزَلۡنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلۡهُدَىٰ مِنۢ بَعۡدِ مَا بَيَّنَّٰهُ لِلنَّاسِ فِي ٱلۡكِتَٰبِ أُوْلَٰٓئِكَ يَلۡعَنُهُمُ ٱللَّهُ وَيَلۡعَنُهُمُ ٱللَّٰعِنُونَ159 إِلَّا ٱلَّذِينَ تَابُواْ وَأَصۡلَحُواْ وَبَيَّنُواْ فَأُوْلَٰٓئِكَ أَتُوبُ عَلَيۡهِمۡ وَأَنَا ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُ160﴾
{159. Tunay na ang mga nagtatago ng anumang pinababa na mga malinaw na patunay at patnubay [tungkol sa Propeta] matapos na naglinaw nito sa Kasulatan, ang mga iyon ay isinusumpa ni Allāh at isinusumpa ng mga tagasumpa.
160. Maliban sa mga nagbalik-loob, nagpakaayos, at naglinaw [ng katotohanan] sapagkat ang mga iyon ay tatanggapan Ko ng pagbabalik-loob at Ako ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maaawain.} (Qur'ān 2:159-160) Nagbigay-liwanag Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa marangal na talatang ito na ang sinumang nagkubli ng anuman mula sa katotohanan, hindi matutumpak ang pagbabalik-loob niya mula roon malibang matapos ng pagsasaayos at paglilinaw. Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay bumuo na para sa mga lingkod Niya ng Relihiyon at lumubos sa kanila ng biyaya dahil sa pagpapadala ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) at pagkasi Niya rito ng buong Kapahayagan. Hindi Niya kinuha ang Propeta kinuha sa piling Niya malibang matapos ng pagkabuo at pagkalinaw [ng Relihiyon] gaya ng sinabi Niya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):
﴿...ٱلۡيَوۡمَ أَكۡمَلۡتُ لَكُمۡ دِينَكُمۡ وَأَتۡمَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ نِعۡمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ ٱلۡإِسۡلَٰمَ دِينٗا...﴾
{... Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon. ...} (Qur'ān 5:3)
Ang tagagawa-gawa ng tagubiling ito ay dumating nga sa ikadalawampung siglo. Nagnanais siya na magpalito sa mga tao ng isang bagong relihiyon, na ireresulta rito ang pagpasok sa Paraiso ng sinumang sumunod sa Batas niya at ang pagkakait ng Paraiso at ang pagpasok sa Impiyerno ng sinumang hindi sumunod sa Batas niya. Nagnanais siya na gumawa sa tagubiling ito, na ginawa-gawa niya, na maging higit na dakila kaysa sa Qur'ān at higit na mainam yayamang gumawa-gawa siya ng kasinungalingan dito na ang sinumang magsusulat nito at magpapadala nito mula sa isang bayan patungo sa isang bayan at mula sa isang lugar patungo sa isang lugar ay pagpapatayuan ng isang palasyo sa Paraiso at ang sinumang hindi magsusulat nito at hindi magpapadala nito ay pagkakaitan ng Pamamagitan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng Pagbangon. Ito ay kabilang sa pinakapangit na kasinungalingan at pinakamaliwanag sa mga katunayan sa kasinungalingan ng tagubiling ito, kakauntian ng hiya ng tagagawa-gawa nito, at kasukdulan ng kapangahasan niya sa pagsisinungaling dahil ang sinumang nagsulat ng Marangal na Qur'ān at nagpadala nito mula sa isang bayan patungo sa isang bayan o mula sa isang lugar patungo sa isang lugar ay hindi magpapatamo sa kanya ng kainamang ito kapag hindi siya nagsagawa ayon sa Marangal na Qur'ān, kaya papaanong magpapatamo niyan sa tagasulat ng paninirang-puring ito at tagapagparating nito mula sa isang bayan patungo sa isang bayan? Ang sinumang hindi nagsulat ng Qur'ān at hindi nagpadala nito mula sa isang bayan patungo sa isang bayan ay hindi pagkakaitan ng Pamamagitan ng Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) kapag siya ay isang mananampalataya rito, na isang tagasunod sa Batas nito. Ang nag-iisang paninirang-puring ito sa tagubiling ito ay nakasasapat nang mag-isa para sa katunayan sa kabulaanan nito, kasinungalingan ng tagapaglathala nito, kawalang-hiyaan niya, kabobohan niya, at kalayuan niya sa pagkakaalam sa inihatid ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na patnubay.
Sa tagubiling ito – maliban pa sa nabanggit – ay may mga iba pang bagay-bagay, na ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay sa kabulaanan nito at kasinungalingan nito, kahit pa man nanumpa ang tagagawa-gawa nito nang isang libong panunumpa sa katumpakan nito o higit pa at kahit pa man dumalangin siya laban sa sarili niya ng pinakamabigat na pagdurusa at pinakamatinding parusa, na siya raw ay tapat, hindi siya magiging tapat at hindi ito magiging tumpak; bagkus ito – sumpa man kay Allāh pagkatapos sumpa man kay Allāh – ay kabilang sa pinakamabigat at pinakapangit na kabulaanan at kami ay nagpapasaksi kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at sinumang nakadalo sa amin kabilang sa mga anghel. Ang sinumang nakabatid sa pagkasulat na ito kabilang sa mga Muslim – bilang pagsaksi na iuukol natin sa Panginoon natin (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya) – na ang tagubiling ito ay isang kasinungalingan at isang paggawa-gawa laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), magpapahiya si Allāh sa sinumang nagsinungaling nito at makikitungo Siya rito ayon sa naging karapat-dapat ito.
May nagpapatunay sa kasinungalingan ng tagubiling ito at kabulaanan nito, maliban pa sa naunang nabanggit, na maraming usapin mula sa teksto nito na binanggit, na kabilang sa mga ito:
Ang Unang Usapin. Ang sabi niya rito: "dahil mula Biyernes hanggang sa Biyernes, namamatay ang isandaan at animnapung libo sa iba pa sa Relihiyong Islām," dahil ito ay bahagi ng kaalaman sa Nakalingid at ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naputulan na ng pagkasi matapos ng pagpanaw niya habang siya naman sa sandali ng buhay niya ay hindi nakaaalam sa Nakalingid, kaya papaano na matapos ng pagpanaw niya? Batay ito sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿قُل لَّآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ...﴾
Sabihin mo: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid... (Qur’an 6:50) Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):
﴿قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُ...﴾
Sabihin mo: "Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang nakalingid maliban kay Allāh... (Qur'ān 27:65) Nasaad sa tumpak na ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: {May itataboy na mga tao palayo sa lawa ko sa Araw ng Pagbangon. Kaya naman magsasabi ako: "O Panginoon, mga Kasamahan ko, mga Kasamahan ko sila." Kaya sasabihin sa akin: "Tunay na ikaw ay hindi nakaaalam sa pangyayarihin nila matapos mo." Kaya magsasabi ako ng gaya ng sinabi ng maayos na lingkod: {Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi.}(Qur'ān 5:117)}
Ang Ikalawang Usapin. Kabilang sa mga bagay-bagay na nagpapatunay sa kabulaanan ng tagubiling ito at na ito ay isang kasinungalingan ang sabi niya rito: "Ang sinumang magsusulat nito at siya ay maralita, magpapayaman sa kanya si Allāh; o siya ay nagkautang, magbabayad si Allāh ng utang niya; o sa kanya ay may pagkakasala, magpapatawad si Allāh sa kanya at sa mga magulang niya dahil sa pagpapala ng tagubiling ito." Ito ay kabilang sa pinakamabigat na kasinungalingan at pinakamaliwanag sa mga katunayan sa kasinungalingan ng tagagawa-gawa nito at kakauntian ng hiya niya kay Allāh at sa mga lingkod Nito dahil ang tatlong bagay na ito ay hindi nagpapatamo dahil lamang sumulat ng Marangal na Qur'ān, kaya naman papaanong nagpapatamo iyan sa sinumang sumulat ng bulaang tagubiling ito? Nagnanais lamang ang karima-rimaring taong ito ng pagpapalito sa mga tao at pagpapahumaling sa kanila sa tagubiling ito nang sa gayon magsulat sila nito, mahumaling sila sa inaangking kainamang ito, at magwaksi sila ng mga kadahilanan na isinabatas ni Allāh para sa mga lingkod Niya at ginawa Niya na tagapagpaabot sa pagkayaman, pagkabayad ng utang, at pagkapatawad ng mga pagkakasala. Kaya naman nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa mga kadahilanan ng pagkatatwa at pagtalima sa pithaya at demonyo.
Ang Ikatlong Usapin. Kabilang sa mga bagay na nagpapatunay sa kabulaanan ng tagubiling ito ang sabi niya rito: "Ang sinumang hindi magsusulat nito kabilang sa mga lingkod ni Allāh, mangingitim ang mukha niya sa Mundo at Kabilang-buhay." Ito rin ay kabilang sa pinakapangit na kasinungalingan at kabilang sa pinakamalinaw sa mga patunay sa kabulaanan ng tagubiling ito at kasinungalingan ng tagagawa-gawa nito. Papaanong pinapayagan sa isang isip na nakapag-iisip na magsulat ng tagubiling ito na inihatid ng isang lalaking di-nakikilala sa ikadalawampung siglo, na gumagawa-gawa nito laban sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nag-aangkin na ang sinumang hindi magsusulat nito ay mangingitim ang mukha niya sa Mundo at Kabilang-buhay at ang sinumang sumulat nito ay magiging mayaman matapos ng karalitaan, ligtas sa utang matapos ng pagkapatung-patong nito sa kanya, at pinatawad sa nakamit na mga pagkakasala?
Kaluwalhatian sa Iyo! Ito ay isang mabigat na paninirang-puri. Tunay na ang mga patunay at ang reyalidad ay sumasaksi sa kasinungalingan ng tagagawa-gawang ito, kasukdulan ng kapangahasan niya kay Allāh, at kakauntian ng hiya niya kay Allāh at sa mga tao. Mayroong maraming kalipunang hindi nagsulat nito saka hindi naman nangitim ang mga mukha nila. Dito ay may sangkatutak na pagkatipong walang nakabibilang sa kanila kundi si Allāh, na sumulat nga nito nang maraming ulit saka hindi naman nabayaran ang utang nila at hindi natigil ang karalitaan nila. Kaya naman nagpapakupkop tayo kay Allāh laban sa pagliko ng mga puso at pagkamantsa ng mga pagkasala. Ang mga ito ay mga katangian at mga ganting hindi inihatid ng marangal na kapahayagan sa sinumang sumulat ng pinakamainam at pinakadakilang aklat, ang Marangal na Qur'ān, kaya papaanong magpapatamo sa sinumang sumulat ng isang tagubiling ipinansinungaling na naglalaman ng mga uri ng kabulaanan at maraming pangungusap ng mga uri ng kawalang-pananampalataya? Kaluwalhatian kay Allāh! Napakamatimpiin Siya sa sinumang nangahas sa Kanya ng pagsisinungaling.
Ang Ikatlong Usapin. Kabilang sa mga bagay na nagpapatunay na ang tagubiling ito ay bahagi ng pinakabulaang kabulaanan at pinakamaliwanag na kasinungalingan ang sabi niya rito: "Ang sinumang maniniwala rito ay maliligtas mula sa pagdurusa sa Apoy at ang sinumang magpapasinungaling dito ay tumangging sumampalataya." Ito rin ay kabilang sa pinakasukdulang kapangahasan sa pagsisinungaling at kabilang sa pinakapangit na kabulaanan. Nag-aanyaya ang tagagawa-gawang ito sa lahat ng mga tao na maniwala sa paninirang-puri niya at nag-aangkin siya na sila sa pamamagitan niyon ay maliligtas mula sa pagdurusa sa Apoy at na ang sinumang magpapasinungaling dito ay tumangging sumampalataya. Talaga ngang nagpakasukdulan – sumpa man kay Allāh – ang palasinungaling na ito sa paninirang-puri kay Allāh. Nagsabi siya, sumpa man kay Allāh, ng iba pa sa totoo. Tunay na ang sinumang naniwala rito, tunay na siya ay ang nagiging karapat-dapat na maging isang tagatangging sumampalataya, hindi ang sinumang nagpasinungaling dito dahil ito ay isang paninirang-puri, kabulaanan, at kasinungalingang walang pundasyon mula sa katumpakan. Tayo ay nagpapasaksi kay Allāh na ito ay kasinungalingan at na ang tagagawa-gawa nito ay palasinungaling, na nagnanais na magsabatas para sa mga tao ng hindi pinayagan ni Allāh at magpasok sa Relihiyon nila ng hindi bahagi nito samantalang si Allāh ay bumuo na ng Relihiyon at lumubos na nito para sa Kalipunang Islām labing-apat na siglo bago pa man ng paninirang-puring ito. Kaya magpakamapagmatyag kayo, O mga mambabasa at mga kapatid. Kaingat kayo sa paniniwala sa mga tulad ng mga paninirang-puring ito at na magkaroon ito ng pagtataguyod sa gitna ninyo sapagkat tunay na ang totoo ay may liwanag dito na hindi nagpapalito sa tagahanap nito. Hanapin ninyo ang totoo sa pamamagitan ng patunay nito. Magtanong kayo sa mga alagad ng kaalaman tungkol sa nagpasuliranin sa inyo. Huwag kayong manlinlang ng panunumpa ng mga palasinungaling sapagkat sumumpa nga si Satanas, ang kasumpa-sumpa, sa mga magulang ninyo na sina Adan at Eva na siya sa kanilang dalawa ay kabilang sa mga tagapagpayo samantalang siya ay ang pinakasukdulan sa mga taksil at ang pinakasinungaling sa mga palasinungaling, gaya ng pagsanaysay ni Allāh niyon sapagkat nagsabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿وَقَاسَمَهُمَآ إِنِّي لَكُمَا لَمِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ21﴾
Nakipagsumpaan siya sa kanilang dalawa: "Tunay na ako para sa inyong dalawa ay kabilang sa mga tagapagpayo." (Qur'ān 7:21) Kaya mag-ingat kayo sa kanya at mag-ingat kayo sa mga tagasunod niya kabilang sa mga tagagawa-gawa sapagkat kay rami sa kanya at sa kanila ng mga sinungaling na panunumpa, mga kasunduang taksil, at mga pinalamutiang sinasabi para sa pagpapalisya at pagliligaw. Hinggil naman sa binanggit ng tagagawa-gawang ito na paglitaw ng mga nakasasama, ito ay isang bagay na nagaganap. Ang Marangal na Qur'ān at ang Dinalisay na Sunnah ay nagbigay-babala na laban sa mga ito nang sukdulang pagbibigay-babala. Nasa dalawang ito ang kapatnubayan at kasapatan.
Hinggil naman sa binanggit niya tungkol sa mga palatandaan ng Huling Sandali, nagbigay-liwanag na ang mga pampropetang ḥadīth ng anumang magiging kabilang sa mga palatandaan ng Huling Sandali at tumukoy ang Marangal na Qur'ān sa ilan doon. Kaya ang sinumang nagnais na makaalam niyon, makatatagpo siya niyon sa lugar nito mula sa mga aklat ng Sunnah at mga inakdaan ng mga alagad ng kaalaman at pananampalataya. Walang pangangailangan sa mga tao sa paglilinaw sa tulad ng tagagawa-gawang ito at pagpapalito nito at paghahalo nito ng katotohanan sa kabulaanan. Magsanggalang sa akin si Allāh, sa inyo, at sa nalalabi sa mga Muslim laban sa kasamaan ng mga demonyo at mga panliligalig ng mga tagapagligaw, pagliliko ng mga naliliko, at pagpapalito ng mga nagpapakabulaang kaaway ni Allāh, na nagnanais na mag-apula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila at magpalito sa mga tao sa Relihiyon ng mga ito samantalang si Allāh ay ang tagapaglubos ng liwanag Niya at ang tagapag-adya ng Relihiyon Niya, kahit pa man nasuklam ang mga kaaway ni Allāh kabilang sa mga demonyo at mga tagasunod nila na mga tagatangging sumampalataya at mga ateista. Humihiling tayo kay Allāh na magsaayos siya ng mga kalagayan ng mga Muslim at na magmagandang-loob Siya sa kanila sa pamamagitan ng pagsunod sa katotohanan, pananatiling matuwid dito, at pagbabalik-loob sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) mula sa nalalabi sa mga pagkakasala sapagkat tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain, ang Nakakakaya sa bawat bagay. Kasapatan sa amin si Allāh at kay inam ang Pinananaligan. Walang kapangyarihan at walang lakas malibang sa pamamagitan ni Allāh, ang Mataas, ang Dakila.
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, Sugo Niya, ang Tapat, ang Pinagkakatiwalaan; ang mag-anak niya; ang mga Kasamahan niya; at ang mga tagasunod niya ayon sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
***
tl397v4.0 - 17/08/2026