الدُّرُوسُ الْمُهِمَّةُ لِعَامَّةِ الْأُمَّةِ
Ang mga Mahalagang Aralin Para sa Kamadlaan ng Kalipunan
لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ
عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ
رَحِمَهُ اللهُ
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang mga Mahalagang Aralin Para sa Kamadlaan ng Kalipunan
Akda ng Kanyang Kabunyiang Shaykh na Pantas
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz – kaawaan siya ni Allāh.
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Panimula ng May Akda
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, ang Sugo Niya, ang Propeta nating si Muḥammad, sampu ng mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at mga tagasunod niya ayon sa paggawa ng mabuti. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, ang Sugo Niya, ang Propeta nating si Muḥammad, sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya nang lahatan. Sa pagsisimula:
Ang mga ito ay mga pinaikling pangungusap sa paglilinaw sa ilan sa kinailangan na malaman ng kamadlaan ng Relihiyong Islām, na tinawag kong: Ang mga Mahalagang Aralin Para sa Kamadlaan ng Kalipunan.
Dumadalangin ako kay Allāh na magpakinabang Siya sa pamamagitan ng mga ito sa mga Muslim at na tumanggap Siya ng mga ito mula sa akin; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay.
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz Ang mga Mahalagang Aralin Para sa Kamadlaan ng Kalipunan1
Ang Unang Aralin: Ang Sūrah Al-Fātiḥah at ang Maiikli sa mga Sūrah
Ang Sūrah Al-Fātiḥah at ang makakaya mula sa mga maiikli sa mga sūrah mula sa Sūrah Az-Zalzalah (Sūrah 99) hanggang sa Sūrah An-Nās (Sūrah 114) ay ipabibigkas at itutumpak sa pagbigkas, at ipasasaulo at ipaliliwanag ang kinakailangang maintindihan.
Ang Ikalawang Aralin: Ang mga Haligi ng Islām
Ang Paglilinaw sa Limang Haligi ng Islām. Ang Una sa mga Ito at ang Pinakadakila sa mga Ito: Ang pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh kalakip ng pagpapaliwanag ng mga kahulugan ng mga ito kasama ng paglilinaw ng mga kundisyon ng pariralang: Walang Diyos kundi si Allāh. Ang kahulugan ng pariralang: "Walang Diyos" ay bilang pagkakaila sa [pagkadiyos ng] lahat ng anumang sinasamba bukod pa kay Allāh. Ang pariralang: kundi si Allāh: ay bilang pagkilala na ang pagsamba ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Hinggil naman sa mga kundisyon ng pariralang: "Walang Diyos kundi si Allāh," ito ay ang kaalamang tagasalungat sa pagkamangmang, ang katiyakang tagasalungat sa pagdududa, ang pagpapakawagas na tagasalungat sa pagtatambal (shirk), ang katapatang tagasalungat sa pagsisinungaling, ang pag-ibig na tagasalungat sa pagkamuhi, at ang pagpapaakay na tagasalungat sa pag-iwan, ang pagtanggap na tagasalungat sa pagtanggi, at ang kawalang-pananampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh. Tinipon nga ang mga ito sa dalawang sumusunod na taludtod:
Kaalaman, katiyakan, pagpapakawagas, at katapatan mo kasama *** ng pag-ibig, pagpapaakay, at pagtanggap sa mga ito, at idinagdag ang ikawalo ng mga ito, ang pagkawalang-pananampalataya mula sa iyo sa anumang *** iba sa Diyos na mga bagay na diniyos nga,
Kasama ng paglilinaw sa pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah at hinihiling nito: ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya, ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya at ang pag-iwas sa anumang ipinagbawal niya at sinaway niya, at na hindi sumamba kay Allah malibang ayon sa isinabatas ni Allah at ng Sugo Niya (basbasan ito ni Allah at pangalagaan). Pagkatapos maglilinaw sa estudyante ng natitira sa Limang Haligi ng Islam: ang salah, ang zakāh, ang pag-aayuno sa Ramadan, at ang ḥajj sa Bahay na Pinakababanal ni Allah para sa sinumang nakakaya sa pagkakaroon ng daan papunta roon.
Ang Ikatlong Aralin: Ang mga Haligi ng Pananampalataya
Ang mga ito ay anim: na sumampalataya ka (1) kay Allāh, (2) sa mga anghel Niya, (3) sa mga kasulatan Niya, (4) sa mga sugo Niya, (5) sa Huling Araw, at (6) na sumampalataya ka sa qadar (pagtatakda): sa kabutihan nito at kasamaan nito na mula kay Allāh (napakataas Siya).
Ang Ikaapat na Aralin: Ang mga Bahagi ng Tawḥīd at ang mga Bahagi ng Shirk
Ang paglilinaw sa mga bahagi ng Tawḥīd. Ang mga ito ay tatlo: ang Tawḥīd Rubūbīyah (Paniniwala sa Kaisahan ng Pagkapanginoon), ang Tawḥīd Ulūhīyah (Paniniwala sa Kaisahan ng Pagkadiyos), at ang Tawḥīd Asmā' wa Ṣifāt (Paniniwala sa Kaisahan ng mga Pangalan at mga Katangian).
1. Ang Tawḥīd Rubūbīyah (Paniniwala sa Kaisahan ng Pagkapanginoon). ito ay ang pananampalataya na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagalikha ng bawat bagay at ang Tagapangasiwa sa bawat bagay habang walang katambal sa Kanya roon.
2. Ang Tawḥīd Ulūhīyah (Paniniwala sa Kaisahan ng Pagkadiyos). ito ay ang pananampalataya na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang sinasamba ayon sa karapatan habang walang katambal sa Kanya roon. Ito ang kahulugan ng pariralang: Walang Diyos kundi si Allāh. Kaya naman tunay na ang kahulugan nito ay: Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. Ang lahat ng mga pagsamba gaya ng ṣalāh, ayuno, at iba pa niyan ay kinakailangan ang pagpapakawagas sa mga ito para kay Allāh – tanging sa Kanya – at hindi pinapayagan ang pagbaling ng anuman mula sa mga ito sa iba pa sa Kanya.
3. Ang Tawḥīd Asmā' wa Ṣifāt (Paniniwala sa Kaisahan ng mga Pangalan at mga Katangian). ito ay ang pananampalataya sa bawat anumang nasaad sa Marangal na Qur'ān o mga tumpak na ḥadīth na mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya at ang pagpapatibay sa mga ito para kay Allāh – tanging sa Kanya – sa paraang naaangkop sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) nang walang taḥrīf (paglilihis ng kahulugan), walang ta`ṭīl (pagsira ng kahulugan), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan) bilang pagsasagawa sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿قُلۡ هُوَ ٱللَّهُ أَحَدٌ 1 ٱللَّهُ ٱلصَّمَدُ 2 لَمۡ يَلِدۡ وَلَمۡ يُولَدۡ 3 وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ كُفُوًا أَحَدُۢ4﴾
{1. Sabihin mo: “Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. 2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan]. 3. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak. 4. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man."} (Qur'ān 112:1-4)
Ang sabi pa Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿...لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ﴾
{Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur'ān 42:11)
Inuri nga ito ng ilan sa mga alagad ng kaalaman sa dalawang uri at ipinaloob nila ang Tawḥīd Asmā' wa Ṣifāt sa Tawḥīd Rubūbīyah. Walang maitututol doon dahil ang pinapakay ay maliwanag sa kapwa pag-uuri.
Ang mga uri ng Shirk ay tatlo: Malaking Shirk, Maliit na Shirk, at Kubling Shirk.
Ang Malaking Shirk ay nag-oobliga ng pagbagsak ng gawain at pamamalagi sa Impiyerno para sa sinumang namatay rito gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya):
﴿...وَلَوۡ أَشۡرَكُواْ لَحَبِطَ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ﴾
{Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 6:88)
Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿مَا كَانَ لِلۡمُشۡرِكِينَ أَن يَعۡمُرُواْ مَسَٰجِدَ ٱللَّهِ شَٰهِدِينَ عَلَىٰٓ أَنفُسِهِم بِٱلۡكُفۡرِۚ أُوْلَٰٓئِكَ حَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ وَفِي ٱلنَّارِ هُمۡ خَٰلِدُونَ 17﴾
{Hindi naging ukol sa mga tagapagtambal na magtaguyod sa mga masjid ni Allāh habang mga tagasaksi laban sa mga sarili nila sa kawalang-pananampalataya nila. Ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila, at sa Impiyerno sila ay mga mamamalagi.} (Qur'ān 9:17)
Ang sinumang namatay rito, hindi siya patatawarin. Ang Paraiso ay bawal sa kanya gaya ng sinabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُ...﴾
{Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya.} (Qur'ān 4:48)
Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿...إِنَّهُۥ مَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ حَرَّمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ ٱلۡجَنَّةَ وَمَأۡوَىٰهُ ٱلنَّارُۖ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٖ﴾
{Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: "Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria," samantalang nagsabi ang Kristo: "O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh, na Panginoon ko at Panginoon ninyo." Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.} (Qur'ān 5:72)
Kabilang sa mga uri nito ang pagdalangin sa mga patay at mga anito, ang pagpapasaklolo sa kanila, ang pamamanata sa kanila, ang pagkatay para sa kanila, at ang tulad nito.
Hinggil naman sa Maliit na Shirk, ito ay ang anumang napagtibay sa mga teksto mula sa Qur'ān o Sunnah ang pagkatawag dito bilang shirk subalit ito ay hindi kabilang sa uri ng Malaking Shirk gaya ng pagpapakitang-tao sa ilan sa mga gawain, panunumpa sa iba pa kay Allāh, pagsasabi ng: Niloob ni Allāh AT niloob ni Polano, at tulad nito, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Ang pinakamatinding kinatatakutan ko para sa inyo ay: Ang Maliit na Pagtatambal, itinanong sa kanya kung ano ito, Nagsabi siya:Ang Pakitang-tao2 Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad, Aṭ-Ṭabrānīy, at Al-Bayhaqīy ayon kay Maḥmūd bin Labīd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) sa isang mahusay na isnād. Nagsalaysay nito si Aṭ-Ṭabrānīy sa mga mahusay na isnād ayon kay Maḥmūd bin Labīd ayon kay Rāfi` bin Khadīj ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nanumpa sa isang bagay bukod pa kay Allāh ay nagtambal nga."3 Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa isang tumpak na isnād ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya). Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy sa isang tumpak na isnād mula sa ḥadīth ng Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh, tumanggi nga siyang sumampalataya o nagtambal nga siya."}4 Ang sabi pa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag niyong sabihin: Mā shā' -llāhu wa-shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh AT niloob ni Polano), subalit sabihin ninyo: Mā shā' -llāhu thumma shā'a Fulān (Ang niloob ni Allāh PAGKATAPOS niloob ni Polano)."}5 Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa isang tumpak na isnād ayon kay Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa kanya).
Ang uring ito ay hindi nag-oobliga ng riddah (pagtalikod sa Islām) at hindi nag-oobliga ng pamamalagi sa Impiyerno subalit ito ay sumasalungat sa kakumpletuhan ng Tawḥīd na kinakailangan.
Ang Ikatlong Uri: Ang Kubling Shirk, na ang patunay nito ay ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Hindi ba ako magpapabatid sa inyo ng pinakapinangangambahan para sa inyo sa ganang akin kaysa sa Bulaang Kristo?" Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang Kubling Shirk: Tumatayo ang tao saka nagdarasal saka naggagayak ng pagdarasal niya dahil sa nakikita niya na pagtingin ng tao sa kanya."}6 Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya).
Pinapayagan na hatiin ang Shirk sa dalawang uri lamang:
Malaki at Maliit. Hinggil naman sa Kubli, tunay na ito ay sumasaklaw sa dalawang iyon. Pumapatungkol ito sa Malaking Shirk gaya ng Shirk ng mga mapagpaimbabaw dahil sila ay nagkukubli ng mga bulaang paniniwala nila at nagkukunwari ng pagkaanib sa Islām dala ng pagpapakitang-tao at dala ng pangamba para sa mga sarili nila.
Pumapatungkol din ito sa Maliit na Shirk gaya ng pagpapakitang-tao gaya ng nasaad sa naunang ḥadīth ni Maḥmūd bin Labīd Al-Anṣārīy at nabanggit na ḥadīth ni Abū Sa`īd. Si Allāh ay ang Katangkilik sa pagtutuon.
Ang Ikalimang Aralin: Al-Ihsan (Ang Pagpapakahusay)
Ang haligi ng Pagpapakahusay ay na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita Kanya; ngunit kung ikaw man ay hindi nakakikita sa Kanya, tunay na Siya naman ay nakakikita sa iyo.
Ang Ikaanim na Aralin: Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh
Ang mga ito ay siyam:
1. Ang pagkaanib sa Islām, 2. Ang pagkakaroon ng pag-iisip, 3. Ang kasapatan ng gulang, 4. Ang pagkapawi ng ḥadath, 5. Ang pagkaalis ng najāsah, 6. Ang pagkatakip ng `awrah, 7. Ang pagpasok ng oras, 8. Ang pagharap sa qiblah, at 9. Ang layunin.
Ang Ikapitong Aralin: Ang mga Haligi ng Ṣalāh
Ang mga ito ay labing-apat:
1. Ang pagtayo kasama ng kakayahan, 2. Ang takbīratul'iḥrām, 3. Ang pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah, 4. Ang pagyukod (rukū`), 5. Ang pagkatindig matapos ng pagyukod, 6. Ang pagpapatirapa (sujūd) sa pitong bahagi ng katawan, 7. Ang pag-angat ng likod mula rito, 8. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa, 9. Ang kapanatagan sa lahat ng mga gawain, 10. Ang pagsusunud-sunod ng mga haligi, 11. Ang pagbigkas ng Huling Tashahhud (Pagpapakasaksi), 12. Ang pag-upo para rito, 13. Ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), at 14. Ang dalawang taslīm.
Ang Ikawalong Aralin: Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh
Ang mga ito ay walo:
1. Ang lahat ng mga takbīr na iba pa sa takbīratul'iḥrām, 2. Ang pagsabi ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)" ng imām at munfarid (mag-isang nagdarasal), 3. Ang pagsabi ng lahat ng: "Rabbanā wa-laka -lḥamd (Panginoon namin at ukol sa Iyo ang papuri)",
4. Ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya -l`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan)" habang nasa pagyukod, 5. Ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya -l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" habang nasa pagpapatirapa, 6. Ang pagsabi ng: "Rabbi -ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin)" sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa, 7. Ang pagbigkas ng Unang Tashahhud, at 8. Ang pag-upo para rito.
Ang Ikasiyam na Aralin: Ang Paglilinaw sa Tashahhud
Ito ay ang magsabi ng:
Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sumaatin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)
Pagkatapos mananalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mananalangin ng pagpapala sa kanya, kaya naman magsasabi ng: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"
Pagkatapos hihiling siya ng pagkupkop kay Allāh sa Huling Tashahhud laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa tukso ng pagkabuhay at pagkamatay, at laban sa tukso ng Bulaang Kristo. Pagkatapos makapipili siya ng panalangin na niloob niya lalo na ang naipaabot mula roon. Kabilang doon:
Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. Allāhumma ḍ̆alamtu nafsī ḍ̆ulman kathīrā, wa-lā yaghfiru -dhdhunūba illā anta, fa-ghfir lī maghfiratam min `indika wa-rḥamnī; innaka anta -lghafūru -rraḥīm. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-alaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at kagandahan ng pagsamba sa Iyo. O Allāh, tunay na ako ay nagwalang-katarungan sa sarili ko nang maraming pagwawalang-katarungan at walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw, kaya magpatawad Ka sa akin ng isang kapatawarang mula sa Iyo at maawa Ka sa akin; tunay na Ikaw ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.)
Hinggil naman sa Unang Tashahhud, tatayo matapos ng Dalawang Pagsaksi patungo sa ikatlong rak`ah sa ḍ̆uhr, `aṣr, maghrib, at `ishā'. Kung dumalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ito ay higit na mainam dahil sa pagkapangkalahatan ng mga ḥadīth kaugnay roon. Pagkatapos tatayo para sa ikatlong rak`ah.
Ang Ikasampung Aralin: Ang mga Sunnah ng Ṣalāh
Kabilang sa mga ito:
1. Ang pagbigkas ng istiftāḥ;
2. Ang paglagay ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay na nakapatong sa dibdib habang nasa pagkakatayo, bago ng Ruku at pagkatapos nito.
3. Ang pag-aangat ng mga kamay na magkakadikit na nakaunat ang mga daliri nang pantay sa mga balikat o mga tainga sa sandali ng unang takbīr, sa sandali ng pagyukod at pag-angat mula rito, at sa sandali ng pagtayo mula sa Unang Tashahhud para sa ikatlong rak`ah;
4. Ang naidagdag sa iisang ulit sa pagluwalhati (pagsabi ng subḥāna ...) ng pagyukod at pagpapatirapa;
5. Ang naidagdag sa pagsabi ng: "Rabbanā wa-laka -lḥamd (Panginoon namin at ukol sa Iyo ang papuri)" matapos ng pagtayo mula sa pagyukod at ang naidagdag sa iisang ulit sa pagdalangin ng kapatawaran sa pagitan ng dalawang pagkakayukod;
6. Ang pagpuwesto ng ulo sa kapantay ng likod sa pagyukod;
7. Ang pagpapahiwalay ng mga mataas na braso palayo sa mga tagiliran ng katawan, ng tiyan palayo sa mga hita, at ng mga hita palayo sa mga binti sa pagpapatirapa;
8. Ang pagkaangat ng mga mababang braso palayo sa lapag habang nasa pagpapatirapa;
9. Ang pag-upo ng nagdarasal sa kaliwang paa niya habang nakalatag ito at ang pagtukod ng kanang paa sa Unang Tashahhud at sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa;
10. Ang pag-upong tawarruk sa Huling Tashahhud sa ṣalāh na apatan at tatluhang rak`ah. Ito ay ang pag-upo sa pigi, ang paglalagay ng kaliwang paa sa ilalim ng kanang binti, at ang pagtukod ng kanang paa.
11. Ang pagturo ng hintuturo sa Unang Tashahhud at Ikalawang Tashahhud habang nakaupo hanggang sa wakas ng Tashahhud at ang pagpapagalaw nito sa sandali ng panalangin.
12. Ang pagdalangin ng basbas at pagpapala kay Muḥammad at sa mag-anak ni Muḥammad at kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham sa Unang Tashahhud.
13. Ang pagdalangin sa katapusan ng Huling Tashahhud;
14. Ang pagpapalakas sa pagbigkas ng mga talata ng Qur'ān sa ṣalāh na fajr, ṣalāh sa Biyernes, ṣalāh sa dalawang `īd, istisqā' (ṣalāh ng paghingi ng ulan), at sa unang dalawang rak`ah ng ṣalāh na maghrib at `ishā'.
15. Ang pagpapatahimik sa pagbigkas ng mga talata ng Qur'ān sa ṣalāh na ḍ̆uhr at `aṣr, at sa ikatlong rak`ah ng maghrib at sa dalawang huling rak`ah ng `ishā';
16. Ang pagbigkas ng anumang naidagdag sa Sūrah Al-Fātiḥah kasama ng pagsasaalang-alang sa natitira sa nasaad na mga sunnah sa ṣalāh bukod sa binanggit natin. Kabilang doon ang naidagdag sa pagsabi ng nagdarasal ng: "Rabbanā wa-laka -lḥamd (Panginoon namin at ukol sa Iyo ang papuri)" matapos ng pag-angat mula sa pagyukod sa panig ng imām, ma'mūm, at munfarid sapagkat tunay na ito ay sunnah. Kabilang doon din ang paglalagay ng mga kamay sa mga tuhod nang magkakahiwalay ang mga daliri sa sandali ng pagyukod.
Ang Ikalabing-isang Aralin: Ang mga Tagapawalang-saysay sa Ṣalāh
Ang mga ito ay walo:
1. Ang sinasadyang pagsasalita sa kabila ng pagkaalaala at pagkakaalam. Hinggil naman sa nakalilimot at namamangmang, hindi nawawalang-saysay ang ṣalāh niya dahil doon;
2. Ang pagtawa;
3. Ang pagkain;
4. Ang pag-inom;
5. Ang pagkalitaw ng ‘awrah;
6. Ang maraming paglihis palayo sa dako ng qiblah;
7. Ang maraming nagkakasunurang paglilikot sa ṣalāh; at
8. Ang pagkasira ng wuḍū'.
Ang Ikalabindalawang Aralin: Ang mga Kundisyon ng Pagsasagawa ng Wuḍū'
Ang mga ito ay sampu:
1. Ang pagkaanib sa Islām,
2. Ang pagkakaroon ng pag-iisip,
3. Ang kasapatan ng gulang,
4. Ang layunin,
5. Ang pagpapatuloy sa pagsasagawa nito: na hindi maglalayon ng pagputol nito hanggang sa malubos ang kadalisayan,
6. Ang pagkaputol ng bisa ng wuḍū',
7. Ang pagsagawa ng istinjā' o istijmār bago nito,
8. Ang pagkapandalisay ng tubig at pagkapahintulot nito,
9. Ang pagkaalis ng anumang pumipigil sa pagdating ng tubig sa kutis,
10. Ang pagpasok ng oras ng ṣalāh sa panig ng sinumang ang pagkasira ng wuḍū' ay palagi.
Ang Ikalabintatlong Aralin: Ang mga Tungkulin sa Wuḍū'
Ang mga ito ay anim:
1. Ang paghuhugas ng mukha at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinghot ng tubig,
2. Ang paghuhugas ng mga kamay kasama ng mga siko,
3. Ang pagpahid sa buong ulo at kabilang dito ang mga tainga,
4. Ang paghuhugas ng mga paa kasama ng mga bukungbukong,
5. Ang pagsusunud-sunod,
6. Ang pagtutuluy-tuloy. Isinasakaibig-ibig ang pag-uulit ng paghuhugas ng mukha, mga kamay, at mga paa nang tatlong ulit, at gayundin ng pagmumumog at pagsinghot ng tubig. Ang tungkulin doon ay tig-iisang ulit. Hinggil naman sa pagpahid ng ulo, hindi isinasakaibig-ibig ang pag-uulit nito gaya ng ipinatunay roon ng mga tumpak na ḥadīth.
Ang Ikalabing-apat na Aralin: Ang mga Tagasira ng Wuḍū'
Ang mga ito ay anim:
1. Ang lumalabas sa puwit at ari;
2. Ang lumalabas na labis-labis na najis mula sa katawan;
3. Ang pagkawala ng pag-iisip dahil sa pagkatulog at iba pa rito;
4. Ang paghipo ng kamay sa maselang bahagi sa ari o puwit nang walang nakaharang;
5. Ang pagkain ng karne ng kamelyo; at
6. Ang pagtalikod sa Islām – magkupkop nawa sa atin si Allāh at sa mga Muslim laban doon.
Mahalagang Pagtawag-pansin: Hinggil naman sa pagpapaligo ng patay, ang tumpak ay na ito ay hindi nakasisira ng wuḍū'. Ito ang sabi ng pinakamarami sa mga alagad ng kaalaman dahil sa kawalan ng patunay roon; subalit kung sakaling sumagi sa kamay ng tagahugas ang ari ng patay nang walang nakaharang, kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng wuḍū'.
Ang kinakailangan sa kanya ay na hindi siya makasaling sa ari ng patay malibang may nakaharang. Gayundin ,ang pagkasaling sa babae ay hindi nasisira ang wuḍū' nang walang pasubali, maging iyon man ay dahil sa pagnanasa o hindi pagnanasa, ayon sa pinakatumpak sa mga sabi ng mga maalam hanggat walang lumalabas mula sa kanya na anuman dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humalik sa ilan sa mga maybahay niya pagkatapos nagdasal siya habang hindi na siya nagsagawa ng wuḍū'.
Hinggil naman sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa talata ng An-Nisā' at talata ng Al-Mā'idah:
﴿...أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ...﴾
{o sumaling kayo ng mga babae} (Qur'ān 4:43) (Qur'ān 5:6)
Ang tinutukoy rito ay ang pakikipagtalik ayon sa pinakatumpak sa mga sabi ng mga maalam. Ito ang sabi ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) at ng isang pangkat ng Hinalinhan at Kahalili. Si Allāh ay ang Katangkilik sa pagtutuon.
Ang Ikalabinlimang Aralin: Ang Pagtataglay ng mga Kaasalang Isinasabatas Para sa Bawat Muslim
Kabilang sa mga ito: Ang pagkamatapat, ang pagkamapagkakatiwalaan, ang kalinisang-puri, ang pagkamayhiya, ang katapangan, ang pagkamapagbigay, ang pagkamapagtupad, ang pag-iwas sa bawat ipinagbabawal ni Allāh, ang kagandahan ng pagkakapitbahay, ang pag-alalay sa mga may pangangailangan alinsunod sa kakayahan, at ang iba pa roon kabilang sa mga kaasalang nagpatunay ang Qur'ān at ang Sunnah sa pagkalegal ng mga ito.
Ang Ikalabing-anim na Aralin: Ang Pagsasaetiketa ng mga Etiketang Islāmiko
Kabilang sa mga ito: Ang pagbati ng kapayapaan; ang pagkamasayahin; ang pagkain at ang pag-inom sa pamamagitan ng kanang kamay; ang pagsambit ng bismi -llāh sa pagsisimula; pagpuri kay Allah sa bakanteng sandali; pagpuri kay Allah pagkatapos bumahin; pagdalangin para sa bumahin kapag pumuri ito kay Allah; ang pagdalaw sa maysakit; ang pagdalo sa libing para sa ṣalāh at paglilibing; ang mga legal na etiketa sa sandali ng pagpasok sa masjid, o bahay, at paglabas sa mga ito, sa sandali ng paglalakbay; ang paggawa ng maganda sa mga magulang, mga kamag-anak, mga kapitbahay, mga nakatatanda, at mga nakababata; ang pagbati sa nagkaanak; ang pagdalangin ng pagpapala sa pag-aasawa; ang pakikiramay sa dinapuan ng kasawian; at ang iba pa rito na mga etiketang Islāmiko sa pagdadamit, paghuhubad, at pagsasapatos.
Ang Ikalabimpitong Aralin: Ang Pagbibigay-babala Laban sa Shirk at mga Uri ng mga Pagsuway
Kabilang sa mga ito: Ang pitong nakapagpapahamak: 1. ang pagtatambal (shirk) kay Allāh, 2. ang panggagaway, 3. ang pagpatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa katuwiran, 4. ang pakikinabang sa ribā (patubo sa utang), 5. ang pakikinabang sa ari-arian ng ulila, 6. ang pagtalikod sa araw ng labanan, at 7. ang paninirang-puri sa mga babaing mararangal na inosenteng mananampalataya.
Kabilang din sa mga ito ang kasuwailan sa mga magulang; ang pagputol ng ugnayang pangkaanak; ang pagsaksi sa kabulaanan; ang sinungaling na panunumpa; ang pamemerhuwisyo sa kapitbahay; ang kawalang-katarungan sa mga tao: sa mga buhay, mga ari-arian, at mga dangal; ang pag-inom ng nakalalasing; ang paglalaro ng sugal: ang pagpusta; ang panlilibak; ang pagtsitsismis; at ang iba pa rito kabilang sa sinaway ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) o ng Sugo Niya (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan).
Ang Ikalabingwalong Aralin: Ang Paghahanda sa Patay, ang Pagsasagawa ng Ṣalāh Para Rito, at ang Paglilibing Nito
Heto ang pagdedetalye niyon:
A. Isinasabatas ang pagpapabigkas sa naghihingalo ng: "Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Magpabigkas kayo sa mga patay ninyo ng: "Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)."}7 Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya. Ang tinutukoy na mga patay sa ḥadīth na ito ay ang mga naghihingalo, na mga nilitawan ng mga palatandaan ng nalalapit na pagkamatay.
B. Kapag napagtiyak na ang pagkamatay ng Muslim, ipipikit ang mga mata niya at tatalian ang panga niya, batay sa pagkasaad ng Sunnah hinggil doon.
C. Kinakailangan ang pagpaligo sa patay na Muslim maliban kung ito ay naging martir (shahīd) na namatay sa labanan sapagkat tunay na ang martir ay hindi pinaliliguan at hindi pinagsasagawaan ng ṣalāh; bagkus inililibing siya habang nasa mga damit niya dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagpaligo sa mga patay ng labanan sa Uḥud at hindi nagsagawa ng ṣalāh para sa kanila.
D. Ang Paraan ng Pagpaligo sa Patay: Tatakpan ang `awrah nito. Pagkatapos iaangat ito nang kaunti at pipisilin ang tiyan nito nang marahang pagpisil. Pagkatapos magbabalot ang tagapagpaligo sa kamay niya ng isang tela o tulad nito saka maghuhugas siya sa maselang bahagi ng patay. Pagkatapos pagsasagawaan niya ang patay ng wuḍū' ng ṣalāh. Pagkatapos maghuhugas siya sa ulo nito at balbas nito sa pamamagitan ng tubig na may lotus o tulad nito. Pagkatapos maghuhugas siya sa kanang bahagi ng katawan nito, pagkatapos ng kaliwang bahagi. Pagkatapos maghuhugas siya rito nang gayundin sa ikalawa at ikatlong pagkakataon, na pararaanin niya sa bawat pagkakataon ang kamay niya sa tiyan nito. Kung may lumabas mula rito na anuman, huhugasan niya ito at tatapalan niya ang nilabasan ng bulak o tulad nito. Kung hindi ito makakapit , lalagyan ito ng putik o ng mga makabagong kaparaanan ng medisina gaya ng plaster at tulad nito.
Uulitin ang wuḍū' nito. Kung hindi ito luminis sa tatlong ulit, daragdagan ito hanggang limang ulit o hanggang pitong ulit. Pagkatapos pupunasan ito ng isang tela, lalagyan ng pabango sa mga kilikili at mga singit niya at mga bahagi ng katawan sa pagpapatirapa nito. Kung pababanguhan ito sa kabuuan nito, ito ay maganda. Pauusukan ang mga kafn (pambalot) nito ng insenso. Kung ang bigote nito o ang mga kuko nito ay mahaba, gugupitan ang mga ito. Kung hahayaan iyon, wala namang kaasiwaan. Hindi susuklayin ang buhok ng lalaking patay, hindi aahitin ang buhok sa ari nito, at hindi na ito tutuliin dahil sa kawalan ng patunay roon. Ang babaing patay ay itatarintas ang buhok nito sa tatlong bahagi at ilalaylay sa likuran nito.
E. Ang Pagbabalot ng Patay: Ang pinakamainam ay na balutin ang lalaki sa tatlong puting tela na walang kamisa sa mga ito at walang turban, gaya ng ginawa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na ipaloloob dito. Kung babalutin sa kamisa, tapis, at pambalot, wala namang masama.
Ang babae ay babalutin sa limang tela: isang kamison, isang belo, isang tapis, at dalawang pambalot. Babalutin ang batang lalaki sa iisang tela hanggang tatlong tela. Babalutin ang batang babae sa isang kamisa at dalawang pambalot.
Ang kinakailangan sa panig ng lahat ay isang telang magtatakip sa buong patay; subalit kapag ang patay ay isang muḥrim, tunay na siya ay paliliguan ng tubig na may lotus at babalutin sa tapis niya at balabal niya o sa iba pa sa dalawang ito. Hindi tatakpan ang ulo niya ni ang mukha niya at hindi siya pababanguhan dahil siya ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon habang sumasambit ng talbiyah, gaya ng natumpak hinggil doon sa nasaad sa ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kung ang muḥrim ay isang babae, babalutin siya gaya ng iba sa kanya subalit hindi siya pababanguhan at hindi tatakpan ang mukha niya ng niqāb ni ang mga kamay niya ng mga guwantes subalit tatakpan ang mukha niya at ang mga kamay niya ng kafn na ipinambalot sa kanya gaya ng naunang paglilinaw sa paraan ng pagbalot ng babaing patay.
F. Ang Pinakakarapat-dapat sa mga Tao sa Pagpaligo sa Patay, Pagsasagawa ng Ṣalāh Para Rito, at Paglibing Dito. Ang pinagtagubilinan niya roon, pagkatapos ang ama, pagkatapos ang lolo, pagkatapos ang pinakamalapit saka ang pinakamalapit sa mga kamag-anak sa ama sa panig ng lalaki.
Ang pinakamarapat sa pagpaligo sa babaing patay ay ang pinagtagubilinan niya, pagkatapos ang ina, pagkatapos ang lola, pagkatapos ang pinakamalapit saka ang pinakamalapit sa mga kamag-anak kabilang sa kababaihan niya. Ukol sa mag-asawa na magpaligo ang isa sa kabiyak niya dahil si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya) ay pinaliguan ng maybahay niya at dahil si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) ay nagpaligo sa maybahay niyang si Fāṭimah (malugod si Allāh dito).
G. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh Para sa Patay.
Magsasagawa ng takbīr nang apat na ulit. Bibigkasin matapos ng unang takbīr ang Sūrah Al-Fātiḥah. Kung bibigkas kasunod nito ng isang maikling sūrah o isang Ayah o dalawang Ayah, maganda naman batay sa tumpak na ḥadīth na nasasaad kaugnay roon ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Pagkatapos magsasagawa ng takbīr sa ikalawang pagkakataon at dadalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pagdalangin ng basbas sa kanya sa Tashahhud, pagkatapos magsasagawa ng takbīr sa ikatlong pagkakataon at magsasabi ng: Allāhumma -ghfir li-ḥayyinā wa-mayyitinā, wa-shāhidinā wa-ghā'ibinā, wa-ṣaghīrinā wa-kabīrinā, wa-dhakarinā wa- unthānā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa-aḥyihi `ala -l'islāmi, wa-man tawaffaytahu minnā fa-tawwaffahu `ala -l'īmān. Allāhumma -ghfir laHU, wa-rḥamHU, wa-`āfiHI, wa-`fu `anHU, wa-akrim nuzulaHU, wa-wassi` madkhalaHU, wa-ghsilHU bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbaradi, wa-naqqiHI mina -dhdhunúbi wa-lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanasi, wa-abdilHU dāran khayram min dāriHI wa-ahlan khayram min ahliHI, wa-adkhilHU -ljannata, wa-a`idhHU min `adhābi -lqabri wa-`adhābi -nnāri, wa-fsaḥ laHU fī qabriHI, wa-nawwir laHU fīhi. Alláhumma lā taḥrimnā ajraHU, wa-lā tuḍillanā ba`daHU. Allāhumma lā taḥrimnā ajraHU, wa-lā tuḍillanā ba`daHU. (O Allāh, magpatawad Ka sa buhay sa amin at patay sa amin, nakadalo sa amin at nakaliban sa amin, nakababata sa amin at nakatatanda sa amin, at lalaki sa amin at babae sa amin. O Allāh, ang sinumang binigyang-buhay Mo kabilang sa amin ay magbigay-buhay Ka sa kanya sa Islām at ang sinumang pinapanaw Mo kabilang sa amin ay magpapanaw Ka sa kanya sa Pananampalataya. O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; maawa Ka sa kanya; magpagaling Ka sa kanya; magpaumanhin Ka sa kanya; magparangal Ka sa tuluyan Niya; magpalawak Ka ng pasukan niya; maghugas Ka sa kanya ng tubig, yelo, at granizo; magdalisay Ka sa kanya mula sa mga pagkakasala at mga pagkakamali kung paanong nadadalisay ang puting damit mula sa karumihan; magpalit Ka sa kanya ng isang tahanang higit na mabuti kaysa sa tahanan niya at ng isang asawang higit na mabuti kaysa sa asawa niya; magpapasok Ka sa kanya sa Paraiso; magkupkop Ka sa kanya laban sa pagdurusa sa libingan at pagdurusa sa Apoy; magpaluwag ka para sa kanya sa libingan niya; at magtanglaw Ka para sa kanya doon. O Allāh, huwag Kang magkait sa amin ng pabuya sa kanya at huwag Kang magpaligaw sa amin matapos niya.)§8 Pagkatapos magsagawa siya ng takbīr sa ikaapat na pagkakataon at magsasagawa ng iisang taslīm sa gawing kanan niya.
Isinasakaibig-ibig na mag-angat ng mga kamay kasama ng bawat takbīr. Kapag ang patay ay isang babae, sasabihin: "Allāhumma -ghfir laHĀ ..." Kapag ang patay ay dalawang babae, sasabihin: "Allāhumma -ghfir laHUMĀ ..." Kapag ang patay ay higit sa dalawa, sasabihin: "Allāhumma -ghfir laHUM ..." Kapag naman ang patay ay isang sanggol, sasabihin bilang kapalit ng panalangin para sa kanya ng kapatawaran: Allāhumma -j`alHU faraṭan wa-dhukhran li-wālidayHI, wa-shafī`am mujābā. Allāhumma thaqqil bihi mawāzīnahumā, wa-a`ḍ̆im biHI ujūrahumā, wa-alḥiqHU bi-ṣāliḥi -lmu'minīn, wa-j`alHU fī kafālati ibrāhīma `alayhi -ssalām, wa-qiHI bi-raḥmatika `adhāba -ljaḥīm. (O Allāh, gawin Mo siya bilang paunang gantimpala, bilang laang yaman para sa mga magulang niya, at bilang mapagpamagitan na sasagutin. O Allāh, pabigatin Mo ang mga timbangan [ng mga gawang maayos] nilang dalawa sa kanya, pasukdulin Mo ang mga pabuya sa kanilang dalawa dahil sa kanya, isama Mo siya sa matuwid sa Hinalinhan sa mga mananampalataya, ilagay Mo siya sa pag-aaruga ni Abraham, at isanggalang Mo siya sa pamamagitan ng awa Mo laban sa pagdurusa sa Impiyerno.)
Ang Sunnah ay na tumindig ang imām sa tapat ng ulo ng lalaking patay at sa gitna ng babaing patay. Ang lalaking patay ay nasa nalalapit sa imām, kapag nagkasama-sama ang mga patay, at ang babae naman ay nasa nalalapit sa qiblah. Kung may mga batang kasama sa kanila, mauuna ang paslit na lalaking patay sa babaing patay, pagkatapos ang babaing patay, pagkatapos ang paslit na babaing patay. Ang ulo ng paslit na lalaki ay katapat ng ulo ng lalaki. Ang gitna ng babae ay katapat ng ulo ng lalaki. Gayundin ang paslit na babaing patay, ang ulo nito ay katapat ng ulo ng babae at ang gitna nito naman ay katapat ng ulo ng lalaki. Ang mga nagdarasal sa kalahatan ay nasa likuran ng imām maliban na may isa na hindi nakatagpo ng isang lugar sa likuran ng imām sapagkat tunay na siya ay titindig sa gawing kanan ng imām.
H. Ang Paraan ng Paglibing ng Patay: Ang isinasabatas ay ang magpalalim ng libingan hanggang sa kalagitnaan ng lalaki, ang magkaroon dito ng isang laḥd sa dako ng qiblah, at ang maglapag ng patay sa laḥd sa kanang tagiliran nito. Kakalagin ang mga bigkis ng kafn at hindi aalisin; bagkus hahayaan. Hindi ilalantad ang mukha ng patay, maging ito man ay lalaki o babae. Pagkatapos tatakpan ang laḥd ng mga ladrilyo (labin) at papalitadahan ng putik hanggang sa tumatag ito at magsanggalang sa patay sa lupa. Kung hindi naging posible ang paggamit ng mga ladrilyo, magagamit ang iba pa roon gaya ng mga tabla o mga bato o mga kahoy na magsasanggalang sa patay sa lupa. Pagkatapos tatabunan ito ng lupa. Isinasakaibig-ibig na sabihin sa sandali ng pagtabon na iyon ang: "Bismi -llāhi wa-`alā millati rasūli -llāh. (Sa ngalan ni Allāh at ayon sa kapaniwalaan ng Sugo ni Allāh.)" Itataas ang libingan sa taas na isang dangkal, lalagyan ito ng mga graba kung naging posible iyon, at didiligan ito ng tubig.
Isinasabatas sa mga nakikilibing na tumindi sila sa tabi ng libingan at manalangin sila para sa patay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakatapos noon ng paglilibing ng patay, ay tumitindig sa tabi nito at nagsasabi ng: "Humingi kayo ng tawad para sa kapatid ninyo at hilingin ninyo para sa kanya ang pagpapatatag sapagkat tunay na siya ngayon ay tinatanong."9
I. Isinasabatas para sa sinumang hindi nakapagdasal para sa patay na magdasal para rito matapos ng libing.
Ito ay dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumawa niyon sa kundisyon na iyon ay nasa loob ng isang buwan o mababa pa. Kung ang yugto ay higit doon, hindi na isinasabatas ang magdasal sa libingan dahil hindi naipaabot buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagdasal sa libingan matapos ng isang buwan mula ng paglibing sa patay.
J. Hindi pinapayagan sa mag-anak ng patay na maghanda sila ng pagkain para sa mga tao.
Batay ito sa sabi ni Jarīr bin `Abdullāh Al-Bajalīy, ang Kasamahang pinagpipitagan, (malugod si Allāh sa kanya): "Kami noon ay nagtuturing sa pagtitipon sa mag-anak ng patay at paggawa ng pagkain matapos ng libing na bahagi ng pananaghoy."10 (Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad sa isang magandang sanad.) Hinggil naman sa paggawa ng pagkain para sa mga namatayan o para sa mga panauhin nila, wala namang masama. Isinasabatas para sa mga kamag-anak ng patay at mga kapitbahay nito na gumawa para sa kanila ng pagkain dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong dumating sa kanya ang balita ng pagkamatay ni Ja`far bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) sa Shām, ay nag-utos sa mag-anak niya maghanda ng pagkain para sa mag-anak ni Ja`far at nagsabi: "Tunay na dumating sa kanila ang magpapaabala sa kanila."11
Wala namang kaasiwaan sa mag-anak ng patay na mag-anyaya sila sa mga kapitbahay nila o iba pa sa mga ito para kumain ng pagkain na iniregalo sa kanila. Hindi nagkaroon iyon ng isang oras na tinakdaan ayon sa nalalaman natin mula sa Kapahayagan.
K. Hindi pinapayagan sa babae ang pagluluksa sa isang patay nang higit sa tatlong araw maliban sa asawa niya sapagkat tunay na kinakailangan sa kanya na magluksa para sa asawa nang apat na buwan at sampung araw, malibang siya ay nagbubuntis sapagkat ang pagluluksa rito ay hanggang sa maisilang ang ipinagbubuntis, batay sa pagkatibay ng tumpak na sunnah buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil doon.
Hinggil naman sa lalaki, hindi pinapayagan sa kanya na magluksa sa isa sa mga kamag-anak o iba pa sa kanila.
L. Isinasabatas sa mga lalaki ang pagdalaw sa mga libingan paminsan-minsan para sa pagdalangin para sa mga nakalibing, pagmamakaawa para sa kanila, at pagsasaalaala sa kamatayan at matapos nito.
Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Dalawin ninyo ang mga libingan sapagkat tunay na ang mga ito ay nagpapaalaala sa inyo ng Kabilang-buhay."12 Nagtala nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya. Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa mga Kasamahan niya, kapag dumalaw sila sa mga libingan, na magsabi ng: Assalāmu `alaykum ahla -ddiyār mina lmu'minīn wa-lmuslimīn. Wa-innā in shā'a -llāhu bikum lāḥiqūn. Nas'alu -llāha lanā wa-lakumu -l`āfiyata. Yarḥamu -llāhu lmustaqdimīna minnā wa-lmusta'khirīn. (Ang kapayapaan ay sumainyo, O mga nakahimlay sa mga libingan, mula sa mga mananampalataya at mga Muslim. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, sa inyo ay mga susunod. Hinihiling namin kay Allāh para sa amin at para sa inyo ang kagalingan. Kaawaan ni Allāh ang mga nauna kabilang sa amin at ang mga mahuhuli.)13 Hinggil naman sa mga babae, hindi ukol sa kanila ang pagdalaw sa mga libingan dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa mga babaing tagadalaw sa mga libingan at dahil kinatatakutan sa pagdalaw nila ang tukso at ang kakauntian ng pagtitiis. Gayundin, hindi pinapayagan sa kanila ang pagdalo sa mga libing papuntang sementeryo dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa kanila laban doon. Hinggil naman sa pagsasagawa ng ṣalāh para sa patay sa masjid o sa muṣallā, ito ay isinasabatas para sa mga lalaki at para sa mga babae sa kalahatan.
Ito ang kahuli-hulihan sa naging posibleng tipunin. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya.
***
Index
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain 2
Panimula ng May Akda 2
Ang Unang Aralin: Ang Sūrah Al-Fātiḥah at ang Maiikli sa mga Sūrah 3
Ang Ikalawang Aralin: Ang mga Haligi ng Islām 3
Ang Ikatlong Aralin: Ang mga Haligi ng Pananampalataya 5
Ang Ikaapat na Aralin: Ang mga Bahagi ng Tawḥīd at ang mga Bahagi ng Shirk 5
Ang Ikalimang Aralin: Ang Pagpapakahusay 12
Ang Ikaanim na Aralin: Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh 12
Ang Ikapitong Aralin: Ang mga Haligi ng Ṣalāh 12
Ang Ikawalong Aralin: Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh 13
Ang Ikasiyam na Aralin: Ang Paglilinaw sa Tashahhud 14
Ang Ikasampung Aralin: Ang mga Sunnah ng Ṣalāh 16
Ang Ikalabing-isang Aralin: Ang mga Tagapawalang-saysay sa Ṣalāh 18
Ang Ikalabindalawang Aralin: Ang mga Kundisyon ng Pagsasagawa ng Wuḍū' 19
Ang Ikalabintatlong Aralin: Ang mga Tungkulin sa Wuḍū' 20
Ang Ikalabing-apat na Aralin: Ang Tagasira ng Wuḍū' 20
Ang Ikalabinlimang Aralin: Ang Pagtataglay ng mga Kaasalang Isinasabatas Para sa Bawat Muslim 22
Ang Ikalabing-anim na Aralin: Ang Pagsasaetiketa ng mga Etiketang Islāmiko 23
Ang Ikalabimpitong Aralin: Ang Pagbibigay-babala Laban sa Shirk at mga Uri ng mga Pagsuway 23
Ang Ikalabingwalong Aralin: Ang Paghahanda sa Patay, ang Pagsasagawa ng Ṣalāh Para Rito, at ang Paglilibing Nito 24
B. Kapag napagtiyak na ang pagkamatay ng Muslim, ipipikit ang mga mata niya 25
C. Kinakailangan ang pagpaligo sa patay na Muslim maliban kung ito ay naging martir (shahīd). 25
D. Ang Paraan ng Pagpaligo sa Patay 25
E. Ang Pagbabalot ng Patay 26
F. Ang Pinakakarapat-dapat sa mga Tao sa Pagpaligo sa Patay, Pagsasagawa ng Ṣalāh Para Rito, at Paglibing Dito 27
G. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh Para sa Patay 28
H. Ang Paraan ng Paglibing ng Patay 31
I. Isinasabatas para sa sinumang hindi nakapagdasal para sa patay na magdasal para rito matapos ng libing. 33
J. Hindi pinapayagan sa mag-anak ng patay na maghanda sila ng pagkain para sa mga tao. 33
K. Hindi pinapayagan sa babae ang pagluluksa sa isang patay nang higit sa tatlong araw maliban sa asawa niya 34
L. Isinasabatas sa mga lalaki ang pagdalaw sa mga libingan paminsan-minsan para sa pagdalangin para sa mga nakalibing, pagmamakaawa para sa kanila, at pagsasaalaala sa kamatayan at matapos nito. 34
Nagtala nito sina Imām Aḥmad (5/428), At-Ṭabarānīy sa Al-Kabīr (4/338), at Al-Bayhaqīy sa Ash-Sha`b (14/355), na nagsabi sa Majma` Az-Zawā'id (1/121): Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad at ang mga mananalaysay nito ay mga mananalaysay ng tumpak.
Imām Aḥmad (1/ 47)
Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero: 3251 at Imām At-Tirmidhīy sa numero: 1535.
Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero: 4980 at Imām Aḥmad sa numero: 5/384.
Nagtala nito sina Imām Ibnu Mājah sa numero: 4204 at si Imām Aḥmad (3/30).
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero: 916-917.
§ Kung ang patay ay isang babae, palitan ang HU/HI ng HĀ. Kung ang patay ay dalawang tao, palitan ang HU ng HUMĀ at ang HI ng HIMĀ. Kung ang patay ay higit sa dalawang babae, palitan ang HU ng HUNNA at ang HI ng HINNA. Kung ang patay ay higit sa dalawang tao na may kahit isang lalaki, palitan ang HU ng HUM at ang HI ng HIM.
Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero: 3221 at Al-Ḥākim (3/399).
Nagtala nito sina Imām Ibnu Mājah sa numero: 1612 at si Imām Aḥmad (2/204).
Muslim: Al-Janā'iz (976), An-Nasā'īy: Al-Janā'iz (2034), Abū Dāwud: Al-Janā'iz (3234), Ibnu Mājah: Mā Jā'a Fi Al-Janā'iz (1569), Aḥmad (2/441).
Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah (1569). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero: 975.
Majmū` Fatāwā Wa Maqālāt Mutanawwi`ah (3/288-298).