دَفْنُ المَوتَى فِي المَسَاجِدِ
Ang Paglilibing ng mga Patay sa mga Masjid
لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ
عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ
رَحِمَهُ اللهُ
Akda ni Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Ikalabing-isang Mensahe:
Ang Paglilibing ng mga Patay sa mga Masjid
Sa ngalan ni Allāh. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh, mag-anak niya, at sinumang napatnubayan sa pamamagitan ng patnubay niya. Sa pagpapatuloy:
Napag-alaman ko nga sa diyaryong Al-Khurṭūm sa isyu na 17/4/1410 Hijrah (15/11/1989 CE) saka natagpuan ko rito na nailathala nga rito ang isang pahayag hinggil sa paglibing kay Ginoong Muḥammad Al-Ḥasan Al-Idrīsīy sa tabi ng ama niya sa Masjid nila sa Lungsod ng Umm Durman at iba pa.
Dahil nag-obliga si Allāh ng pagpapayo sa mga Muslim at paglilinaw ng pagmamasama sa nakasasama, isinaalang-alang ko ang pagtawag-pansin na ang paglilibing sa mga masjid ay isang bagay na hindi pinapayagan; bagkus ito ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk at kabilang sa mga gawain ng mga Hudyo at mga Kristiyano, na pumula sa kanila si Allāh sa mga ito at sumumpa sa kanila ang Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥān ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Siya ay nagsabi: "Isinusumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano; ginawa nila ang mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan."} Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Siya ay nagsabi: "Pansinin at tunay na ang mga bago pa ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga masjid sapagkat tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."} Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Kaya ang kinakailangan sa mga Muslim sa bawat lugar, sa mga pamahalaan at mga mamamayan, na mangilag silang magkasala kay Allāh, na magbigay-babala sila sa anumang sinaway Niya, at maglibing sila ng mga patay nila sa labas ng mga masjid, kung paanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ay naglilibing noon ng mga patay sa labas ng mga masjid at gayundin ang mga tagasunod nila sa paggawa ng maganda.
Hinggil naman sa pagkakalagak ng libingan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dalawang Kasamahan niyang sina Abū Bakr at `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa Masjid niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), walang katwiran dahil dito sa paglilibing ng mga patay sa mga masjid dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay inilibing sa bahay niya, sa silid ni `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos inilibing ang dalawang Kasamahan niya sa tabi niya. Noong nagpaluwang si Al-Walīd bin `Abdilmalik ng Masjid, ipinasok ang kuwarto sa Masjid noong simula ng unang ikaisandaang taon ng Hijrah. Minasama nga sa kanya iyon ng mga alagad ng kaalaman subalit siya ay nagturing na iyon ay hindi makahahadlang sa pagpapaluwang ng Masjid at na ang usapin ay maliwanag na hindi napaghihinalaan.
Dahil doon, lumiliwanag para sa bawat Muslim na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang dalawang Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay hindi inilibing sa Masjid. Ang pagkapasok nila sa Masjid dahilan sa pagpapaluwang ay hindi isang katwiran sa pagpayag sa paglilibing sa mga masjid dahil sila ay hindi nasa Masjid – sila lamang ay nasa bahay niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) – at dahil ang ginawa ni Al-Walīd ay hindi nababagay na maging katwiran ng sinuman doon. Ang katwiran ay nasa Qur’ān at Sunnah lamang at nasa Ijmā` ng Kanunu-nunuan ng Kalipunang Islām. Malugod nawa si Allāh sa kanila at gumawa nawa Siya sa atin na kabilang sa mga tagasunod nila sa paggawa ng maganda.
Para sa pagpapayo at pagkawala ng maisisisi, naganap ang pagsulat nito noong 14/5/1415 Hijrah (19/10/1994).
Si Allāh ay ang Katangkilik sa pagtutuon. Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya, at ang mga tagasunod nila sa paggawa ng maganda.
***
tl397v4.0 - 17/08/2026