PHPWord

 

التَّحْذِيرُ مِنْ بِنَاءِ المَسَاجِدِ

عَلَى القُبُورِ

 

 

 

Ang Pagbibigay-babala Laban sa Pagpapatayo ng mga Masjid sa mga Libingan

 

 

 

 

 

لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ

عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ

رَحِمَهُ اللهُ

 

Akda ni Ang Kanyang Kabunyian Shaykh

`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz

 

بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ

Ang Ikasampung Mensahe:

Ang Pagbibigay-babala Laban sa Pagpapatayo ng mga Masjid sa mga Libingan

Sa ngalan ni Allāh. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh.

Sa pagpapatuloy, napag-alaman ko nga sa inilathala sa ikatlong isyu ng magasin na Rābiṭah Al-`Ulūm Al-Islāmīyah sa paksang "Mga Balita sa mga Muslim sa Isang Buwan" na ang Al-`Ulūm Al-Islāmīyah sa Kahariang Jordaneo Hāshimeo ay naglalayon ng pagpapatayo ng isang masjid sa yungib na natuklasan kamakailan sa nayon ng Rahib. Ito ang yungib na sinasabing Ahl Al-Kahf (mga nanuluyan sa yungib) na nasasaad ang pagkabanggit sa kanila sa Marangal na Qur’ān na pinaghigaan nila.

Bilang pagsasaalang-alang sa tungkulin ng pagpapayo alang-alang kay Allāh at alang-alang sa mga lingkod Niya, nagturing ako na magtuon ng isang pananalita sa magasin mismo na Rābiṭah Al-`Ulūm Al-Islāmīyah sa Kahariang Jordaneo Hāshimeo, na ang nilalaman nito ay ang payo sa Rābiṭah tungkol sa pagpapatupad sa nilayon nito na pagpapatayo ng isang masjid sa nabanggit na yungib. Walang iba iyon kundi pagpapatayo ng mga masjid sa mga libingan ng mga propeta, mga maaayos na tao, at mga relikiya, na nagsaad ang kumpletong Batas Islāmiko ng pagbabawal doon, pagbibigay-babala laban doon, at pagsumpa sa sinumang gumawa niyon dahil sa pagiging ito ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk at pagpapakalabis-labis sa pagpipitagan sa mga propeta at mga maaayos na tao. Ang reyalidad ay isang tagasaksi sa katumpakan ng inihatid ng Sharī`ah, isang patunay na ito ay mula sa ganang kay Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya), isang patotoong nagniningning, at isang katwirang tandisan sa katapatan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa anumang inihatid niya buhat kay Allāh at ipinaabot niya sa Kalipunan. Ang bawat sinumang nagbulay-bulay sa mga kalagayan ng Mundong Islāmiko at sa nangyari rito na Shirk at pagpapakalabis-labis ay dahilan sa pagpapatayo ng mga masjid sa mga mausoleo, pagdakila sa mga ito, pagmumuwebles sa mga ito, pagpaparikit sa mga ito, at pagtatalaga ng mga bantay-pinto para sa mga ito sa kabila ng pagkakaalam nang tiyakan na ang mga ito ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk at na bahagi ng mga kagandahan ng Batas Islāmiko ang pagbabawal sa mga ito at ang pagbibigay-babala laban sa pagpapatayo ng mga ito.

Kabilang sa nasaad kaugnay roon ang isinalaysay ng Dalawang Shaykh na sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Isinumpa ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano; ginawa nila ang mga libingan ng mga propeta nila na mga sambahan."} Nagsabi pa si `Ā’ishah: {Nagbibigay-babala siya ng niyari nila.} Nagsabi siya: {Kung hindi dahil doon, talaga sanang inangat ang libingan niya. Gayon pa man, siya ay natakot na gawin itong isang masjid.} Nasaad sa Ṣaḥīḥān din na sina Ummu Salamah at Ummu Ḥabībah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) ay bumanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang simbahang nakita nilang dalawa sa lupain ng Etyopya at nasa loob niyon na mga imahen. Kaya naman nagsabi siya (basbasan Niya ito at pangalagaan): "Ang mga iyon, kapag namatay sa kanila ang maayos na tao, ay nagpapatayo sa ibabaw ng libingan niya ng isang sambahan at nagsasaimahen doon ng mga imaheng iyon. Ang mga iyon ay masasamang nilikha sa ganang kay Allāh."

Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Jundub bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), limang araw bago siya mamatay, habang siya ay nagsasabi: "Tunay na ako ay nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh na magkaroon ako mula sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh ay gumawa nga sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talagang gagawin ko si Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang mga bago pa ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maaayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga masjid sapagkat tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."} Ang mga ḥadīth kaugnay sa paksang ito ay marami.

Nagtadhana ang mga imām ng mga maalam ng mga Muslim mula sa lahat ng Apat na Doktrinang Legal at iba pa sa kanila ng pagsaway laban sa paggawa ng mga masjid sa mga libingan. Nagbigay-babala sila laban doon bilang pagsasagawa sa Sunnah ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), bilang pagpapayo sa Kalipunang Islām, at bilang pagbibigay-babala rito na masadlak ito sa kinasadlakan ng mga bago nito kabilang sa mga nagpakalabis-labis sa mga Hudyo at mga Kristiyano at mga kawangis nila kabilang sa mga ligaw ng Kalipunang Islām ng ito.

Kaya ang kinakailangan sa Rābiṭah Al-`Ulūm Al-Islāmīyah sa Jordan at iba pa rito kabilang sa mga Muslim ang pagsunod sa Sunnah, ang pagtahak sa landas ng mga imām, ang pag-iingat laban sa binigyang-babala ni Allāh at ng Sugo Niya sapagkat naroon ang kaayusan ng mga tao, ang kaligayahan nila, at ang tagumpay nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Nag-ugnay nga ang ilan sa mga tao kaugnay sa paksang ito sa sabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) kaugnay sa kuwento ng mga nanuluyan sa yungib:

﴿...قَالَ ٱلَّذِينَ غَلَبُواْ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِمۡ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيۡهِم مَّسۡجِدٗا﴾

{... Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan."} (Qur’ān 18:21)

Ang sagot doon ay na sabihing tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nagpabatid tungkol sa mga pangulo at mga may kapangyarihan sa panahong iyon na sila ay nagsabi ng mga nasabing ito ngunit iyon ay hindi sa paraan ng pagkalugod at pagkilala sa kanila at ito lamang ay sa paraan ng pamumula, pamimintas, at pagpapalayo ng loob mula sa kagagawan nila. Nagpapatunay roon na ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pinagpababaan ng talatang ito, at siya ang pinakamaalam sa mga tao sa pagbibigay-pakahalugan dito, ay sumaway nga sa Kalipunan niya laban sa paggawa ng mga masjid sa mga libingan, nagbigay-babala sa kanila laban doon, at sumumpa at namula sa sinumang gumawa niyon.

Kung sakaling iyon ay pinapayagan, talagang hindi sana naghigpit ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gayong mabigat na paghihigpit at nagpalabis doon hanggang sa isinumpa niya ang sinumang gumawa niyon at ipinabatid niya na iyon ay kabilang sa masasama sa nilikha sa ganang kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Ito ay may dulot na kasapatan at pagkumbinsi sa tagahanap ng katotohanan. Kung sakaling nagpalagay tayo na ang paggawa ng mga masjid sa mga libingan ay pinapayagan sa mga bago natin, hindi naman pinapayagan sa atin ang pagtulad sa kanila roon dahil ang Batas natin ay tagapagpawalang-bisa sa mga batas bago nito, ang Sugo natin (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay ang pangwakas sa mga sugo, at ang Batas niya ay kumpletong pangkalahatan. Sumaway nga siya sa atin laban sa paggawa ng mga masjid sa mga libingan kaya hindi pinapayagan sa atin ang pakikipagsalungatan sa kanya at kinailangan sa atin ang pagsunod sa kanya, ang pagkapit sa inihatid niya, ang pag-iwan sa anumang nakipagsalungatan doon na mga matandang batas at mga kaugaliang minamaganda sa ganang gumawa niyon dahil walang higit na kumpleto kaysa sa Batas ni Allāh at walang pagpatnubay na higit na maganda kaysa sa pagpatnubay ng Sugo ni Allāh (basbasan Niya ito at pangalagaan).

Si Allāh ang hinihilingan na magtuon Siya sa atin at sa mga Muslim sa kalahatan sa pagpapakatatag sa Relihiyon Niya, pagkapit sa Batas ng Sugo Niyang si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) sa mga sinasabi at mga ginagawa, sa panlabas at panloob, at sa nalalabi sa mga kapakanan hanggang sa makipagkita tayo kay Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya); tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.

Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad, ang mag-anak nito, ang mga Kasamahan nito, at ang sinumang napatnubayan ng patnubay nito hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.

 

***

 

tl397v4.0 - 17/08/2026