PHPWord

 

حُكْمُ السِّحْرِ وَالكِهَانَةِ

وَمَا يَتَعَلَّقُ بِهَا

 

 

 

Ang Kahatulan sa Panggagaway at Panghuhula at ang Nauugnay Rito

 

 

 

 

 

لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ

عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ

رَحِمَهُ اللهُ

 

Akda ni Ang Kanyang Kabunyian Shaykh

`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz

 

بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ

Ang Ikasiyam na Mensahe:

Ang Kahatulan sa Panggagaway at Panghuhula at ang Nauugnay Rito1

Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya. Sa pagpapatuloy:

Dahil sa pagsasaalang-alang sa dami ng mga salamangkero sa mga huling panahon, kabilang sa mga nag-aangkin ng panggagamot at lumulunas sa pamamagitan ng panggagaway o panghuhula, dahil sa pagkalaganap nila sa ilan sa mga bayan, at dahil sa pagsasamantala nila sa mga utu-uto sa mga tao kabilang sa mga napananaigan ng pagkamangmang, nagturing ako bilang pagpapayo alang-alang kay Allāh at sa mga lingkod Niya na maglinaw ako kaugnay roon ng isang mabigat na panganib sa Islām at mga Muslim dahil sa dulot nito na pagkakaugnay sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) at pakikipagsalungatan sa utos Niya at utos ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).

Nasasabi ko, habang nagpapatulong kay Allāh (napakataas Siya), na pinapayagan ang pagpapagamot ayon sa napagkasunduang hatol. Maaari sa Muslim na pumunta sa isang doktor ng mga karamdamang panloob o pang-operasyon o pangnerbiyo o tulad niyon upang magsuri ito sa kanya ng karamdaman niya at lumunas ito niyon sa pamamagitan ng naaangkop sa kanya na mga gamot na pinapayagan ayon sa batas alinsunod sa nalalaman nito sa kaalaman sa medisina dahil iyon ay bahagi ng pagsasagawa ng mga karaniwang kadahilanan at hindi sumasalungat sa pananalig kay Allāh. Nagpababa nga si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ng karamdaman at nagpababa Siya kasama nito ng gamot. Nalalaman iyon ng sinumang nakaalam at namangmang doon ang sinumang namangmang. Subalit si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi naglagay ng kagalingan sa mga lingkod Niya sa anumang ipinagbawal Niya sa kanila.

Kaya hindi pinapayagan sa maysakit na pumunta sa mga manghuhula na nag-aangkin ng pagkakaalam ng mga bagay na nakalingid upang makaalam mula sa kanila ng sakit niya. Hindi rin pinapayagan para sa kanya na maniwala sa kanila sa anumang ipinababatid nila sa kanya sapagkat tunay na sila ay nagsasalita ng pala-palagay sa nakalingid o nagpapadalo sa mga jinn upang magpatulong sila sa mga ito sa ninanais nila. Ang hatol sa mga ito ay ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw kapag nag-angkin sila ng kaalaman sa nakalingid.

Nagsalaysay nga si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggapin sa kanya ang pagdarasal ng apatnapung araw."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang panghinaharap na manghuhula saka naniniwala roon sa sinasabi niyon ay tumanggi ngang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."} Nagsalaysay nito si Abū Dāwud. Nagsadokumento nito ang Apat na May mga Sunnah. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Imām Al-Ḥākim ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may pananalitang: "Ang sinumang pumunta sa isang pangnakaraang manghuhula o isang panghinaharap na manghuhula saka naniwala roon sa sinasabi niyon, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."

Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn` (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang naniwala sa masamang pangitain o nagpahanap ng masamang-pangitain, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway. Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka naniwala sa sinasabi nito ay tumanggi ngang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)." Nagsalaysay nito si Al-Bazzār nang may kawing ng pagpapaabot na mahusay.

Nasaad sa mga marangal na ḥadīth na ito ang pagsaway laban sa pagpunta sa mga pangnakaraang manghuhula, mga panghinaharap na manghuhula, mga manggagaway, at mga tulad nila; at sa pagtatanong sa kanila, paniniwala sa kanila. Nasaad sa mga ito ang banta laban doon.

Hindi pinapayagan na magpalinlang dahil sa katapatan nila sa ilan sa mga bagay ni dahil sa dami ng pumupunta sa kanila na mga tao sapagkat tunay na ang mga ito ay mga mangmang. Hindi pinapayagan ang paglinlang ng mga tao dahil sa kanila dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway nga sa pagpunta sa kanila, pagtatanong sa kanila, at paniniwala sa kanila dahil sa dulot niyon na nakasasamang mabigat, panganib na malaki, at mga kahihinatnang kahila-hilakbot at dahil sila ay mga sinungaling na masasamang-loob.

May nasaad din sa mga ḥadīth na ito na isang patunay sa kawalang-pananampalataya ng manghuhula at manggagaway dahil sila ay nag-aangkin ng kaalaman ng nakalingid – at iyon ay kawalang-pananampalataya – at dahil sila ay hindi umaabot sa pakay nila malibang sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga jinn at pagsamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Iyon ay kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya). Ang naniniwala sa kanila sa pag-aangkin nila ng kaalaman sa nakalingid ay nagiging tulad nila. Ang bawat nakatatanggap ng mga bagay na ito buhat sa nagsasagawa ng mga ito ay nawalang-kaugnayan nga sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Hindi rin pinapayagan sa Muslim na sumailalim sa anumang inaangkin nila bilang panggagamot gaya ng pagpapalamuti nila ng mga talisman o pagbubuhos ng tingga at tulad niyan na mga pamahiin na ginagawa nila sapagkat tunay na ito ay kabilang sa panghuhula at panloloko sa mga tao. Ang sinumang nalugod doon ay umalalay nga sa kanila sa kabulaanan nila at kawalang-pananampalataya nila.

Hindi rin pinapayagan para sa isa man sa mga Muslim na pumunta sa kanila upang magtanong sa kanila tungkol sa kung sino ang mapangangasawa ng anak niya o kamag-anak niya o tungkol sa kung ano ang namamagitan sa mag-asawa at mga pamilya ng mga ito na pag-ibig at katapatan o pagkamuhi at pagkalayo ng loob at tulad niyan at pagkalayo ng loob at tulad niyan dahil ito ay kabilang sa nakalingid na walang nakaaalam kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).

Kaya ang kinakailangan sa mga nanunungkulan sa mga tungkulin, mga alagad ng batas, at iba pa sa kanila kabilang sa mga may kapangyarihan at kapamahalaan ang pagmamasama sa pagpunta sa mga panghinaharap na manghuhula, mga pangnakaraang manghuhula, at tulad nila; ang pagpigil sa sinumang nagsasagawa ng anuman kabilang doon sa mga pampublikong lugar at iba pa sa mga iyon; ang pagmamasama sa kanila nang matinding pagmamasama; at ang pagmamasama sa sinumang pumupunta sa kanila.

Ganito ang panggagaway sapagkat tunay na ito ay kabilang sa mga ipinagbabawal na pangkawalang-pananampalataya, gaya ng sinabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) hinggil sa pumapatungkol sa dalawang anghel:

﴿...وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنۡ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَآ إِنَّمَا نَحۡنُ فِتۡنَةٞ فَلَا تَكۡفُرۡۖ فَيَتَعَلَّمُونَ مِنۡهُمَا مَا يُفَرِّقُونَ بِهِۦ بَيۡنَ ٱلۡمَرۡءِ وَزَوۡجِهِۦۚ وَمَا هُم بِضَآرِّينَ بِهِۦ مِنۡ أَحَدٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ وَيَتَعَلَّمُونَ مَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡۚ وَلَقَدۡ عَلِمُواْ لَمَنِ ٱشۡتَرَىٰهُ مَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنۡ خَلَٰقٖۚ وَلَبِئۡسَ مَا شَرَوۡاْ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمۡۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ﴾

{... Hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man hanggang sa magsabi silang dalawa: "Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya." Kaya natututo sila mula sa kanilang dalawa ng nagpapahihiwalay sa pagitan ng lalaki at maybahay nito. Sila ay hindi mga nakapipinsala sa pamamagitan nito sa isa man malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Natututo sila ng nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila. Talaga ngang nakaalam sila na talagang ang sinumang bumili nito ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi. Talagang kay saklap ng pinagbilihan nila ng mga sarili nila, kung sakaling sila noon ay nakaaalam.} (Qur’ān 2:102)

Kaya nagpatunay ang mga marangal na talatang ito na ang panggagaway ay kawalang-pananampalataya at na ang mga manggagaway ay nagpapahiwalay sa lalaki at maybahay nito. Nagpatunay rin ito na ang panggagaway ay hindi isang tagapag-epekto mismo ng pakinabang ni ng pinsala. Nakaaapekto lamang ito ayon sa pahintulot ni Allāh na pansansinukob na pampagtatakda dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay ang lumikha ng kabutihan at kasamaan.

Nagpatunay rin ang mga marangal na talata na ang mga natututo ng panggagaway ay natututo lamang ng nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila at na walang ukol sa kanila sa ganang kay Allāh na anumang bahagi. Ito ay isang mabigat na banta, na nagpapatunay sa tindi ng kalugihan nila sa Mundo at Kabilang-buhay at na sila ay nagbenta ng mga sarili nila kapalit ng pinakahamak sa mga halaga. Dahil dito, pumula sa kanila si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) doon sa sabi Niya:

﴿...وَلَبِئۡسَ مَا شَرَوۡاْ بِهِۦٓ أَنفُسَهُمۡۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ﴾

{Talagang kay saklap ng pinagbilihan nila sa mga sarili nila, kung sakaling sila noon ay nakaaalam.} (Qur’ān 2:102) Ang "pinagbilihan" dito ay nangangahulugang pagtitinda.

Talagang bumigat ang pinsala at tumindi ang kalagayan sa mga gumagawa-gawa na ito na nagmana ng mga kaalamang ito buhat sa mga tagapagtambal at nanloko sila sa pamamagitan ng mga ito sa mahihina ang mga isip. Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay tungo sa Kanya mga babalik. Kasapatan sa atin si Allāh at kay inam ang Pinananaligan.

Hinihiling natin kay Allāh ang kagalingan at ang kaligtasan laban sa kasamaan ng mga manggagaway, mga manghuhula, at nalalabi sa mga salamangkero. Hinihiling natin sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na ipagsanggalang Niya ang mga Muslim sa kasamaan nila, na ituon Niya ang mga tagapamahala ng mga Muslim sa pag-iingat laban sa kanila at pagpapatupad ng kahatulan Niya sa kanila upang makapagpahinga ang mga tao sa pinsala nila at mga karima-rimarim na gawain nila; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay.

Talaga ngang nagsabatas si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) para sa mga lingkod Niya ng ipinanananggalang nila sa kasamaan ng panggagaway bago ng pagkaganap nito. Nagbigay-liwanag Siya sa kanila (kaluwalhatian sa Kanya) ng maipanlulunas nila matapos ng pagkaganap nito bilang awa mula sa Kanya sa kanila, bilang paggawa ng maganda mula sa Kanya sa kanila, at bilang paglulubos ng biyaya Niya sa kanila.

Sa sumusunod ay may isang paglilinaw para sa mga bagay na maipanananggalang sa panganib ng panggagaway bago ng pagkaganap nito. Ang mga bagay na ipinanlulunas matapos ng pagkaganap nito ay kabilang sa mga bagay-bagay na pinahihintulutan sa Batas. Ang paglilinaw niyon ay gaya ng sumusunod:

A. Ang maipanananggalang sa panganib ng panggagaway bago ng pagkaganap nito. Ang pinakamahalaga roon at ang pinakakapaki-pakinabang niyon ay ang pagpapatanggol sa pamamagitan ng mga dhikr na legal, mga panalangin, at mga ipinarating na dalangin ng pagpapakupkop. Kabilang doon ang pagbigkas ng āyatulkursīy, na pinakadakilang talata sa Marangal na Qur’ān, matapos ng bawat isinatungkuling ṣalāh matapos ng mga dhikr na isinabatas matapos ng salām. Ito ay ang sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡحَيُّ ٱلۡقَيُّومُۚ لَا تَأۡخُذُهُۥ سِنَةٞ وَلَا نَوۡمٞۚ لَّهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ مَن ذَا ٱلَّذِي يَشۡفَعُ عِندَهُۥٓ إِلَّا بِإِذۡنِهِۦۚ يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡۖ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيۡءٖ مِّنۡ عِلۡمِهِۦٓ إِلَّا بِمَا شَآءَۚ وَسِعَ كُرۡسِيُّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۖ وَلَا يَـُٔودُهُۥ حِفۡظُهُمَاۚ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ255﴾

{Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.} (Qur’ān 2:255) Kabilang doon ang pagbigkas din nito bago matulog sapagkat natumpak nga [ang ḥadīth] ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: {Siya ay nagsabi: "Ang sinumang bumigkas ng āyatulkursīy sa gabi ay hindi matitigil sa kanya na may isang tagapag-ingat mula kay Allāh at walang lalapit sa kanya na isang demonyo hanggang sa magmadaling-araw."}

Kabilang doon ang pagbigkas:

﴿قُلۡ هُوَ ٱللَّهُ أَحَدٌ1﴾

Sūrah Al-Ikhlāṣ

﴿قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلۡفَلَقِ1﴾

Sūrah Al-Falaq

﴿قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلنَّاسِ1﴾

Sūrah An-Nās (Qur’ān 114:1). Matapos ng bawat isinatungkuling ṣalāh, bibigkasin ang tatlong sūrah na ito nang tatlong ulit sa simula ng maghapon matapos ng ṣalāh na fajr at sa simula ng gabi matapos ng ṣalāh na maghrib.

Kabilang din doon ang pagbigkas ng dalawang talata mula sa huling bahagi ng Sūrah Al-Baqarah sa simula ng gabi. Ang dalawang ito ay ang sabi Niya (napakataas Siya):

﴿ءَامَنَ ٱلرَّسُولُ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مِن رَّبِّهِۦ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَۚ كُلٌّ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّن رُّسُلِهِۦۚ وَقَالُواْ سَمِعۡنَا وَأَطَعۡنَاۖ غُفۡرَانَكَ رَبَّنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ285﴾

{Āmana -rrasūlu bi-mā unzila ilayhi mir -rrabihī wa-lmu’minūn. Kullun ... (Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya [mula sa Qur’ān] mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ...)} Bibigkasin ang nabanggit hanggang sa pinakawakas ng sūrah.

batay [sa ḥadīth] ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na: {iya ay nagsabi: "Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."} Ang kahulugan, at si Allāh ay higit na maalam: Nakasapat ang dalawang ito sa kanya laban sa bawat kasamaan. Kabilang doon ang pagpaparami ng panalangin ng pagpapakupkop sa pamamagitan ng pagsabi ng: "A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng nilikha Niya)" sa gabi at maghapon at sa sandali ng pagtuloy sa alinmang tuluyan sa estruktura o disyerto o himpapawid o dagat batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan saka nagsabi: "A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya)," walang pipinsala sa kanya na anuman hanggang sa lumisan siya mula sa tinuluyan niyang iyon."

Kabilang din doon na magsabi ang Muslim sa simula ng maghapon at simula ng gabi nang tatlong ulit: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay’un fi -l’arḍi wa lā fi -ssamā’i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm. (Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anuman sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam.)"

Ito ay dahil sa katumpakan ng pagpapaibig kaugnay roon ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at na iyon ay isang kadahilanan para sa kaligtasan sa bawat kasamaan.

B. Ang maipanlulunas sa panggagaway matapos ng pagkaganap nito. Ito rin ay sa pamamagitan ng ilang bagay:

1. Ang pagpaparami ng pagsusumamo kay Allāh at paghiling sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na pawiin ang kapinsalaan at alisin ang kasiraan.

2. Ang pag-uukol ng mga pagsisikap sa pag-alam sa kinalalagyan ng panggagaway sa lupa o bundok o iba pa riyan. Kaya kapag nalaman ito, nailabas ito, at nasira ito, mawawalang-saysay ang panggagaway. Ito ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang na paglunas sa panggagaway.

3. Ang ruqyah sa pamamagitan ng mga dhikr at mga sambiting legal. Ang mga ito ay marami, na kabilang doon:

Ang napagtibay sa sabi ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Allāhumma, rabba -nnāsi, adhhibi -lba’sa, wa-shfi anta -shshāfī lā shifā’a illā shifā’uka shifā’an lā yughādiru saqamā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, mag-alis Ka ng kasiraan at magpagaling Ka; Ikaw ay ang Tagapagpagaling: walang pagpapagaling kundi ang pagpapagaling Mo bilang pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman)." Magsasabi nito nang tatlong ulit.

Kabilang din doon ang ruqyah na ipinandadalangin ni Anghel Gabriel sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay ang pagsabi ng: "Bismi -llāhi arqīka min kulli shay’in yu’dhīka wa-min sharri kulli nafsin aw `aynin ḥāsidin; Allāhu yashfīka, bismi -llāhi arqīk.(Sa ngalan ni Allāh, bumibigkas ako ng ruqyah sa iyo laban sa bawat bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat kaluluwa o matang naiinggit; si Allāh ay magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allāh, bumibigkas ako ng ruqyah sa iyo.)" Mag-uulit siya niyon nang tatlong ulit.

Kabilang doon – at ito ay lunas na kapaki-pakinabang para sa lalaki kapag nawalang-kakayahan siya sa pakikipagtalik sa maybahay niya – na kumuha siya ng pitong dahon ng berdeng sidr saka durugin niya ang mga ito ng bato o tulad nito, ilagay niya ito sa isang lalagyan, buhusan niya ito ng tubig na sasapat para sa paligo, at bigkasin niya rito:

ang Āyatulkursīy (Qur’ān 2:255),

﴿قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡكَٰفِرُونَ1﴾

ang Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur’ān 109),

﴿قُلۡ هُوَ ٱللَّهُ أَحَدٌ1﴾

ang Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur’ān 112),

﴿قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلۡفَلَقِ1﴾

ang Sūrah Al-Falaq (Qur’ān 113), at

﴿قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلنَّاسِ1﴾

ang Sūrah An-Nās (Qur’ān 114:1).

[Kabilang din] ang mga talata na panlaban sa panggagaway na nasa Sūrah Al-A`rāf. Ang mga ito ay ang sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۖ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ117 فَوَقَعَ ٱلۡحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ118 فَغُلِبُواْ هُنَالِكَ وَٱنقَلَبُواْ صَٰغِرِينَ119﴾

{117. Wa-awḥaynā ilā mūsā an alqi bi-`aṣāka fa-idhā hiya talqafu mā ya’fikūn. (Nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Pumukol ka ng tungkod mo," kaya biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.)

118. Fa-waqa`a -lḥaqqu wa-baṭala mā kānū ya`malūn. (Kaya napagtibay ang katotohanan at napawalang-saysay ang dati nilang ginagawa.)

119. Fa-ghulibū hunālika wa-nqalabū ṣāghirīn. (Kaya nadaig sila roon at umuwi na mga nanliliit.)} (Qur’ān 7:117-119)

[Kabilang din] ang mga talata sa Sūrah Yūnus, na ang sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ ٱئۡتُونِي بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٖ79 فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلۡقُواْ مَآ أَنتُم مُّلۡقُونَ80 فَلَمَّآ أَلۡقَوۡاْ قَالَ مُوسَىٰ مَا جِئۡتُم بِهِ ٱلسِّحۡرُۖ إِنَّ ٱللَّهَ سَيُبۡطِلُهُۥٓ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُصۡلِحُ عَمَلَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ81 وَيُحِقُّ ٱللَّهُ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُجۡرِمُونَ82﴾

{79. Wa-qāla fir`awnu -’tūnī bi-kulli sāḥirin `alīm. (Nagsabi si Paraon: "Magdala kayo sa akin ng bawat manggagaway na maalam.")

80. Fa-lammā jā’a -ssaḥaratu qāla lahum mūsā alqū mā antum mulqūn. (Kaya noong dumating ang mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol.")

81. Fa-lammā qāla mūsā mā ji’tum bihi -ssiḥru; inna -llāha sa-yubṭiluhū inna -llāha lā yuṣliḥu `amala -lmufsidīn. (Kaya noong pumukol sila ay nagsabi si Moises: "Ang inihatid ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh ay magpapawalang-saysay rito. Tunay na si Allāh ay hindi nagsasaayos sa gawa ng mga tagatiwali.)

82. Wa-yuḥiqqu -llāhu -lḥaqqa bi-kalimātihī wa-law kariha -lmujrimūn. (Nagsasakatotohanan si Allāh sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya kahit pa man nasuklam ang mga salarin.)} (Qur’ān 10:79-82)

[Kabilang din] ang mga talata sa Sūrah Ṭāha:

﴿قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَلۡقَىٰ65 قَالَ بَلۡ أَلۡقُواْۖ فَإِذَا حِبَالُهُمۡ وَعِصِيُّهُمۡ يُخَيَّلُ إِلَيۡهِ مِن سِحۡرِهِمۡ أَنَّهَا تَسۡعَىٰ66 فَأَوۡجَسَ فِي نَفۡسِهِۦ خِيفَةٗ مُّوسَىٰ67 قُلۡنَا لَا تَخَفۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡأَعۡلَىٰ68 وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٖۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ69﴾

{65. Qālū yā-mūsā immā an tulqiya wa-immā an nakūna awwala man alqā. (Nagsabi sila: "O Moises, maaari na pumukol ka at maaari na maging kami ay kauna-unahan sa sinumang pupukol.")

66. Qāla bal alqū; fa-idhā ḥibāluhum wa-`iṣīyuhum yukhayyalu ilayhi min siḥrihim annahā tas`ā. (Nagsabi [si Moises]: "Bagkus pumukol kayo." Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad.)

67. Fa-awjasa fī nafsihī khīfata mūsā. (Kaya nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si Moises.)

68. Qulnā lā takhaf innaka anta -l’a`lā. (Nagsabi Kami: "Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas.")

69. Wa-alqi mā fī yamīnika talqaf mā ṣana`ū; innamā ṣana`ū kayda sāḥirin wa-lā yufliḥu -sāḥiru ḥaythu atā. (Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Yumari lamang sila ng isang panlalansi ng isang manggagaway. Hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta.)} (Qur’ān 20:65-69)

Matapos bigkasin sa tubig ang nabanggit, iinom mula rito ng tatlong higop at ipaliligo ang natitira. Sa pamamagitan niyon, maglalaho ang sakit kung loloobin ni Allāh. Kung hiniling ng pangangailangan para gamitin ito ng dalawang ulit o higit, walang masama [na gawin iyon] hanggang sa maglaho ang sakit.

Ang mga dhikr at ang mga panalangin ng pagpapakupkop na ito ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan sa pagkakasanggalang sa kasamaan ng panggagaway at iba pa rito na mga kasamaan. Ang mga ito rin ay kabilang sa pinakadakilang sandata para sa pag-aalis ng epekto ng panggagaway matapos ng pagkaganap nito sa sinumang nagpanatili sa mga ito nang may katapatan, pananampalataya, pagtitiwala kay Allāh, pagsandal sa Kanya, at pagkabukas ng dibdib sa ipinahiwatig nito.

Ito ay ang naging madali ang paglilinaw kabilang sa mga nauukol na ipinananggalang sa panggagaway at ipinanggagamot dito. Si Allāh ay ang Karapat-dapat sa pagtutuon.

Dito ay may darating na isang mahalagang usapin. Ito ay ang paglulunas sa panggagaway sa pamamagitan ng gawain ng mga manggagaway na naisasagawa sa pamamagitan ng pagpapakalapit-loob sa mga jinn sa pamamagitan ng pag-aalay ng hayop o iba pa rito kabilang sa mga pampalapit-loob. Ito ay hindi pinapayagan dahil ito ay kabilang sa gawain ng demonyo, bagkus kabilang sa Malaking Shirk. Hindi rin pinapayagan ang paggamot nito sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga panghinaharap na manghuhula, mga pangnakaraang manghuhula, at mga salamangkero; at ng paggamit ng sinasabi nila dahil sila ay hindi sumasampalataya at dahil sila ay mga sinungaling na masasamang-loob, na nag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid, at nanlilinlang sa mga tao. Nagbigay-babala nga ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpunta sa kanila, pagtatanong sa kanila, at paniniwala sa kanila, gaya ng naunang paglilinaw roon sa unang bahagi ng mensaheng ito. Kaya ang kinakailangan ay ang pag-iingat laban doon. Natumpak nga [ang ḥadīth] ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay tinanong tungkol sa nushrah kaya nagsabi siya: "Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo." Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām Abū Dāwud nang may kawing ng pagpapaabot na mahusay.

Ang nushrah ay ang paglulunas sa panggagaway para sa ginaway. Ang tinutukoy ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pananalita niyang ito ay ang nushrah na ginagawa ng mga kampon ng Kamangmangan. Ito ay ang paghiling sa manggagaway upang lunasan nito ang panggagaway o ang paglunas nito sa pamamagitan ng isang panggagaway na tulad nito mula sa ibang manggagaway.

Hinggil naman sa paglunas nito sa pamamagitan ng ruqyah, mga legal na panalangin ng pagpapakupkop, at mga ipinahihintulot na gamot, walang masama roon gaya ng naunang nabanggit. Nagsateksto niyon ang Paham na si Ibnu Al-Qayyim at si Shaykh `Abdurraḥmān bin Ḥasan sa [aklat na] Fatḥ Al-Majīd (ang awa ni Allāh ay sumakanilang dalawa). Nagsateksto rin niyon ang iba pa sa kanilang dalawa kabilang sa mga may kaalaman.

Si Allāh ay ang hinihilingan na magtuon sa mga Muslim para sa kagalingan laban sa bawat kasamaan at na mangalaga sa kanila ng Relihiyon nila at magtustos sa kanila ng pagkaunawa rito at kagalingan laban sa bawat anumang sumasalungat sa Batas Niya.

Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito.

 

***

tl397v4.0 - 17/08/2026


Inilathala ang tagubiling ito sa Kuwaderno sa Numero 17 Buhat sa Pangkalahatang Panguluhan ng mga Pangangasiwa ng mga Pananaliksik na Pangkaalaman at Pagbibigay-fatwā, Pag-aanyaya, at Paggabay Taong 1402 Hijrah