مَا لَا يَسَعُ المُسْلِمَ جَهْلُهُ
Ang Kinakailangang Malaman ng Muslim
اللَّجْنَةُ العِلْمِيَّةُ
بِرِئَاسَةِ الشُّؤُونِ الدِّينِيَّةِ بِالمَسْجِدِ الحَرَامِ وَالمَسْجِدِ النَّبَوِيِّ
Ang Lupong Pangkaalaman sa Panguluhan ng mga Kapakanang Panrelihiyon sa Masjid na Pinakababanal at Masjid ng Propeta
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Kinakailangang Malaman ng Muslim
Panimula
Ang papuri ay ukol kay Allāh. ِAng basbas at ang pangangalaga ay ukol sa ipinadala bilang awa sa mga nilalang at ukol sa mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at sinumang nagsakalakaran ng Sunnah niya at napatnubayan ng patnubay niya hanggang sa Araw ng Pagtutumbas. Sa pagpapatuloy:
Ito ay isang pinaiksing mensaheng naglaman ng pinakamahalaga sa kinakailangan ng Muslim kaugnay sa paniniwala niya, mga pagsamba niya, at mga pakikitungo niya. Nagtipon kami nito para sa mga lalaki at mga babaing tagabisita sa Dalawang Marangal na Ḥaram nang sa gayon sila ay maging batay sa isang kaalaman at isang pagkatalos sa mga nauukol sa Relihiyon nila, habang umaasa mula sa Mapagbigay na Mapagmagandang-loob, na magpakinabang Siya sa pamamagitan nito at gumawa Siya nito bilang maayos at para sa Mukha Niya; tunay na Siya ay pinakamabuting hinihilingan at pinakamapagbigay na inaasahan.
Ang Lupong Pangkaalaman sa Panguluhan ng mga Kapakanang Panrelihiyon sa Masjid na Pinakababanal at Masjid ng Propeta
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Ang Unang Parte:
Ang Nauugnay sa Pinaniniwalaan
Ang Unang Paksa: Ang Kahulugan ng Islām at ang mga Haligi Nito
Ang Islām (Pagpapasakop) ay ang pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng Tawḥīd, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang pagpapawalang-kaugnayan sa Shirk at mga alagad nito.
Ang mga haligi nito ay lima:
Ang Una: Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.
Ang Ikalawa: Ang Ikalawang Haligi: Ang Pagpapanatili ng Ṣalāh.
Ang Ikatlo: Ang Ikatlong Haligi: Ang Pagbibigay ng Zakāh.
Ang Ikaapat: Ang Ikaapat na Haligi: Ang Pag-aayuno sa Ramaḍān.
Ang Ikalima: Ang Ikalimang Haligi: Ang Pagsasagawa ng Ḥajj sa Bahay na Pinakababanal Para sa Sinumang Nakayang [Magkaroon] Papunta Roon ng Kaparaanan.
Ang Kahalagahan ng Tawḥīd
Alamin mo na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay lumikha sa mga nilikha upang sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman. Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ 56﴾
Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin. (Qur'ān 51:56) Ang pagsambang ito ay hindi maaari ang pagkaalam dito malibang sa pamamagitan ng kaalaman [mula kay Allāh], gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿فَٱعۡلَمۡ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مُتَقَلَّبَكُمۡ وَمَثۡوَىٰكُمۡ 19﴾
{Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at para sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Si Allāh ay nakaaalam sa ginagalawan ninyo at tuluyan ninyo.} (Qur'ān 47:19) Kaya naman nagsimula siya sa kaalaman bago ng pagsasabi at paggawa. Ang pinakamahalaga sa Muslim na matutuhan niya ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) dahil ito ay ang saligan ng Relihiyon at ang pundasyon nito. Hindi nakatatayo ang Relihiyon kundi dahil sa Tawḥīd. Ito ay ang kauna-unahang kinakailangan sa Muslim at ito ay ang kahuli-hulihang kinakailangan. At ang Tawḥīd ay ang unang haligi mula sa mga haligi ng Islām na kinakailangan sa bawat Muslim ang pag-alam sa mga ito at ang paggawa ayon sa mga ito. Ito ay limang haligi, gaya ng nasaad sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh], at pag-aayuno sa Ramaḍān."1
Kaya naman kinakailangan sa Muslim ang magpakatuto ng kahulugan ng Tawḥīd, na pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba. Kaya naman hindi magtatambal sa Kanya ng isa man sa pagsamba sa Kanya: hindi ng isang anghel na minalapit [sa Kanya] ni ng isang sugong isinugo.
Ang Kahulugan ng Pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allāh
Ito ay na kumilala ang tao dala ng tiyakang paniniwala na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kaya naman sumasamba siya kay Allāh nang mag-isa at nagtatangi sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) sa lahat ng mga uri ng mga pagsamba gaya ng panalangin, pangamba, pag-asa, pananalig, at iba pa riyan.
Hindi naisasakatotohanan ang pagsaksi kundi sa pamamagitan ng dalawang haligi:
Ang Una: Ang pagkakaila ng pagkadiyos at pagsamba sa iba kay Allāh kabilang sa lahat ng mga kaagaw, mga diyos, at mga nagpapakadiyos.
Ang Ikalawa: Ang pagpapatibay sa pagkadiyos at pagsambang totoo kay Allāh – tanging sa Kanya: bukod sa iba sa Kanya. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوتَۖ...﴾
{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur'ān 16:36)
Hinggil naman sa mga kundisyon ng: Walang Diyos kundi si Allāh, ang mga ito ay:
Ang Una: Ang kaalamang tagasalungat ng kamangmangan.
Ang Ikalawa: Ang katiyakang tagasalungat ng pagdududa.
Ang Ikatlo: Ang pagpapakawagas na tagasalungat ng Shirk.
Ang Ikaapat: Ang katapatang tagasalungat ng kasinungalingan.
Ang Ikalima: Ang pag-ibig na tagasalungat ng pagkamuhi.
Ang Ikaanim: Ang pagpapaakay na tagasalungat ng pagwaksi.
Ang Ikapito: Ang pagtanggap na tagasalungat ng pagtanggi.
Ang Ikawalo: Ang kawalang-pananampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh (napakataas Siya).
Ang mga kundisyong ito ay kinakailangan ang pagsasagawa sa mga ito. Tinipon nga ang mga ito sa dalawang sumusunod na taludtod:
Kaalaman, katiyakan, pagpapakawagas, at katapatan mo kasama *** ng pag-ibig, pagpapaakay, at pagtanggap sa mga ito,
at idinagdag ang ikawalo ng mga ito, ang pagkawalang-pananampalataya mula sa iyo sa anumang *** iba sa Diyos na mga bagay na diniyos nga.
Ang pagsasakatotohanan ng pagsaksi ay sa pamamagitan ng pagsamba kay Allāh (napakataas Siya) – tanging sa Kanya, walang katambal sa Kanya – at pagpapakawagas ng pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya. Kaya hindi mananalangin kundi kay Allāh, hindi mananalig kundi kay Allāh, hindi maghahangad kundi kay Allāh, hindi magdarasal kundi kay Allāh, at hindi mag-aalay kundi kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
Kaya naman ang ginagawa ng ilan sa mga tao na pagsasagawa ng ṭawāf sa mga libingan at pagpapasaklolo sa mga nakahimlay sa mga ito at pagdalangin sa kanila bukod pa kay Allāh ay shirk sa pagsamba. Kaya kinakailangan ang pag-iingat laban doon at ang pagbibigay-babala laban doon dahil ito ay kabilang sa uri ng ginagawa ng mga tagapagtambal na pagsamba sa mga anito, mga bato, at mga punong-kahoy bukod pa kay Allāh (napakataas Siya). Ito ang shirk na pinababa ang mga kasulatan at isinugo ang mga sugo para sa pagbibigay-babala laban dito at pagsaway laban dito.
Ang Kahulugan ng Pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh
Ang pagtalima sa kanya sa ipinag-utos niya, ang paniniwala sa kanya sa ipinabatid niya, ang pag-iwas sa sinaway niya at sinawata niya, at hindi pagsamba kay Allāh malibang ayon sa isinabatas niya. Kaya naman kumikilala ang Muslim na si Muḥammad bin `Abdillāh Al-Qurashīy Al-Hāshimīy ay Sugo ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lahat ng nilikha kabilang sa jinn at tao, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡ جَمِيعًا...﴾
{Sabihin mo: “O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan,} (Qur'ān 7:158)
Si Allāh ay nagsugo sa kanya para sa pagpapaabot ng Relihiyon Niya at kapatnubayan ng nilikha, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا كَآفَّةٗ لِّلنَّاسِ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ28﴾
{Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.} (Qur'ān 34:28); at gaya pa ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا رَحۡمَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ 107﴾
{Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalang.} (Qur'ān 21:107)
Ang hinihiling ng pagsaksing ito ay na hindi ka maniwala na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may karapatan sa pagkapanginoon at pagpapatnugot sa Sansinukob o karapatan sa pagsamba. Bagkus siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang lingkod na hindi sinasamba at isang sugo na hindi pinasisinungalingan. Hindi siya nakapagdudulot para sa sarili niya ni para sa iba pa sa kanya ng anuman sa pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni Allāh, gaya ng sinabi ni Allāh:
﴿قُل لَّآ أَقُولُ لَكُمۡ عِندِي خَزَآئِنُ ٱللَّهِ وَلَآ أَعۡلَمُ ٱلۡغَيۡبَ وَلَآ أَقُولُ لَكُمۡ إِنِّي مَلَكٌۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ...﴾
{Sabihin mo: "Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin.”} (Qur'an 6:50)
Ang Ikalawang Paksa: Ang Kahulugan ng Pananampalataya at ang mga Haligi Nito
Ang pananampalataya ay ang pagkilala sa pamamagitan ng puso, ang pagbigkas sa pamamagitan ng dila, at ang paggawa sa pamamagitan ng puso at sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan. Nadaragdagan ito dahil sa pagtalima at nababawasan ito dahil sa pagsuway.
Kaya naman ang pananampalataya ay isang kundisyon para sa katumpakan at pagkatanggap ng mga pagsamba, kung paanong ang shirk at ang kawalang-pananampalataya ay isang tagapagpawalang-kabuluhan sa lahat ng mga pagtalima. Kaya kung paanong hindi tumatanggap si Allāh ng isang ṣalāh na walang wuḍū', hindi Siya tumatanggap ng isang pagsamba na walang pananampalataya. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ نَقِيرٗا 124﴾
Ang sinumang gumagawa ng mga maayos, na lalaki man o babae, habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi gagawan ng paglabag sa katarungan ni kapiranggot. (Qur'ān 4:124)
Naglinaw Siya na ang shirk ay isang tagapagpawalang-kabuluhan sa gawa. gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَلَقَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ لَئِنۡ أَشۡرَكۡتَ لَيَحۡبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ 65﴾
{Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga nauna pa sa iyo na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur'ān 39:65)
Ang mga haligi ng pananampalataya ay anim: ang pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, sa pagtatakda: sa kabutihan nito at sa kasamaan nito.
1) Ang pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya), na naglalaman ng tatlong usapin:
1. Ang Pananampalataya sa Pagkapanginoon Niya:
Ito ay ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh (napakataas Siya) sa mga gawain Niya gaya ng paglikha, pagtustos, pagbibigay-buhay, at pagbibigay-kamatayan. Kaya naman walang Tagalikha kundi si Allāh, walang Tagapagtustos kundi si Allāh, walang Tagapagbigay-buhay kundi si Allāh, walang Tagapagbigay-kamatayan kundi si Allāh, at walang namamatnugot sa Sansinukob kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya.
Hindi nalaman na may isa mula sa nilikha na nagkaila sa pagkapanginoon ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) maliban na siya ay nakikipagmalakihang hindi naman naniniwala sa sinasabi niya, gaya ng nangyari kay Paraon nang nagsabi siya sa mga tao niya:
﴿...أَنَا رَبُّكُمُ الْأَعْلَى﴾
{Ako ay ang panginoon ninyong pinakamataas.} (Qur'ān 70:24) Subalit iyon ay hindi dahil sa isang paniniwala gaya ng sinabi ni Allāh tungkol kay Moises (sumakanya ang pangangalaga):
﴿قَالَ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَآ أَنزَلَ هَٰٓؤُلَآءِ إِلَّا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ بَصَآئِرَ وَإِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰفِرۡعَوۡنُ مَثۡبُورٗا 102﴾
{Nagsabi siya: "Talaga ngang nalaman mong walang nagpababa sa mga ito kundi ang Panginoon ng mga langit at lupa bilang mga katibayan. Tunay na ako ay talagang nakatitiyak na ikaw, O Paraon, ay naigupo."} (Qur'ān17:102) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَجَحَدُوا بِهَا وَاسْتَيْقَنَتْهَا أَنْفُسُهُمْ ظُلْمًا وَعُلُوًّا... ﴾
{Nagkaila sila sa mga ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang kawalang-katarungan at bilang pagmamataas.} (Qur'ān 27:14)
Tunay na ang mga nilikhang ito ay walang pagkaiwas para sa mga ito sa isang Tagalikha, yayamang hindi maaari na magpairal ang mga ito ng sarili ng mga ito sa pamamagitan ng sarili ng mga ito; dahil ang bagay ay hindi lumilikha ng sarili nito at hindi maaari na umiral dahil sa isang pagkakataon, dahil ang bawat nangyayari ay walang pagkaiwas sa isang tagapagpangyari, at dahil ang kairalan ng mga ito ayon sa sistemang walang-katulad at kaayusang nagkakatugmaan ay pumipigil na ang kairalan ng mga ito ay maging isang pagkakataon. Kaya naoobliga na magkaroon ang mga ito ng isang tagapagpairal. Siya ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿أَمۡ خُلِقُواْ مِنۡ غَيۡرِ شَيۡءٍ أَمۡ هُمُ ٱلۡخَٰلِقُونَ 35 أَمۡ خَلَقُواْ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ 36﴾
{35. O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?
36. O lumikha sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak.} (Qur'ān 52:35-36)
Ang mga tagapagtambal ay kumikilala noon sa pagkapanginoon ni Allāh (napakataas Siya) kasabay ng pagtatambal nila sa Kanya sa Pagkadiyos at hindi nagpapasok sa kanila iyon sa Islām. Nakipaglaban sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nalabag ang mga buhay nila at mga ari-arian nila dahil sila ay nagtambal sa pagsamba sapagkat sumamba sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito, mga bato, mga anghel, at iba pa sa mga ito.
2) Ang Pananampalataya sa Pagkadiyos
Ang pananampalataya sa pagkadiyos ni Allāh, ibig sabihin, na Siya – tanging Siya – ay ang Diyos na Totoo: walang katambal sa Kanya. Ang Diyos ay may kahulugang ang dinidiyos, ibig sabihin: ang sinasamba dala ng pag-ibig, dala ng pagdakila, at dala ng pagpapakaaba [sa Kanya].
Nagsabi si Allāh:
﴿وَإِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلرَّحِيمُ 163﴾
{Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos; walang Diyos kundi Siya, ang Napakamaawain, ang Maawain.} (Qur'ān 2:163)
Ang bawat anumang ginawang diyos kasama kay Allāh, na sinasamba bukod pa sa Kanya, ang pagkadiyos nito ay kabulaanan. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ هُوَ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ 62﴾
{Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.} (Qur'ān 22:62)
Dahil dito, ang mga sugo (sumakanila ang pangangalaga) mula kay Noe hanggang kay Muḥammad (basbasan sila ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aanyaya sa mga tao nila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba bukod sa ano pa mang iba sa Kanya. Nagpawalang-saysay si Allāh (napakataas Siya) sa paggawa ng mga tagapagtambal ng mga diyos na sinasamba nila kasama kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), na pinagpapaadyaan nila, at pinagpapasaklolohan nila. Iyon ay sa pamamagitan ng dalawang patunay na pangkaisipan:
Ang Una: Na wala sa mga diyos na ginawa nila ang anuman sa mga kakanyahan ng pagkadiyos sapagkat ang mga ito ay nilikhang hindi nakalilikha, hindi nakapagdudulot ng pakinabang sa mga tagasamba ng mga ito, hindi nakapagtutulak sa kanila ng isang pinsala, at hindi nagmamay-ari ng isang buhay ni isang kamatayan ni isang pagkabuhay, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗ لَّا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ وَلَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا وَلَا يَمۡلِكُونَ مَوۡتٗا وَلَا حَيَوٰةٗ وَلَا نُشُورٗا 3﴾
{Gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila *nagmamay-ari para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nagmamay-ari ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagkabuhay.} (Qur'ān 25:3)
Ang Ikalawa: Na ang mga tagapagtambal na ito ay kumikilala noon na si Allāh (napakataas Siya) ay ang Tagalikha, ang Tagapangasiwang mag-isang bukod sa anumang iba sa Kanya. Ito ay nag-oobliga na maniwala sila sa kaisahan Niya sa pagkadiyos kung paanong naniwala sila sa kaisahan Niya sa pagkapanginoon, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿قُل لِّمَنِ ٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهَآ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ 84 سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ85 قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلسَّبۡعِ وَرَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ 86 سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ 87 قُلْ مَنْ بِيَدِهِ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيْءٍ وَهُوَ يُجِيرُ وَلَا يُجَارُ عَلَيْهِ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 88 سَيَقُولُونَ لِلَّهِ قُلْ فَأَنَّى تُسْحَرُونَ 89﴾
{84. Sabihin mo: “Kanino ang lupa at ang sinumang narito kung kayo ay nakaaalam?”
85. Magsasabi sila: “Sa kay Allāh.” Sabihin mo: “Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?”
86. Sabihin mo: “Sino ang Panginoon ng pitong langit at ang Panginoon ng tronong dakila?”
87. Magsasabi sila: “[Ang mga ito ay] sa kay Allāh.” Sabihin mo: “Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?”
88. Sabihin mo: “Sino ang nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay at Siya ay kumakalinga at hindi kinakalinga, kung kayo ay nakaaalam?”
89. Magsasabi sila: “[Ang mga ito ay] sa kay Allāh.” Sabihin mo: “Kaya paanong napaglalalangan kayo?”} (Qur'ān 23:84-89) Kaya kapag kumilala sila sa kaisahan sa pagkapanginoon, naoobliga sila na magtangi sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) sa pagsamba – tanging sa Kanya – at hindi magtambal kasama sa Kanya ng isa man sa pagsamba sa Kanya.
3) Ang Pananampalataya sa mga Pangalan at mga Katangian
Ibig sabihin: Ang pagpapatibay ng pinagtibay ni Allāh para sa sarili Niya sa Aklat Niya, o pinagtibay sa Kanya ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa Sunnah Nito, na mga pangalan at mga katangian sa paraang naaangkop sa Kanya (napakataas Siya), nang walang taḥrīf (paglilihis ng kahulugan), walang ta`ṭīl (pagsira ng kahulugan), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan). Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿وَلِلَّهِ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ فَٱدۡعُوهُ بِهَاۖ وَذَرُواْ ٱلَّذِينَ يُلۡحِدُونَ فِيٓ أَسۡمَٰٓئِهِۦۚ سَيُجۡزَوۡنَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ 180﴾
{Taglay ni Allāh ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga *lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 7:180) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿...لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ﴾
{Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur'ān 42:11)
Ang mga bahagi ng Shirk ay tatlo:
1. Ang Malaking Shirk,
2. Ang Maliit na Shirk,
3. Ang Kubling Shirk.
1. Ang Malaking Shirk
Ang panuntunan nito ay ang pagpapantay ng iba pa kay Allāh sa kay Allāh sa anumang kabilang sa mga katangian ni Allāh. gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿إِذۡ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ 98﴾
{noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'an 26:98)
Ito ay ang naglalaman ng pagbaling ng pagsamba sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o ng pagbaling ng ilang bahagi nito sa iba pa sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) gaya ng panalangin, pagpapasaklolo, pamamanata, pag-aalay, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga uri ng pagsamba;
o naglalaman ng pagtuturing na ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), o pagbabawal ng ipinahintulot Niya, o pag-aalis ng tungkulin sa inobliga ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), gaya ng pagtuturing na ipinahihintulot ang anumang nalaman ang pagbabawal nito mula sa Relihiyon nang hayagan gaya ng pagtuturing na ipinahihintulot ang pangangalunya o ang alak o ang kasuwailan sa mga magulang o ang patubo o ang anumang nakawangis niyon;
o pagbabawal ng ipinahintulot ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) kabilang sa mga kaaya-ayang bagay, o pag-aalis ng tungkulin sa inobliga ni Allāh, gaya ng paniniwala na ang ṣalāh ay hindi kinakailangan o na ang pag-aayuno ay hindi kinakailangan o na ang zakāh ay hindi kinakailangan.
Ang Malaking Shirk ay nag-oobliga ng pagkawalang-kabuluhan ng gawa at pamamalagi sa Apoy ng sinumang namatay sa gayon, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿...وَلَوۡ أَشۡرَكُواْ لَحَبِطَ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ﴾
{Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa.} (Qur'ān 6:88)
Kung namatay siya sa gayon, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُ...﴾
{Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya.} (Qur'ān 4:48) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿إِنَّهُۥ مَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ حَرَّمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ ٱلۡجَنَّةَ وَمَأۡوَىٰهُ ٱلنَّارُ...﴾
{Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy.} (Qur'ān 5:72)
2. Ang Maliit na Shirk
Ito ay ang napagtibay sa mga teksto ang pagkakatawag dito bilang shirk subalit ito ay hindi umabot sa Malaking Shirk kaya naman ito ay pinangalanan bilang Maliit na Shirk, tulad ng pagsumpa sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya), tulad ng pagsumpa sa Ka`bah, mga propeta, ipinagkatiwalang tungkuling, buhay ni Polano, at tulad niyon, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nanumpa sa iba pa kay Allāh ay tumanggi ngang sumampalataya o nagtambal nga."2
Ito ay maaaring maging malaki alinsunod sa kung ano ang naging nasa ng tagapagsagawa nito. Kaya kapag naging nasa puso ng nanunumpa sa Propeta o kay Shaykh Polano na ito ay tulad daw ni Allāh o na ito ay nag-aangkin daw ng bukod pa kay Allāh o na ito raw ay namamatnugot daw sa Sansinukob, tunay na iyon ay magiging isang Malaking Shirk. Hinggil naman sa kung ang nanunumpa sa iba pa kay Allāh ay hindi nagpapakay ng pagpapakay na ito at lumabas lamang ito sa dila niya nang walang pagpapakay na ito dahil sa pagiging siya ay nahirati sa gayon, ito ay magiging isang Maliit na Shirk. Ito ay nagaganap nang madalas sa ilan sa mga dako. Kaya naman ang kinakailangan ay pagkatawag-pansin sa gayon at ang pagbibigay-babala laban doon bilang pangangalaga sa Tawḥīd at bilang pag-iingat dito.
3. Ang Kubling Shirk
Ito ay ang nasa puso na pagpapakitang-tao. Gaya ito ng sinumang nagdarasal o bumibigkas [ng Qur'ān] upang magpakitang-tao sa mga tao o nagluluwalhati [kay Allah] nang sa gayon purihin nila o nagkakawanggawa nang sa gayon ipagbunyi nila. Ito ay isang tagapagpawalang-kabuluhan sa gawa na ipinakitang-tao niya bukod sa nalalabi sa gawain na nagpakawagas siya kay Allāh (napakataas Siya).
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang shirk sa Kalipunang ito ay higit na kubli kaysa sa paggapang ng itim na langgam sa itim na bato sa kadiliman ng gabi. Ang panakip-sala nito ay na magsabi siya ng: Allāhumma innī a`ūdhu bika an ushrika bika wa-ana a`lamu wa-astaghfiruka mina -dhdhambi lladhī lā a`lam. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo na magtambal ako sa Iyo samantalang ako ay nakaaalam at humihingi sa Iyo ng tawad sa pagkakasalang hindi ko nalalaman.)"3
Ang mga Uri ng Shirk
Ang Unang Uri: Ang Malaking Kawalang-pananampalataya
Ito ay ang tagapag-obliga ng pamamalagi sa Apoy. Ito ay limang uri:
1. Ang Kawalang-pananampalataya ng Pagpapasinungaling
Ito ay ang paniniwala sa pagsisinungaling ng mga sugo. Ito ay kaunti sa mga tagatangging-sumampalataya dahil si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nag-ayuda sa mga sugo niya ng mga maliwanag na patotoo. Ang kalagayan lamang ng mga tagapagpasinungaling na ito ay kung paanong naglarawan sa kanila si Allāh:
﴿وَجَحَدُوا بِهَا وَاسْتَيْقَنَتْهَا أَنْفُسُهُمْ ظُلْمًا وَعُلُوًّا...﴾
{Nagkaila sila sa mga ito – samantalang tumiyak sa mga ito ang mga sarili nila – bilang kawalang-katarungan at bilang pagmamataas.} (Qur'ān 27:14)
2. Ang Kawalang-pananampalataya ng Pagtanggi at Pagmamalaki
Ito ay tulad ng kawalang-pananampalataya ni Satanas sapagkat tunay na siya ay hindi nagkaila sa utos ni Allāh at hindi tumutol dito. Tumumbas lamang siya rito ng pagtanggi at pagmamalaki. Nagsabi si Allāh:
﴿وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ وَٱسۡتَكۡبَرَ وَكَانَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ 34﴾
{[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan;" kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas. Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 2:34)
3. Ang Kawalang-pananampalataya ng Pag-ayaw
Iyon ay sa pag-ayaw niya sa pamamagitan ng pandinig niya at puso niya sa pagsunod sa totoo kaya naman hindi siya pumapansin doon at hindi nag-ukol doon ng pag-aalintana. Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعۡرَضَ عَنۡهَآۚ إِنَّا مِنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُنتَقِمُونَ22﴾
{Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami sa mga salarin ay maghihiganti.} (Qur'ān 32:22)
Hinggil naman sa parsiyal na pag-ayaw, ito ay kasutilan na hindi kawalang-pananampalataya, gaya ng umaayaw sa pagkatuto ng ilan sa mga kinakailangan sa Relihiyon gaya ng mga patakaran ng pag-aayuno o ḥajj at tulad niyan.
4. Ang Kawalang-pananampalataya ng Pagdududa
Iyon ay dahil nag-aatubili at hindi tumitiyak sa totoo; bagkus nagdududa dito, gaya ng sabi ni Allāh:
﴿وَدَخَلَ جَنَّتَهُ وَهُوَ ظَالِمٌ لِنَفْسِهِ قَالَ مَا أَظُنُّ أَنْ تَبِيدَ هَذِهِ أَبَدًا 35 وَمَا أَظُنُّ السَّاعَةَ قَائِمَةً وَلَئِنْ رُدِدْتُ إِلَى رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيْرًا مِنْهَا مُنْقَلَبًا 36﴾
{35. Pumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: “Hindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman.
36. Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian.”} (Qur'ān 18:35-36)
5. Ang Kawalang-pananampalataya ng Pagpapaimbabaw
{Ito ay ang paghahayag ng pananampalataya sa pamamagitan ng dila at paglilihim sa pamamagitan ng puso ng pagpapasinungaling.} Nagsabi si Allāh:
﴿وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَبِٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَمَا هُم بِمُؤۡمِنِينَ 8﴾
{Mayroon sa mga tao na nagsasabi: “Sumampalataya kami kay Allāh at sa Huling Araw,” samantalang hindi sila mga mananampalataya.} (Qur'ān 2:8)
Ang mga ito ay ang mga uri ng Malaking Kawalang-pananampalataya, na tagapagpalabas buhat sa kapaniwalaan.
Ang Ikalawang Uri: Ang Maliit na Kawalang Pananampalataya
Ang uring ito ay hindi nag-oobliga ng pamamalagi sa Apoy. Ito ay ang anumang nasaad sa Qur'ān at Sunnah ang pagkakatawag bilang kufr (kawalang-pananampalataya) na hindi ginamitan ng pantukoy (mu`arraf) na AL; bagkus nasaad bilang di-tahasan (munakkar). Ang mga halimbawa rito ay marami, na kabilang sa mga ito: Ang ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May dalawang nasa mga tao na sa kanila ay kawalang-pananampalataya: ang paninirang-puri sa kaangkanan at ang pananaghoy sa patay."4
2) Ang Pananampalataya sa mga Anghel
Sila ay nilalang na pangnakalingid. Lumikha sa kanila si Allāh (napakataas Siya) mula sa liwanag. Sila ay mga tagasamba ni Allāh (napakataas Siya). Hindi sila nagkaroon ng anuman mula sa mga kakanyahan ng pagkapanginoon at pagkadiyos. Sila ay hindi sumusuway kay Allāh sa ipinag-utos Niya sa kanila. Ginagawa nila ang ipinag-uutos sa kanila. Sila ay maraming bilang, na walang nakapag-iisa-isa sa kanila kundi si Allāh (napakataas Siya).
Ang pananampalataya sa mga anghel ay naglalaman ng apat na sangkap:
1. Ang paniniwala sa kairalan nila.
2. Ang paniniwala sa sinumang nalaman natin ang pangalan niya kabilang sa kanila, tulad nina Gabriel (Jibrīl), Isrāfīl (Rafael), Miguel (Mīkā'īl), at iba pa sa kanila. Ang sinumang hindi natin nalaman ang pangalan nito ay paniniwalaan natin ito bilang pagbubuod.
3. Ang paniniwala sa anumang nalaman natin mula sa mga katangian nila na nasaad sa Qur'ān at Sunnah, gaya ng katangian ni Anghel Gabriel sapagkat nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nakakita kay Anghel Gabriel sa katangian nitong nilikha ito ni Allāh ayon doon, na ito ay may 600 pakpak na puminid sa abot-tanaw.
4. Ang paniniwala sa nalaman natin mula sa mga gawain nila gaya ng pagluluwalhati nila kay Allāh (napakataas Siya) at pagpapakamananamba sa kanya sa gabi at maghapon nang walang pagkasawa at walang pananamlay.
Kaya bilang halimbawa, si Anghel Gabriel ay ang pinagkakatiwalaan sa pagkakasi.
Si Anghel Rafael (Israfīl) ay ang nakatalaga sa pag-ihip ng tambuli.
Ang Anghel ng Kamatayan ay ang nakatalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan.
Si Anghel Mālik ay ang tagatanod ng Apoy, si Anghel Riḍwān ay ang tagatanod ng Hardin, at may iba pa sa kanila.
3) Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan
Ang tinutukoy ng mga kasulatan ay ang mga kasulatang makalangit na pinababa ni Allāh (napakataas Siya) sa mga sugo Niya, bilang kapatnubayan sa Sangkatauhan at bilang awa sa kanila upang umabot sila sa kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang pananampalataya sa mga kasulatan ay naglalaman ng apat na sangkap:
1. Ang paniniwala na ang mga ito ay pinababa mula sa ganang kay Allāh nang totohanan.
2. Ang paniniwala sa anuman nalaman natin ang pangalan nito mula sa mga ito, gaya ng Qur'ān na pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ng Torah na pinababa kay Moises (sumakanya ang pangangalaga), ng Ebanghelyo na pinababa kay Jesus (sumakanya ang pangangalaga), at Salmo na ibinigay kay David (sumakanya ang pangangalaga).
Hinggil naman sa hindi natin nalaman ang pangalan nito, paniniwalaan natin ito bilang pagbubuod.
3. Ang pagpapatotoo sa mga pabatid ng mga ito gaya ng mga pabatid ng Qur'ān at mga pabatid ng anumang hindi napilipit mula sa mga naunang kasulatan.
4. Ang paggawa ayon sa mga patakaran ng anumang hindi napawalang-bisa mula sa mga ito, ang pagkalugod, at ang pagpapasakop, maging nakaintindi man tayo sa kasanhian nito o hindi tayo nakaintindi rito. Ang lahat ng mga naunang kasulatan ay pinawalang-bisa dahil sa Dakilang Qur'ān. Kaya naman hindi pinapayagan ang paggawa ayon sa alinmang patakaran mula sa mga patakaran ng mga naunang kasulatan maliban sa natumpak mula sa mga ito at kinilala ng Marangal na Qur'ān o Pampropetang Sunnah.
4) Ang Pananampalataya sa mga Sugo (Sumakanila ang Pangangalaga).
Ang sugo ay ang sinumang kinasihan kabilang sa mga tao ng isang kapahayagan at inutusan ng pagpapaabot nito. Ang kauna-unahan sa kanila ay si Noe (sumakanya ang pangangalaga) at ang kahuli-hulihan sa kanila ay si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sila ay mga taong nilikha. Hindi sila nagkaroon ng anuman mula sa mga kakanyahan ng pagkapanginoon at pagkadiyos.
Ang pananampalataya sa mga sugo ay naglalaman ng:
1. pananampalataya na ang mensahe nila ay totoong mula sa ganang kay Allāh, kaya ang sinumang tumangging-sumampalataya sa mensahe ng iisa sa kanila ay tumanggi ngang sumampalataya sa lahat;
2. ang paniniwala sa sinumang nalaman natin ang pangalan nito kabilang sa kanila ayon sa pangalan nito, tulad nina Muḥammad, Abraham, Moises, Jesus, at Noe (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), na mga may pagtitika kabilang sa mga sugo.
Hinggil naman sa hindi natin nalaman ang pangalan nito kabilang sa kanila, paniniwalaan natin ito bilang pagbubuod. Nagsabi si Allāh:
﴿وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلٗا مِّن قَبۡلِكَ مِنۡهُم مَّن قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ وَمِنۡهُم مَّن لَّمۡ نَقۡصُصۡ عَلَيۡكَ...﴾
{Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo.} (Qur'ān 40:78)
3. Ang pagpapatotoo sa anumang natumpak buhat sa kanila (sumakanila ang pangangalaga) mula sa mga pabatid nila.
4. Ang paggawa ayon sa Palabatasan ng isinugo sa atin kabilang sa kanila, ang Pangwakas sa kanila na si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
5) Ang Pananampalataya sa Huling Araw
Ito ay ang Araw ng Pagbangon na bubuhayin ang mga tao rito para sa pagtutuos at pagganti. Tinawag ito ng gayon dahil wala nang araw matapos nito yayamang pipirme ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga tahanan nila at ang mga maninirahan sa Impiyerno sa mga tahanan nila.
Ang pananampalataya sa Huling Araw ay naglalaman ng tatlong sangkap:
A. Ang Paniniwala sa Pagkabuhay
Ito ay ang pagbibigay-buhay sa mga patay kapag umihip sa tambuli sa ikalawang pag-ihip, saka babangon ang mga tao sa harap ng Panginoon ng mga nilalang habang mga nakayapak na mga walang-sapin sa paa, na mga nakahubad na mga natatakpan, na mga supot na hindi natuli. Nagsabi si Allāh:
﴿كَمَا بَدَأْنَا أَوَّلَ خَلْقٍ نُعِيدُهُ وَعْدًا عَلَيْنَا إِنَّا كُنَّا فَاعِلِينَ 104﴾
{Kung paanong nagsimula Kami ng unang paglikha ay magpapanumbalik Kami niyon, bilang pangako ukol sa Amin. Tunay na Kami ay laging magsasagawa.} (Qur'ān 21:104)
B. Ang Paniniwala sa Pagtutuos at Pagganti
Yayamang tutuusin ang tao sa gawa niya at gagantihan dito. Nagsabi si Allāh:
﴿إِنَّ إِلَيۡنَآ إِيَابَهُمۡ 25 ثُمَّ إِنَّ عَلَيۡنَا حِسَابَهُم 26﴾
{25. Tunay na tungo sa Amin ang pag-uwi nila.
26. Pagkatapos tunay na sa Amin ang pagtutuos sa kanila.} (Qur'ān 88:25-26)
C. Ang Paniniwala sa Paraiso at Impiyerno
Ang mga ito ay ang uwiang magpakailanman ng nilikha sapagkat ang Paraiso ay ang tahanan ng kaginhawahan na inihanda ni Allāh (napakataas Siya) para sa mga mananampalatayang tagapangilag magkasala at mga nagsagawa ng pagtalima sa Kanya at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Naroon ang anumang walang matang nakakita pa, walang taingang nakarinig pa, at hindi pa sumagi sa puso ng tao.
Hinggil naman sa Impiyerno, ito ay tahanan ng pagdurusa, na inihanda ni Allāh (napakataas Siya) para sa mga tagatangging-sumampalataya na tumangging-sumampalataya sa Kanya at sumuway sa mga sugo Niya. May naroon na mga uri ng pagdurusa at parusa na hindi sumagi sa isip.
6) Ang Pananampalataya sa Pagtatakda: sa Kabutihan Nito at Kasamaan Nito
Ang tinutukoy ng pagtatakda ay: ang pagkakatakda ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng anumang mangyayari alinsunod sa nauna sa kaalaman Niya at hiniling ng karunungan Niya.
Ang pananampalataya sa pagtatakda ay naglalaman ng apat na sangkap:
1. Ang Kaalaman. Ito ay ang paniniwala sa kaalaman ni Allāh (napakataas Siya), na Siya ay nakaaalam sa anumang nangyari, anumang mangyayari, at kung papaanong mangyayari, sa kabuuan at sa detalye sa walang-pasimula at walang-wakas. Siya ay ang Nakaaalam (kaluwalhatian sa Kanya) sa anumang hindi nangyari, kung sakali mang nangyari, kung papaanong mangyayari, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿وَلَوۡ رُدُّواْ لَعَادُواْ لِمَا نُهُواْ عَنۡهُ ...﴾
{Kung sakaling isinauli sila ay talaga sanang nanumbalik sila sa anumang sinaway sila.} (Qur'ān 6:28)
2. Ang Pagsulat. Ito ay na si Allāh (napakataas Siya) ay sumulat ng mga itinakda sa bawat bagay hanggang sa Araw ng Pagbangon, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ 70﴾
{Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.} (Qur'ān 22:70)
3. Ang Kalooban. Ito ay ang paniniwala na walang nangyayari sa Sansinukob na ito kundi ang niloob ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi si Allāh:
﴿وَرَبُّكَ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُ وَيَخۡتَارُ ...﴾
{Ang Panginoon mo ay lumilikha ng anumang niloloob Niya at pinipili Niya.} (Qur'ān 28:68) Ang tao ay may kalooban, na hindi nakalalabas buhat sa kalooban ni Allāh, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ 29﴾
{at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur'ān 81:29)
4. Ang Paglikha. Ito ay ang paniniwala na si Allah ay lumikha ng nilikha, mga gawain nila, at mga gawa nila na kabutihan at kasamaan. Nagsabi si Allah:
﴿ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ 62﴾
{Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan.} (Qur'ān 39:62)
Tinipon nga ang mga antas na ito sa taludtod na ito:
Kaalaman, pagsulat ng Pinapanginoon natin ay kalooban Niya *** at paglikha Niya, na pagpapairal at pagpapangyari.
Ang Ikatlong Paksa: Ang Pagpapahusay
Ang pagpapahusay (iḥsān) ay iisang haligi: na sumamba ka kay Allāh na para bang ikaw ay nakakikita sa Kanya; ngunit kung hindi ka man nakakikita sa Kanya, tunay na Siya ay nakakikita sa iyo.
Ibig sabihin: na gumawa ang tao ng anumang nagpapakamananamba siya sa pamamagitan nito na para bang siya ay nakatindig sa harap ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Iyon ay nag-oobliga ng kalubusan ng pagkatakot at nagsisising panunumbalik sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya). Nag-oobliga ito ng pagganap ng pagsamba sa naayon sa Sunnah ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagpapahusay ay nasa dalawang antas at ang mga tagapagpahusay ay nasa pagpapahusay sa dalawang katayuang nagkakaibahan:
Ang Unang Katayuan: Ang Pinakamataas Nito, Ang Katayuan ng Pagkakasaksi Ito ay ang paggawa ng tao na para bang siya ay nakasasaksi kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa puso niya kaya naman nagliliwanag ang puso sa pananampalataya hanggang sa ang nakalingid ay nagiging para bang nakikita.
Ang Ikalawang Katayuan: Ang Katayuan ng Pagpapakawagas at Pagkakamasid Ito ay ang paggawa ng tao ayon sa pagsasagunita ng pagkasaksi ni Allāh sa kanya at pagkabatid sa kanya. Kaya kapag nagsagunita siya nito, siya ay nagpapakawagas kay Allāh (napakataas Siya).
Ang Ikaapat na Paksa: Isang Pinaiksing Sulyap Mula sa mga Saligan ng mga Alagad ng Sunnah at Pagkakabuklod
Una: Ang pagsunod sa nasaad sa Qur'ān at Sunnah nang pakubli at nang lantaran at ang hindi pagpapauna sa pananalita ng isa man kabilang sa mga tao higit sa pananalita ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at pananalita ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Ikalawa: Ang kalinisan ng mga puso nila at mga dila nila kaugnay sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Naniniwala sila na ang Khalīfah matapos ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay si Abū Bakr, pagkatapos si `Umar, pagkatapos si `Uthmān, pagkatapos ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanila sa kalahatan).
Ikatlo: Ang pag-ibig sa Sambahayan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtangkilik sa kanila. Ang Sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang mga maaayos sa kanila, lalo na.
Ikaapat: Ang hindi paghihimagsik sa mga pinuno at mga nakatalaga sa mga kapakanan kahit pa nang-api sila. Mananalangin para sa kanila ng kaayusan at kagalingan. Hindi mananalangin laban sa kanila. Ang pagtalima sa kanila ay bahagi ng pagtalima kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) bilang tungkulin hanggat hindi sila nag-uutos ng isang pagsuway. Kung nag-utos sila ng isang pagsuway, tunay na sila ay hindi tatalimain doon. Mananatili ang pagtalima sa kanila sa nakabubuti sa iba pa roon.
Ikalima: Ang paniniwala sa mga himala ng mga katangkilik [ni Allāh]. Ito ay ang pinangyayari ni Allāh sa mga kamay nila na mga labas sa mga karaniwang bagay.
Ikaanim: Hindi magpaparatang ng kawalang-pananampalataya sa mga alagad ng qiblah dahil sa pagkagawa ng nataguriang mga pagsuway at malalaking kasalanan, gaya ng ginagawa ng Khawārij; bagkus ang kapatirang pampananampalataya ay nananatili sa kabila ng mga pagsuway. Nagsasabi sila tungkol sa tagasuway na siya ay isang mananampalataya dahil sa pananampalataya niya at isang sutil dahil sa malaking kasalanan niya.
Ang Ikalawang Parte: Ang Nauugnay sa mga Pagsamba
Ang Unang Paksa: Ang Kadalisayan
Ang kadalisayan sa literal na kahulugan ay ang kalinisan at ang kawalang-kinalaman sa pisikal at espirituwal na mga salaula.
Sa legal na kahulugan: ang pagpawi ng ḥadath at ang pagkapawi ng pagkamarumi. Ang kadalisayan ay ang susi ng ṣalāh. Dahil dito, tunay na ang pagpapakatuto nito ay bahagi ng pinakadakila sa mga misyon ng mga nauukol sa Relihiyon na kinakailangan sa bawat Muslim ang pagpapakatuto nito at ang pagmamalasakit dito
Una. Ang mga Bahagi ng Tubig:
1. Ṭahūr (Naipandadalisay): Natutumpak ang pagpapakadalisay sa pamamagitan nito, maging ito man ay nananatili sa pagkakalikha nito gaya ng mga tubig ng mga ulan o mga ilog o mga dagat, o nahaluan ng isang materyal na dalisay na hindi nanaig dito at hindi nakaalis dito sa katawagan nito.
2. Najis (Marumi): Hindi pinapayagan ang paggamit nito, kaya naman hindi ito nakapapawi ng ḥadath at hindi ito nakaalis ng karumihan. Ito ay ang anumang nag-iba ang kulay nito o ang amoy nito o ang lasa nito dahil sa isang karumihan.
Ikalawa. Ang Karumihan:
Ang karumihan ay isang kasalaulaang itinangi, na nakapipigil ang uri nito sa pagsasagawa ng ṣalāh, gaya ng ihi, dumi, dugo, at iba pa sa mga ito. Ito ay maaaring nasa katawan, lugar, at sa kasuutan.
Ang batayang panuntunan sa mga bagay ay ang pagpapahintulot at ang pagkadalisay. Kaya ang sinumang nag-angkin ng karumihan ng isang bagay na anuman, kailangan sa kanya ang patunay. Hindi kabilang sa karumihan ang sipon, ang pawis ng tao, at ang pawis ng asno; bagkus ito ay dalisay kahit pa ito ay salaula. Ang bawat marumi ay salaula, hindi ang kabaliktaran.
Ang karumihan ay tatlong antas:
Ang Una: Ang Karumihang Minalubha
Tulad ng karumihan ng anumang dinilaan ng aso. Ang pamamaraan ng pagdalisay nito ay sa pamamagitan ng paghuhugas nang pitong ulit, na ang una sa mga ito ay sa pamamagitan ng lupa.
Ang Ikalawa: Ang Karumihang Minagaan
Tulad ng ihi ng batang lalaking pasusuhin kapag tumama ito sa damit at tulad niyan. Ang pamamaraan ng pagdalisay nito ay sa pamamagitan ng pagwisik dito ng tubig hanggang sa mailubog ito. Hindi ito nangangailangan ng pagkusot o pagpiga.
Ang Ikatlo: Ang Karumihang Katamtaman
Tulad ng ihi ng tao at dumi nito at karamihan sa mga karumihan kapag bumagsak sa lupa o damit at tulad ng mga ito. Ang pamamaraan ng pagdalisay nito ay sa pamamagitan ng pag-alis ng karumihan kapag ito ay may pagkasolido at ng paglilinis ng nabahiran nito sa pamamagitan ng tubig o iba pa rito kabilang sa mga kaparaanan ng paglilinis.
Kabilang sa nalatagan ng patunay sa karumihan:
1. Ang ihi ng tao at ang dumi nito.
2. Ang madhy at ang wady.5
3. Ang dumi ng hayop na di nakakain ang laman nito.
4. Ang dugo ng regla at pagdurugo [ng babae].
5. Ang laway ng aso.
6. Ang patay, na itinatangi naman rito:
A. Ang tao kapag namatay ito.
B. Ang patay ng isda at balang.
C. Ang patay ng anumang walang dugong likido gaya ng langaw, bubuyog, at tulad niyon.
D. Ang buto ng patay, ang sungay nito, ang kuko nito, ang buhok nito, at ang balahibo nito.
Ang pamamaraan ng pagdalisay ng karumihan ay:
1) Sa pamamagitan ng tubig, na siyang batayan sa pagdadalisay ng mga karumihan kaya hindi babaling sa iba pa rito.
2) Ang isinaad ng Batas kaugnay sa paraan ng pagdadalisay ng mga bagay na marumi o narumihan:
A. Ang pagdadalisay ng balat ng hayop na namatay [na hindi nakatay] sa pamamagitan ng pagkukulti;
B. Ang pagdadalisay ng lalagyan kapag dinilaan ng aso ay ang paghuhugas nang pitong ulit, na ang una sa mga ito ay sa pamamagitan ng lupa;
C. Ang pagdadalisay ng damit kapag nabahiran ito ng dugo ng regla sa pamamagitan ng pagkiskis nito, pagkatapos pagkusot nito sa tubig, pagkatapos pagbanlaw nito, at kapag may natira pang bakas matapos niyon, hindi makapipinsala ito;
D. Ang pagdadalisay sa laylayan ng damit ng babae matapos niyon mula sa lupang dalisay;
E. Ang pagdadalisay ng damit mula sa ihi ng batang lalaking pasusuhin sa pamamagitan ng pagwisik at sa pamamagitan naman ng paglaba mula sa ihi ng batang babae;
F. Ang pagdadalisay ng damit mula sa madhy sa pamamagitan ng pagkusot sa nabahiran;
G. Ang pagdadalisay ng suwelas ng sapatos sa pamamagitan ng pagkiskis sa lupang dalisay;
H. Ang pagdadalisay ng lupa mula sa karumihan sa pamamagitan ng pagbuhos ng isang timba ng tubig sa nabahiran o pag-iwan dito hanggang sa matuyo ng araw o hangin saka kapag naalis ang bakas ng karumihan ay nadalisay na ito.
Ikatlo: Ang Ipinagbabawal Gawin ng Muḥdith
Ang mga gawaing ipinagbabawal sa muḥdith sa maliit o malaking ḥadath:
1. Ang pagsasagawa ng ṣalāh, tungkulin man o kusang-loob, batay sa nasaad ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi tumatanggap si Allāh ng isang ṣalāh na walang pagdalisay."6
2. Ang pagsaling ng muṣḥaf, batay sa sulat na ipinadala ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay `Amr bin Ḥazm, na nasaad dito ang sabi niya: "Walang sasaling sa Qur'ān kundi ang isang dalisay."7
3. Ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Matandang Bahay (Ka`bah), batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] ay ṣalāh maliban na si Allāh ay pumayag dito ng pagsasalita."8 Nagsagawa nga ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para sa ṭawāf. Natumpak ang salaysay buhat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay pumigil sa nireregla sa pagsasagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh] hanggang sa madalisay ito.
Hinggil naman sa mga gawaing ipinagbabawal nang natatangi sa muḥdith sa malaking ḥadath, ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang pagbigkas ng Qur'ān, batay sa ḥadīth ni `Alīy (malugod si Allāh sa kanya): "Walang pumipigil sa kanya," tinutukoy nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), "sa [pagbigkas ng] Qur'ān na anuman kundi ang janābah."9
2. Ang pananatili sa masjid nang walang wuḍū', batay sa sabi ni Allāh:
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَقۡرَبُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنتُمۡ سُكَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَعۡلَمُواْ مَا تَقُولُونَ وَلَا جُنُبًا إِلَّا عَابِرِي سَبِيلٍ حَتَّىٰ تَغۡتَسِلُواْ...﴾
{O mga sumampalataya, huwag kayong lumapit sa pagdarasal habang kayo ay mga lasing hanggang sa makaalam kayo sa sinasabi ninyo ni habang mga kailangang-maligo, malibang mga tumatawid sa landas [ng pagdarasalan], hanggang sa makapaligo kayo.} (Qur'ān 4:43)
Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang sinumang may malaking ḥadath, pinapayagan sa kanya ang pananatili sa masjid. Gayon din, pinapayagan sa tagapagtaglay ng isang malaking ḥadath na dumaan sa masjid para lamang sa pagtawid doon nang walang pag-upo roon.
Ikaapat: Ang mga Etiketa ng Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan
Isinasakaibig-ibig sa sandali ng pagtugon sa tawag ng kalikasan:
1. Ang paglayo at ang pagkubli sa mga tao habang nasa palikuran.
2. Ang pagsabi ng panalanging nasasaad sa sandali ng pagpasok sa palikuran: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -lkhubthi wa-lkhabāith. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga lalaking demonyo at mga babaing demonyo.)"10
Kinakailangan sa sandali ng pagtugon sa tawag ng kalikasan:
1. Ang pag-iwas sa pagkasagi ng ihi.
2. Ang pagtatakip ng `awrah.
Ipinagbabawal sa sandali ng pagtugon sa tawag ng kalikasan:
1. Ang pagharap sa qiblah o ang pagtalikod doon.
2. Ang pagtugon sa tawag ng kalikasan sa mga daan ng mga tao at mga pampublikong lugar nila.
3. Ang pag-ihi sa tubig na hindi dumadaloy.
Kinasusuklaman sa sandali ng pagtugon sa tawag ng kalikasan:
1. Ang pagsaling sa ari ng kanang kamay habang nasa pagtugon ng tawag ng kalikasan.
2. Ang istinjā' o ang istijmār sa pamamagitan ng kanang kamay.
3. Ang pagsasalita, lalo na sa pamamagitan ng pagsambit kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), sa sandali ng pagtugon sa tawag ng kalikasan.
Ikalima: Ang mga Patakaran ng Istinjā' o Istijmār
Ang istinjā' ay ang pag-alis ng bakas ng lumalabas mula sa ari at tumbong sa pamamagitan ng tubig.
Ang istijmār ay ang pag-alis ng bakas ng lumalabas mula sa ari at tumbong sa pamamagitan ng hindi tubig gaya ng bato at tissue paper.
Ang mga kundisyon ng magagamit sa istijmār:
1. Na ito ay pinapayagan.
2. Na ito ay dalisay.
3. Na ito ay nakapaglilinis.
4. Na ito ay hindi buto o dumi ng hayop.
5. Na ito ay hindi sa pamamagitan ng bagay na iginagalang gaya ng papel na nakasulat ang pangalan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
Pinapayagan ang pagkakasya sa istijmār ayon sa dalawang kundisyon:
1. Na hindi lumampas ang lumalabas sa kinalalagyan ng nakahiratian.
2. Na ang istijmār ay sa pamamagitan ng tatlong batong nakapaglilinis o higit pa.
Ikaanim: Ang mga Patakaran ng Wuḍū'
Kinakailangan ang wuḍū' sa tatlong pagsamba:
1. sa pagsasagawa ng ṣalāh, maging ito man ay tungkulin o kinukusang-loob.
2. sa pagsaling ng muṣḥaf.
3. sa pagsasagawa ng ṭawāf.
Ang mga Kundisyon ng Wuḍū':
1. Ang pagkaanib sa Islām.
2. Ang pagkakaroon ng pag-iisip.
3. Ang kasapatan ng gulang.
4. Ang layunin, na ang kalalagyan nito ay ang puso at ang pagbigkas nito ay bid`ah. Ang bawat sinumang nagnais magsagawa ng wuḍū' ay naglayon nga. Hinggil naman sa paghuhugas ng mga bahagi ng katawan na pinagsasagawaan ng wuḍū' ayon sa layunin ng pagpapalamig o paglilinis, ito ay hindi wuḍū'.
5. Ang pagpapatuloy sa pagsasagawa nito: na hindi maglalayon ng pagputol nito hanggang sa malubos ang kadalisayan.
6. Ang pagkaputol ng bisa ng wuḍū'. Ibinubukod mula roon ang sinumang nagdurusa ng palaging naiihi at babaing palaging dinurugo.
7. Ang pagsagawa ng istinjā' o istijmār bago nito.
8. Ang pagkapandalisay ng tubig at pagkapahintulot nito.
9. Ang pagkaalis ng anumang pumipigil sa pagdating ng tubig sa kutis.
10. Ang pagpasok ng oras ng ṣalāh sa panig ng sinumang ang pagkasira ng wuḍū' ay palagi.
Ang mga Tungkulin sa Wuḍū':
1. Ang paghuhugas ng mukha at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinghot ng tubig.
2. Ang paghuhugas ng dalawang kamay kasama ng mga siko.
3. Ang pagpahid sa ulo at bahagi nito ang mga tainga.
4. Ang paghuhugas ng mga paa kasama ng mga bukungbukong.
5. Ang pagsusunud-sunod ng mga bahaging pinagsasagawaan ng wuḍū'.
6. Ang pagtutuluyan kaya walang maghihiwalay na isang matagal na paghinto sa pagitan ng mga bahaging hinuhugasan.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Wuḍū':
1. Ang pagsambit ng bismi -llāh (sa ngalan ni Allāh).
2. Ang paghuhugas ng mga kamay nang tatlong ulit.
3. Ang paghuhugas ng mukha nang tatlong ulit at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinghot ng tubig.
4. Ang paghuhugas sa mga kamay hanggang sa mga siko nang tatlong ulit at ang pagsisimula sa kanan, pagkatapos sa kaliwa.
5. Ang pagpahid sa ulo kasama ng mga tainga.
6. Ang paghuhugas sa mga paa hanggang sa mga bukungbukong nang tatlong ulit at ang pagsisimula sa kanan, pagkatapos sa kaliwa.
Ang mga Tagasira ng Wuḍū':
1. Ang lumalabas sa dalawang daanan tulad ng ihi, utot, at dumi.
2. Ang lumalabas na labis-labis na marumi mula sa katawan.
3. Ang paglaho ng pag-iisip dahil sa pagkatulog o iba pa rito.
4. Ang pagsaling ng kamay sa maselang bahagi, sa ari man o sa tumbong, nang walang nakatabing.
5. Ang pagkain ng karne ng kamelyo.
6. Ang pagtalikod sa Islām – magkupkop sa atin si Allāh at sa mga Muslim laban doon.
Ikapito: Ang mga Patakaran ng Pagpahid sa Khuff at Medyas
1. Ang khuff ay ang isinusuot sa mga paa yari sa katad at tulad nito.
2. Ang medyas ay ang isinusuot sa mga paa yari sa lana o bulak at tulad ng dalawang ito.
Ang mga Kundisyon sa Pagpahid sa mga Ito
1. Na magsuot ng mga ito habang nasa kakumpletuhan ng kadalisayan;
2. Na magtakip ang mga ito sa mga paa kasama ng mga bukungbukong;
3. Na ang mga ito ay dalisay;
4. Na ang pagpahid ay sa yugtong tinakdaan;
5. Na ang pagpahid ay habang nasa bisa ng wuḍū' hindi ng ghusl;
6. Na ang khuff at ang tulad nito ay pinapayagan sapagkat kung ang ito ay kinamkam o seda sa panig ng lalaki,, hindi pinapayagan ang pagpahid dito dahil ang ipinagbabawal ay makahihiling ang permiso ng pagpayag dito.
Ang Yugto ng Pagpahid
Para sa residente ay isang araw at isang gabi at para sa manlalakbay ay tatlong araw kasama ng mga gabi nito.
Ang Pamamaraan ng Pagpahid
Babasain ang kamay sa tubig at ipapahid nang iisang ulit sa ibabaw ng medyas o khuff mula sa mga daliri ng mga paa hanggang sa [dulot ng] binti.
Ang mga Tagapagpawalang-saysay sa Pagpahid
1. Ang pagwawakas ng yugto ng pagpahid;
2. Ang paghubad ng mga medyas o ng isa sa dalawang ito;
3. Ang pagkapangyari ng malaking ḥadath.
Ang Kahatulan sa Pagpahid sa Khuff
Ito ay isang permiso at ang pagsasagawa nito ay higit na mainam kaysa sa pag-aalis ng khuff at paghuhugas ng mga paa bilang pakikinabang sa permiso ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagsalungat sa mga tagagawa ng bid`ah.
Ang Pagpahid sa Palapa (Splint), Benda, at Band-aid
Ang palapa (splint) ay ang itinatali sa mga pilay na yari sa plaster o patpat at tulad ng mga ito.
Ang benda ay ang itinatali sa sugat o pasa o paso, na yari sa tela o tulad nito.
Ang band-aid ay ang idinidikit sa mga sugat o mga taghiyawat para sa panggagamot.
Ang Kahatulan sa Pagpahid sa mga Ito
Pinapayagan ito sa sandali ng pangangailangan sa pananatili ng mga iyon sa kundisyon na hindi lumampas ang mga iyon sa kinalalagyan ng pangangailangan.
Hindi ito pinapayagan kapag nagwakas ang pangangailangan sa mga iyon o walang inireresulta sa pagtanggal ng mga iyon na pahirap o pinsala.
Ang Pamamaraan ng Pagpahid sa mga Ito
Huhugasan ang nasa paligid ng mga ito at papahiran ang mga ito mula sa lahat ng mga gilid. Hindi papahiran ang anumang lumabis sa lugar ng pinagsasagawaan ng wuḍū'.
Ikawalo: Ang mga Patakaran ng Pagsasagawa ng Tayammum
Ang tayammum ay ang pagpahid ng alabok sa mukha at mga kamay nang may layuning magsagawa ng ṭahārah sa isang paraang itinangi.
Ang Kahatulan Nito
Kinakailangan ang pagsasagawa ng tayammum kapalit ng wuḍū' sa sandali ng pagkawala ng tubig o kawalan ng kakayahan sa paggamit nito.
Ang Kasanhian sa Pagkaisinasabatas Nito
Ang pagsasagawa ng tayammum ay kabilang sa mga kakanyahan ng Kalipunan ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay hindi nakilala sa mga naunang kalipunan bilang pagpapaluwag mula kay Allāh sa Kalipunang ito at bilang paggawa ng maganda mula sa Kanya rito.
Ang mga Kalagayang Isinasabatas sa mga Ito ang Tayammum
1. Kapag nawala ang tubig, maging ang pagkawala man nito ay sa pananatili o paglalakbay, at naghanap siya nito ngunit hindi siya nakahanap nito.
2. Kapag sa kanya ay may tubig na kinakailangan niya sa pag-inom o pagluluto ngunit kapag nagsagawa siya ng taharah mula rito ay makapipinsala sa pangangailangan niya yayamang nangangamba siya sa pagkauhaw sa sarili niya o pagkauhaw ng iba pa sa kanya, na tao man o hayop na mga iginagalang.
3. Kapag pinangambahan siya dahil sa paggamit ng tubig sa kapinsalaan sa katawan niya dahil sa karamdaman niya o pagkahuli ng paggaling.
4. Kapag nawalang-kakayahan siya sa paggamit ng tubig dahil sa karamdamang hindi makakaya dahil dito ang pagkilos at walang kapiling sa kanya na magsasagawa ng wuḍū' para sa kanya at nangamba siya sa paglampas ng oras [ng ṣalāh].
5. Kapag nangamba siya sa ginaw dahil sa paggamit ng tubig at hindi siya nakatagpo ng maipampapainit niya, magsasagawa siya ng tayammum at magdarasal.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Tayammum
Magtatapik siya sa alabok ng mga kamay niya na magkakahiwalay ang mga daliri, pagkatapos magpapahid siya sa mukha niya ng paloob na bahagi ng mga daliri, magpapahid siya sa mga kamay niya ng mga palad niya, at maglalahat siya sa mukha at mga kamay sa pagpahid.
Ang mga Tagapagpawalang-saysay sa Tayammum:
1. Ang pagkakaroon ng tubig kung ang pagkasagawa ng tayammum ay dahil sa kawalan ng tubig, o ang kakayahan sa paggamit ng tubig kapag ang pagkasagawa ng tayammum ay dahil sa kawalan ng kakayahan sa paggamit ng tubig.
2. Nawawalang-saysay ito dahil sa isa sa mga tagapagpawalang-saysay sa wuḍū' o dahil sa isa sa mga tagapag-obliga sa pagpaligo dahil sa janābah, regla, at pagdurugo (nifās).
Ang Patakaran sa Walang-kakayahan sa Paggamit ng Tubig at Tayammum
Ang sinumang nawalan ng tubig o alabok o umabot sa isang kalagayang hindi nakakaya sa kanya ang masaling ang balat ng tubig o alabok, tunay na siya ay magdarasal alinsunod sa kalagayan niya nang walang wuḍū' ni tayammum dahil si Allāh ay hindi nag-aatang ng tungkulin sa isang tao malibang ayon sa nakakaya nito. Kung sakaling naitakda na siya ay nakatagpo ng tubig at alabok matapos niyon o makakakaya siya sa paggamit ng dalawang ito, tunay na siya ay mag-uulit ng dinasal niya dahil siya ay nakapagsagawa ng ipinag-utos sa kanya, batay ito sa sabi ni Allāh:
﴿...فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ مَا ٱسۡتَطَعۡتُمۡ...﴾
{Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, ...} (Qur'ān 64:16) at batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nag-utos ako sa inyo ng isang utos, magsagawa kayo nito ng abot ng makakaya ninyo."11
Katuturan: Kapag nagsagawa ang tao ng tayammum dahil sa janābah, pagkatapos nakatagpo siya ng tubig, tunay na siya ay maliligo.
Ikasiyam: Ang mga Patakaran sa Regla at Nifās
Una. Ang Regla
Ito ay isang dugong likas at katutubo, na lumalabas mula kaloob-looban ng sinapupunan sa mga oras na nalalaman. Sa kadalasan, lumalabas ito sa bawat buwan ng taon nang anim o pitong araw at maaari itong lumabis o kumulang. Humahaba ang buwan ng babae o umiikli alinsunod sa inilapat dito ni Allāh (napakataas Siya) na kalikasan.
Ang mga Patakaran sa Nireregla:
1. Ang nireregla ay hindi magdarasal at hindi mag-aayuno sa sandali ng pagreregla niya at hindi natutumpak ang dalawang ito sa kanya.
2. Magbabayad ang nireregla ng pag-aayuno, hindi ng ṣalāh, kapag nadalisay siya mula sa regla niya.
3. Hindi pinapayagan para sa kanya ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Ka`bah. Hindi siya bibigkas ng Qur'ān. Hindi siya mananatili sa masjid. 4. Ipinagbabawal sa asawa niya ang makipagtalik sa kanya sa ari niya hanggang sa matigil ang regla niya at makapaligo siya.
5. Pinapayagan sa asawa ng nireregla na magpakaligaya sa kanya sa pamamagitan ng hindi pakikipagtalik sa ari gaya ng paghalik, paghipo, at tulad niyan.
6. Hindi pinapayagan sa asawa niya na magdiborsiyo ito sa kanya habang siya ay nireregla.
Ang pagkadalisay [sa regla] ay ang pagkahinto ng dugo. Kaya kapag nahinto ang dugo, nadalisay ang babae at nagwakas ang yugto ng regla niya kaya kinakailangan sa kanya ang pagpaligo. Pagkatapos maglalaho ang pinigilan sa kanya dahilan sa pagreregla.
Kung nakakita siya matapos ng pagkadalisay ng malabu-labo o manilaw-nilaw na dugo, hindi niya papansinin ito.
Ikalawa. Ang Pagdurugo ng Nifas
Ito ay dugo na pinadadaloy ng sinapupunan dahil sa panganganak at matapos ng panganganak. Ito ay natitira sa dugo na napigil sa yugto ng pagbubuntis.
Ang Nifas ay gaya ng pagreregla kaugnay sa pinahihintulutan gaya ng pagpapakaligaya sa maybahay sa hindi ari
at kaugnay sa ipinagbabawal gaya ng pakikipagtalik sa ari at pagbabawal sa ayuno, ṣalāh, diborsiyo, ṭawāf, pagbigkas ng Qur'ān, at pananatili sa masjid; at sa pagkakinakailangan ng pagpaligo sa sandali ng pagkahinto ng dugo nito gaya ng nireregla.
Kinakailangan sa babae na magbayad ng pag-aayuno hindi ng ṣalāh kaya hindi siya magbabayad ng ṣalāh gaya ng nireregla.
Ang pinakamahabang yugto nito ay 40 araw. Kapag natigil ang paglabas ng dugo ng dinurugo bago ng 40 araw, natigil na ang pagdurugo niya kaya maliligo siya, makapagdarasal siya, at maglalaho ang pinigilan sa kanya dahilan sa pagdurugo.
Ang Ikalawang Paksa: Ang Ṣalāh
Una. Ang mga Patakaran ng Pagsasagawa ng Adhān at Iqāmah
Isinabatas ang pagsasagawa ng adhān sa unang taon mula ng paglikas ng Propeta. Ang kadahilanan ng pagsasabatas nito ay noong humirap ang pag-alam ng mga oras [ng ṣalāh] sa kanila, nagsanggunian sila hinggil sa pagtatag ng palatandaan para rito. Napanaginipan ni `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) ang adhān na ito at kinilala ito ng pagkasi [ni Allāh].
Ang adhān ay ang pagpapaalam ng pagpasok ng oras ng ṣalāh. Ang iqāmah ay ang pagpapaalam ng pagsasagawa ng ṣalāh.
Ang adhān at ang iqāmah ay isang tungkulin ng lipunan sa konggregasyon ng mga lalaki para sa mga ṣalāh na isinatungkulin. Ang dalawang ito ay kabilang sa mga panlabas na sagisag ng Islām kaya hindi pinapayagan ang pag-aalis ng mga ito.
Ang mga Kundisyon ng Adhān:
1. Na ang mu'adhdhin ay isang lalaki.
2. Na ang adhān ay nagkakasunuran.
3. Na ang adhān ay nagkakatuluy-tuloy.
4. Na ang adhān ay matapos ng pagpasok ng oras [ng ṣalāh]. Ibinubukod mula roon ang unang adhān sa madaling-araw at ṣalāh sa Biyernes.
Ang mga Sunnah ng Adhān:
1. Na maglagay ang mu'adhdhin ng mga daliri niya sa mga tainga niya.
2. Na ang adhān ay sa simula ng oras [ng pagsapit].
3. Ang paglingon kasabay ng pagsambit ng: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh" at "Ḥayya `ala -lfalāḥ" sa kanan at sa kaliwa.
4. Na siya ay may magandang tinig.
5. Na magdahan-dahan sa mga pagbigkas ng adhān nang walang pagbanat at walang pagpapahabang pinalalabis.
6. Na huminto siya sa bawat pangungusap nito.
7. Na humarap siya sa qiblah sa sandali ng pagsasagawa ng adhān.
Ang adhān ay 15 pangungusap gaya ng pagkakasagawa ni Bilāl (malugod si Allāh sa kanya) ng adhān sa presensiya ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) palagi.
Ang mga Pananalita ng Adhān:
Allāhu akbar. (4 ulit)
Ashhadu al lā ilāha illa -llāh. (2 ulit)
Ashhadu anna muḥammadar rasūlu -llāh. (2 ulit)
Ḥayya `ala -ṣṣlāh. (2 ulit)
Ḥayya `ala -lfalāḥ. (2 ulit)
Pagkatapos magsasabi ng: Allāhu akbar ng 2 ulit.
Pagkatapos magpapawakas sa pagsabi ng: Lā ilāha illa -llāh. (1 ulit)
Sa fajr, matapos ng: Ḥayya `ala -lfalāḥ ay magdaragdag siya sa fajr ng: Aṣṣalātu khayrum mina -nnawm nang 2 ulit dahil ito ang oras na natutulog pa ang mga tao kadalasan.
Ang iqāmah naman ay 11 pangungusap na papaspasan ang bigkas, ibig sabihin: bibilisan, dahil ito ay pagpapaalam sa mga nakadalo kaya walang motibo para maghinay-hinay rito.
Ang pormularyo nito ay gaya ng sumusunod:
Allāhu akbar. (2 ulit)
Ashhadu al lā ilāha illa -llāh. (1 ulit)
Ashhadu anna muḥammadar rasūlu -llāh. (1 ulit)
Ḥayya `ala -ṣṣalāh. (1 ulit)
Ḥayya `ala -lfalāḥ. (1 ulit)
Qad qāmati -ṣṣalāh. (2 ulit)
Allāhu akbar. (2 ulit)
Lā ilāha illa -llāh. (1 ulit)
Isinasakaibig-ibig sa sinumang nakarinig ng adhān na magsabi ng tulad ng sinasabi ng mu'adhdhin maliban sa: "Ḥayya `ala -ṣṣalāh" at "Ḥayya `ala -lfalāḥ" sapagkat magsasabi sa halip nito ng: Lā ḥawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Pagkatapos mananalangin siya ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Pagkatapos magsasabi siya matapos niyon: "Allāhumma rabba hādhihi -dda`wati -ttāmmati wa-ṣṣalāti -lqā'imah, āti muḥammadani -lwasīlata wa-lfaḍīlah, wab`athhu maqāmam maḥmūdani -lladhī wa`attahu, innaka lā tukhlifu -lmī`ād. (O Allāh, Panginoon nitong ganap na panawagan at ṣalāh na isasagawa, ibigay Mo kay Muḥammad ang kaparaanan at ang kalamangan at ibangon Mo siya sa katayuang pupurihin, na ipinangako Mo; tunay na Ikaw ay hindi sumisira sa naipangako.)"12
At magsasabi pa: "Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-l'islām dīnan, wa-bi-muḥammadin nabīyā. (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta.)"13
Ipinagbabawal ang paglabas mula sa masjid matapos ng adhān nang walang maidadahilan o layuning bumalik.
Sa sandali ng pagsasamba ng dalawang ṣalāh, makapagkakasya sa iisang adhān at iqāmah para sa bawat ṣalāh.
Ikalawa. Ang Katayuan ng Ṣalāh at ang Kainaman Nito
Ang ṣalāh ay ang pinakabinibigyang-diin sa mga haligi ng Islām matapos ng Dalawang Pagsaksi. Mayroon itong natatanging katayuan yayamang nagsatungkulin nito si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa gabi ng pagpanik sa langit. Kaya nagpatunay iyon sa kadakilaan nito, pagkabigay-diin sa pagkatungkulin nito, at mataas na katayuan nito sa ganang kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).
May nasaad na maraming ḥadīth kaugnay sa kainaman nito at pagkakinakailangan nito sa mga tao. Ang pagkatungkulin nito ay nalalamang bahagi ng Relihiyong Islām nang walang-pagsisiyasat.
Kabilang sa nagpapatunay sa pagkakinakailangan nito at pagkabigay-diin dito ay ang maraming teksto mula sa Qur'ān at Sunnah, na kabilang sa mga ito:
1. Ang sabi ni Allāh:
﴿...إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا﴾
{Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103) Ibig sabihin: isinatungkulin sa mga oras na nilinaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
2. Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):
﴿وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ...﴾
{Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal,} (Qur'ān 98:5)
3. Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):
﴿فَإِنْ تَابُوا وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ...﴾
{Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh, mga kapatid ninyo sila sa Relihiyon.} (Qur'ān 9:11)
4. Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na sa pagitan ng tao at ng shirk at kawalang-pananampalataya ay ang pag-iwan sa ṣalāh."14
5. Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang pagdarasal kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."15
Nagkabuklod ang mga maalam sa kawalang-pananampalataya ng sinumang nagkaila sa pagkakinakailangan nito. Hinggil naman sa sinumang nagwaksi nito dala ng pagtatamad-tamaran at dala ng pagwawalang-bahala, ang pinakatumpak ay ang kawalang-pananampalataya niya rito batay sa naunang nailahad na tumpak na ḥadīth at batay sa pagkakabuklod ng mga Kasamahan sa kahatulan doon.
Ikatlo: Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh
1. Ang pagpasok ng oras nito.
batay sa sabi ni Allāh:
﴿...إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ كَانَتۡ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ كِتَٰبٗا مَّوۡقُوتٗا﴾
{Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103) Ibig sabihin: isinatungkulin sa mga oras na tinakdaan.
Ang mga oras ng mga ṣalāh na iniatas ay ang sumusunod:
A. Ang Fajr (Madaling-araw). Mula sa madaling-araw hanggang sa bago ng pagsikat ng araw.
B. Ang Ḍ̆uhr (Tanghali). Mula sa pagkalihis sa katanghaliang-tapat ng araw hanggang sa ang anino ng bawat bagay ay maging kapantay nito sa haba.
C. Ang `Aṣr (Hapon). Mula sa pagkawakas ng oras ng ḍ̆uhr hanggang sa paninilaw ng araw at pagkakinakailangan ng paglubog nito.
D. Ang Maghrib (Pagkalubog ng Araw). Mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa paglaho ng pulang takip-silim.
E. Ang `Ishā' (Gabi). Mula sa pagkawakas ng oras ng maghrib hanggang sa hatinggabi.
2. Ang Pagtatakip ng `Awrah
Ito ay ang kinakailangan takpan, minamapangit ang paglitaw nito, at nahihiya dahil dito. Ang `awrah ng lalaki ay mula pusod hanggang sa tuhod. Ang babae sa kabuuan nito ay `awrah sa ṣalāh maliban sa mukha niya. Magtatakip ang babae ng mukha niya kapag siya ay nasa harap ng mga lalaking estranghero sa kanya, ibig sabihin: hindi mga maḥram para sa kanya.
3. Ang Pag-iwas sa Najāsah
Ang najāsah ay isang kasalaulaang itinangi, na nakapipigil ang uri nito sa pagsasagawa ng ṣalāh, gaya ng ihi, dumi, dugo, at iba pa sa mga ito. Ito ay maaaring nasa katawan, lugar, at sa kasuutan.
4. Ang Pagharap sa Qiblah
Ang qiblah (hinaharapan) ay ang Pinarangalang Ka`bah. Tinawag ito bilang qiblah dahil sa pagharap ng mga tao rito.
Kaya naman hindi natutumpak ang ṣalāh nang walang pagharap sa qiblah batay sa sabi ni Allāh:
﴿...وَحَيۡثُ مَا كُنتُمۡ فَوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ شَطۡرَهُ...﴾
{Saan man kayo ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon.} (Qur'ān 2:144)
5. Ang Layunin
Ito, sa literal na kahulugan, ay ang pagsadya, at sa legal na kahulugan naman, ay ang pagpapasya sa paggawa ng pagsamba bilang pagpapakalapit-loob kay Allāh (napakataas Siya). Ang kinalalagyan nito ay ang puso. Kaya naman hindi ito nangangailangan ng pagbigkas; bagkus ang pagbigkas ay bid`ah.
Ikaapat: Ang mga Haligi ng Ṣalāh
Ang mga ito ay 14 haligi:
Ang Unang Haligi: Ang pagtayo sa abot ng kakayahan.
Batay ito sa sabi ni Allāh:
﴿...وَقُومُواْ لِلَّهِ قَٰنِتِينَ﴾
{Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin.} (Qur'ān 2:238) at ḥadīth ni `Imrān (malugod si Allāh sa kanya) bilang marfū`: "Magdasal ka nang patindig; ngunit kung hindi mo nakaya ay paupo; ngunit kung hindi mo nakaya ay [pahiga] sa tagiliran."16
Kung hindi nakakaya sa pagtayo dahil sa karamdaman, magdarasal alinsunod sa kalagayan niya nang nakaupo o nakahiga sa tagiliran. Tulad ng maysakit ang nangangamba, ang hubad, at ang sinumang nangangailangan ng pag-upo o paghiga para sa pagpapagamot, na humihiling ng hindi pagtayo. Gayon din, nabibigyang-dahilan sa pagwaksi sa pagtayo ang sinumang nagdarasal sa likuran ng nakatalagang imām na nawalang-kakayahan sa pagtayo. Kaya kapag nagdasal siya nang nakaupo, tunay na ang mga nasa likuran niya ay magdarasal nang nakaupo bilang pagsunod sa imām nila. Pinapayagan ang pagganap ng mga nāfilah (ṣalāh na kinukusang-loob), kahit pa siya ay nakakakaya sa pagtayo subalit ang pabuya ay hindi gaya ng pabuya sa nakatayo [sa ṣalāh].
Ang Ikalawang Haligi: Ang takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām) sa umpisa nito
batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Pagkatapos humarap siya sa qiblah at magsagawa ng takbīr."17
Ang pormularyo nito ay magsabi siya ng: "Allāhu akbar" at hindi makasasapat dito ang iba pa rito.
Ang Ikatlong Haligi: Ang pagbigkas ng Al-Fātiḥah
batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang ṣalāh sa sinumang hindi bumigkas ng Pambungad ng Aklat (Al-Fātiḥah)."18
Ang Ikaapat na Haligi: Ang pagyukod (rukū`) sa bawat rak`ah
batay sa sabi ni Allāh:
﴿يَاأَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا ارْكَعُوا وَاسْجُدُوا...﴾
{O mga sumampalataya, yumukod kayo, magpatirapa kayo, ...} (Qur'ān 22:77)
Ang Ikalima at ang Ikaanim na Haligi:
Ang pag-angat mula sa pagkakayukod at ang pagpapakatuwid nang nakatindig gaya ng kalagayan bago nito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpamalagi sa paggawa nito.
Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gumagawa ng masagwa sa ṣalāh nito: "Pagkatapos umangat ka hanggang sa tumuwid ka nang nakatayo."19
Ang Ikapitong Haligi: Ang pagpapatirapa sa pitong bahagi ng katawan:
ang noo at kasama nito ang ilong, ang dalawang kamay, ang dalawang tuhod, at ang mga dulo ng mga paa, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inutusan kami na magpatirapa sa [lapag ng] pitong buto: sa noo, at tumuro siya ng kamay niya sa ilong niya, dalawang kamay, dalawang tuhod, at mga dulo ng dalawang paa."20
Ang Ikawalong Haligi. Ang pag-angat mula sa pagkakapatirapa at ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa
batay sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-angat siya ng ulo mula sa pagkakapatirapa, ay hindi nagpapatirapa hanggang sa tumuwid siya na nakaupo."21
Ang Ikasiyam na Haligi: Ang kapanatagan sa lahat ng mga haligi:
ang hinahon kahit kaunti, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gumagawa ng masagwa sa ṣalāh nito: "hanggang sa mapanatag ka"22
Ang Ikasampu at ang Ikalabing-isang Haligi:
Ang Huling Tashahhud at ang pag-upo rito batay sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) bilang marfū`: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo, magsabi siya: Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sumaatin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"23
Ang Ikalabindalawang Haligi: Ang pagbasbas (ṣalawāt) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Huling Tashahhud,
sa pamamagitan ng pagsabi: "Allāhumma ṣalli `alā Muḥammad. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad.)"24 Ang anumang idagdag diyan, iyan ay sunnah.
Ang Ikalabintatlong Haligi: Ang pagkakasunud-sunod sa pagitan ng mga haligi,
dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay gumagawa nito nang magkakasunud-sunuran, at nagsabi siya: "Magdasal kayo gaya ng pagkakita ninyo sa akin habang nagdarasal ako."25 Nagturo nga siya nito sa gumagawa ng masagwa sa ṣalāh nito habang nagsusunud-sunod sa pagsabi ng "pagkatapos".
Ang Ikalabing-apat na Haligi: Ang pagsasagawa ng taslīm,
batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang wakas nito ay ang pagsasagawa ng taslīm." sa sabi pa niya: "at ang pagpapawakas nito ay ang pagsasagawa ng taslīm."26
Ikalima. Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh
Ang mga ito ay walo:
1. Ang lahat ng mga takbīr na iba sa takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām).
2. Ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya -l`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan)" nang iisang ulit habang nasa pagyukod; at ibinibilang na sunnah ang pagdagdag hanggang sa tatlong ulit, na pinakakaunti ng kakumpletuhan, at hanggang sa sampung ulit, na pinakamarami nito.
3, Ang pagsabi ng imām at munfarid ng: "Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)" sa sandali ng pag-angat mula sa pagkakayukod.
4. Ang pagsabi ng: "Rabbanā wa-laka -lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri)" sa sandali ng pagtuwid mula sa pagkakayukod.
5. Ang pagsabi ng: "Subḥāna rabbiya -l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang iisang ulit sa sandali ng pagkakapatirapa at ibinibilang na sunnah ang pagdagdag hanggang sa tatlong ulit.
6. Ang pagsabi ng "Rabbi -ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin)" nang iisang ulit sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa at ibinibilang na sunnah ang pagdagdag hanggang sa tatlong ulit.
7. Ang unang tashahhud, ang pagsabi ng: Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga mabuting gawa. Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sumaamin at sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)27
8. Ang pag-upo para sa unang tashahhud.
Ikaanim. Ang mga Sunnah ng Ṣalāh
Ang mga sunnah ng ṣalāh ay hindi nagpapawalang-saysay sa ṣalāh dahil sa pagkawaksi ng mga ito. Ang mga ito ay dalawang bahagi: mga sunnah na pangsinasabi at mga sunnah na pangginagawa.
Una. Mga Sunnah na Pangsinasabi:
1. Ang du`ā' ng istiftāḥ (pagpapabukas ng ṣalāh), na may ilang anyo. Kabilang sa mga ito ang sumusunod: Subḥānaka -llāhumma wa-bi-ḥamdika wa-tabāraka -smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā ilāha ghayruk. (Napakamaluwalhati Mo, O Allāh, at pagpupuri sa Iyo. Napakamapagpala ang pangalan Mo, kataastaasan ang kabunyian Mo at walang totoong Diyos maliban sa Iyo.)28
2. Ang paghiling ng pagkupkop ni Allāh matapos ng Al-Fātiḥah, ang pagsabi ng: A`ūdhu bi-llāhi mina -shshayṭāni -rrajīm. (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa isinumpang Demonyo.)
3. Ang pagsambit ng basmalah bago ng pagbigkas ng Qur'ān, ang pagsabi ng: Bismi -llāhi -rraḥmāni -rraḥīm. (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)
4. Ang idinagdag sa iisa sa pagluluwalhati sa pagkayukod at pagkapatirapa.
4. Ang idinagdag sa iisa na pagsabi ng: Rabbi -ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin), sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa.
6. Ang pagsabi ng: Mil'a -ssamāwāti wa-mil'a -l'arḍ, wa-mil'a mā baynahumā, wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d. (Makapupuno ng mga langit, makapupuno ng lupa, makapupuno ng nasa pagitang ng mga ito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo matapos niyan.) matapas ng pagsabi ng: "Rabbanā wa-laka -lḥamd (Panginoon namin! Ukol sa Iyo ang papuri.)"29
7. Ang pagbigkas ng mga talata ng Qur'ān matapos ng Al-Fātiḥah.
8. Ang pagsabi ng: Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi jahannam, wa-min `adhābi -lqabri, wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa sigalot ng pagkabuhay at pagkamatay, at laban sa sigalot ng Bulaang Kristo.)30 Ang naidagdag doon na du`ā' sa Huling Tashahhud.
Ikalawa. Mga Sunnah na Pangginagawa
1. Ang pag-angat ng mga kamay kapantay ng mga balikat o mga tainga sa apat na kalagayan:
A. Sa sandali ng takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām).
B. Sa sandali ng pagyukod.
C. Sa sandali ng pag-angat mula sa pagkakayukod.
D. Sa sandali ng pagtayo patungo sa ikalawang rak`ah.
2. Ang paglalagay ng kanang kamay sa ibabaw sa kaliwang kamay sa dibdib sa sandali ng pagkakatayo bago ng pagyukod at matapos nito.
3. Ang pagtingin sa kalalagyan ng noo sa pagpapatirapa.
4. Ang pagpapahiwalay ng mga mataas na braso palayo sa mga tagiliran ng katawan sa sandali ng pagkakapatirapa.
5. Ang pagpapahiwalay ng mga mataas na braso palayo sa mga tagiliran ng katawan, ng tiyan palayo sa mga hita, at ng mga hita palayo sa mga binti sa pagpapatirapa;
6. Ang upong ifitirāsh sa lahat ng mga pag-upo sa ṣalāh maliban sa Huling Tashahhud ng ṣalāh na tatluhang rak`ah at apatang rak`ah.
7. Ang upong tawarruk sa Huling Tashahhud ng ṣalāh na tatluhang rak`ah o apatang rak`ah.
Ikapito. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh
1. Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag tumayo siya patungo sa pagdarasal, ay humaharap sa qiblah, nag-aangat ng mga kamay niya, naghaharap ng mga panloob ng mga daliri ng mga ito sa qiblah, at nagsasabi ng: "Allāhu akbar. (Si Allāh ay pinakadakila.)"
2. Pagkatapos humahawak ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya at naglalagay ng mga ito sa dibdib niya.
3. Pagkatapos nananalangin siya ng pagpapabukas ng ṣalāh ngunit hindi siya namamalagi sa iisang panalangin ng pagpapabukas ng ṣalāh. Kaya naman ang lahat ng mga panalangin ng pagpapabukas ng ṣalāh na napagtibay buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinapayagan ang panalangin ng pagpapabukas ng ṣalāh sa pamamagitan ng mga ito. Kabilang sa mga ito ang sumusunod: Subḥānaka -llāhumma wa-bi-ḥamdika wa-tabāraka -smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā ilāha ghayruk. (Napakamaluwalhati Mo, o Allāh, at pagpupuri sa Iyo. Napakamapagpala ang pangalan Mo, kataastaasan ang kabunyian Mo at walang totoong Diyos maliban sa Iyo.)
4. Pagkatapos magsasabi: "A`ūdhu bi-llāhi mina -shshayṭāni -rrajīm. Bismi -llāhi -rraḥmāni -rrahīm.(Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong isinumpa. Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.)
5. Pagkatapos bibigkas ng Al-Fātiḥah saka kapag nakatapos nito ay magsasabi ng: Āmīn.
6. Pagkatapos bibigkas ng anumang nadadalian mula sa Qur'ān. Magpapalakas ng pagbigkas sa fajr at unang dalawang rak`ah ng maghrib at `ishā'. Magpapatahimik ng pagbigkas sa anumang iba pa roon. Magpapahaba ng unang rak`ah ng bawat ṣalāh higit kaysa sa ikalawang rak`ah.
7. Pagkatapos mag-aangat ng mga kamay gaya ng pagkaangat sa pagpapabukas ng ṣalāh. Pagkatapos magsasabi ng: Allāhu akbar. Bababa nang nakayukod. Maglalagay ng mga kamay sa mga tuhod habang magkakahiwalay ang mga daliri, magpipirme ng mga ito, magbabanat ng likod, magpupuwesto ng ulo sa harap nito habang hindi nag-aangat nito at hindi nagbababa nito, at magsasabi ng: "Subḥāna rabbiya -l-`aḍ̆īm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Dakila) nang isang ulit. Ang pinakakaunti ng kakumpletuhan ay tatlong ulit, gaya ng naunang nabanggit.
8. Pagkatapos mag-aangat ng ulo habang nagsasabi ng: Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.) Mag-aangat ng mga kamay gaya ng pag-angat ng mga ito sa sandali ng pagyukod.
9. Kapag tumuwid nang nakatayo, magsasabi ng: Allāhumma rabbanā wa-laka -lḥamdu ḥamdan kathīran mubārakan fīhi, mil'a -ssamāwāti wa-mil'a -l'arḍ, wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d, ahla -ththanā'i wa-lmajd, aḥaqqu mā qāla -l`abdu, wa-kullunā laka `abd. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha -ljaddi minka -ljadd. (O Allāh, Panginoon namin, at ukol sa iyo ang papuri sa maraming pinagpalang papuri rito, na makapupuno ng mga langit, makapupuno ng lupa, makapupuno sa pagitan nito, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo matapos niyan; karapat-dapat sa pagbubunyi at karingalan, ang pinakatotoo na sinabi ng lingkod — at lahat naman kami sa Iyo ay lingkod. O Allāh, walang pipigil sa anumang ibinigay Mo at walang magbibigay sa anumang pinigil Mo, at hindi magpapakinabang sa may yaman laban sa iyo ang yaman.)31 Siya noon ay nagpapahaba ng pagpapakatuwid na ito.
10. Pagkatapos magsasagawa siya ng takbīr at bababa habang nagpapatirapa. Hindi siya mag-aangat ng mga kamay niya. Magpapatirapa sa noo niya at ilong niya, mga kamay niya, mga tuhod niya, at mga dulo ng mga paa niya. Maghaharap ng mga daliri ng mga kamay niya at mga paa niya sa qiblah. Magpapakatuwid sa pagkapatirapa niya. Magpipirme ng noo niya at ilong niya sa lapag. Sasandal sa mga kamay niya at mag-aangat ng mga siko niya. Magpapahiwalay ng mga mataas na braso niya palayo sa mga tagiliran ng katawan niya. Mag-aangat ng tiyan niya palayo sa mga hita niya at ng mga hita niya palayo sa mga binti niya. Magsasabi siya sa pagkakapatirapa niya: Subḥāna rabbiya -l-a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas.) isang ulit. Ang pinakakaunti ng kakumpletuhan ay tatlong ulit, gaya ng naunang nabanggit. Dadalangin ng nasaad [na mga panalangin sa Qur'ān at Sunnah].
11. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya habang nagsasabi ng: Allāhu akbar. Pagkatapos maghihiga siya ng kaliwang paa niya, uupo siya rito, at magtutukod siya ng kanang paa. at ng mga hita niya palayo sa mga binti niya, pagkatapos magsasabi ng: Allāhumma -ghfir lī, wa-rḥamnī, wa-jburni, wa-hdinī, wa-rzuqnī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, magpadakila Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, at tumustos Ka sa akin.)32
12. Pagkatapos magsasagawa ng takbīr, magpapatirapa, at magsasagawa sa ikalawang rak`ah ng tulad ng isinagawa sa unang rak`ah.
13. Pagkatapos mag-aangat ng ulo niya habang nagsasagawa ng takbīr, at titindig sa unahan ng mga paa niya habang nakasandal sa mga tuhod niya at mga hita niya.
14. Kapag nakapagpalubos ng pagtayo, magsisimula sa pagbigkas. Magdarasal siya sa ikalawang rak`ah gaya ng sa unang rak`ah.
15. Pagkatapos uupo para sa Unang Tashahhud nang nakalatag [ang kaliwang paa] gaya ng pag-upo sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa. Maglalagay ng kanang kamay niya sa kanang hita niya at ng kaliwang kamay niya sa kaliwang hita niya. Magsasalubong ng hinlalaki ng kanang kamay niya sa kanang hinlalato niya gaya ng hugis ng bilog. Magtuturo ng kanang hintuturo niya at titingin dito habang nagsabi ng: Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt. Assalāmu `alayka ayyuha -nnabīyu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. Assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi -llāhi -ṣṣālihīn. Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-aya. Ang pangangalaga ay sumaiyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang biyaya Niya. Ang pangangalaga ay sumaatin at sa mga maaayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh, at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.) Siya noon ay nagpapaikli ng pag-upong ito.
16. Pagkatapos titindig habang nagsasagawa ng takbīr saka magdarasal ng ikatlo at ikaapat na rak`ah at magtatahimik sa dalawang ito, taliwas sa unang dalawang rak`ah. Bibigkas sa dalawang ito ng Kabanatang Al-Fātiḥah.
17. Pagkatapos uupo sa Huling Tashahhud nang upong tawarruk. Ang tawarruk ay ang maghiga siya ng kaliwang paa niya at magpalabas siya nito mula kanang tagiliran habang nagtutukod siya ng kanang paa at naglalagay siya ng pigi niya sa lapag.
18. Pagkatapos sasambit siya ng Huling Tashahhud, na gaya ng sa Unang Tashahhud. Magdaragdag siya rito ng: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd; wa-bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā āli ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal; at pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)
19. Hihiling siya ng pagkupkop kay Allāh laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa sigalot ng pagkabuhay at pagkamatay, at laban sa sigalot ng Bulaang Kristo. §33 Dadalangin ng nasaad na mga panalangin sa Qur'ān at Sunnah.
20. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa dakong kanan sapagkat magsasabi siya ng: "As-salāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh.)" at sa dakong kaliwa gayundin: Nagsisimula ang pagbati habang nakaharap sa qiblah at winawakasan ito kasabay ng kalubusan ng paglingon.
Ikawalo. Ang mga Kinasusuklaman sa Ṣalāh
1. Ang paglingon nang walang pangangailangan.
2. Ang pag-angat ng paningin sa langit.
3. Ang pagpikit nang walang pangangailangan.
4. Ang pagkalapag ng mga braso sa pagkapatirapa.
5. Ang pagtatakip sa bibig at ilong nang walang pangangailangan.
6. Ang pagsasagawa ng ṣalāh sa sandali ng pagpigil ng pag-ihi o pagdumi o sa presensiya ng pagkaing ikinatatakam niya.
7. Ang pagpahid sa noo niya at ilong niya ng anumang sumabit sa mga ito na bakas ng pagkapatirapa ngunit wala namang masama sa pagpahid niyon matapos ng pagkasagawa ng ṣalāh.
8. Ang pagsandal sa dingding at tulad nito sa sandali ng pagtayo nang walang pangangailangan.
Ikasiyam. Ang Tagapagpawalang-saysay sa Ṣalāh
1. Ang pagkain at ang pag-inom.
2. Ang pagsasalita ng labas sa ṣalāh.
3. Ang pagtawa at ang paghalakhak.
4. Ang pananadya ng pagwaksi sa isa sa mga haligi nito o mga kinakailangan dito.
5. Ang pananadya ng pagdaragdag ng isang haligi o isang rak`ah.
6. Ang pananadya ng pagsasagawa ng taslīm bago ng imām.
7. Ang maraming nagsusunud-sunod na paggalaw na hindi kabilang sa gawain sa ṣalāh nang walang pangangailangan.
8. Ang pagkapangyari ng anumang sumasalungat sa mga kundisyon ng pagsasagawa ng ṣalāh gaya ng pagkasira ng wuḍū', pagkalantad ng `awrah nang sadyaan, maraming pagkalihis ng katawan palayo sa qiblah nang walang pagkakinakailangan, at pagkaputol ng layunin.
Ikasampu. Ang Pagpapatirapa ng Pagkalingat
Ang pagkalingat ay ang pagkalimot. Nalingat nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ṣalāh dahil ang pagkalingat ay bahagi ng hinihiling ng kalikasang pantao. Ang pagkalingat niya ay bahagi ng kalubusan ng biyaya ni Allāh sa Kalipunan niya at pagkumpleto ng Relihiyon nila upang tumulad sila sa kanya sa isinasabatas sa kanila sa sandali ng pagkalingat.
Ang mga kadahilanang isinasabatas sa mga ito ang pagpapatirapa ng pagkalingat:
1. Ang Unang Kalagayan
Ang Pagkadagdag sa Ṣalāh. Ito ay maaaring isang pagkadagdag ng mga ginagawa o isang pagkadagdag ng mga sinasabi.
A. Ang Pagkadagdag ng mga Ginagawa. Kapag ito ay isang pagkadagdag sa mga gawain ng ṣalāh gaya ng pagtayo sa halip ng pag-upo at pag-upo sa halip ng pagtayo, o nakadagdag siya ng isang pagyukod o pagpapatirapa, kapag nakagawa siya niyan dala ng pagkalingat, tunay na siya ay magpapatirapa dahil sa pagkalingat.
B. Ang Pagkadagdag ng mga Ginagawa gaya ng pagbigkas [ng Qur'ān] sa pagyukod at pagpapatirapa.
Kaya naman kapag nakagawa siya niyon, isinakaibig-ibig sa kanya ang pagpapatirapa dahil sa pagkalingat.
2. Ang Ikalawang Kalagayan
Ang kakulangan sa ṣalāh dala ng pagkalingat. Ito ay dahil sa dalawang pangyayari:
A. Pagkawaksi ng Isang Haligi. Kung ang haliging ito ay ang takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām), hindi naidaos ang ṣalāh niya at hindi sasapat para rito ang pagpapatirapa ng pagkalingat. Kung ito ay isang haliging hindi ang takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām) gaya ng isang pagyukod o isang pagpapatirapa at nakaalaala siya bago ng pagsisimula niya sa pagbigkas ng Qur'ān sa isa pang rak`ah, tunay na siya ay babalik bilang pagkakinakailangan para magsagawa niyon at ng anumang matapos niyon.
Kung nakaalaala siya niyon matapos ng pagsisimula niya sa pagbigkas ng Qur'ān sa isa pang rak`ah, nawalang-saysay ang rak`ah na naiwaksi niya mula roon at papalit ang rak`ah na sumusunod doon sa katayuan niyon.
B. Pagkawaksi ng Isang Kinakailangan. Tulad ng pagkalimot ng Unang Tashahhud o pagluluwalhati sa pagkayukod. Sa kalagayang ito ay magpapatirapa siya dahil sa pagkalingat.
3. Ang Ikatlong Kalagayan: Ang Pagdududa
Halimbawa: Kung sakaling nagduda siya kung nagdasal kaya siya ng tatlo o apat na rak`ah sa ṣalāh na ḍ̆uhr, sa kalagayang ito:
A. Kung nagsamatimbang sa kanya ang isang anuman, gagawa siya nito at magpapatirapa siya dahil sa pagkalingat.
B. Kung hindi nagsamatimbang sa kanya ang isang bagay, magbabatay siya sa katiyakan at magpapatirapa siya dahil sa pagkalingat.
Kung ang pagdududa ay matapos ng ṣalāh o siya ay naging madalas ang mga pagdududa, hindi siya papansin ng pagdududang iyon.
Katuturan: Ang pagpapatirapa ng pagkalingat ay bago ng taslīm kung ito ay dulot ng isang kakulangan o dulot ng isang pagdududa at hindi nagsamatimbang sa ganang kanya ang isang pangyayari. Ito ay matapos ng taslīm: Kung ito ay dulot ng isang pagkadagdag o dulot ng isang pagdududa sa pagkagawa rito ayon sa matimbang. Ang usapin kaugnay roon ay malawak kung loloobin ni Allah.
Ikalabing-isa. Ang mga Oras ng Pagkasaway Laban sa Pagsasagawa ng Ṣalāh
Ang pangunahing tuntunin ay ang pagpayag sa pagsasagawa ng ṣalāh sa lahat ng mga oras. Subalit ang Batas ay nagsaad ng pagbabawal ng pagsasagawa ng ṣalāh sa ilan sa mga oras. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Matapos ng ṣalāh na fajr hanggang sa pagsikat ng araw at pagkaangat nito nang singtaas ng sibat sa lupa sa paningin ng mata.
2. Kapag pumapagitna ang araw sa kalangitan hanggang sa lumihis ito at ito ay ang pinakamaikli sa mga oras ng pagsaway.
3. Mula ng matapos ng ṣalāh na `aṣr hanggang sa lumubog ang araw at ito ay ang pinakamahaba sa mga oras ng pagsaway.
Ang mga Ṣalāh na Pinapayagan ang Pagsasagawa ng mga Ito sa mga Oras ng Pagsaway:
1. Ang pagbabayad ng mga tungkuling ṣalāh na nakaalpas.
2. Ang ṣalāh para sa mga may kadahilanan tulad ng ṣalāh ng pagbati sa masjid, dalawang rak`ah ng ṭawāf, ṣalāh ng eklipse, at ṣalāh para sa patay.
3. Ang pagbayad ng ṣalāh na sunnah sa madaling-araw matapos ng ṣalāh na fajr.
Ikalabindalawa. Ang Ṣalāh sa Konggregasyon
Ito ay isang gawaing-pagsambang dakila kabilang sa mga gawaing-pagsamba sa Islām, ang ṣalāh sa konggregasyon sa mga masjid. Nagkasang-ayon nga ang mga Muslim sa pagiging ang pagganap ng limang ṣalāh sa mga masjid ay kabilang sa pinakabinibigyang-diin sa mga pagtalima at pinakadakila sa mga pampalapit-loob [kay Allāh]; bagkus ang mga ito ay ang pinakadakila sa mga gawaing-pagsamba sa Islām.
1. Ang Kahatulan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh sa Konggregasyon
Ang ṣalāh sa konggregasyon ay kinakailangan sa masjid para sa limang ṣalāh sa mga lalaking nakakakaya sa pananatili at paglalakbay, sa sandali ng katiwasayan at sandali ng pangamba sa isang pagkakinakailangang pang-individuwal.
Nagpatunay sa pagkakinakailangan ng ṣalāh sa konggregasyon ang Qur'ān, ang Sunnah, at ang gawain ng mga Muslim sa isang salinlahi matapos ng isang salinlahi, sa isang kahalili buhat sa isang hinalinhan.
Mula sa Qur'ān ay ang sabi ni Allāh:
﴿وَإِذَا كُنتَ فِيهِمۡ فَأَقَمۡتَ لَهُمُ ٱلصَّلَوٰةَ فَلۡتَقُمۡ طَآئِفَةٞ مِّنۡهُم مَّعَكَ...﴾
{Kapag ikaw ay nasa kanila saka namuno ka sa kanila sa pagdarasal, tumayo ang isang pangkatin kabilang sa kanila kasama sa iyo ...} (Qur'ān 4:102) yayamang nagpatunay ang talata sa pagkabigay-diin ng pagkakinakailangan ng ṣalāh sa konggregasyon, yayamang hindi nagpirmiso sa mga Muslim sa pagwaksi nito sa sandali ng pangangamba. Kaya kung sakaling ito ay hindi naging kinakailangan, talaga sanang ang higit na marapat sa mga maidadahilan sa pagkaalis ng tungkulin nito ang pagdadahilan ng pangamba. Ang pagwaksi ng ṣalāh sa konggregasyon at ang pagbibigat-bigatan sa pag-iwas dito ay kabilang sa pinakatanyag sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw.
Mula sa Sunnah ay may maraming ḥadīth, na kabilang sa mga ito:
Ang nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim: {Na may isang lalaking bulag na nagsabi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Sugo ni Allāh, tunay na wala po akong isang tagaakay na aakay sa akin papunta sa masjid." Kaya humiling ito sa kanya na magpirmiso para rito na magdasal ito sa bahay nito. Kaya nagpirmiso naman siya rito ngunit noong nakatalikod ito ay tinawag niya ito saka nagsabi siya: "Naririnig mo ba ang panawagan?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya tugunin mo."}34
Kaya nag-utos dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagdalo sa masjid para sa ṣalāh sa konggregasyon bilang pagtugon sa panawagan sa kabila na ito ay bulag sa kabila ng dinaranas nito na hirap. Kaya nagpatunay iyon sa pagkakinakailangan ng ṣalāh sa konggregasyon.
2. Sa pamamagitan ng ano naaabutan ang konggregasyon?
Naaabutan ang konggregasyon sa pamamagitan ng pagkaabot ng isang rak`ah ng ṣalāh kasama ng imām. batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakaabot ng isang rak`ah mula sa ṣalāh ay nakaabot nga sa ṣalāh."35
3. Sa pamamagitan ng ano naaabutan ang rak`ah?
Naaabutan ang rak`ah sa pamamagitan ng pagkaabot ng pagyukod. Kaya kapag nakaabot ang nahuli sa imām niya habang nakayukod, kinakailangan na magsagawa siya ng takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām) habang siya ay nakatindig, pagkatapos yuyukod siya habang nagsasagawa ng takbīr sa muli para sa pagyukod. Kung nagkasya siya sa takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām) sa sandali ng pagkatayo niya, sasapat ito sa kanya para sa takbīr ng pagyukod.
4. Ang mga Maidadahilang Nagpapahintulot sa Tao sa Pag-iwan ng Ṣalāh sa Konggregasyon:
1. Ang karamdaman kapag naging mahirap sa kanya ang pagdalo sa Biyernes at konggregasyon.
2. Ang pagpigil ng pag-ihi o pagdumi dahil sa inireresulta sa pagpigil ng dalawang ito na pagkawala ng kataimtiman sa ṣalāh at dahil sa dulot nito na pinsala sa katawan.
3. Ang pagkahain ng pagkain habang ang tao ay gutom o ang sarili niya ay nananabik sa pagkain, sa kundisyon na huwag gawin ito bilang gawi o bilang panggulang para sa pagpapaiwan sa ṣalāh sa konggregasyon.
4. Ang napatotohanang pangamba para sa sarili o ari-arian o iba pa sa dalawang ito.
Ikalabintatlo. Ang Ṣalāh ng Pangamba
Isinasabatas ang ṣalāh ng pangamba sa bawat pakikipaglabang pinapayagan gaya ng pakikipaglaban sa mga tagatangging-sumampalataya, mga tagapaghimagsik, at mga nakikipagdigmaan batay sa sabi ni Allāh:
﴿...إِنۡ خِفۡتُمۡ أَن يَفۡتِنَكُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ...﴾
{... kung nangamba kayo na magsigalot sa inyo ang mga tumangging sumampalataya. ...} (Qur'ān 4:101) Isinaanalohiya rito ang natitira sa mga pinapayagan ang pagkikipaglaban sa kanila.
Isinasabatas ang ṣalāh ng pangamba ayon sa dalawang kundisyon:
1) Na ang kaaway ay pinapayagan kalabanin.
2) Na pinangambahan ang pagsalakay nito sa mga Muslim sa sandali ng pagsasagawa ng ṣalāh.
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh ng Pangamba
Mayroon itong maraming paraan. Ang pinakatanyag sa mga ito ay gaya ng nasaad sa ḥadīth ni Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Na may isang pangkating humilera kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at may isang pangkating nakaharap sa kaaway. Namuno siya sa ṣalāh sa [pangkating] kasama sa kanya sa isang rak`ah. Pagkatapos nanatili siyang nakatayo at lumubos naman sila [ng ṣalāh] para sa sarili nila. Pagkatapos lumisan sila at humilera sila paharap sa kaaway. Dumating naman ang iba pang pangkatin saka namuno siya sa kanila sa ṣalāh sa rak`ah na natira sa ṣalāh niya. Pagkatapos nanatili siyang nakaupo at lumubos naman sila [ng ṣalāh] para sa sarili nila. Pagkatapos magsagawa siya ng taslīm kasama sa kanila.}]35]36
Makahihinuha tayo mula sa ṣalāh ng pangamba ng:
1. kahalagahan ng ṣalāh sa Islām at kahalagahan ng ṣalāh sa konggregasyon sapagkat tunay na ito ay hindi naaalis sa pagkatungkulin sa mga kalagayang nakaaasiwa;
2. pagkaila ng pagkaasiwa sa Kalipunang ito at kaluwagan ng Sharī`ah at kaangkupan nito sa bawat panahon at lugar;
3. kakumpletuhan ng Palabatasang Islāmiko at na ito ay isinabatas sa bawat sitwasyon na naaangkop dito;
Ikalabing-apat. Ang Ṣalāh sa Biyernes
Una. Ang Kahatulan Nito
Ang ṣalāh sa Biyernes ay farḍu `ayn (isang tungkulin ng isang individuwal) para sa bawat Muslim na lalaki, adulto, nakapag-uunawa, at namamayang walang maidadahilan para sa kanya [sa hindi pagdalo,]
batay sa sabi ni Allāh:
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نُودِيَ لِلصَّلَوٰةِ مِن يَوۡمِ ٱلۡجُمُعَةِ فَٱسۡعَوۡاْ إِلَىٰ ذِكۡرِ ٱللَّهِ وَذَرُواْ ٱلۡبَيۡعَۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ 9﴾
{O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 62:9)
at batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang may titigil nga na mga tao sa pagpapabaya nila sa [mga ṣalāh ng] mga Biyernes o talagang magpipinid nga si Allāh sa mga puso nila, pagkatapos sila ay talagang magiging kabilang nga sa mga nalilingat."37
Ikalawa. Ang mga Kundisyon ng Katumpakan ng Ṣalāh sa Biyernes:
1) Ang oras. Ang oras nito ay gaya ng oras ng ṣalāh na ḍ̆uhr. Kaya hindi ito natutumpak bago ng oras nito ni matapos ng paglampas nito.
2) Na daluhan ito ng isang konggregasyon at ang pinakakaunting nakadalo sa konggregasyon ay tatlo ayon sa tumpak na pahayag. Kaya hindi ito natutumpak mula sa isang namumukod ni mula sa dalawa.
3) Na ang mga nagdarasal ay mga mamamayang may mga tirahang nakatayo ayon sa umiiral na kaugalian sa pagkapatayo nito, maging iyon man ay yari sa pinatibay na semento (reinforced concrete) o yari sa bato o yari sa putik at iba pa sa mga ito. Alinsunod diyan, hindi ito natutumpak mula sa mga naninirahan sa mga ilang na mga nakatira sa mga kubol at mga bahay na balahibo, na hindi namamayan sa isang permanenteng lugar, bagkus lumilipat-lipat at sumusunod sa mga damo para sa mga hayupan nila.
4) Na maunahan ito ng dalawang khuṭbah dahil sa pagkapanatili ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dalawang ito.
Ikatlo. Ang mga Haligi ng Dalawang Khuṭbah sa Biyernes
1. Ang papuri kay Allah at ang dalawang pagsaksi.
2. Ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Ang pagtugibilin ng pangingilag magkasala kay Allah.
4. Ang pagbigkas ng anuman mula sa Qur'an.
5. Ang pangaral.
Ikaapat. Ang mga Isinakaibig-ibig sa Dalawang Khuṭbah sa Biyernes
1. Ang khuṭbar sa mimbar.
2. Ang patlang sa pagitan ng dalawang khuṭbah sa pamamagitan ng isang dagliang pag-upo. 3. Ang pagdalangin sa dalawang ito para sa mga Muslim at para sa mga nakatalaga sa mga pamamahala sa kanila.
4. Ang pagpapaikli ng dalawang ito.
5. Ang pagbati ng kapayapaan ng khaṭīb sa mga tao sa sandali ng pagkaakyat sa mimbar.
Ikalima. Mga Isinasakaibig-ibig sa Araw ng Biyernes
1. Ang paggamit ng siwāk.
2. Ang paggamit ng pabango kung nakatagpo.
3. Ang pagpapaaga sa paglabas papunta sa ṣalāh sa Biyernes.
4. Ang paglalakad papunta sa masjid at ang hindi pagsakay.
5.Ang pagkalapit sa imām.
5. Ang Pagdalangin.
7. Ang pagpunta sa masjid nang naglalakad.
8. Ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan).
Ikaanim. Ang sinasaway sa sinumang dumalo sa ṣalāh sa Biyernes:
1) Ipinagbabawal ang pagsasalita habang ang imām ay nagtatalumpati sa araw ng Biyernes batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagsabi ka sa kasamahan mo sa [ṣalāh sa] araw ng Biyernes: Manahimik ka, habang ang imām ay nagtatalumpati, nagwalang-kabuluhan ka nga."38 Ibig sabihin: Ang kawalang-kabuluhan. Ang kawalang-kabuluhan ay ang kasalanan.
2) Kinasusuklaman ang paghakbang sa tabi ng mga leeg ng mga tao malibang kapag siya ay imām o ang paghakbang sa isang puwang na hindi naaabot maliban sa pamamagitan niyon.
Ang Pagkaabot sa Ṣalāh sa Biyernes
Ang sinumang nakaabot sa pagyukod kasama ng imām sa ikalawang rak`ah ng ṣalāh sa Biyernes ay nakaabot nga sa ṣalāh sa Biyernes at nakalubos nito ng dalawang rak`ah. Kung hindi siya nakaabot sa pagyukod ng ikalawang rak`ah, nakamintis nga siya ng ṣalāh sa Biyernes at maglulubos siya nito sa pagsasagawa ng ḍ̆uhr na apat na rak`ah. Gayundin sa sinumang nakamintis ng ṣalāh sa Biyernes dahil sa pagkatulog o iba pa rito, tunay na siya ay magdarasal nito bilang ḍ̆uhr.
Ikalabinlima. Ang Ṣalāh ng mga May mga Maidadahilan
Una. Ang Ṣalāh ng Maysakit
A. Kinakailangan sa maysakit na gumanap ng ṣalāh alinsunod sa kakayahan niya. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito lampas sa oras nito hanggat ang pag-iisip ay naririyan.
B. Papaanong magdarasal ang maysakit?
1. Kinakailangan sa maysakit na magdasal nang nakatayo, kapag siya ay nakakakaya ng pagtayo nang walang hirap o pinsala, yumukod, at magpatirapa.
2. Kapag siya ay napipinsala dahil sa pagyukod o pagpapatirapa sa kabila ng kakayahan niya sa pagtayo, magpapahiwatig siya ng pagyukod habang nakatayo at ng pagpapatirapa habang nakaupo.
3. Kung hindi siya nakakaya ng pagsasagawa ng ṣalāh nang nakatayo, magsasagawa siya nito nang nakaupo. Ang sunnah ay na siya ay maging nakaupong nakaekis ang mga binti sa lugar ng pagtayo at magpahiwatig ng pagyukod at magpatirapa sa lapag kung naging posible. Kung hindi naman ay magpapahiwatig ng pagpapatirapa, na magiging higit na mababa kaysa sa pagyukod.
4. Kung hindi nakaya ang magdasal nang nakaupo, magdarasal nang nakahimlay sa tagiliran habang ang mukha ay nakaharap sa qiblah. Ang kanang tagiliran ay higit na mainam kung naging posible at magpapahiwatig ng pagyukod at pagpapatirapa.
5. Kung hindi nakaya ang magdasal nang nakahimlay sa tagiliran, magdarasal nang nakahiga sa likod habang ang mga paa ay nakaharap sa qiblah at magpapahiwatig ng pagyukod at pagpapatirapa.
6. Kung hindi naging posible sa kanya ang pagpapahiwatig sa pamamagitan ng katawan niya sa pagyukod at pagpapatirapa, magpapahiwatig siya sa pamamagitan ng ulo niya. Kung naging mahirap ito sa kanya, maalis sa kanya ang tungkulin ng pagpapahiwatig at gaganapin niya ang mga gawain ng ṣalāh sa puso niya. Kaya maglalayon siya ng mga gawain ng ṣalāh na pagyukod, pagpapatirapa, at pag-upo habang siya ay nasa kalagayan niya at magsasagawa siya ng mga pag-alaala ng mga ito.
7. Gagawa ang maysakit mula sa mga kundisyon ng ṣalāh ng anumang nakakaya niya, tulad ng pagharap sa qiblah at pagsasagawa ng wuḍū' sa pamamagitan ng tubig o tayammum sa sandali ng kawalang-kakayahan at kadalisayan mula sa mga karumihan. Kapag nawalang-kakayahan siya sa anuman mula roon, maaalis ang tungkulin sa kanya. Magdarasal siya alinsunod sa kalagayan niya at hindi siya magpapahuli ng ṣalāh lampas sa oras nito.
8. Ang sunnah ay na umupo ang maysakit nang nakaekis ang mga binti sa lugar ng pagtayo at pagyukod at nang upong iftirāsh sa iba roon.
Ikalawa. Ang Ṣalāh ng Tagapaglakbay
1. Kabilang sa mga may mga maidadahilan ay ang tagapaglakbay sapagkat isinasabatas sa kanya ang pagpapaikli ng ṣalāh na apatang rak`ah: mula sa apat para maging dalawang rak`ah, batay sa sabi ni Allāh:
﴿وَإِذَا ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٌ أَن تَقۡصُرُواْ مِنَ ٱلصَّلَوٰةِ...﴾
{Kapag naglakbay kayo sa lupa ay hindi sa inyo maisisi na magpaikli kayo ng dasal ...} (Qur'ān 4:101)
Ayon naman kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumisan kami kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Madīnah papunta sa Makkah saka nagdarasal siya nang tigdadalawang rak`ah hanggang sa makabalik kami sa Madīnah.}39
Nagsisimula ang pagpapaikli sa pagkalabas ng tagapaglakbay mula sa pinaninirahan sa bayan niya dahil si Allāh ay nagpahintulot ng pagpapaikli sa sinumang naglakbay sa lupain. Bago ng pagkalabas mula sa bayan niya, siya ay hindi isang manlalakbay sa lupain at hindi isang biyahero at dahil ang propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpapaikli lamang kapag nakalisan siya.
2. Ang distansiya, na kapag nagnais ang tagapaglakbay na tumahak nito ay pinapayagan sa kanya ang pagpapaikli ng ṣalāh, ay 80 kilometro humigit-kumulang.
3. Ukol sa tagapaglakbay ang pagpapaikli sa pagbabalik niya hanggang sa makapasok siya sa bayan niya na nilisanan niya.
4. Kapag umabot ang tagapaglakbay sa isang bayan at ninanais niya ang manatili roon, mayroon siyang tatlong kalagayan:
A. Na maglayon siya ng pananatili ng higit sa apat na araw kaya naman kinakailangan sa kanya ang paglubos ng ṣalāh mula sa unang araw na pumirme siya roon at hindi siya napipirmisuhan ng mga pirmiso ng paglalakbay.
B. Na maglayon siya ng pananatili ng apat na araw o higit na mababa kaya naman pinapayagan sa kanya ang pagpapaikli at ang pagkapirmiso ng mga pirmiso ng paglalakbay.
C. Na hindi siya maglayon ng isang tinakdaang pananatili, bagkus maaaring manatili siya ng isang araw o sampung araw alinsunod sa kaangkupan ng lugar sa kanya o mayroon siyang isang pakay na pagpapagamot o pagkunsulta at kapag nagwakas ang pakay niya ay babalik siya sa bayan niya. Dito ay pinapayagan sa kanya ang pagpapaikli at ang pagkapirmiso ng mga pirmiso ng paglalakbay hanggang sa makabalik siya, kahit pa man lumabis sa apat na araw ang yugto ng pananatili niya.
5. Kapag nagdasal ang tagapaglakbay sa likuran ng imām na residente, kinakailangan sa kanya ang paglubos ng ṣalāh kahit pa man hindi siya nakaabot kasabay nito kundi sa Huling Tashahhud.
6. Kapag nagdasal ang residente sa likuran ng isang tagapaglakbay na nagpapaikli ng ṣalāh, kinakailangan sa residente ang paglubos ng ṣalāh niya matapos ng taslīm ng imām.
Ikalabing-anim. Ang Ṣalāh ng Dalawang Pagdiriwang (Eid)
Ang mga pagdiriwang ng mga Muslim ay mga pagdiriwang na pampanginoon na nagsabatas ng mga ito si Allāh (napakataas Siya) sa kanila at hindi sila nagsabatas ng mga ito mula sa ganang mga sarili nila. Walang ukol sa kanila kundi dalawang pagdiriwang lamang: ang Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno (`Īdulfiṭr) at ang Pagdiriwang ng Pag-aalay (Īdul'aḍḥā), na kasalungatan ng mga pagdiriwang ng mga tagatangging-sumampalataya o mga pagdiriwang na pambid`ah na hindi nagsabatas ng mga ito si Allāh (napakataas Siya) at hindi Siya nag-utos ng mga ito, bagkus nagsabatas sila ng mga ito mula sa ganang mga sarili nila.
Ang Kahatulan ng Ṣalāh ng Dalawang Pagdiriwang
Ito ay tungkulin ng komunidad. Nagpanatili nito ang Propeta at nagpanatili nito ang mga Matinong Khalīfah (malugod si Allāh sa kanila sa kalahatan). Ito ay kabilang sa mga tanda ng Relihiyong Islām at mga lantad na gawaing-pagsamba rito.
Ang Oras ng Ṣalāh ng Dalawang Pagdiriwang. Nagsisimula ang oras ng ṣalāh ng pagdiriwang mula sa pagkaangat ng araw sa sukat ng sibat. Ibig sabihin: 15 minuto mula ng pagsikat ng araw at nagwawakas ang oras nito sa sandali ng pagkalihis sa katanghaliang-tapat ng araw.
Ang Paraan ng Ṣalāh sa Dalawang Pagdiriwang:
1. Magsasagawa sa unang rak`ah ng takbīr ng pagpapasimula (takbīratul'iḥrām). Pagkatapos bibigkas ng du`ā' ng istiftāḥ (pagpapabukas ng ṣalāh). Pagkatapos magsasagawa ng anim na takbīr, mag-aangat ng mga kamay sa bawat takbīr, magpupuri kay Allāh at magbubunyi sa Kanya, at mananalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagitan ng mga takbīr. Pagkatapos mananalangin ng pagpapakupkop kay Allāh, sasambit ng basmalah, at magsisimula sa pagbigkas [ng Al-Fātiḥah at Qur'ān].
2. Magsasagawa, sa ikalawang rak`ah matapos ng takbīr ng paglipat-kilos, ng limang takbīr. Pagkatapos hihiling ng pagkupkop ni Allāh,§ sasambit ng basmalah, at magsisimula sa pagbigkas [ng Al-Fātiḥah at Qur'ān]. Isinasakaibig-ibig na bumigkas sa unang rak`ah, matapos ng Al-Fātiḥah, ng Sūrah Al-A`lā, at sa ikalawang rak`ah, ng Sūrah Al-Ghāshiyah.40
3. Kapag nakapagsagawa ng taslīm ang imām, aakyat siya sa mimbar saka magtatalumpati ng dalawang khuṭbah at uupo sa pagitan ng dalawang ito nang isang dagliang pag-upo gaya ng ginagawa sa khuṭbah sa Biyernes.
Ang mga Sunnah ng Dalawang Pagdiriwang
A. Ang pagpaligo.
B. Ang pagpapakalinis at ang pagpapabango.
C. Ang pagkain bago ng paglabas sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno at matapos ng paglabas sa Pagdiriwang ng Pag-aalay mula sa alay kung mayroon siyang alay.
D. Ang paglabas nang naglalakad.
E. Ang pagpunta mula sa isang daan at ang pagbalik mula sa ibang daan.
F. Ang pagpapaaga sa pagpunta sa pagdarasalan para sa ma'mūm hindi sa imām.
Ang Takbīr
Ibinibilang na sunnah ang pagsambit ng takbīr sa mga gabi ng mga Pagdiriwang, sa ikasampu ng Dhulḥijjah, at mga araw ng Tashrīq. Ito ay dalawang uri:
Ang Unang Uri: Ang takbīr na walang-takda (Mutlaq). Ito ay ang hindi nalilimitahan ng oras na tinakdaan.
1. Sa Pagtigil-ayuno: Mula sa paglubog ng araw ng bisperas ng Pagdiriwang hanggang sa simula ng salah ng Pagdiriwang.
2. Sa Pag-aalay: Mula sa paglubog ng araw ng bisperas ng unang araw ng Dhulḥijjah hanggang sa paglubog ng araw ng mga araw ng Tashrīq.
Ang Ikalawang Uri: Ang takbīr na nililimitahan (Muqayyad). Ito ay ang nililimitahan ng mga katapusan ng mga ṣalāh na isinatungkulin.
1. Ang Hindi Ipinagbabawal: Mula sa madaling-araw ng Araw ng `Arafah hanggang sa hapon ng kahuli-hulihan sa mga araw ng Tashrīq.
2. Ang Ipinagbabawal: Mula sa ṣalāh ng ḍ̆uhr ng araw ng Pagdiriwang hanggang sa hapon ng kahuli-hulihan sa mga araw ng Tashrīq.
Ikalabimpito: Ang Ṣalāh ng Eklipse
Ang Kahulugan ng Eklipse ng Buwan at Eklipse ng Araw:
Ang eklipse ng buwan ay ang pag-alis ng liwanag ng buwan o bahagi nito sa gabi.
Ang eklipse ng araw ay ang pag-alis ng tanglaw ng araw o bahagi nito sa maghapon.
Ang Kahatulan ng Ṣalāh sa Eklipse:
Ito ay sunnah na binibigyang-diin, na nagpatunay roon ang gawain ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nagdasal siya nito noong nag-eklipse ang araw sa panahon niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpatunay rin doon ang pag-uutos niya nito. Nagkabuklod sa hatol ang mga maalam sa pagkaisinasabatas nito.
Ang oras nito:
Mula sa pagsisimula ng eklipse ng araw at eklipse ng buwan hanggang sa magliwanag. Ito ay ang paglaho ng eklipse ng buwan o eklipse ng araw.
Ang pamamaraan nito:
Ang bilang ng mga rak`ah nito ay dalawang rak`ah, na nagpapalakas sa dalawang ito sa pagbigkas. Ang paraan ng pagsasagawa nito ay gaya ng sumusunod:
A. Magsasagawa ng takbīr ng pagsisimula ng ṣalāh, mananalangin ng pagpapabukas ng ṣalāh, hihiling ng pagkupkop ni Allāh, sasambit ng basmalah, bibigkas ng Al-Fātiḥah, pagkatapos bibigkas nang mahabang pagbigkas ng Qur'ān.
B. Pagkatapos yuyukod nang mahabang pagyukod.
C. Pagkatapos aangat mula sa pagkakayukod at magsasabi ng: "Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.)" Pagkatapos bibigkas ng Al-Fātiḥah, pagkatapos bibigkas nang mahabang pagbigkas ng Qur'ān, na higit na maikli kaysa sa una.
D. Pagkatapos yuyukod nang mahabang pagyukod, na higit na maikli kaysa sa unang pagyukod.
E. Pagkatapos aangat mula sa pagkakayukod at magsasabi ng: "Sami`a -llāhu liman ḥamidah. (Dumidinig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya.)"
F. Pagkatapos magpapatirapa nang mahabang pagpapatirapa.
G. Pagkatapos aangat para sa ikalawang rak`ah. Ito ay tulad ng unang rak`ah subalit ito ay higit na maikli sa haba kaysa roon.
Ang mga Sunnah Rito:
A. Ang panawagan para rito sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Aṣṣalātu jāmi`ah. (Ang ṣalāh ay magtitipon.)"
B. Na magsagawa ng ṣalāh sa konggregasyon.
C. Ang pagpapahaba sa pagsasagawa ng ṣalāh sa pagtayo rito, pagyukod dito, at pagpapatirapa rito.
D. Na ang ikalawang rak`ah ay higit na maikli kaysa sa una.
E. Ang pangaral matapos nito at ang paghimok sa paggawa ng mga pagtalima at pagwaksi ng mga nakasasama.
F. Ang dalas ng pagdalangin, ang pagsusumamo, ang paghingi ng tawad, at ang pagkakawanggawa.
Ikalabingwalo. Ang Ṣalāh Istisqā' (Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan)
1) Ang Istisqā': Ang Paghiling ng Painom Mula kay Allāh sa Pamamagitan ng Pagpapababa ng Ulan sa Sandali ng Tagtuyot.
Ang Oras ng Pagkaisinasabatas ng Ṣalāh Istisqā':
Isinasabatas ang ṣalāh istisqā' kapag natuyot ang lupa, napigil ang ulan, at nangyari ang pinsala mula sa pagkaputol nito. Kaya naman walang pagtakas sa kanila kundi na magsumamo sila sa Panginoon nila at humiling ng ulan sa Kanya at magpasaklolo sa Kanya sa pamamagitan ng mga uri ng pagsusumamo.
A. Minsan sa pamamagitan ng ṣalāh sa isang konggregasyon o bilang mga individuwal.
B. Minsan sa pamamagitan ng panalangin sa khuṭbah sa Biyernes, na dadalangin ang khaṭīb at mag-aamen ang mga Muslim sa panalangin niya.
C. Minsan sa pamamagitan ng panalangin sa alinman oras nang walang ṣalāh at walang khuṭbah.
Ang Kahatulan ng Ṣalāh Istisqā':
Ito ay sunnah na binibigyang-diin sa sandali ng pag-iral ng kadahilanan nito batay sa gawain ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng nasaad sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Zayd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Lumabas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) papunta sa pinagdarasalan saka humiling siya ng ulan, humarap siya sa qiblah, nagbaliktad siya ng balabal niya, at nagdasal siya ng dalawang rak`ah.}41
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh Istisqā':
Ang paraan ng pagsasagawa ng ṣalāh istisqā' sa kalagayan nito ay gaya ng ṣalāh ng Pagdiriwang. Kaya naman isinakaibig-ibig ang paggawa nito sa pinagdarasalan gaya ng ṣalāh ng Pagdiriwang. Ang mga patakaran nito ay gaya ng mga patakaran ng ṣalāh ng Pagdiriwang sa bilang ng mga rak`ah at pagpapalakas ng pagbigkas at sa mga takbīr na dagdag sa una at ikalawang rak`ah bago ng pagbigkas, gaya ng naunang paglilinaw nito sa ṣalāh sa Dalawang Pagdiriwang. Magtatalumpati ang imām ng iisang khuṭbah.
Ikalabingsiyam. Ang mga Patakaran ng Paglilibing sa Patay
Una. Para sa sinumang nakadalo sa naghihingalo:
1. Ibinibilang na sunnah para sa sinumang dumalo sa naghihingalo na magpabigkas sa kanya ng: "Lā ilāha illa -llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)"
2. Ibinibilang na sunnah na iharap ang naghihingalo tungo sa qiblah.
3. Isinasakaibig-ibig ang pagpapapikit ng mga mata niya.
4. Ibinibilang na sunnah ang pagtakip ng tela sa patay matapos ng pagpanaw nito.
5. Nararapat ang pagpapabilis sa paghahanda sa patay.
6. Kinakailangan ang pagpapabilis sa pagbayad sa mga utang niya.
7. Paliliguan ang patay at babalutin at ang dalawang ito ay tungkulin ng komunidad.
Ikalawa. Ang mga sa Kahatulan sa Pagsasagawa ng Ṣalāh sa Patay
Ang Kahatulan Nito: Isang tungkulin ng komunidad (Fardh Kifayah).
Ang mga Kundisyon Nito:
A. Ang pagharap sa qiblah.
B. Ang pagtatakip sa `awrah.
C. Ang pag-iwas sa karumihan.
D. Ang kadalisayan ng pinagdarasalan at dinarasalan.
E. Ang pagkaanib sa Islām ng nagdarasal at dinarasalan.
F. Ang pagdalo sa libing kung nasa bayan.
G. Na siya ay naatangan ng tungkulin.
Ang mga Haligi Nito:
1. Ang pagtayo rito.
B. Ang apat na takbīr.
3. Ang pagbigkas ng Al-Fātiḥah.
4. Ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
5. Ang pagdalangin para sa patay.
6. Ang Pagkakasunud-sunuran.
7. Ang taslīm.
Ang mga Sunnah Rito:
1. Ang pag-angat ng mga kamay kasabay ng bawat takbīr.
2. Ang paghiling ng pagkupkop ni Allāh.
3. Ang pagdalangin para sa sarili ng patay at para sa mga Muslim.
4. Ang tahimik na pagbigkas.
5. Ang pagtigil nang kaunti matapos ng ikaapat na takbīr at bago ng taslīm.
6. Ang paglalagay ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa dibdib.
7. Ang paglingon sa kanan sa taslīm.
Ang Pamamaraan Nito:
Tatayo ang imām at ang munfarid sa tabi ng dibdib ng lalaki at sa gitna ng babae, magsasagawa ng takbīr ng pagpapasimula, sasambit ng pagpapakupkop kay Allāh at hindi sasambit na panalangin ng pagpapabukas ng ṣalāh, sasambit ng basmalah, at bibigkas ng Al-Fātiḥah.
Pagkatapos magsasagawa ng takbīr at dadalangin, matapos nito, ng basbas sa Propeta (napakataas Siya). Pagkatapos magsasagawa ng takbīr at mananalangin para sa patay sa pamamagitan ng panalanging nasaad, tulad ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Allāhumma -ghfir li-ḥayyinā wa-mayyitinā, wa-saghīrinā wa-kabīrinā, wa-dhakarinā wa-unthānā, wa-shāhidinā wa-ghā'ibinā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa-aḥyihi `ala -l'islām, wa-man ṭawāffaytahu minnā fa-tawwaffahu `ala -l'īmān. Allāhumma lā taḥrimnā ajrahu, wa-lā tuḍillanā ba`dah. (O Allāh, magpatawad Ka sa buhay namin at patay namin, sa nakababata namin at nakatatanda namin, sa lalaki namin at babae namin, sa nakadalo namin at nakaliban namin. O Allāh, ang sinumang binigyang-buhay Mo sa amin ay magbigay-buhay Ka sa kanya sa Pananampalataya at ang sinumang binigyang-kamatayan Mo sa amin ay magbigay-kamatayan Ka sa kanya sa Islām. O Allāh, huwag Kang magkait sa amin ng pabuya sa kanya at huwag Kang magpaligaw sa amin matapos niya.)42
at sabi pa niya: Allāhumma -ghfir laHU wa-rḥamHU; wa-`āfiHI wa-`fu `anHU; wa-akrim nuzulaHU wa-wassi` mudkhalaHU; wa-ghsilHU bi-lmā'i, wa-ththalji, wa-lbarad; wa-naqqiHI mina -lkhaṭāyā, kamā naqqayta -ththawba -l'abyaḍa mina -ddanas; wa-abdilHU dāran khayram min dāriHI, wa-ahlan khayram min ahliHI, wa-zawjan khayram min zawjiHI; wa-adkhilHU -ljannah; wa-a`idhHU min `adhābi lqabri wa-`adhābi nnār. (O Allāh, magpatawad Ka sa KANYA; maawa Ka sa KANYA; mangalaga Ka sa KANYA; magpaumanhin Ka sa KANYA; magpaalwan Ka sa pagpapatuloy sa KANYA; magpaluwag Ka sa libingan NIYA; maghugas Ka sa KANYA sa pamamagitan ng tubig, yelo, at niyebe; maglinis Ka sa KANYA mula sa mga kamalian gaya ng paglinis Mo sa puting damit mula sa karumihan; magbigay Ka sa KANYA ng tahanang higit na mainam kaysa sa tahanan NIYA, ng mag-anak na higit na mainam kaysa sa mag-anak NIYA, at ng asawang higit na mainam kaysa sa asawa NIYA; magpapasok Ka sa KANYA sa Paraiso; at magkupkop Ka sa KANYA laban sa pagdurusa sa libingan at pagdurusa sa Impiyerno.)43 Pagkatapos magsasagawa ng takbīr at titigil nang kaunti matapos nito, pagkatapos magsasagawa ng iisang taslīm sa kanan.
Ang Ikatlong Paksa: Ang Zakāh
1. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Zakāh at ang Katayuan Nito
Ang zakāh sa literal na kahulugan ay ang paglago at ang pagkadagdag.
Ang zakāh sa legal na kahulugan ay isang karapatang kinakailangan ayon sa Batas sa mga ari-ariang tinakdaan para sa isang pangkating itinatangi.
Ito ay ang ikatlong haligi mula sa mga haligi ng Islām. Ito ay kapares ng ṣalāh sa Qur'ān sa 82 sitas, na nagpapatunay sa kadakilaan ng pumapatungkol dito.
Nagsabi si Allāh:
﴿وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ...﴾
{Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, ...} (Qur'ān 2:43)
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh], at pag-aayuno sa Ramaḍān."44
Nagkabuklod sa hatol ang mga Muslim sa pagkatungkulin nito at sa kawalang-pananampalataya ng sinumang nagkaila sa pagkakinakailangan nito at pakikipaglaban sa sinumang pumigil sa pagpapalabas nito.
2. Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Zakāh:
A. Ang pagkamalaya, kaya naman hindi ito kinakailangan sa alipin dahil wala siyang ari-arian at ang anumang nasa kamay niya ay pag-aari ng panginoon niya kaya ang zakāh niya ay tungkulin ng panginoon niya.
B. Ang pagkaanib sa Islām, kaya naman hindi ito kinakailangan sa tagatangging-sumampalataya dahil ito ay isang paglapit-loob at pagtalima [kay Allāh] at ang tagatangging-sumampalataya ay hindi kabilang sa mga alagad ng paglapit-loob at pagtalima [kay Allāh].
C. Ang pagmamay-ari ng niṣāb, kaya naman hindi ito kinakailangan sa mababa sa niṣāb, na isang kantidad na nalalaman mula sa ari-arian.
D. Ang kalubusan ng pagkakamay-ari sa pamamagitan ng pagiging ang ari-arian ay minamay-ari ng tao ayon sa lubusang kumpletong pagmamay-ari. Kaya naman walang zakāh sa ari-arian ng hindi pumipirme ang pagkamay-ari gaya ng utang sa pagsulat.
E. Ang pagkalipas ng isang taon sa ari-arian batay sa ḥadīth ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) bilang marfū`: "Walang zakāh sa yaman hanggang sa umabot dito ang isang taon."45
3. Ang mga Ari-ariang Kinakailangan sa mga Ito ang Zakāh
Una. Ang Hayop ng mga Hayupang Ipinapastol
Ang mga ito ay ang kamelyo, ang baka, at ang tupa. Kinakailangan sa mga ito ang zakāh ayon sa dalawang kundisyon:
1. Na ginagamit ito para sa paggatas at panganganak, hindi para sa pagtatrabaho.
2. Na ito ay nanginginain sa damuhan (ibig sabihin: ipinapastol), kaya naman hindi kinakailangan ang zakāh sa mga hayop na kinukumpayan ng kumpay na binili para rito o tinipon mula sa damo at iba pa riyan. Walang zakāh sa hayupang naipapastol sa isang bahagi ng taon hindi sa buong tao o higit na maraming bahagi nito.
4. Ang mga Niṣāb ng Hayop na Ipinapastol
1. Ang Zakāh sa mga Kamelyo
Kapag nalubos ang mga kundisyon, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa bawat 5 kamelyo ay 1 shāh,§ sa 10 kamelyo ay 2 shāh, sa 15 kamelyo ay 3 shāh, at sa 20 kamelyo ay 4 shāh,46 gaya ng ipinatunay roon ng sunnah at pagkakabuklod ng hatol. Kapag naman umabot ang mga kamelyo sa 25, [ang zakāh] sa mga ito ay 1 bint makhāḍ, na isang tupa na nalubos dito ang isang taong gulang at tumuntong sa ikalawang taon; ngunit kung nawalan nito, makasasapat dito ang ibnu labūn.47
Kapag umabot ang mga kamelyo sa 36, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa mga ito ay isang bint labūn, na [isang tupang] nalubos dito ang dalawang taong gulang.
Kapag naman umabot ang mga kamelyo sa 46, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa mga ito ay isang ḥiqqah, na [isang tupang] nalubos dito ang tatlong taong gulang.
Kapag naman umabot ang mga kamelyo sa 61, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa mga ito ay isang jadha`ah, na [isang tupang] nalubos dito ang apat na taong gulang.
Kapag naman umabot ang total ng mga kamelyo sa 76, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa mga ito ay dalawang bint labūn.
Kapag naman umabot ang mga kamelyo sa 91, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa mga ito ay dalawang hiqqah.
Kapag naman umabot ang kamelyo sa 121, ang kinakailangan [bilang zakāh] dito ay tatlong bint labun. Pagkatapos sa bawat sobrang 40 ay may bint labun, at sa bawat sobrang 50 ay isang hiqqah.
2. Ang Zakāh sa mga Baka
Kapag nalubos ang mga kundisyon, kinakailangan sa mga ito, kapag umabot sa tatlumpu, [ang zakāh na] isang lalaking tabī` o isang babaing tabī`, na isang guyang nalubos dito ang isang taong gulang at tumuntong sa ikalawang taon.
Walang anumang zakāh sa mababa sa 30 baka.
Kapag naman umabot ang mga ito sa 40, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa mga ito ay isang bakang musinnah, na isang bakang nalubos dito ang dalawang taong gulang.
Kapag naman lumabis ang total ng mga baka sa 40, ang kinakailangan [bilang zakāh] sa bawat 30 sa mga ito ay isang lalaking tabī` o isang babaing tabī` at sa bawat 40 ay isang musinnah.
3. Ang Zakāh sa mga Tupa
Kapag umabot ang total sa 40, maging ito man ay tupa o kambing, sa mga ito ay [may zakāh na] iisang shāh, na isang lalaking tupa o isang babaing kambing.
Walang zakāh sa mga kambing o mga tupa kapag kumulang sa 40 ang bilang ng mga ito. Kapag naman umabot ang total sa 121, kinakailangan sa mga ito ay 2 shāh [bilang zakāh]. Kapag naman umabot ang mga ito sa 201, kinakailangan sa mga ito ay 3 shāh [bilang zakāh].
Pagkatapos pipirme ang tungkulin sa mga ito matapos ng kantidad na ito, kaya kinakailangan sa bawat 100 ay isang shāh, saka sa 400 ay 4 shāh, at gayon.
Ikalawa. Mula sa Lupa
Ang lumalabas sa lupa ay dalawang uri:
1) Ang mga Butil at ang mga Bunga
2) Ang mga Metal
Ang Unang Uri: Ang mga Butil at ang mga Bunga
Kinakailangan ang zakāh sa mga butil, tulad ng trigo, sebada, at bigas. Kabilang sa mga bunga ang tulad ng datiles at pasas. Hindi kinailangan ang zakāh sa iba pa roon na mga halaman gaya ng mga ginugulay at mga gulay.
Ang mga kundisyon ng pagkakinakailangan ng zakāh sa mga butil at mga bunga:
1. Na ito ay naiimbak, kaya naman walang zakāh sa anumang hindi naiimbak gaya ng mga prutas at mga gulay.
2. Na ito ay natatakal, kaya naman walang zakāh sa anumang naibebenta sa pamamagitan ng pagbilang o pagtimbang gaya ng pakwan, sibuyas, granada (pomegranate), at iba pa sa mga ito.
3. Na umabot ito sa niṣāb na 5 wasq, kaya naman walang zakāh sa anumang kumaunti roon.
4. Na ang niṣāb ay minamay-ari sa oras ng pagkakinakailangan ng zakāh,
kaya naman ang sinumang nagmay-ari nito matapos ng oras ng pagkakinakailangan ng zakāh, hindi kinakailangan dito ang zakāh gaya ng kung sakaling bumili nito o nagregalo nito sa kanya matapos ng pag-ani nito.
Ang Oras ng Pagkakinakailangan ng Zakāh ng mga Ito:
Kinakailangan ang zakāh sa mga butil at mga bunga kapag lumitaw ang kaangkupan ng mga ito. Ang palatandaan ng paglitaw ng kaangkupan ay ang sumusunod:
A. Sa butil ay kapag nahinog ito, tumigas ito at naging malutong ito.
B. Sa mga bunga ng datiles ay sa pamumula ng mga ito o paninilaw ng mga ito.
C. Sa ubas ay sa pagiging ito ay malambot na matamis.
Ang mga Niṣāb ng mga Ito:
Ang niṣāb ng mga butil at mga bunga ay 5 wasq. Ang wasq ay katumbas ng 60 ṣā`, kaya naman ang niṣāb ay 300 ṣā` na pampropeta. Pumapantay ang niṣāb sa kilogramo sa 900 kg. humigit-kumulang.
Ang Kantidad ng Zakāh na Kinakailangan sa mga Ito
Kinakailangan ang ikapu [ng ani] sa lupang nadidilig nang walang hirap at walang gastos gaya ng nadidilig sa pamamagitan ng tubig ng mga ulan at mga bukal.
Kinakailangan ang kalahati ng ikapu [ng ani] sa lupang nadidilig nang may hirap at gastos gaya ng nadidilig sa pamamagitan ng nabobomba mula sa mga balon at mga ilog sa pamamagitan ng mga hayop o mga makabagong instrumento.
Ang Ikalawang Uri: Ang mga Metal
Kabilang sa mga uri ng lumalabas mula sa lupa ang mga metal. Ang mga ito ay ang anumang nahahango mula sa kabilang sa hindi kauri ng lupa gaya ng ginto, pilak, bakal, at mga hiyas.
Ang oras ng pagkakinakailangan ng zakāh sa mga ito:
Kapag nagkamit ng mga ito at nagmay-ari ng mga ito, magpapalabas ng zakāh ng mga ito nang direktahan yayamang hindi isinasakundisyon para sa mga ito ang paglipas ng taon. Ang niṣāb nito ay ang niṣāb ng ginto at pilak. Pinalalabas mula rito ang 2.5% ng halaga nito.
Ikatlo. Ang Zakāh ng mga Halaga
Ang mga halaga ay ang ginto, ang pilak, at ang mga salaping papel. Ang zakāh ng mga ito ay kinakailangan. Ang patunay ay ang sabi ni Allāh:
﴿...وَالَّذِينَ يَكْنِزُونَ الذَّهَبَ وَالْفِضَّةَ وَلَا يُنْفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَبَشِّرْهُمْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ 34﴾
{Ang mga nag-iimbak ng ginto at pilak at hindi gumugugol sa mga ito ayon sa landas ni Allāh ay magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit.} (Qur'ān 9:34)
Nasaad naman sa ḥadīth: "Walang anumang tagapagmay-ari ng ginto ni pilak, na hindi gumaganap sa mga ito ng karapatan sa mga ito, malibang kapag naging Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya na mga piraso mula sa apoy,"48
Nagkabuklod sa hatol ang mga alagad ng kaalaman sa pagkakinakailangan ng zakāh sa ginto at pilak. Ang mga salaping papel ay may kahatulan ng ginto at pilak dahil ang mga ito ay lumagay sa kinalalagyan ng mga ito sa transaksiyong pampananalapi.
Ang Niṣāb sa mga Halaga at ang Kantidad ng Kinakailangan sa mga Ito
Iyon ay ang niṣāb ng ginto o pilak dahil ito ay humalili sa kalagayan ng dalawang ito sa paghahalaga. Kaya kapag umabot ito sa niṣāb ng isa sa dalawa, kinakailangan dito ang zakāh. Ang kadalasan sa pagtataya ng niṣāb ng mga salaping papel sa ngayon ay batay sa pilak dahil ito ay higit na mura kaysa sa ginto kaya aabot ito sa niṣāb nito bago ng ginto. Kaya kapag nagmay-ari ang Muslim ng nakatutumbas sa 595 gramo ng pilak at lumipas dito ang isang taon, kinakailangan dito ang zakāh. Ang halaga ng gramo ng pilak ay nag-iiba-iba paminsan-minsan. Kaya ang sinumang may kaunting yaman, na hindi nakaaalam kung umabot ba ito sa niṣāb o hindi, siya ay magtatanong sa mga negosyante ng pilak ng halaga ng gramo ng pilak, pagkatapos magmumultiplika nito sa 595 at ang resulta ay ang niṣāb.
Katuturan: Kapag nagnais na magpalabas ng zakāh ng ari-arian, hahatian ang niṣāb sa 40, ang kinalabasan (1/40) ay ang kantidad na kinakailangan.
Ikaapat. Ang Zakāh ng mga Paninda ng Pangangalakal
Ang mga ito ay ang inihanda para sa pagtitinda at pagbili alang-alang sa tubo. Nakasasaklaw ang mga paninda ng pangangalakal sa lahat ng mga uri ng mga ari-arian na hindi mga pera gaya ng mga kotse, mga kasuutan, mga tela, bakal, mga kahoy, at iba pa sa mga ito kabilang sa inihanda para ipangalakal.
Ang mga kundisyon ng pagkakinakailangan ng zakāh ng mga paninda ng pangangalakal:
1. Na magmay-ari ng mga ito sa pamamagitan ng pagsagawa nito gaya ng pagtitinda, pagpapaupa, at iba pa roon kabilang sa mga anyo ng mga pagkita.
2. Na magmay-ari ng mga ito nang may layunin ng pangangalakal sa pamamagitan ng pagpapakay ng pagkita ng mga ito dahil ang mga gawain ay batay sa mga layunin. Ang pangangalakal ay gawain, kaya naman kinailangan ang pag-uugnay ng layunin dito gaya ng nalalabi sa mga gawain.
3. Na umabot ang halaga ng mga ito sa niṣāb ng isa sa dalawang salapi (ginto at pilak).
4. Ang pagkalubos ng isang taon sa mga ito, ang paglipas ng taon.
Ang pamamaraan ng pagpapalabas ng zakāh ng mga paninda:
Hahalagahan ang mga paninda sa sandali ng pagkalubos ng taon sa pamamagitan ng isa sa dalawang salapi, ang ginto o ang pilak. Kaya naman kapag nahalagahan ang mga ito at umabot ang mga ito sa niṣāb ng isa sa dalawang salapi, palalabasin [bilang zakāh] ang 2.5% mula sa halaga ng mga ito.
Ikalima. Ang Zakātul Fitr (ng Pagtigil-ayuno):
Ito ay ang kawanggawa na kinakailangan sa pagwawakas ng buwan ng Ramaḍān. isinatungkulin nga ito noong ikalawang taon ng paglikas ng Propeta.
Ang Kahatulan Nito:
Ang zakāh ng pagtigil-ayuno (zakatulfiṭr) ay kinakailangan sa bawat Muslim na nagmamay-ari sa araw ng Pagdiriwang at gabi nito ng pagkaing lumalabis sa makasasapat sa kanya at makasasapat sa mag-anak niya. Kinakailangan ito sa bawat Muslim, lalaki man o babae, nakababata man o nakatatanda, at malaya man o isang alipin, batay sa ḥadīth: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakāh ng pagtigil-ayuno sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim.}49 Ang nagsatungkulin ay may kahulugang: nag-atas at nag-obliga.
3. Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas Nito
Nagsabi ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakāh ng pagtigil-ayuno bilang pandalisay para sa tagapag-ayuno mula sa kawalang-kapararakan at kahalayan at bilang pangkain ng mga dukha."50
Ang Oras ng Pagkakinakailangan Nito at Pagpapalabas Nito:
Kinakailangan ang zakāh ng pagtigil-ayuno sa pagkalubog ng araw ng bisperas ng Pagdiriwang. Isinasakaibig-ibig ang pagpapalabas nito sa araw ng Pagdiriwang bago ng pagpunta sa ṣalāh ng Pagdiriwang. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito nang lampas sa ṣalāh ng Pagdiriwang. Kaya naman kung nagpahuli siya nito nang lampas sa ṣalāh ng Pagdiriwang, kinakailangan sa kanya ang magpalabas nito bilang pagbabayad-pagsasagawa. Siya ay magiging nagkakasala dahil sa pagpapahuli nito nang lampas sa panahong tinakdaan.
Pinapayagan ang pagpapahuli nito isang araw o dalawang araw bago ng Pagdiriwang.
Ang Kantidad Nito at ang Pinalalabas Mula Rito:
Ito ay isang ṣā` ng pagkaing nakahiratian ng mga mamamayan ng bayan gaya ng bigas, datiles, trigo o iba pa sa mga ito. Ang sukat ng ṣā` ay tatlong kilogramo humigit-kumulang. Hindi pinapayagan ang pagpapalabas ng halaga sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera kapalit niyon dahil ito ay kasalungatan ng utos ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Pagpapalabas ng Zakāh at ang mga Pinaggugulan Nito:
Ang Oras ng Pagpapalabas Nito:
Kinakailangan ang pagpapalabas ng zakāh kaagad-agad kapag sumapit ang oras ng pagkakinakailangan nito. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito malibang dahil sa isang pagkakinakailangan gaya ng kung ang ari-arian ay nasa isang malayo at hindi nagkaroon ng sinumang kakatawan sa kanya.
Ang Lugar ng Pagpapalabas Nito:
Ang pinakamainam ay ang pagpapalabas ng zakāh sa bayang naroon ang ari-arian. Pinapayagan ang paglipat nito mula sa bayang naroon ang ari-arian papunta sa ibang bayan sa mga sumusunod na sitwasyon:
A. Kapag sa bayan ay walang nangangailangan sa zakāh.
B. Kapag nakatagpo ng isang kamag-anak na nangangailangan sa ibang bayan.
C. Kapag may umiral na isang kapakanang legal na nananawagan sa paglipat nito, tulad ng paglipat nito sa mga rehiyon ng mga Muslim na nasalanta ng mga taggutom at mga baha.
Kinakailangan ang zakāh sa ari-arian ng paslit at baliw batay sa pagkapangkalahatan ng mga patunay at babalikat sa pagpapalabas nito para sa dalawang nabanggit ang walīy ng dalawa sa ari-arian. Hindi pinapayagan ang pagpapalabas ng zakāh malibang may layunin, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawa ay batay lamang sa mga layunin."51
Ang mga Karapat-dapat sa Zakāh:
Ang mga klaseng binibigyan mula sa zakāh ay walo:
Ang Unang Klase: Ang mga Maralita
Sila ay ang mga hindi nakatatagpo ng pangunahing kasapatan sa kanila na matitirahan, makakain, at maisusuot. Ang kantidad ng ibinibigay sa kanila mula sa zakāh ay ang sasapat sa kanila at sasapat sa mga sinusuportahan nila sa isang taon.
Ang Ikalawang Uri: Ang mga Dukha
Sila ay ang mga nakatatagpo ng higit sa kasapatan subalit hindi nakatatagpo ng kalubusan nito, tulad ng sinumang may suweldo subalit hindi nakasasapat ito sa kanya sa isang taon.
Ang kantidad ng ibinibigay sa kanila mula sa zakāh ay ang kalubusan ng kasapatan sa kanila at kasapatan sa mga sinusuportahan nila sa isang taon.
Ang Ikatlong Klase: Ang Manggagawa Rito
Sila ay ang mga inatangan ng nakatalaga sa pamamahala ng pagtipon ng zakāh o bumabalikat sa pag-iingat nito o pagpapaabot nito sa mga nangangailangan.
Ang kantidad ng ibinibigay sa kanila mula sa zakāh ay ang halaga ng upa nila sa gawain nila hanggat hindi sila nagkaroon ng upa o suweldo mula sa estado.
Ang Ikaapat na Klase: Ang Napalulubag-loob ang mga Puso
Sila ay ang lahat ng mga inaasahan dahil sa bigay sa kanila ang pag-anib sa Islām o ang paglakas ng pananampalataya nila o ang pagkapigil ng kasamaan laban sa mga Muslim.
Ang kantidad ng ibinibigay sa kanila mula sa zakāh ay ang halaga ng ikapagtatamo ng pagpapalubag-loob sa kanila.
Ang Ikalimang Klase: Ang Pagpapalaya ng Alipin
Tinutukoy rito ang pagbili ng kalayaan ng mga alipin at mga nakipagkasunduan ng paglaya.
Ang nakipagkasunduan ng paglaya ay ang aliping bumili ng kalayaan ng sarili niya mula sa tagapagmay-ari niya. Napaloloob dito ang pagtubos sa mga bihag na Muslim sa mga digmaan.
Ang Ikaanim na Klase: Ang mga Nagkakautang, na Dalawang Uri:
Ang Una: Ang sinumang may utang dahil sa pangangailangan ng sarili niya at hindi siya nakatatagpo ng maipambabayad sa utang niya. Bibigyan siya ng makababayad sa utang niya.
Ang Ikalawa: Ang sinuman may utang dahilan sa pagsasaayos ng may sigalot. Bibigyan siya ng makababayad sa utang niya, kahit pa siya ay mayaman.
Ang Ikapitong Klase: Sa Landas ni Allāh
Sila ay ang mga nakikibaka sa landas ni Allāh.
Ang kantidad ng ibinibigay sa kanila mula sa zakāh ay ang sasapat sa kanila para sa pakikibaka sa landas ni Allāh gaya ng sasakyan, sandata, makakain, at iba pa riyan.
Ang Ikawalong Klase: Ang Kinapos sa Landas
Siya ay ang manlalakbay na naubusan ng pangguguol niya o ninakaw ito sa kanya at walang natira sa kanya na salaping magpaparating sa kanya sa bayan niya.
Ang kantidad ng ibinibigay sa kanila mula sa zakāh ay ayon sa halaga ng makapagpaparating sa kanya sa bayan niya, kahit pa man siya ay mayaman doon.
Ang Ikaapat na Paksa: Ang Pag-aayuno
Ang Pag-aayuno ay:
ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.
Ito ay isang haliging kabilang sa mga haligi ng Islām, at isang tungkuling kabilang sa mga tungkulin kay Allāh (napakataas Siya), na nalalamang mula sa Relihiyon nang hayagan. Nagpatunay sa pagkakinakailangan nito ang Qur'ān, ang Sunnah, at ang pagkakabuklod ng hatol ng mga Muslim.
Nagsabi si Allāh:
﴿شَهۡرُ رَمَضَانَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ فِيهِ ٱلۡقُرۡءَانُ هُدٗى لِّلنَّاسِ وَبَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡهُدَىٰ وَٱلۡفُرۡقَانِۚ فَمَن شَهِدَ مِنكُمُ ٱلشَّهۡرَ فَلۡيَصُمۡهُ...﴾
{Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur'ān bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan. Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito ...} (Qur'ān 2:185)
Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Pag-aayuno sa Ramaḍān:
1. Ang pagkaanib sa Islām, kaya naman hindi ito natutumpak sa tagatangging-sumampalataya.
2. Ang pagkaadulto, kaya naman hindi ito kinakailangan sa bata. Natutumpak ang ayuno ng batang nakasasapat sa gulang. Ito sa panig niya ay magiging isang kusang-loob.
3. Ang pagkakaroon ng pag-iisip, kaya naman hindi kinakailangan ang pag-aayuno sa baliw at hindi ito natutumpak sa kanya dahil sa kawalan ng layunin.
4. Ang kakayahan dito, kaya naman hindi ito kinakailangan sa maysakit na nawawalang-kakayahan dito, ni sa manlalakbay, ngunit magbabayad ang dalawang nabanggit sa sandali ng paglaho ng dahilan: ang sakit at ang paglalakbay. Isinasakundisyon sa katumpakan nito sa babae ang pagkatigil ng dugo ng regla at nifās.§52
Napagtitibay ang pagpasok ng buwan ng Ramaḍān sa isa sa dalawang pangyayari:
A. Ang pagkakita ng bagong buwan ng buwan ng Ramaḍān, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-ayuno kayo sa pagkakita nito at magtigil-ayuno kayo sa pagkakita nito;"53
B. Ang pagkumpleto ng Sha`bān sa tatlumpung araw. Iyon ay kapag hindi nakita ang bagong buwan ng Ramaḍān o may humarang sa pagkakita nito na ulap o alikabok o tulad niyan, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "ngunit kung pinalabo ito sa inyo, magkumpleto kayo ng bilang [ng araw] ng Sha`bān sa tatlumpung araw."54
Ang Layunin sa Pag-aayuno
Ang pag-aayuno gaya ng iba pa rito na mga pagsamba ay hindi natutumpak malibang may layunin. Nagkaiba-iba ang panahon ng pagkakinakailangan ng layunin sa pag-aayunong kinakailangan sa iba pa rito. Ang paglilinaw niya ay gaya ng sumusunod:
Una. Ang pag-aayunong kinakailangan gaya ng pag-aayuno sa Ramaḍān o pagbabayad ng ayuno o pamamanata ay nangangailangan ng layunin sa gabi bago ng pagsapit ng madaling-araw, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi [naglayon sa] magdamag ng pag-aayuno bago ng madaling-araw ay walang pag-aayuno para sa kanya."55
Ikalawa. Ang pag-aayuno ng pagkukusang-loob at natutumpak na maglayon nito ang tao mula sa araw, sa kundisyon na siya ay hindi pa nakagamit ng isang tagapagpatigil-ayuno matapos ng pagsikat ng madaling-araw.
Ang mga Tagasira ng Pag-aayuno:
Ang Una. Ang pakikipagtalik, kaya naman kapag nakipagtalik ang tao, nawawalang-saysay ang pag-aayuno niya at kakailanganin sa kanya ang pagbabayad para sa araw na iyon na nakipagtalik siya. Kinakailangan sa kanya kasama ng pagbabayad ang panakip-sala, na pagpapalaya ng isang alipin. Kung hindi siya nakatagpo, kailangan sa kanya na mag-ayuno ng dalawang buwang magkakasunuran. Kung hindi siya nakakaya dahil hindi niya nakakayanan dahil sa isang maidadahilang legal, kailangan sa kanya na magpakain ng 60 dukha, na para sa bawat dukha ay kalahating ṣā` ng pagkaing kinakain sa bayan.
Ang Ikalawa. Ang pagpapalabas ng manīy dahilan sa paghalik o paghipo o masturbasyon o paulit-ulit na pagtingin, kaya naman kailangan sa kanya ang pagbabayad ng pagsasagawa lamang nang walang panakip-sala dahil ang panakip-sala ay natatangi sa pakikipagtalik. Hinggil naman sa natutulog, kapag dumanas siya ng wet dream saka nagpalabas ng manīy, walang anuman sa kanya dahil iyon ay walang pagpili niya ngunit maliligo siya dahil sa janābah.
Ang Ikatlo: Ang pagkain at ang pag-inom nang sinasadya, batay sa sabi ni Allāh:
﴿...وَكُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ ٱلۡخَيۡطُ ٱلۡأَبۡيَضُ مِنَ ٱلۡخَيۡطِ ٱلۡأَسۡوَدِ مِنَ ٱلۡفَجۡرِۖ ثُمَّ أَتِمُّواْ ٱلصِّيَامَ إِلَى ٱلَّيۡلِ...﴾
{Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw. Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi.} (Qur'ān 2:179)
Hinggil naman sa sinumang kumain o uminom habang nakalilimot, walang anuman sa kanya, batay sa ḥadīth: "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno kaya nakakain siya o nakainom siya, maglulubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."56
Ang Ikaapat. Ang pagpapalabas ng suka nang sadyaan. Hinggil naman sa sinumang napanaigan ng pagsusuka nang walang pagpili niya, hindi nakaaapekto ito sa pag-aayuno niya, batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nangibabaw sa kanya ang pagsusuka, walang kailangan sa kanya na pagbabayad [ng ayuno]; at ang sinumang nagsuka nang sadyaan, magbayad siya [ng ayuno]."57
Ikalima. Ang pagpapalabas ng dugo mula sa katawan sa pamamagitan ng ḥijāmah o sangradura (phlebotomy) o pagpapakuha ng dugo para ipang-abuloy para sa pagsaklolo sa maysakit ay nagpapatigil-ayuno dahil doon sa kabuuan niyon. Hinggil naman sa pagpapalabas ng kaunting dugo na inilalabas para sa pagsusuri, ito ay hindi nakaaapekto sa pag-aayuno. Gayundin ang paglabas ng dugo nang walang pagpili gaya ng balinguyngoy o sugat pagkabunot ng ngipin, ito ay hindi nakaaapekto sa pag-aayuno.
Ang Pinapayagan sa Kanila ang Pagtigil-ayuno sa Ramaḍān:
Ang Unang Bahagi: Ang pinapayagan sa kanila ang pagtigil-ayuno sa Ramaḍān at kinakailangan sa kanila ang pagbabayad ng ayuno:
Una. Ang maysakit na sakit na inaasahan ang paggaling niya at napipinsala siya sa pag-aayuno o nahihirapan dito.
Ikalawa. Ang manlalakbay, maging nakatagpo man siya na hirap sa paglalakbay o hindi siya nakatatagpo ng hirap.
Ang patunay sa dalawang nabanggit ay ang sabi ni Allāh:
﴿...وَمَن كَانَ مَرِيضًا أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٖ فَعِدَّةٞ مِّنۡ أَيَّامٍ أُخَرَ...﴾
{... at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa mga ibang araw...} (Qur'ān 2:185)
Ikatlo. Ang babaing nagbubuntis o ang nagpapasuso, kapag ang pag-aayuno ay mahirap sa kanilang dalawa, ay nakapipinsala sa kanilang dalawa o sa anak nilang dalawa at sila ay nasa kahatulan ng maysakit, sa mga ito pinapayagan ang pagtigil-ayuno, subalit kinakailangan sa dalawang ito ang pagbabayad ng ayuno sa ibang araw.
Ikaapat. Ang babaing nireregla at ang dinurugo ay kinakailangan sa kanilang dalawa ang pagtigil-ayuno. Hindi natutumpak ang pag-aayuno nilang dalawa at kailangan sa kanilang dalawa ang pagbabayad ng ayuno sa mga ibang araw.
Ang Ikalawang Bahagi: Ang pinapayagan sa kanila ang pagtigil-ayuno at kinakailangan sa kanila ang panakip-sala nang walang pagbabayad ng ayuno:
Una. Ang maysakit ng sakit na hindi inaasahan ang paggaling niya.
Ikalawa. Ang matanda ang edad na hindi nakakakaya sa pag-aayuno.
Ang mga ito ay titigil-ayuno at magpapakain ng isang dukha para sa bawat araw ng buwan ng Ramaḍān. Hinggil naman sa kapag umabot ang matanda sa antas ng pag-uulyanin, tunay na siya ay paglalahuan ng pagkaatang ng tungkulin kaya naman titigil-ayuno siya at walang anuman sa kanya.
Ang Panahon ng Pagbabayad at ang Kahatulan ng Pagpapahuli Nito:
Kinakailangan ang pagbabayad ng ayuno ng Ramaḍān sa pagitan nito at ng Ramaḍān na kasunod dito. Ang pinakamainam ay ang pagdadali-dali sa pagbabayad ng ayuno. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli ng pagbabayad ng ayuno hanggang sa matapos ang Ramaḍān na kasunod. Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "Nangyaring magiging kailangan sa akin ang [magbayad ng] pag-aayuno mula sa Ramaḍān ngunit hindi ako nakakakaya na magbayad ng ayuno kundi sa Sha`bān dahil sa kalagayan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."58
Kaya ang sinumang nagpahuli ng pagbabayad-ayuno matapos kaagad ng kasunod na Ramaḍān, mayroon siyang dalawang sitwasyon:
1. Na magpahuli siya dahil sa isang legal na maidadahilan, tulad ng pagpapatuloy sa kanya ng karamdaman hanggang sa isa pang Ramaḍān, kaya dito ay kailangan sa kanya ang pagbabayad ng ayuno lamang.
2. Na magpahuli siya nito dahil sa isang hindi legal na maidadahilan, kaya naman dito ay nagkakasala siya at kinakailangan sa kanya ang pagbabalik-loob, ang pagbabayad ng ayuno, at ang pagpapakain ng isang dukha para sa bawat araw [ng ayuno].
Ang Ayuno ng Pagkukusang-loob Para sa Sinumang May Kailangan sa Kanya ng Pagbabayad ng Ayuno:
Ang sinumang may kailangan sa kanya na pagbabayad ng ayuno mula sa Ramaḍān, tunay na ang pinakamainam ay ang pagdadali-dali rito bago ng ayuno ng pagkukusang-loob. Subalit kapag ang pag-aayuno ng kusang-loob ay kabilang sa makalalampas ang oras nito gaya ng pag-aayuno sa `Arafah at `Āshūrā', mag-aayuno nito bago ng pagbabayad [ng ibang ayuno] dahil ang pagbabayad ay may oras na malawak samantala ang ayuno sa `Āshūrā' at `Arafah ay lalampas. Subalit hindi siya mag-aayuno ng anim na ayuno sa Shawwāl malibang matapos ng pagbabayad ng ayuno.
Ang Ipinagbabawal ang Pag-aayuno:
1. Ang pag-aayuno sa araw ng Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno (`Īdulfiṭr) at araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay (`Īdul'aḍḥā) dahil sa pagkasaway laban dito.
2. Ang ayuno sa mga araw ng Tashrīq sa buwan ng Dhulḥijjah, maliban sa tagapagsagawa ng tamattu` at tagapagsagawa ng qirān sa ḥajj kapag hindi nakatagpo ng alay. Ang mga araw ng Tashrīq ay ang ika-11, ang ika-12, at ang ika-13 araw ng buwan ng Dhulḥijjah.
3. Ang araw ng pagdududa alang-alang sa pagdududa, ang ika-30 araw ng Sha`bān. Kapag ang bisperas nito ay gabing maulap o maalikabok, na humaharang sa pagkakita ng bagong buwan.
Ang Kinasusuklaman ang Pag-aayuno:
A. Ang pagbubukod-tangi sa buwan ng Rajab sa pag-aayuno. B. Ang pagbubukod-tangi sa araw ng Biyernes sa ayuno dahil sa pagkasaway laban doon; ngunit kung nag-ayuno isang araw bago nito o matapos nito, naglalaho ang pagkasuklam.
Ang Ibinibilang na Sunnah ang Pag-aayuno:
A. Ang pag-aayuno ng anim na araw mula sa buwan ng Shawwāl. B. Ang pag-aayuno sa ikasiyam ng Dhulḥijjah – at ang pinakabinibigyang-diin dito ay sa araw ng `Arafah maliban sa tagapagsagawa ng ḥajj sapagkat hindi ibinibilang na sunnah para sa kanya ang ayuno rito – ay nagtatakip-sala sa dalawang taon. G. Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan. Ang pinakamainam ay na gawin ang mga ito sa mga Puting Araw, ang ika-13, ang ika-14, at ang ika-15. D. Ang pag-aayuno sa Lunes at Huwebes ng bawat linggo dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aayuno noon sa mga ito dahil ang mga gawain ng mga tao ay inilalahad sa dalawang araw na ito.
Ang Pag-aayuno na Pagkukusang-loob:
A. Ang pag-aayuno ni Dawud (malugod si Allāh sa kanya), na noon ay nag-aayuno ng isang araw at tumitigil-ayuno ng isang araw.
E. Ang pag-aayuno sa buwan ng Muḥarram, na siyang pinakamainam na buwan na isinasakaibig-ibig ang pag-aayuno rito at pinakabinibigyang-diin: ang pag-aayuno sa Araw ng `Āshūrā', ang ikasampung araw ng Muḥarram at mag-aayuno sa ikasiyam kasama niyon, batay sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang kung mananatili ako hanggang sa hinaharap, talagang mag-aayuno nga ako sa ikasiyam."59 Magtakip-sala ito sa taon na bago nito.
Ang Ikalimang Paksa: Ang Ḥajj at ang `Umrah
Ang ḥajj sa literal na kahulugan ay ang pagsadya, at sa legal na kahulugan ay ang pagsadya sa Bahay ni Allāh na Pinakababanal at mga Palatandaan (Mash`ar) sa isang panahong tinukoy para sa pagganap ng mga gawaing-pagsambang itinangi.
Ang `umrah sa literal na kahulugan ay ang pagbisita,
at sa legal na kahulugan ay ang pagbisita sa Bahay na PInakababanal sa alinmang oras para sa pagganap ng mga gawaing-pagsambang itinangi.
Ang ḥajj ay isa sa mga haligi ng Islām at mga pinagtatayuan nitong dakila. Isinatungkulin nga ito sa ikasiyam na taon ng Paglikas. Nagsagawa ng ḥajj ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang iisang ḥajj, ang Ḥajj ng Pamamaalam.
Kinakailangan ang magsagawa ng ḥajj iisang ulit sa tanang buhay sa nakakakaya. Ang anumang nadagdag, ito ay isang pagkukusang-loob. Hinggil naman sa pagsasagawa ng `umrah, kinakailangan ito ayon sa sabi ng marami sa mga maalam ayon sa patunay ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong tinanong siya kung may kailangan ba sa mga babae na pakikibaka, na nagsabi siya: "Oo; may kailangan sa kanila na isang pakikibakang walang pakikipaglaban dito: ang ḥajj at ang `umrah."60
Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Ḥajj at `Umrah:
1. Ang pagkaanib sa Islām.
2. Ang pagkakaroon ng pag-iisip.
3. Ang pagkaadulto.
4. Ang pagkamalaya.
5. Ang kakayahan.
Nadaragdagan ang babae ng ikaanim na kundisyon, ang pagkakaroon ng maḥram na maglalakbay kasama niya para sa pagsasagawa nito dahil hindi pinapayagan sa kanya ang paglalakbay para sa ḥajj ni para sa iba pa rito nang walang maḥram, batay sa sabi ng Propta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi maglalakbay ang babae malibang kasama ng isang maḥram at walang papasok sa kinaroroonan niya na isang lalaki malibang habang may kasama sa kanya na isang maḥram."61
Ang maḥram ng babae ay ang asawa niya o ang sinumang ipinagbabawal dito ang pagpapakasal sa kanya sa isang pagbabawal na isinakawalang-hanggan. dahil sa isang kaangkanan gaya ng lalaking kapatid niya, ama niya, tiyuhin sa ama niya, lalaking anak ng kapatid niya, at tiyuhin sa ama niya; o dahil sa isang kadahilanang pinapayagan gaya ng isang lalaking kapatid sa pagpapasuso o dahil sa isang pagkakamag-anak sa pagpapakasal gaya ng asawa ng ina at lalaking anak ng asawa niya.
Ang kakayahan ay ang pagkakayang materyal at pisikal dahil naisasaposible sa kanya ang pagsakay, nakababata siya sa paglalakbay, at nakatatagpo siya mula sa yaman niya ng kasapatang sasapat sa kanya sa pagpunta at sa pagbalik, nakatatagpo rin siya ng makasasapat sa mga anak niya at sinumang inoobliga sa kanya ang paggugol sa kanila hanggang sa makabalik siya sa kanya,
at ang daan papunta sa ḥajj ay matiwasay para sa sarili niya at ari-arian niya.
Ang sinumang naging nakakaya dahil sa ari-arian hindi sa pangangatawan niya dahil siya ay matandang hukluban o maysakit ng sakit na kronikong hindi inaasahan ang paggaling niya, naoobliga sa kanya na magpahalili siya sa sinumang magsagawa ng ḥajj para sa kanya at magsagawa ng `umrah.
Isinasakundisyon sa sinumang natutumpak ang pagkatawan niya sa pagsasagawa ng ḥajj at `umrah ang dalawang kundisyon:
1. Na siya kabilang sa natutumpak ang pagganap niya sa tungkulin ng pagsasagawa ng ḥajj, ang Muslim, na adulto, na nakapag-uunawa.
2. Na Siya ay nakapagsagawa na ng hajj para sa sarili niya ng hajj ng kalubusan ng pagkaanib sa Islam.
Ang mga Mīqāt ng Iḥrām:
Ang mīqāt sa literal na kahulugan ay ang hangganan, at sa legal na kahulugan ay ang pook ng pagsamba o ang panahon nito.
Ang ḥajj ay may mga mīqāt na pampanahon at pampook.
A. Ang mga mīqāt na pampanahon ay binanggit ni Allāh sa sabi Niya:
﴿ٱلۡحَجُّ أَشۡهُرٞ مَّعۡلُومَٰتٞۚ فَمَن فَرَضَ فِيهِنَّ ٱلۡحَجَّ...﴾
{Ang ḥajj ay [nasa] mga buwang nalalaman. Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng ḥajj ...} (Qur'ān 2:197)
Ang mga buwang ito ay ang Shawwāl, Dhulqa`dah, at ang sampung araw sa Dhulḥijjah.
B. Ang mga mīqāt na pampook ay ang mga hangganan na hindi pinapayagan para sa tagapagsagawa ng ḥajj na lumampas sa mga iyon papunta sa Makkah ng walang pagkakasagawa ng iḥrām. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Dhulḥulayfah, ang mīqāt ng mga naninirahan sa Madīnah;
2. Ang Juḥfah, ang mīqāt ng mga naninirahan sa Ehipto at Moroko;
3. Ang Qarnulmanāzil, na kilala sa ngayon bilang As-Sayl, ang mīqāt ng mga naninirahan sa Najd;
4. Ang Dhātu`irq, ang mīqāt ng mga naninirahan sa Iraq;
5. Ang Yalamlam, ang mīqāt ng mga naninirahan sa Yemen.
Ang sinumang ang tahanan niya ay nasa pagitan ng mga mīqāt na ito, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām para sa ḥajj at `umrah mula sa tahanan niya. Ang mga kabilang sa mga naninirahan sa Makkah, tunay na sila ay magsasagawa ng iḥrām sa Makkah at hindi nangangailangan ng paglabas papunta sa mīqāt para magsagawa ng iḥrām. Hinggil naman sa para sa `umrah, tunay na sila ay lalabas papunta sa pinakamalapit na Ḥill§ at magsasagawa ng iḥrām doon.62 Ang sinumang nagnais magsagawa ng ḥajj o `umrah ay walang pagkaiwas na magsagawa ng iḥrām ng dalawang ito mula sa mga lugar na naghangganan sa mga ito ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga ito ay ang mga mīqāt na pampook na nauna na ang paglilinaw sa mga ito. Kaya naman hindi pinapayagan sa sinumang nagnais magsagawa ng ḥajj o `umrah ang paglampas sa mga ito nang walang pagkasagawa ng iḥrām.
- Ang bawat sinumang dumaan sa mga mīqāt na nabanggit kabilang sa hindi mga naninirahan sa mga ito ay magsasagawa ng iḥrām sa mga ito.
- Ang sinumang nasa daan niya papunta sa Makkah at hindi dumaraan sa isa sa mga mīqāt na nabanggit, sa kalupaan o sa karagatan o sa himpapawid, tunay na siya ay magsasagawa ng iḥrām kapag natapat sa pinakamalapit sa mga mīqāt sa kanya, batay sa sabi ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Tumingin kayo sa tapat ng mga ito mula sa daan ninyo."63
- Ang sinumang ang paglalakbay niya para sa pagganap sa mga gawaing-pagsamba ng ḥajj o `umrah sa pamamagitan ng eroplano, tunay na kinakailangan sa kanya ang magsagawa ng iḥrām kapag naparaan ang eroplano sa tapat ng mīqāt na nasa daan nito. Hindi pinapayagan sa kanya magpahuli ng pagsasagawa ng iḥrām hanggang sa pagkalapag ng eroplano sa paliparan.
Ang Iḥrām
Ito ay ang layunin ng pagpasok sa gawaing-pagsamba, kaya naman sa ḥajj ito ay ang layunin ng pagpasok sa ḥajj, at sa `umrah ito ay ang layunin ng pagpasok sa `umrah. Hindi siya naging isang muḥrim (nasa kalagayan ng iḥrām) malibang kapag nakapaglayon ng pagpasok sa gawaing-pagsamba. Hinggil naman sa payak na pagsusuot ng kasuutan ng iḥrām nang walang layunin, ito ay hindi nagiging iḥrām.
Ang mga isinakaibig-ibig sa pagsasagawa ng iḥrām:
1. ang pagpaligo ng buong katawan bago magsagawa ng iḥrām;
2. ang pagpapabango ng lalaki sa katawan niya, hindi sa mga kasuutan ng iḥrām niya;
3. ang pagsasagawa niya ng iḥrām nang nakusot ng puting izār (tapis) at puting ridā' (balabal) at sapin sa paa;
4. ang pagsasagawa ng iḥrām sa sandali ng pagiging siya ay nakasakay na nakaharap sa qiblah.
Ang mga Uri ng Paraan ng Ḥajj
Makapipili ang muḥrim sa anumang niloob niya mula sa tatlong paraan ng ḥajj. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Ang tamattu`, ang magsagawa ng iḥrām ng `umrah sa mga buwan ng ḥajj at makatapos nito, pagkatapos magsagawa naman ng iḥrām ng ḥajj sa taong ito.
2. Ang ifrād, ang magsagawa ng iḥrām ng ḥajj lamang sa mīqāt at manatili sa iḥrām niya hanggang makaganap sa mga gawain ng ḥajj.
3. Ang qirān, ang magsagawa ng iḥrām ng ḥajj at `umrah nang magkasama o magsagawa ng iḥrām ng `umrah, pagkatapos magpapasok dito ng ḥajj bago ng pag-umpisa sa ṭawāf nito, kaya naman maglalayon siya na magsagawa ng `umrah at ḥajj sa mīqāt o bago ng pag-umpisa sa ṭawāf ng `umrah. Magsagawa siya ng ṭawāf at sa`y para sa dalawang ito.
May kailangan sa tagapagsagawa ng tamattu` at tagapagsagawa ng qirān na fidyah (pantubos) kung hindi naging kabilang sa mga dumalo sa Masjid na Pinakababanal.
Ang pinakamainam sa tatlong paraan ng ḥajj na ito ay ang tamattu` dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-utos nito sa mga Kasamahan niya,64 pagkatapos ang qirān dahil ito ay ḥajj at `umrah, pagkatapos ang ifrād.
C. Kaya kapag nakapagsagawa ng iḥrām sa pamamagitan ng isa sa mga paraan ng ḥajj na ito, sasambit ng talbiyah matapos kaagad ng pagkasagawa ng iḥrām sapagkat magsasabi: Labbayka -llāhumma labbayk, labbayka lā sharīka laka labbayk, inna -lḥamda wanni`mata laka wa-lmulk, lā sharīka lak. (Bilang pagtugon sa Iyo, O Allāh, bilang pagtugon sa Iyo; bilang pagtugon sa Iyo, wala Kang katambal; bilang pagtugon sa Iyo. Tunay na ang papuri at ang pagbibiyaya ay ukol sa Iyo at ang paghahari; wala Kang katambal.)65
Ang pagsambit ng talbiyah ay sunnah. Isinasakaibig-ibig ang pagpaparami ng pagsambit nito. Maghahayag ng pagsambit nito ang lalaki at maglilihim ng pagsambit nito ang mga babae.
Ang oras nito: Nagsisimula ang oras nito matapos ng pagkasagawa ng iḥrām at ang kahuli-hulihang oras ng pagsambit nito ay gaya ng sumusunod:
Una. Hihinto sa pagsambit nito ang tagapagsagawa ng `umrah bago siya magsimula ng pagsasagawa ng ṭawāf.
Ikalawa. Hihinto sa pagsambit nito ang tagapagsagawa ng ḥajj kapag nagsimula siya sa pagsasagawa ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sa araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay.
Ang Maḥḍ̆ūrāt Al-Iḥrām (Ang mga Sinasawata sa Iḥrām):
Ang Unang Sinasawata: Ang pag-ahit ng buhok o ang pagputol nito o ang pagbunot nito mula sa alinmang parte ng katawan.
Ang Ikalawang Sinasawata: Ang paggupit ng mga kuko ang pagputol nito mula sa kamay o paa nang walang maidadahilan ngunit kung may nabasag na kuko saka inalis ito, walang fidyah rito.
Ang Ikatlong Sinasawata: Ang pagtatakip sa ulo ng lalaki ng isang makadidiit dito tulad ng kupya at ghutrah.
Ang Ikaapat na Sinasawata: Ang pagsusuot ng lalaki ng tinahian sa katawan niya o bahagi nito gaya ng polo o turban o pantalon. Ang tinahian ay ang anumang ginawa ayon sa sukat ng bahagi ng katawan gaya ng sapatos, guwantes, at medyas. Hinggil naman sa babae, makapagsusuot siya ng mga damit na niloob niya sa sandali ng pagkasagawa ng iḥrām dahil sa pangangailangan niya sa pagtatakip bagamat siya ay hindi makapagsusuot ng burqa` ngunit magtatakip naman siya ng mukha niya ng iba pa rito gaya ng belo at jilbāb kapag naparaan sa kanya ang mga lalaking estranghero. Hindi siya makapagsusuot ng mga guwantes sa mga kamay niya.
Ang Ikalimang Sinasawata: Ang pabango dahil ang muḥrim ay hinihiling na lumayo sa luho, gayak ng Mundo, at minamasarap dito, at tumuon sa Kabilang-buhay.
Ang Ikaanim na Sinasawata: Ang pagpatay ng ligaw na hayop ng ilang at ang panghuhuli nito, kaya naman ang muḥrim ay hindi manghuhuli ng isang ligaw na hayop ng ilang, hindi tutulong sa paghuli nito, at hindi magkakatay nito.
Ipinagbabawal sa muḥrim ang pagkain mula sa anumang hayop na nahuli niya o hinuli alang-alang sa kanya o tinulungan niya sa paghuli nito dahil ito ay gaya ng maytah§ kaugnay sa kanya.
Hinggil naman sa hayop na nahuhuli sa dagat, hindi ipinagbabawal sa muḥrim ang paghuli nito at hindi ipinagbabawal sa kanya ang pagkatay ng alagang hayop gaya ng manok at hayupang ipinapastol dahil ito ay hindi hayop na hinuhuli.
Ang Ikapitong Sinasawata: Ang padaraos ng kasal para sa sarili o para sa iba pa o na siya ay maging saksi rito.
Ang Ikawalong Sinasawata: Ang pakikipagtalik, kaya naman ang sinumang nakipagtalik bago ng unang taḥallul ay nasira ang ḥajj niya ngunit inoobliga sa kanya ang pagpapatuloy at ang pagkumpleto sa mga gawaing-pagsamba niya at magbabayad siya ng pagsasagawa nito sa kasunod na taon at may kailangan sa kanya na pagkakatay ng isang kamelyo. Kung ito ay matapos ng unang taḥallul, hindi nasira ang ḥajj niya subalit may kailangan sa kanya na alay.
Ang babae kaugnay roon ay gaya ng lalaki kung siya ay pumapayag.
Ang Ikasiyam na Sinasawata: Ang pagromansa nang walang pagtatalik. Kaya naman hindi pinapayagan sa muḥrim ang pagsaling sa maybahay niya dahil ito ay isang kaparaanan tungo sa pagtatalik na ipinagbabawal. Ang tinutukoy ng romansa ay ang paghipo sa babae nang may pagnanasa.
Ang `Umrah
A. Ang mga Haligi ng `Umrah:
1. Ang Iḥrām.
2. Ang Ṭawāf.
3. Ang Sa`y.
B. Ang mga Kinakailangan sa `Umrah:
1. Ang pagsasagawa ng iḥrām sa isinasaalang-alang na mīqāt.
2. Ang pagpapaahit o ang pagpapaikli ng buhok.
C. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng `Umrah:
Ang kauna-unahang sisimula ng tagapagsagawa ng `umrah ay na magsagawa siya ng ṭawāf nang pitong paglibot, na nagsisimula mula sa Batong Itim at nagwawakas dito. Sa pagsasagawa ng ṭawāf niya, siya ay nakapagdalisay, na nagtatakip ng `awrah niya mula sa pusod hanggang sa tuhod. Ibinibilang na sunnah sa kanya ang pagsasagawa ng iḍṭibā` sa lahat ng ṭawāf niya. Ito ay ang paglalantad ng kanang balikat niya, ang paglalagay ng [gitna ng] balabal sa ilalim nito, at ang paglalagay ng magkabilang dulo ng balabal sa kaliwang balikat niya. Kapag nakumpleto niya ang ikapitong paglibot, ititigil niya ang iḍṭibā` at tatakpan niya ang mga balikat niya ng balabal niya.
Haharap siya Batong Itim; saka kung makakakaya siya ng paghalik doon, hahalik siya roon at kung hindi naman ay hihipo siya niyon ng kanang kamay niya kung naging posible ito at hahalik siya sa kamay niya. Kapag hindi naging posible sa kanya ang paghipo sa Batong Itim, ituturo niya ito habang nakaangat ang kanang kamay niya habang nagsasabi ng: "Allāhu akbar" nang iisang ulit at hindi siya hahalik sa kamay niya at hindi titigil. Pagkatapos magpapatuloy siya sa pagsasagawa ng ṭawāf niya habang nakapuwesto ang Ka`bah sa gawing kaliwa niya. Ibinibilang na sunnah na magsagawa ng raml [ang lalaki] sa unang tatlong paglibot. Ang raml ay ang kabilisan ng paglalakad kasama ng pagkalapitan ng mga hakbang.
Kapag naparaan siya sa Rukn Yamānīy, ang ikaapat na panulukan ng Ka`bah, saka kung naging posible sa kanya, hihipo siya niyon ng kanang kamay niya nang walang pagsambit ng takbīr at walang paghalik; at kung hindi naging posible sa kanya ang paghipo niyon, magpapatuloy siya, hindi siya magtuturo niyon, at hindi sasambit ng takbīr. Magsasabi siya sa pagitan ng Rukn Yamānīy at Batong Itim ng:
﴿...رَبَّنَآ ءَاتِنَا فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ حَسَنَةٗ وَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ﴾
"Rabbanā ātinā fi -ddunyā ḥasanatan wa-fi -l'ākhirati ḥasanatan wa-qinā `adhāba -nnār. (Panginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.)" (Qur'ān 2:201)
Kapag nagwakas sa pagsasagawa ng ṭawāf, magdarasal ng dalawang rak`ah sa likuran ng Maqām Ibrāhīm (sumakanya ang pangangalaga) kung naging posible iyon at kung hindi naman ay magdarasal nito sa alinmang puwesto sa Masjid na Pinakababanal. Ibinibilang na sunnah na bigkasin sa unang rak`ah matapos ng Al-Fātiḥah ang Sūrah Al-Kāfirūn, at sa ikalawang rak`ah matapos ng Al-Fātiḥah ang Sūrah Al-Ikhlāṣ naman. Pagkatapos dadako sa Mas`ā at magsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah nang pitong pagparoon: ang pagpunta ay isang pagparoon at ang pagbalik ay isang pagparoon.
Sinisimulan ang pagsasagawa ng sa`y sa Ṣafā, kaya naman aakyat doon o titindig sa tabi niyon ngunit ang pag-akyat sa Ṣafā ay higit na mainam kung naging posible ito. Bibigkasin sa sandaling iyon ang sabi ni Allāh:
﴿إِنَّ ٱلصَّفَا وَٱلۡمَرۡوَةَ مِن شَعَآئِرِ ٱللَّهِ...﴾
"Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh... (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh...)" (Qur'ān 2:158)
Isinakaibig-ibig na humarap sa qiblah saka magpuri kay Allāh at magdakila sa Kanya§ at magsabi ng:66 "Lā ilāha illa -llāhu wa-llāhu akbar. Lā ilāha illa -llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu -lmulku wa-lahu -lḥamd. Yuḥyī wa-yumītu wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā ilāha illa -llāhu waḥdah. Anjaza wa`dah, wa-naṣara `abdah, wa-hazama -l'aḥzāba waḥdah." (Walang Diyos kundi si Allāh at si Allāh ay pinakadakila. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya. Gumanap Siya sa pangako Niya, nag-adya Siya sa lingkod Niya, at tumalo Siya sa mga lapian nang mag-isa.)"67 Pagkatapos mananalangin siya ng anumang naging posible habang nag-aangat ng mga kamay niya. Mag-uulit-ulit siya nitong dhikr at panalangin nang tatlong ulit. Pagkatapos bababa saka maglalakad papuntang Marwah hanggang makarating sa unang palatandaan, saka magmamabilis ang lalaki sa paglakad hanggang sa makarating sa ikalawang palatandaan. Hinggil naman sa babae, hindi isinasabatas sa kanya ang pagmamabilis sa pagitan ng dalawang palatandaan dahil siya ay `awrah. Ang isinasabatas lamang sa kanya ay ang paglalakad sa pagsasagawa ng sa`y sa kabuuan nito. Pagkatapos maglalakad saka aakyat sa Marwah o titindig sa tabi niyon ngunit ang pag-akyat doon ay higit na mainam kung naging posible iyon. Magsasabi at gagawa sa Marwah ng gaya ng sinabi at ginawa sa Ṣafā maliban sa pagbigkas ng talata ng Qur'ān, na ang sabi ni Allāh:
﴿إِنَّ ٱلصَّفَا وَٱلۡمَرۡوَةَ مِن شَعَآئِرِ ٱللَّهِ...﴾
"Inna -ṣṣafā wa-lmarwata min sha`ā'iri -llāh... (Tunay na ang Ṣafā at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni Allāh...)" Ito ay isinasabatas lamang sa sandali ng pagkaakyat sa Ṣafā sa unang pagparoon lamang. Pagkatapos bababa saka maglalakad sa puwesto ng paglakad at magmamabilis sa puwesto ng pagmamabilis hanggang sa makarating sa Ṣafā. Gagawin iyon nang pitong ulit: ang pagpunta niya ay isang pagparoon at ang pagbalik niya ay isang pagparoon. Isinasakaibig-ibig na magparami sa pagsasagawa ng sa`y niya ng pagsambit ng dhikr at pagdalangin ng anumang nagiging posible Isinasakaibig-ibig na siya ay maging nakapagdalisay mula sa malaki at maliit na ḥadath. Kung sakaling nagsagawa siya ng sa`y nang walang kadalisayan, makasasapat sa kanya iyon. Gayundin kung sakaling nagregla ang babae o dinugo siya matapos ng pagsasagawa ng ṭawāf, magsasagawa siya ng sa`y at makasasapat sa kanya iyon dahil ang kadalisayan ay hindi isang kundisyon sa pagsasagawa ng sa`y at ito ay isinasakaibig-ibig lamang doon.
Kapag nakakumpleto siya ng pagsasagawa ng sa`y, magpapaahit siya ng buhok niya o magpapaikli siya nito. Ang pagpapaahit para sa lalaki ay higit na mainam.
Sa pamamagitan nito nakakumpleto na siya ng mga gawaing-pagsamba ng `umrah.
Ang Ḥajj
A. Ang mga haligi ng ḥajj:
1. Ang iḥrām.
2. Ang pagtigil sa `Arafah.
3. Ang pagsasagawa ng ṭawāf ifāḍah.
4. Ang pagsasagawa ng sa`y.
B. Ang mga Kinakailangan sa Hajj:
1. Ang pagsasagawa ng iḥrām sa mīqāt.
2. Ang pagtigil sa ḥajj sa ikasiyam na araw ng Dhulḥijjah hanggang sa pagkalubog ng araw para sa sinumang tumigil doon sa maghapon.
3. Ang pagpapamagdamag sa Muzdalifah sa gabi ng ikasampung araw ng Dhulḥijjah hanggang sa hatinggabi.
4. Ang pagpapamagdamag sa Minā sa mga araw ng Tashrīq.
5. Ang pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah.
6. Ang pagpapaahit o ang pagpapaikli ng buhok.
7. Ang pagsasagawa ng ṭawāf ng pamamaalam.
C. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ḥajj
Sasambit ng talbiyah ng ḥajj ang Muslim kapag dumating siya sa mīqāt bilang tagapagsagawa ng ifrād kapag ang panahon ay gipit. Kapag nakarating siya sa Makkah, magsasagawa siya ng ṭawāf at sa`y, mananatili siya sa iḥrām niya hanggang sa dumako siya sa `Arafah sa Araw ng `Arafah sa ikasiyam na araw, at mananatili siya roon hanggang sa paglubog ng araw.
Pagkatapos lilisan siya mula roon habang sumasambit ng talbiyah papunta sa Muzdalifah saka mamamalagi siya rito hanggang sa magdasal ng fajr. Pagkatapos mananatili siya rito habang sumasambit ng pag-alaala kay Allāh, sumasambit ng talbiyah, at mananalangin hanggang sa magliwanag.
Kapag nagliwanag na, lilisan siya papunta sa Minā bago ng pagsikat ng araw saka magsasagawa siya ng ramy sa Jamrah Al-`Aqabah sa pamamagitan ng pitong munting bato. Pagkatapos magpapaahit siya o magpapaiksi ng buhok. Ang pagpapaahit ay higit na mainam kaysa sa pagpapaikli.
Pagkatapos magsasagawa siya ng ṭawāf ifāḍah at makasasapat sa kanya ang unang sa`y. Sa pamamagitan niyon, nalubos ang pagsasagawa ng ḥajj niya at nangyari sa kanya ang taḥallul nang kumpleto.
Matitira sa kanya ang pagsasagawa ng ramy sa mga jamrah sa ika-11 at ika-12 araw kung siya ay nagmamadali. Magsasagawa siya ng ramy sa tatlong jamrah, na sa bawat jamrah ay magpupukol siya ng pitong munting bato, habang sumasambit ng takbīr kasabay ng bawat pagpukol. Magsisimula siya sa Maliit na Jamrah na nalalapit sa Masjid Khayf, pagkatapos sa Gitnang Jamrah, pagkatapos sa Jamrah Al-`Aqabah, ang kahuli-hulihan. Sa bawat jamrah ay magpupukol siya ng pitong munting bato. Kapag ninais niya na magpahuli matapos ng ika-12 araw, magsasagawa siya ng ramy sa ika-13 araw gaya ng paraan ng pagsasagawa niya ng ramy sa ika-12 at ika-11 araw.
Ang oras ng pagsasagawa ng ramy ay matapos ng pagkalihis ng araw sa katanghaliang-tapat sa tatlong araw.
Kung lilisan siya sa ika-12 araw bago ng paglubog ng araw, wala namang masama. Kung mamamalagi naman siya hanggang sa makapagsagawa ng ramy sa ika-13 araw matapos ng pagkalihis ng araw sa katanghaliang-tapat, ito ay higit na mainam batay sa sabi ni Allāh:
﴿...فَمَن تَعَجَّلَ فِي يَوۡمَيۡنِ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِ وَمَن تَأَخَّرَ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۖ لِمَنِ ٱتَّقَىٰ...﴾
{... ngunit ang sinumang nagmadali [sa pag-alis] sa dalawang araw ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang naantala ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala.}
(Qur'ān 2:203)
Kung ninais niya ang maglakbay, magsasagawa siya ng ṭawāf ng pamamaalam nang pitong paglibot nang walang pagsasagawa ng sa`y.
Ang pinakamainam kapag hindi siya nagkaroon ng alay (hady) na magsagawa siya ng iḥrām ng `umrah ng tamattu`, pagkatapos magsagawa siya ng talbiyh ng ḥajj sa ikawalong araw at gumawa ng nauna na mga gawain ng ḥajj. Kung magsasagawa siya siya ng ḥajj at `umrah nang magkasama, wala namang masama. Tinatawag ito na qirān. Ito ay ang pagsasagawa ng `umrah at ḥajj nang magkasabay sa iisang ṭawāf at iisang sa`y.
Ang Ikatlong Parte
Ang mga Nauugnay sa mga Transaksiyon
Nilinaw ng mga maalam (kaawaan sila ni Allāh) ang kaalamang kinakailangang matutuhan ayon sa pagkakinakailangang pang-individuwal. Nagsalita sila kaugnay sa kantidad na isang tungkulin ng isang individuwal na kailangan sa bawat Muslim ang matuto niyon. Binanggit nila mula rito ang pagkatuto ng mga patakaran ng pagbebenta para sa sinumang nagtatrabaho sa pangangalakal nang sa gayon hindi siya masadlak sa bawal o patubo habang siya ay hindi nakaaalam. Nasaad nga ayon sa ilan sa mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ang sumusuporta roon.
Nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Walang magbebenta sa palengke natin maliban sa sinumang nakapag-unawa na sa Relihiyon."68
Nagsabi si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya): "Ang sinumang nangalakal bago magpakaunawa, lalagpak siya sa patubo, pagkatapos lalagpak siya, pagkatapos lalagpak siya." Ibig sabihin: babagsak siya sa patubo.69
Nagsabi si Ibnu `Ābidīn bilang pagpapaabot ayon kay Al-`Allāmīy: "Isinatungkulin sa bawat lalaking naaatangan ng tungkulin at babaing naaatangan ng tungkulin matapos matuto ng kaalaman sa Relihiyon at kapatnubayan ang matuto ng kaalaman sa pagsasagawa ng wuḍū', ghusl, ṣalāh, pag-aayuno, kaalaman sa zakāh para sa sinumang may niṣāb, ḥajj para sa sinumang kinailangan sa kanya, at pagbebenta sa mga mangangalakal upang makaiwas sa mga maling akala at mga kinasusuklaman sa nalalabi sa mga transaksiyon. Gayundin sa mga may propesyon at bawat sinumang nagpapakaabala sa anuman, isinasatungkulin sa kanya ang kaalaman dito at ang patakaran dito upang makapagpigil sa bawal dito."70
Nagsabi naman si Imām An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh): "Hinggil naman sa pagbebenta, pagpapakasal, at kawangis ng dalawang ito, kabilang sa hindi kinakailangan ang batayan nito, ipinagbabawal ang paglalakas-loob dito malibang matapos ng pagkaalam ng kundisyon nito."71
Ang mga ito ay ilan sa mga panuntunang nauugnay sa mga transaksiyong pampananalapi, na isinaad ng Palabatasang Islāmiko:
1. Ang pagpayag sa bawat anumang may isang kapakanang payak o matimbang gaya ng pagbebenta ng mga pinapayagan, pagbili ng mga ito, pagpapaupa, at shuf`ah.72
2. An pagkaisinasabatas ng bawat anumang may isang garantiya para sa mga karapatan ng mga tao at pag-iingat sa mga ito gaya ng sangla at pagpapasaksi.
3. Ang pagkaisinasabatas ng bawat anumang dito ay may kapakanan ng mga nagkakasunduan gaya ng pagkansela, opsiyon, at mga kundisyon sa pagbebenta.
4. Ang pagpigil sa bawat anumang naglalaman ng kawalang-katarungan sa mga tao at paglamon ng mga ari-arian nila ayon sa kabulaanan gaya ng patubo, pagkamkam, at pag-iimbak (hoarding).
5. Ang pagkaisinasabatas ng bawat anumang may pagtutulungan sa kabutihan gaya ng pagpapautang, pangungutang, at paglalagak.
6. Ang pagpigil sa bawat anumang naglalaman ng paglamon ng ari-arian nang walang paggawa, walang pakinabang, at walang pagod gaya ng pagsusugal, at pagpapatubo.
7. Ang pagpigil sa bawat transaksiyon nananaig dito ang pagkamangmang at ang pandaraya gaya ng pagbebenta ng tao ng hindi niya minamay-ari at pagbebenta ng di-nalalaman.
8. Ang pagpigil sa bawat anumang may isang panlalalang para sa bawal gaya ng pagbebentang `īnah.73
9. Ang pagpigil sa anumang nakaaabala sa pagtalima kay Allāh gaya ng pagbebenta matapos ng ikalawang adhān ng ṣalāh sa Biyernes.
10. Ang pagpigil sa bawat anuman may isang kapinsalaan o nagdadahilan ng pag-aawayan sa pagitan ng mga Muslim gaya ng pagbebenta ng mga ipinagbabawal at pagsulot ng tao sa pagbebenta ng kapwa niya.
Kapag nagsuliranin sa Muslim ang kahatulan sa isang usaping kabilang sa mga usapin, tunay na siya ay magtatanong sa mga maalam dito at hindi siya maglalakas-loob dito malibang matapos ng pagkaalam sa kahatulang legal dito, gaya ng sinabi ni Allāh:
﴿...فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ﴾
{Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam.} (Qur'ān 16:43)
Heto ang naging posibleng matipon. Si Allāh ay ang hinihilingan na magtustos sa atin ng kaalamang napakikinabangan at gawang maayos; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya, at pangalagaan Niya ng maraming pangangalaga.
***
Index
Panimula 2
Ang Unang Parte: 3
Ang Nauugnay sa Pinaniniwalaan 3
Ang Unang Paksa: Ang Kahulugan ng Islām at ang mga Haligi Nito 3
Ang Kahalagahan ng Tawḥīd 3
Ang Kahulugan ng Pagsaksi na Walang Diyos Kundi si Allāh 5
Hinggil naman sa mga kundisyon ng: Walang Diyos kundi si Allāh, ang mga ito ay: 6
Ang Kahulugan ng Pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh 8
Ang Ikalawang Paksa: Ang Kahulugan ng Pananampalataya at ang mga Haligi Nito 10
1) Ang pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya), na naglalaman ng tatlong usapin: 11
1. Ang Pananampalataya sa Pagkapanginoon Niya: 11
2) Ang Pananampalataya sa Pagkadiyos 14
3) Ang Pananampalataya sa mga Pangalan at mga Katangian 17
2) Ang Pananampalataya sa mga Anghel 25
3) Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan 26
4) Ang Pananampalataya sa mga Sugo (Sumakanila ang Pangangalaga). 28
5) Ang Pananampalataya sa Huling Araw 29
A. Ang Paniniwala sa Pagkabuhay 29
B. Ang Paniniwala sa Pagtutuos at Pagganti 30
C. Ang Paniniwala sa Paraiso at Impiyerno 30
6) Ang Pananampalataya sa Pagtatakda: sa Kabutihan Nito at Kasamaan Nito 31
Ang Ikatlong Paksa: Ang Pagpapahusay 33
Ang Ikaapat na Paksa: Isang Pinaiksing Sulyap Mula sa mga Saligan ng mga Alagad ng Sunnah at Pagkakabuklod 34
Ang Ikalawang Parte: Ang Nauugnay sa mga Pagsamba 35
Ang Unang Paksa: Ang Kadalisayan 35
Una. Ang mga Bahagi ng Tubig: 36
Ikalawa. Ang Karumihan: 36
Ikatlo: Ang Ipinagbabawal Gawin ng Muḥdith 39
Ikaapat: Ang mga Etiketa ng Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan 41
Ikalima: Ang mga Patakaran ng Istinjā' o Istijmār 43
Ikaanim: Ang mga Patakaran ng Wuḍū' 43
Ikapito: Ang mga Patakaran ng Pagpahid sa Khuff at Medyas 46
Ikawalo: Ang mga Patakaran ng Pagsasagawa ng Tayammum 48
Ikasiyam: Ang mga Patakaran sa Regla at Nifās 51
Ang Ikalawang Paksa: Ang Ṣalāh 53
Una. Ang mga Patakaran ng Pagsasagawa ng Adhān at Iqāmah 53
Ikalawa. Ang Katayuan ng Ṣalāh at ang Kainaman Nito 56
Ikatlo: Ang mga Kundisyon ng Ṣalāh 59
Ikaapat: Ang mga Haligi ng Ṣalāh 60
Ikalima. Ang mga Kinakailangan sa Ṣalāh 65
Ikaanim. Ang mga Sunnah ng Ṣalāh 67
Ikapito. Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh 69
Ikawalo. Ang mga Kinasusuklaman sa Ṣalāh 75
Ikasiyam. Ang Tagapagpawalang-saysay sa Ṣalāh 76
Ikasampu. Ang Pagpapatirapa ng Pagkalingat 77
Ikalabing-isa. Ang mga Oras ng Pagkasaway Laban sa Pagsasagawa ng Ṣalāh 79
Ikalabindalawa. Ang Ṣalāh sa Konggregasyon 80
Ikalabintatlo. Ang Ṣalāh ng Pangamba 83
Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh ng Pangamba 84
Ikalabing-apat. Ang Ṣalāh sa Biyernes 85
Ikalima. Mga Isinasakaibig-ibig sa Araw ng Biyernes 87
Ang Pagkaabot sa Ṣalāh sa Biyernes 88
Ikalabinlima. Ang Ṣalāh ng mga May mga Maidadahilan 89
Ikalabing-anim. Ang Ṣalāh ng Dalawang Pagdiriwang (Eid) 93
Ikalabimpito: Ang Ṣalāh ng Eklipse 96
Ikalabingwalo. Ang Ṣalāh Istisqā' (Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan) 98
Ikalabingsiyam. Ang mga Patakaran ng Paglilibing sa Patay 99
Ang Ikatlong Paksa: Ang Zakāh 103
1. Ang Pagbibigay-kahulugan sa Zakāh at ang Katayuan Nito 103
2. Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Zakāh: 104
3. Ang mga Ari-ariang Kinakailangan sa mga Ito ang Zakāh 105
Ang Ikaapat na Paksa: Ang Pag-aayuno 119
Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Pag-aayuno sa Ramaḍān: 119
Ang Ikalimang Paksa: Ang Ḥajj at ang `Umrah 129
Ang mga Kundisyon ng Pagkakinakailangan ng Ḥajj at `Umrah: 130
Ang mga Mīqāt ng Iḥrām: 132
Ang Iḥrām 134
Ang `Umrah 139
Ang Ḥajj 144
Ang Ikatlong Parte 147
Ang mga Nauugnay sa mga Transaksiyon 147
***
Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 6072 at Imām At-Tirmidhīy sa numero 1535, na nagsabing magandang hadith ito.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa Al-Adab Al-Mufrad sa numero 716, Imām Aḥmad sa Al-Musnad sa numero 19606, at Aḍ-Ḍiyā' Al-Maqdisīy sa Al-Aḥadīth Al-Mukhtarah (1/150). Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaghīr sa numero 3731.
Nagtala nito sina Imām Muslim sa numero 121 at Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 10434.
Ang madhy ay malabnaw na walang kulay na likidong lumalabas sa sandali ng pakikipagromansa o pagsasaalaala ng pakikipagtalik o pagnanais nito o pagtingin o iba pa roon at lumalabas sa anyo ng mga patak at marahil hindi nakadarama sa paglabas nito. Ang wady ay ang malapot na puting likidong lumalabas matapos kaagad ng pag-ihi o sa sandali ng pagbubuhat ng isang bagay na mabigat.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 224.
Nagtala nito sina Imām Mālik sa Al-Muwaṭṭa' sa numero 680 at 219, Imām Ad-Dārimīy sa numero 312, at `Abdurazzāq sa inakdaan nito sa numero 1328. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Irwā' Al-Ghalīl sa numero 122.
Nagtala nito sina Imām An-Nasā'īy sa numero 12808 at Imām Aḥmad sa numero 15423. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Irwā' Al-Ghalīl sa numero 121.
Nagtala nito sina Imām Ibnu Mājah sa numero 594 at Ibnu Ḥibbān sa numero 799. Sumang-ayon sa kahinaan nito si Al-Albānīy sa Ḍa`īf Sunan At-Tirmidhīy sa numero 146.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 142 at Imām Muslim sa numero 122.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 7288 at Imām Muslim sa numero 6066.
Nagsabi ang Kanyang Kabunyiang si Shaykh `Abdul`azīz bin Bāz (kaawaan siya ni Allāh) sa Kalipunan ng mga Fatwā niya (29/141): "Nagdagdag si Al-Bayhaqīy nang may isang mahusay na sanad ayon kay Jābir matapos ng pagkasabi na: "[a]lladhi wa`attahu (na ipinangako Mo)" ng: "innaka lā tukhlifu -lmī`ād (tunay na Ikaw ay hindi sumisira sa naipangako)."
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 2635.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 82.
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 265 at nagsabing magandang tumpak na pambihira ito. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ At-Targhīb Wa At-Tarhīb.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1117.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6251 at Imām Muslim sa numero 884.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 756 at Imām Muslim sa numero 872.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 793 at Imām Muslim sa numero 398.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 812 at Imām Muslim sa numero 490.
Nagtala nito si Imām Muslim (498).
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 724 at Imām Muslim sa numero 398.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy (797) at Imām Muslim (402).
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 839.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 6008.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1110.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 835.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 743 at Imām Muslim sa numero 399.
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 266.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 588.
Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 5168.
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 284.
§ Maaaring manalangin ng ganito: Allāhumma innī a`ūdhu bika min `adhābi jahannam, wa-min `adhābi -lqabri, wa-min fitnati -lmaḥyā wa-lmamāti wa-min fitnati -lmasīḥi -ddajjāl. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa sigalot ng pagkabuhay at pagkamatay, at laban sa sigalot ng Bulaang Kristo.)
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1484.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 609 at Imām Muslim sa numero 602.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 4130 at Imām Muslim sa numero 842.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 865.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 934 at Imām Muslim sa numero 851.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1081 at Imām Muslim sa numero 693.
§ Ang paghiling ng pagkupkop ni Allah ay ang pagdalangin ng ganito: A`ūdhu bi-llāhi mina -shshayṭāni -rrajīm (Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa demonyong kasumpa-sumpa).
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1012 at Imām Muslim sa numero 894.
Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 3201 at Imām At-Tirmidhīy sa numero 1024, na nagsabing magandang tumpak na hadith ito.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 962.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 8 at Imām Muslim sa numero 111.
Nagtala nito sina Imām Ibnu Mājah sa numero 1792 at Imām At-Tirmidhīy sa numero 63 at 631.
§ Ang shāh ay isang tupa o isang kambing na nakalubos ng isang taong gulang.
§ Ang ibnu labūn ay lalaki samantalang ang bint labūn ay babae.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1402 at Imām Muslim sa numero 2287.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1432 at Imām Muslim sa numero 984.
Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 1609 at Imām Ibnu Mājah sa numero 1827. Sumang-ayon sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Abī Dāwud sa numero 1609.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1 at Imām Muslim sa numero 1907.
§ Ang nifās ay pagdurugong may kinalaman sa pagbubuntis at panganganak.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1810 at Imām Muslim sa numero 1086.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1909.
Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa numero 26457, Imām Abū Dāwud sa numero 2454, at Imām An-Nasā'īy sa numero 2331 at ito ay pananalita niya.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 6669 at Imām Muslim sa numero 2709.
Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 2380, Imām At-Tirmidhīy sa numero 719, at Imām Ibnu Mājah sa numero 676.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1849 at Imām Muslim sa numero 1846.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1134.
Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa numero 25198, Imām An-Nasā'īy sa numero 2627, at Imām Ibnu Mājah sa numero 2901.
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1862 at Imām Muslim sa numero 1341.
§ Ang Ḥill ay ang nasa labas ng mga hangganan ng Ḥaram. Ang Ḥaram ay ang Masjid na Pinakababanal (Al-Masjid Al-Ḥarām) at ang nakapaligid dito, ang Makkah, kung saan ipinagbabawal ang paglalaban.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1531.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1211.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1549.
§ Magsabi ng: Allāhu akbar at Alḥamdu lillāh.
Nagtala nito si Imām Muslim sa numero 1218.
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy sa numero 487 at nagsabi siya na magandang pambihira ito. Sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy.
Tingnan: Mughnī Al-Muḥtāj (2/22).
Ḥāshiyah Ibni `Ābidīn (1/42).
Tingnan: Ang Al-Majmū` (1/50).
Ang shuf`ah ay ang pagkakarapat-dapat ng kasosyo sa pagkaltas ng parte ng kasosyo niya na malilipat sa kanya sa pamamagitan ng isang kabayarang pananalapi.
Ang pagbebentang `īnah ay na magbenta ang tao sa iba ng isang bagay sa isang bayad na ipinagpaliban at mag-aabot nito ang una sa huli, pagkatapos bibilhin ito ng una bago nahawakan ng una ang bayad sa halagang higit na mababa kaysa sa unang halaga sa salapi.
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 8.