PHPWord

 

 

 

مِنْ أَحْكَامِ الصِّيَامِ

 

 

Ilan sa mga Patakaran ng Pag-aayuno

 

 

 

اللَّجْنَةُ العِلْمِيَّةُ

بِرِئَاسَةِ الشُّؤُونِ الدِّينِيَّةِ بِالمَسْجِدِ الحَرَامِ وَالمَسْجِدِ النَّبَوِيِّ

 

Ang Lupong Pangkaalaman sa Panguluhan ng mga Kapakanang Panrelihiyon sa Masjid na Pinakababanal at Masjid ng Propeta

 


بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ

Ilan sa mga Patakaran ng Pag-aayuno

Ang Unang Paksa

Ang Kahulugan ng Ayuno at ang Pagkakinakailangan ng Pag-aayuno sa Ramaḍān

A. Ang Kahulugan ng Ayuno

Ang pag-aayuno ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagpigil sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw.

B. Ang Pagkakinakailangan ng Pag-aayuno sa Ramaḍān

Ang pag-aayuno sa Ramaḍān ay isang haliging kabilang sa mga Haligi ng Islām na hindi umiiral ang Relihiyon ng Muslim kundi dahil sa mga ito. Ang pag-aayuno ay isang tungkulin sa lahat ng mga kalipunan kahit pa nagkaiba-iba ang pamamaraan nito at ang oras nito, gaya ng sinabi ni Allāh:

﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ 183

{O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183) Ang "isinatungkulin" ay nangangahulugang: inobliga.

Nagpatunay sa pagkakinakailangan nito ang Qur'ān, ang Sunnah, at ang Ijmā` (pagkakabuklod ng kahatulan).

* Hinggil sa Qur'ān, ang sabi ni Allāh:

﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ 183 أَيَّامٗا مَّعۡدُودَٰتٖ...

{183. O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.

184. [Mag-ayuno ng] mga araw na binilang; ...} (Qur'ān 2:183-184)

* Hinggil sa Sunnah, ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh]."]1

* Hinggil sa Ijmā`, nagkabuklod nga sa kahatulan ang mga Muslim sa pagkakinakailangan ng pag-aayuno at na ang sinumang nagkaila ng pagkakinakailangan ng pag-aayuno, siya ay isang tagatangging sumampalataya.

 

Ang Ikalawang Paksa

Ang mga Kainaman ng Buwan ng Ramaḍān

Ang dakilang buwang ito ay may mga dakilang ikinatatangi at mga kalamangang nagtatangi rito sa nalalabi sa mga buwan sapagkat kabilang sa mga ito ang sumusunod:

1. Ang pagpapababa ng Marangal na Qur'ān dito gaya ng sinabi ni Allāh:

﴿شَهۡرُ رَمَضَانَ ٱلَّذِيٓ أُنزِلَ فِيهِ ٱلۡقُرۡءَانُ...

{Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur’ān} (Qur'ān 2:185)

2. Pinagbubuksan dito ang mga pintuan ng Paraiso at iyon ay dahil sa dami ng mga maayos na gawain dito.

3. Ang pagpipinid sa mga pintuan ng Impiyerno sa buwang ito at iyon ay dahil sa kakauntian ng mga pagsuway.

Nasaad nga iyon sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dumating ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso, ipinipinid ang mga pintuan ng Impiyerno, at pinuposasan ang mga demonyo."2

4. Kabilang sa mga kalamangan nito ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang magandang gawang ginagawa ng anak ni Adan malibang nagtatala para sa kanya ng sampung mabuting gawa hanggang sa pitong daang ibayo. Nagsabi si Allāh: {... maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya rito. Nag-iwan siya ng pagnanasa niya, pagkain niya, at inumin niya alang-alang sa Akin. Ang pag-aayuno ay kalasag. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa: tuwa sa sandali ng pagtigil-ayuno niya at tuwa sa sandali ng pakikipagkita sa Panginoon niya. Talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk.}"3 Ang pagpapaibayo ng pag-aayuno ay hindi nalilimitahan ng bilang.

5. Ang pagpapakawagas sa pag-aayuno ay higit kaysa sa iba rito batay sa sabi Niya: "Iniwan niya ang pagnanasa niya, ang pagkain niya, at ang inumin niya alang-alang sa Akin."4

6. Si Allāh ay nagtangi sa mga tagapag-ayuno ng isang pintuan mula sa mga pintuan ng Paraiso, ang Ar-Rayyān, na walang nakapapasok doon na iba pa sa kanila.

7. Ang tagapag-ayuno ay may panalanging tinutugon batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapag-ayuno sa sandali ng pagtigil-ayuno niya ay may isang panalanging hindi tinatanggihan."5

8. Ang sabi ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."6

Kaya nararapat sa Muslim na mag-ayuno nito dahil sa pananampalataya at pag-asang gagantimpalaan nang sa gayon magtamo siya ng pabuya at kapatawaran ng mga pagkakasala.

Ang Ikatlong Paksa

Ang Napagtitibay Dahil Dito ang Pagpasok ng Buwan ng Ramaḍān

Napagtitibay ang pagpasok ng buwan ng Ramaḍān dahil sa isa dalawang bagay:

1. Dahil sa pagkakita ng bagong buwan nito batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nakita ninyo ang bagong buwan, mag-ayuno kayo; kapag nakita ninyo ito, tumigil-ayuno kayo; ngunit kung lumabo sa inyo, magtaya kayo."7 at batay sa sabi niya rin: "Huwag kayong mag-ayuno hanggang sa makita ninyo ang bagong buwan at huwag kayong tumigil-ayuno hanggang sa makita ninyo ito."8

2. Kung hindi nila nakita ang bagong buwan, magkukumpleto sila ng bilang ng Sha`bān sa 30 araw batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang buwan [ng Sha`bān] ay dalawampu't siyam na gabi. Kaya huwag kayong mag-ayuno hanggang sa makita ninyo [ang bagong buwang] ito; ngunit kung lumabo sa inyo, magkumpleto kayo ng bilang sa tatlumpu."9

Ang Ikaapat na Paksa

Ang Layunin sa Pag-aayuno

Ang layunin ay isang kundisyon sa katumpakan ng bawat gawain. Hindi makaiiwas na maglayon ng pag-aayuno sa Ramaḍān sa gabi batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naglayon sa magdamag ng pag-aayuno bago ng madaling-araw ay walang pag-aayuno para sa kanya."0]10

Nagsabi si Shaykhul Islām na si Ibnu Taymīyah (kaawaan siya ni Allāh): "Ang bawat sinumang nakaalam na bukas ay Ramadan habang siya ay nagnanais ng pag-aayuno nito ay naglayon nga ng pag-aayuno nito, bumigkas man siya ng layunon o hindi bumigkas. Ito ay gawain ng kamadlaan ng mga Muslim. Ang kabuuan nila ay naglalayon ng pag-aayuno."11

Ang Ikalimang Paksa

Sa Kanino Kinakailangan ang Pag-aayuno?

Kinakailangan ang ayuno sa bawat Muslim na adulto na nakapag-uunawa.

Kung siya ay malusog na residente, may kakailanganin sa kanya na isang pagganap. Kung siya ay maysakit, may kakailanganin sa kanya na isang bayad-pagsasagawa.

Kung siya ay malusog na manlalakbay, makapipili siya sa pagitan ng pag-aayuno o pagtigil-ayuno. Ang pagtigil-ayuno ay higit na mainam.

* Hindi kinakailangan ang ayuno sa isang tagatangging sumampalataya at hindi ito natutumpak sa kanya. Kung nagbalik-loob siya sa loob ng buwan [ng Ramaḍān], aayunuhin niya ang natitira at hindi inoobliga sa kanya ang pagbabayad-pagsasagawa ng nauna sa kalagayan ng kawalang-pananampalataya.

* Hindi kinakailangan ang ayuno sa nakababata. Natutumpak ito sa isang nakababatang nakatatalos (mumayyiz). Ito sa panig niya ay magiging isang kusang-loob.

* Hindi kinakailangan ang ayuno sa isang baliw; at kung sakaling nag-ayuno siya sa kalagayan ng kabaliwan niya, hindi natutumpak ito sa kanya dahil sa kawalan ng layunin.

Ang Ikaanim na Paksa

Sino ang may prebilihiyo sa Pagtigil ng Pag-aayuno?

Makapagdadahilan sa pagtigil ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān ang sumusunod:

1. Ang maysakit na hihirap sa kanya ang pag-aayuno kaya isinakaibig-ibig para sa kanya na tumigil-ayuno.

2. Ang manlalakbay na sumapit sa kanya ang Ramaḍān habang siya ay nasa isang paglalakbay o nagpasimula siya ng isang paglalakbay sa loob ng buwan [ng Ramaḍān], na umaabot ang distansiya nito sa 80 kilometro o higit pa.

3. Ang nireregla at ang dinurugo ay ipinagbabawal sa kanilang dalawa ang pag-aayuno sa yugto ng pagreregla at pagdurugo batay sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): "Dumadapo noon sa amin iyon kaya inuutusan kami ng pagbabayad-pagsasagawa ng ayuno at hindi kami inuutusan ng pagbabayad-pagsasagawa ng salah."2]12

4. Ang maysakit na isang sakit na talamak (chronic) na hindi naaasahan ang paggaling niya at nawawalang-kakayahan siya kasabay nito sa pag-aayuno nang tuluyan, siya ay titigil-ayuno at magpapakain para sa bawat araw [na hindi napag-ayunuhan] sa isang dukha ng isang ṣā` ng bigas o iba pa rito at walang kailangan sa kanya na isang pagbabayad-pagsasagawa.

5. Ang nakatatandang ulyanin na hindi nakakakaya ng pag-aayuno ay titigil-ayuno at magpapakain para sa bawat araw [na hindi napag-ayunuhan] sa isang dukha at walang kailangan sa kanya na isang pagbabayad-pagsasagawa.

6. Ang nagbubuntis at ang nagpapasuso, kapag nangamba sila para sa mga sarili nila o para sa mga anak nila sa kapinsalaan ng pag-aayuno, ay titigil-ayuno at magbabayad-ayuno. Kung ang pagtigil-ayuno nila ay dala ng pangamba sa anak nila lamang, tunay na siya ay magbabayad-ayuno at magpapakain ng isang dukha para sa bawat araw [na hindi napag-ayunuhan].

Ang Ikapitong Paksa

Ang mga Tagasira sa Ayuno

1. Ang Pakikipagtalik

Kaya kapag nakipagtalik siya sa maghapon ng Ramaḍān, nawawalang-saysay ang pag-aayuno niya. Kailangan sa kanya ang magpigil sa natitira sa araw niya. Kailangan sa kanya ang pagbabalik-loob at ang paghingi ng tawad. Magbabayad-ayuno siya sa araw na ito na nakipagtalik siya. Kailangan sa kanya ang panakip-sala (kaffārah).

2. Ang Pagpapalabas ng Punlay Dahilan sa Paghalik o Pagromansa o Masturbasyon o Pag-uulit ng Pagtingin

Kapag nagpalabas ang tagapag-ayuno ng punlay dahil sa isang kadahilanang kabilang sa mga kadahilanang ito, nasira ang pag-aayuno niya. Kailangan sa kanya ang pagpipigil. Magbabayad-ayuno siya para sa araw na ito. Walang panakip-sala sa kanya subalit kailangan sa kanya ang pagbabalik-loob, ang pagsisisi, ang paghingi ng tawad, at ang paglayo sa mga gawaing ito na tagapukaw ng pagnanasa dahil siya ay nasa isang dakilang pagsamba.

3. Ang Pagkain at ang Pag-inom Nang Sadyaan

4. Ang Pagpapakuha ng Dugo ng Tagapag-ayuno sa Pamamagitan ng Ḥijāmah o laboratory testing o Pagpapakuha ng Dugo Para Mag-abuloy Nito

Ang batayang panuntunan dito ay ang sabi ng Propeta (s) kaugnay sa ḥijāmah: "Tumigil-ayuno ang tagapagsagawa ng ḥijāmah at ang pinagsasagawaan ng ḥijāmah."13

Nagsabi si Shaykhul Islām na si Ibnu Taymīyah (kaawaan siya ni Allāh): "Ang sabi hinggil sa ang ḥijāmah ay nagpapatigil-ayuno ay doktrina ng higit na marami sa mga hurista ng ḥadīth gaya nina Aḥmad bin Ḥanbal, Isḥāq bin Rāhawayh, Ibnu Khuzaymah, Ibnu Al-Mundhir, at iba pa sa kanila."14

Hinggil naman sa paglabas ng dugo sa pamamagitan ng hindi venesection ng tagapag-ayuno gaya ng balinguyngoy, dugo ng operasyon, pagbunot ng ngipin, at tulad nito tunay na iyon ay hindi nakaaapekto sa pag-aayuno.

5. Ang Pagsusuka

Ito ay ang pagpapalabas ng nasa bituka na nakain o nainom sa pamamagitan ng pagdaan sa bibig nang sinasadya. Hinggil naman sa kapag nanaig sa kanya ang pagsuka at lumabas ito mula sa kanya nang walang pagpili niya, hindi ito nakaaapekto sa pag-aayuno niya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nangibabaw sa kanya ang pagsuka, walang kailangan sa kanya na pagbabayad-ayuno; at ang sinumang sumuka, magbayad-ayuno siya."15 Ang kahulugan ng "nangibabaw sa kanya" ay nanaig sa kanya.

Ang Ikawalong Paksa

Ang mga Isinakaibig-ibig sa Pag-aayuno

1. Ang saḥūr batay sa ḥadīth ni Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."16

2. Ang pagpapahuli ng pagkain ng saḥūr hanggat hindi natatakot sa pagsapit ng madaling-araw.

3. Ang pagmamadali sa pagtigil-ayuno kapag napatotohanan ang paglubog ng araw. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitigil ang Kalipunan ko sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagpapahuli sila sa pagkain ng saḥūr at nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."17

4. Isinasakaibig-ibig na tumigil-ayuno sa manibalang na datiles; ngunit kung hindi siya nakatagpo nito, sa hinog na datiles; ngunit kung hindi siya nakatagpo nito, sa tubig, batay sa sabi ni Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumitigil-ayuno sa mga manibalang na datiles bago siya magdasal ngunit kung nagkaroon ng mga manibalang na datiles ay sa mga hinog na datiles ngunit kung hindi nagkaroon ay humihigop siya ng mga higop ng tubig.}18

5. Isinakaibig-ibig sa tagapag-ayuno na manalangin sa sandali ng pagtigil-ayuno niya sa anumang naibigan niya. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang tagapag-ayuno sa sandali ng pagtigil-ayuno niya ay may isang panalanging hindi tinatanggihan."19

6. Ang pagpaparami ng mga pagsamba ayon sa mga uri ng mga ito gaya ng pagbabasa ng Qur'ān, pagsambit ng dhikr kay Allāh, pagdarasal sa gabi, pagdarasal ng tarāwīḥ, mga ṣalāh na kusang-loob, pagkakawanggawa, at pagkakaloob sa landas ng kabutihan sapagkat tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis ng mga masagwang gawa.

Ang Ikasiyam na Paksa

Mga Pagtawag-pansin

* Kinakailangan sa tagapag-ayuno ang pag-iwas sa pagsisinungaling, panlilibak, at panlalait. Kung inalipusta siya ng isang tao o nilait siya nito, magsabi siya: "Ako ay nag-aayuno."

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pag-aayuno ay kalasag kaya huwag siyang magpakahalay at huwag siyang magpakamangmang. Kung may taong nakipag-away sa kanya o nakipaglaitan sa kanya, magsabi siya: 'Tunay na ako ay nag-aayuno,' nang dalawang ulit."20

* Kabilang sa sinasaway sa tagapag-ayuno ang pagpapasobra sa pagmumumog at pagsinghot ng tubig dahil baka umabot ang tubig sa kaloob-looban niya.

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpasobra ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."21

* Ang paggamit ng siwāk ay hindi nakaaapekto sa tagapag-ayuno; bagkus ito ay isinasakaibig-ibig at naiibigan para sa tagapag-ayuno at iba pa sa kanya sa simula ng maghapon at katapusan nito ayon tumpak na pahayag.

Ang Ikasampung Paksa

Ang Pagbabayad-ayuno sa Ramaḍān

Ang sinumang tumigil-ayuno sa Ramaḍān dahilan sa isang pinahihintulutang bagay gaya ng mga legal na maidadahilan na nagpapahintulot ng pagtigil-ayuno o dahilan sa isang ipinagbabawal na bagay gaya ng sinumang nagpawalang-saysay ng ayuno niya dahil sa pakikipagtalik o iba pa rito, kinakailangan sa kanya ang pagbabayad-ayuno batay sa sabi ni Allāh:

﴿...فَعِدَّةٞ مِّنۡ أَيَّامٍ أُخَرَ...

{[mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw} (Qur'ān 2:184) Isinasakaibig-ibig sa kanya ang pagdadali-dali sa pagbabayad-ayuno para sa pagpapawalang-kaugnayan sa pagpula sa kanya. Isinasakaibig-ibig na ang pagbabayad-ayuno ay maging nagkakasunuran dahil ang pagbabayad-ayuno ay gumagaya sa pagkakaganap. Pinapayagan sa kanya ang pagpapahuli dahil ang oras nito ay malawak.

Pinapayagan din sa kanya na magbayad-ayuno nito nang magkakahiwalay; subalit kung walang natira mula sa Sha`bān kundi isang bilang ng araw na kailangan sa kanya, tunay na kinakailangan sa kanya ang pagsusunuran ng ayuno ayon sa pagkakabuklod ng kahatulan dahil sa kagahulan ng oras. Hindi pinapayagan ang pagpapahuli nito hanggang sa matapos ng kasunod na Ramaḍān dahil sa wala namang maidadahilan.

* Kaya ang sinumang nagpahuli ng pagbabayad-ayuno matapos kaagad ng kasunod na Ramaḍān, mayroon siyang dalawang sitwasyon:

Na magpapahuli siya dahil sa maidadahilang legal, tulad ng pagpapatuloy sa kanya ng karamdaman hanggang sa isa pang Ramaḍān kaya naman ito ay mangangailangan sa kanya ng pagbabayad-ayuno lamang;

Na magpapahuli siya nito dahil sa hindi maidadahilan kaya naman ito ay mangangailangan sa kanya, kasama ng pagbabayad-ayuno, ng pagpapakain sa dukha, para sa bawat araw [na hindi napag-ayunuhan], ng kalahating ṣā` ng pangunahing pagkain ng bayan.

* Ang ayuno ng pagkukusang-loob ng sinumang may kailangan sa kanya na pagbabayad-ayuno. Ang sinumang naging may kailangan sa kanya na pagbabayad-ayuno ng anumang araw ng Ramaḍān, tunay na ang pinakamainam ay ang pagdadali-dali rito bago ng pag-aayuno ng pagkukusang-loob; subalit kapag ang pag-aayuno ng kusang-loob ay kabilang sa nakaaalpas ang oras nito gaya ng pag-aayuno sa `Arafah at `Āshūrā', mag-aayuno siya nito bago ng pagbabayad-ayuno dahil ang pagbabayad-ayuno ay may oras na malawak. Hinggil naman sa pag-aayuno sa `Āshūrā' at `Arafah, nakaaalpas ito subalit hindi siya mag-aayuno ng anim na ayuno sa Shawwāl malibang matapos ng pagbabayad-ayuno.

Ito ang naging madaling tipunin. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya at pangalagaan nang maraming pangangalaga.

 

 

***

Index

 

Ang Unang Paksa 2

Ang Kahulugan ng Ayuno at ang Pagkakinakailangan ng Pag-aayuno sa Ramaḍān 2

Ang Ikalawang Paksa 4

Ang mga Kainaman ng Buwan ng Ramaḍān 4

Ang Ikatlong Paksa 6

Ang Napagtitibay Dahil Dito ang Pagpasok ng Buwan ng Ramaḍān 6

Ang Ikaapat na Paksa 7

Ang Layunin sa Pag-aayuno 7

Ang Ikalimang Paksa 8

Sa Kanino Kinakailangan ang Pag-aayuno? 8

Ang Ikaanim na Paksa 9

Sino ang may prebilihiyo sa Pagtigil ng Pag-aayuno? 9

Ang Ikapitong Paksa 10

Ang mga Tagasira sa Ayuno 10

Ang Ikawalong Paksa 12

Ang mga Isinakaibig-ibig sa Pag-aayuno 12

Ang Ikasiyam na Paksa 14

Mga Pagtawag-pansin 14

Ang Ikasampung Paksa 15

Ang Pagbabayad-ayuno sa Ramaḍān 15

***

tl419v1.0 - 22/02/2026


(Napagkasunduan ang katumpakan. nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1898 (3/25) at Imām Muslim sa numero 1079 (2/758).)

(Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 2536 (3/131).)

Tingnan ang pagsasadokumentong nauna.

(Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 1753 (1/775).)

(Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 38 (1/16) at Imām Muslim sa numero 760 (1/523).)

(Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa Al-Musnad sa numero 6323 (10/402) at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 2446 (3/102).)

(Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1906 (3/27) at Imām Muslim sa numero 1080 (2/759).)

(Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1907 (3/27) at Imām Muslim sa numero 1081 (2/762).)

(Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 2652 (3/170).)

(Al-Fatāwā Al-Kubrā (2/469).)

(Nagtala nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya sa numero 335 (1/265).)

(Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1937 (3/33) at Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 26217 (43/278).)

(Majmū` Al-Fatāwā (25/252).)

(Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 10463 (16/283) at Imām At-Tirmidhīy sa Al-Jāmi` Al-Kabīr sa numero 720 (2/91).)

(Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1923 (3/29) at Imām Muslim sa numero 1095 (2/770).)

(Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 12507 (35/399).)

(Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 2356 (2/306).)

(Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 1753 (1/775).)

(Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1894 (3/24).)

(Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 2366 (2/308) at Imām At-Tirmidhīy sa Al-Jāmi` Al-Kabīr sa numero 788 (2/147).)

(Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 8 (1/11) at Imām Muslim sa numero 16 (1/34).)