العَقِيدَةُ الصَّحِيْحَةُ وَمَا يُضَادُّهَا
Ang Tumpak na Paniniwala at ang Sumasalungat Dito
لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ
عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ
رَحِمَهُ اللهُ
Akda ni Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Unang Mensahe:
Ang Tumpak na Paniniwala at ang Sumasalungat Dito
Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya, sa mag-anak niya, at mga Kasamahan niya.
Sa pagpapatuloy, sapagkat tunay na yayamang ang Tumpak na Paniniwala ay ang saligan ng Relihiyong Islām at ang pundasyon ng Kapaniwalaan, talaga ngang nakita ko na kabilang sa mahalaga ang pag-uusap tungkol sa paksang ito, ang pagsusulat, at ang pag-aakda sa paglilinaw nito at pagpapaliwanag nito.
Bahagi ng nalalaman sa pamamagitan ng mga patunay na pangkapahayagan mula sa Qur’ān at Sunnah na ang mga ginagawa at ang mga sinasabi ay natutumpak at natatanggap lamang kapag namutawi sa isang tumpak na pinaniniwalaan . Hinggil naman sa kung ang pinaniniwalaan ay hindi tumpak, tunay na nawawalang-saysay ang sumanga-sanga buhat dito na mga ginagawa at mga sinasabi, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿...وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱلۡإِيمَٰنِ فَقَدۡ حَبِطَ عَمَلُهُۥ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ﴾
{... Ang sinumang tumanggi sa pananampalataya ay nawalang-kabuluhan nga ang gawa niya. Siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur’ān 5:5)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَلَقَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ لَئِنۡ أَشۡرَكۡتَ لَيَحۡبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ 65﴾
{Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga bago mo pa na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur’ān 39:65)
Ang mga talata [ng Qur’ān] kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Nagpatunay nga ang Malinaw na Aklat ni Allāh at ang Sunnah ng Sugo Niyang mapagkakatiwalaan (sumakanya mula sa Panginoon niya ang pinakamainam na basbas at pagbati) na ang Tumpak na Paniniwala ay nabubuod sa anim na bagay. Ang mga ito ay ang pananampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, Huling Araw, at sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito. Ang anim na bagay na ito ay ang mga saligan ng tumpak na pinaniniwalaan na ibinaba ng Mahal na Aklat ni Allāh at isinugo dahil sa mga ito ang Sugo Niyang si Muḥammad (sumakanya ang basbas at ang bati ng kapayapaan). Tinatawag ang mga ito na mga Haligi ng Pananampalataya.
Nasaad nga ang mga patunay na nagdadamihan sa anim na saligang ito sa Qur’ān at Tumpak na Sunnah. Kabilang doon bilang halimbawa ang sumusunod
A. Ang mga patunay mula sa Qur’ān, na kabilang sa mga ito ang sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿لَّيۡسَ ٱلۡبِرَّ أَن تُوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ قِبَلَ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَلَٰكِنَّ ٱلۡبِرَّ مَنۡ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ وَٱلۡكِتَٰبِ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ...﴾
{Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa kasulatan, at sa mga propeta; ...}
(Qur’ān 2:177)
Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿ءَامَنَ ٱلرَّسُولُ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مِن رَّبِّهِۦ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَۚ كُلٌّ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ لَا نُفَرِّقُ بَيۡنَ أَحَدٖ مِّن رُّسُلِهِ...﴾
{Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." ...} (Qur’ān 2:285)
Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ ءَامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِي نَزَّلَ عَلَىٰ رَسُولِهِۦ وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِن قَبۡلُۚ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱللَّهِ وَمَلَٰٓئِكَتِهِۦ وَكُتُبِهِۦ وَرُسُلِهِۦ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلَۢا بَعِيدًا 136﴾
{O mga sumampalataya, sumampalataya kayo kay Allāh, sa Sugo Niya, sa Aklat na ibinaba Niya sa Sugo Niya, at sa Kasulatang pinababa Niya bago pa niyan. Ang sinumang tumatangging sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga aklat Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw ay naligaw nga sa isang pagkaligaw na malayo.} (Qur’ān 4:136)
Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ 70﴾
{Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.} (Qur’ān 22:70)
B. Ang mga patunay mula sa Sunnah, na kabilang sa mga ito ang napatanyag na tumpak na ḥadīth na isinalaysay ni Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya mula sa ḥadīth ng pinuno ng mga mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ay nagtanong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pananampalataya saka nagsabi naman siya rito: "Ang pananampalataya ay na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, at sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan nito."1 Ang ḥadīth Nagtala nito ang Dalawang Shaykh, kalakip ng isang kakaunting pagkakaiba, mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya).
Nagsanga-sanga buhat sa anim na saligang ito ang bawat anumang kinakailangan sa Muslim ang paniwala rito at ang pananampalataya rito kaugnay sa karapatan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), kaugnay sa nauukol sa pagkabuhay, at iba pa riyan kabilang sa mga nauukol sa nakalingid, kabilang sa ipinabatid ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).
Ang paglilinaw sa anim na saligan ay gaya ng sumusunod:
Ang Unang Saligan: Ang Pananampalataya kay Allāh (Napakataas Siya)
Ito ay naglalaman ng ilang usapin, na ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: A. Ang pananampalataya na Siya ay ang Diyos na Totoo na karapat-dapat sa pagsamba, bukod sa anumang iba sa Kanya dahil sa pagiging Siya ay ang Tagalikha ng mga tao, ang Tagagawa ng maganda sa kanila, ang Tagapagsagawa ng mga pagtutustos sa kanila, ang Nakaaalam sa lihim nila at hayag nila, at ang Nakakakaya sa paggagantimpala sa tagatalima sa kanila at sa pagpaparusa sa tagasuway sa kanila.
Nilikha nga ni Allāh ang dalawang pangunahing nilalang alang-alang sa pagsambang ito at ipinag-utos Niya ito sa kanila, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَمَا خَلَقۡتُ ٱلۡجِنَّ وَٱلۡإِنسَ إِلَّا لِيَعۡبُدُونِ 56 مَآ أُرِيدُ مِنۡهُم مِّن رِّزۡقٖ وَمَآ أُرِيدُ أَن يُطۡعِمُونِ 57 إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلرَّزَّاقُ ذُو ٱلۡقُوَّةِ ٱلۡمَتِينُ 58﴾
{56. Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.
57. Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin.
58. Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay.} (Qur’ān 51:56-58)
Nagsabi si Allāh:
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱعۡبُدُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ 21 ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ فِرَٰشٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ فَلَا تَجۡعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا وَأَنتُمۡ تَعۡلَمُونَ22﴾
{21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,
22. na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay Allāh ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam.} (Qur’ān 2:21-22)
Nagsugo nga si Allāh ng mga sugo at nagpababa ng mga kasulatan para sa paglilinaw ng katotohanang ito, pag-aanyaya tungo rito, at pagbibigay-babala laban sa sumasalungat dito gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوتَ...﴾
{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur’ān 16:36)
Nagsabi si Allāh:
﴿وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِيٓ إِلَيۡهِ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدُونِ 25﴾
{Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur’ān 21:25)
Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿الر كِتَابٌ أُحْكِمَتْ آيَاتُهُ ثُمَّ فُصِّلَتْ مِنْ لَدُنْ حَكِيمٍ خَبِيرٍ1 أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ إِنَّنِي لَكُمْ مِنْهُ نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ2﴾
{1. Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na hinusto ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid.
2. [Ipinasasabi sa Sugo:] "Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak."} (Qur’ān 11:1-2)
Ang reyalidad ng pagsambang ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa lahat ng ipinansasamba ng mga tao gaya ng du`ā’ (panalangin), khawf (pangamba), rajā’ (paghahangad), ṣalāh (pagdarasal), ṣawm (pag-aayuno), dhabḥ (pagkakatay), nadhr (pamamanata), at iba pa riyan kabilang sa mga uri ng pagsamba ayon sa paraan ng pagpapakumbaba sa Kanya, pagkaibig sa gantimpala Niya, at pangingilabot sa parusa Niya kalakip ng kalubusan ng pag-ibig sa Kanya at pagpapakaaba sa kadakilaan Niya.
Ang sinumang nagbulay-bulay sa Marangal na Qur’ān ay makatatagpo na ang nakararami rito ay ibinaba kaugnay sa dakilang saligang ito, gaya ng sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ فَاعْبُدِ اللَّهَ مُخْلِصًا لَهُ الدِّينَ 2 أَلَا لِلَّهِ الدِّينُ الْخَالِصُ وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ3﴾
{2. Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, ng Aklat kalakip ng katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon.
3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan.” Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [na nag-ugnay ng anak sa Kanya] na palatangging sumampalataya.} (Qur’ān 39:2-3)
Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿وَقَضَىٰ رَبُّكَ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّآ إِيَّاهُ...﴾
{Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya ...} (Qur’ān 17:23)
Ang sabi pa Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿فَٱدۡعُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ14﴾
{Kaya dumalangin kayo kay Allāh habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur’ān 40:14)
Gayundin, ang sinumang nagbulay-bulay sa Pampropetang Sunnah ay makatatagpo sa pagpapahalaga sa malaking saligang ito rin. Kabilang doon ang naisalaysay sa Ṣāḥīḥān ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang karapatan ni Allāh sa mga tao ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman."}2
Napaloloob sa pananampalataya kay Allāh din ang pananampalataya sa lahat ng inobliga Niya sa mga lingkod Niya at isinatungkulin Niya sa kanila kabilang sa hayag na limang haligi ng Islām.
Ang mga ito ay ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili ng ṣalāh, ang pagbibigay ng zakāh, ang pag-aayuno sa Ramaḍān, ang [pagsasagawa ng] ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh ng sinumang nakayang [magkaroon] papunta roon ng isang daan, at ang iba pa riyan na mga tungkulin na inihatid ng Batas na dinalisay.
Ang pinakamahalaga sa mga haliging ito at ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh. Ang pagsaksing ito ay humihiling ng pagpapakawagas sa pagsamba para kay Allāh – tanging sa Kanya – at ng pagkakaila nito sa anumang iba sa Kanya. Ito ay ang kahulugan ng [pariralang] walang Diyos kundi si Allāh sapagkat ang kahulugan nito – gaya ng sinabi ng mga maalam (kaawaan sila ni Allāh) – ay walang sinasamba ayon sa karapatan (o katotohanan) kundi si Allāh. Batay riyan, tunay na ang bawat anumang sinamba bukod pa kay Allāh gaya ng tao o anghel o jinn o iba pa riyan ay sinasamba sa kabulaanan. Ang sinasamba ayon sa karapatan (o katotohanan) ay si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ هُوَ ٱلۡبَٰطِلُ...﴾
{Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan,} (Qur’ān 22:62)
Nauna na ang paglilinaw na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay lumikha ng dalawang mahalagang nilalang dahil sa orihinal na saligang ito, nag-utos sa kanila nito, nagsugo dahil dito ng mga sugo Niya, at nagpababa dahil dito ng mga kasulatan Niya. Kaya kailangan sa tao na magbulay-bulay niyon nang maigi at magmuni-muni niyon nang madalas upang lumiwanag sa kanya ang kinasadlakan ng higit na marami sa mga Muslim na mabigat na pagkamangmang sa orihinal na saligan ito hanggang sa sumamba sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya at nagbaling sila ng dalisay na karapatan Niya sa iba sa Kanya. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan!
Bahagi ng pananampalataya kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ang pananampalataya na Siya ay ang Tagalikha ng nilalang, ang Tagapangasiwa ng mga pumapatungkol sa kanila, at ang Tagapatnugot sa kanila sa pamamagitan ng kaalaman Niya at kakayahan Niya kung paanong niloloob Niya (kaluwalhatian sa Kanya); na Siya ay ang Tagapagmay-ari ng Mundo at Kabilang-buhay at ang Panginoon ng mga nilalang sa kalahatan: walang Tagalikhang iba pa sa Kanya at walang Panginoong iba sa Kanya; na Siya ay nagsugo ng mga sugo at nagpababa ng mga kasulatan para sa pagsasaayos sa mga tao at pag-aanyaya sa kanila tungo sa may dulot ng kaligtasan nila at kaayusan nila sa madalian at matagalan; na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay walang katambal sa lahat ng iyon. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ 62﴾
na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay walang katambal sa lahat ng iyon. Nagsabi Siya (napakataas Siya): (Qur’ān 39:62)
Nagsabi si Allāh:
﴿إِنَّ رَبَّكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ يُغۡشِي ٱلَّيۡلَ ٱلنَّهَارَ يَطۡلُبُهُۥ حَثِيثٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ وَٱلنُّجُومَ مُسَخَّرَٰتِۭ بِأَمۡرِهِۦٓۗ أَلَا لَهُ ٱلۡخَلۡقُ وَٱلۡأَمۡرُۗ تَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ54﴾
{Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.} (Qur’ān 7:54)
Bahagi ng pananampalataya kay Allāh din ang pananampalataya sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas sa Mahal na Aklat Niya at napagtibay buhat sa Mapagkakatiwalaang Sugo Niya nang walang taḥrīf (paglilihis ng kahulugan), walang ta`tīl (pagsira ng kahulugan nito), walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), at walang tamthīl (paghahalintulad ng kahulugan).
﴿...لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ﴾
{Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur’ān 42:11)
Kaya kinakailangan na tanggapin kung paanong nasaad nang walang [pagtatanong kung] papaano kasama ng pananampalataya sa ipinahiwatig nito na mga dakilang kahulugan, na siyang mga paglalarawan para kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at kinakailangan ang maglarawan sa Kanya (napakataas Siya) sa pamamagitan ng mga ito sa paraang naaangkop sa Kanya nang walang pakikipagwangis sa nilikha Niya sa anuman sa mga katangian Niya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿فَلَا تَضۡرِبُواْ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡثَالَۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ74﴾
{Kaya huwag kayong maglahad para kay Allāh ng mga paghahalintulad. Tunay na si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam.} (Qur’ān 16:74)
Ito ay ang paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah at Jamā`ah (Bukluran) kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at mga tagasunod nila sa paggawa ng mabuti kaugnay sa mga pangalan ni Allāh at mga katangian Niya. Ang mga ito ay ang ipinaabot ni Imām Abulḥasan Al-Ash`arīy (kaawaan siya ni Allāh) sa aklat na Al-Maqālāt `An Aṣḥāb Al-Ḥadīth wa Ahl As-Sunnah (Ang mga Sinabi Tungkol sa mga Kasamahan ng Ḥadīth at mga Alagad ng Sunnah). Nagpaabot ng mga ito ang iba pa sa kanya kabilang sa mga alagad ng kaalaman at pananampalataya.
Nagsabi si Al-Awzā`īy (kaawaan siya ni Allāh): Tinanong sina Az-Zuhrīy at Makḥūl tungkol sa mga talata ng mga katangian [ni Allāh] kaya nagsabi silang dalawa: "Tanggapin ninyo ang mga ito kung paanong nasaad ang mga ito."3
Nagsabi si Al-Awzā`īy rin (kaawaan siya ni Allāh): Kami noon at ang mga tagasunod ay marami, na nagsasabi: "Tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nasa trono Niya. Sumasampalataya kami sa anumang nasaad sa Sunnah tungkol sa mga katangian [ni Allāh]."4
Nagsabi si Al-Walīd bin Muslim (kaawaan siya ni Allāh): Tinanong sina Mālik, Al-Awzā`īy, Al-Layth bin Sa`d, at Sufyān Ath-Thawrīy (kaawaan sila ni Allāh) tungkol sa mga pabatid na nasasaad kaugnay sa mga katangian [ni Allāh] kaya nagsabi sila sa kalahatan: "Tanggapin ninyo ang mga ito kung paanong nasaad nang walang [pagtatanong kung] papaano."5
Noong tinanong si Rabī`ah bin Abī `Abdirraḥmān, ang Shaykh ni Mālik (ang awa ni Allāh ay sumakanila), tungkol sa istiwā’ (pagluklok ni Allāh sa trono), nagsabi siya: "Ang pagluklok ay hindi nakalingid [ang kahulugan] at ang [tanong kung] papaano ay hindi naiisip. Mula kay Allāh ang mensahe, tungkulin ng Sugo ang pagpapaabot na malinaw at kailangan sa atin ang paniniwala."6 Noong tinanong si Imām Mālik (kaawaan siya ni Allāh) tungkol doon, nagsabi siya: "Ang pagluklok [ni Allāh sa trono] ay nalalaman, ang [tanong kung] papaano ay nakalingid [ang kaalaman], ang pananampalataya rito ay kinakailangan, at ang pagtatanong tungkol dito ay bid`ah." Pagkatapos nagsabi siya sa tagapagtanong: "Wala akong nakikita sa iyo kundi isang lalaki ng kasagwaan." Nag-utos siya na paalisin ito kaya pinalabas ito.7 Naisalaysay nga ang kahulugang ito rin ayon sa ina ng mga mananampalataya na si Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya).8
Nagsasabi si Imām Abū `Abdirraḥmān bin Al-Mubārak (kaawaan siya ni Allāh): "Nakaaalam tayo sa Panginoon natin (kaluwalhatian sa Kanya) na Siya ay nasa ibabaw ng mga langit Niya sa trono Niya, na nakahiwalay mula sa nilikha Niya."9
Ang pananalita ng mga imām kaugnay sa paksang ito ay lubhang marami, na hindi maaaring masipi sa panayam na ito. Ang sinumang nagnais ng kabatiran sa marami roon ay sumangguni sa isinulat ng mga maalam sa Sunnah kaugnay sa paksang ito tulad ng aklat na "As-Sunnah" ni `Abdullāh bin Al-Imām Aḥmad; ng aklat na "At-Tawḥīd" ng kapita-pitagang Imām Muḥammad bin Khuzaymah; ng aklat na "As-Sunnah" ni Abūlqāsim Al-Lālakā’īy Aṭ-Ṭabarīy; ng aklat na "As-Sunnah" ni Abū Bakr bin Abī `Āṣim; at ng sagot ni Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah sa mga mamamayan ng Ḥamāh, na isang dakilang sagot na marami ang katuturan, na ipinaliwanag niya rito (kaawaan siya ni Allāh) ang paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah at sinipi niya rito ang marami sa pananalita nila at ang mga patunay na pambatas at pangkaisipan sa katumpakan ng pinaniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at kabulaanan ng pinaniwalaan ng mga kahidwaan nila.
Gayundin ang mensahe niyang tinagurian sa [tawag na `Aqīdah] Tudmurīyah. Tinalakay nga niya rito ang usapin at nilinaw nga niya rito ang pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah sa pamamagitan ng mga patunay na ipinaabot (panteksto) at pangkaisipan at ang pagtugon sa mga tagasalungat sa naghahayag ng totoo. Napabubulaanan ang kabulaanan para sa bawat sinumang tumingin doon kabilang sa mga alagad ng kaalaman nang may maayos na pakay at pagkaibig sa pag-alam sa totoo. Buod: Ang pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at Pagkakabuklod sa paksa ng mga pangalan at mga katangian ay na sila ay nagpatibay para kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ng pinagtibay Niya para sa sarili Niya sa Aklat Niya o pinagtibay para sa Kanya ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa Sunnah nito nang pagpapatibay na walang paghahalintulad. Nagpawalang-kinalaman sila sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa pakikipagwangis sa nilikha Niya nang pagpapawalang-kinalamang walang-kaugnayan sa ta`ṭīl kaya nagtamo sila ng kaligtasan sa pagkakasalungatan. Gumawa sila ayon sa mga patunay sa kabuuan ng mga ito dala ng pagtutuon mula kay Allāh dahil bahagi ng kalakaran ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa sinumang kumapit sa katotohanan na nagpadala Siya kalakip niyon ng mga sugo Niya at nag-ukol naman ito doon ng naaabot nito at nagpakawagas ito para sa Kanya sa paghahanap niyon na magtuon Siya rito sa katotohanan at maglantad Siya ng katwiran Niya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿بَلۡ نَقۡذِفُ بِٱلۡحَقِّ عَلَى ٱلۡبَٰطِلِ فَيَدۡمَغُهُۥ فَإِذَا هُوَ زَاهِقٞ...﴾
{Bagkus nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan kaya dumudurog ito niyon saka biglaang iyon ay pumaparam.} (Qur’ān 21:18)
Nagsabi si Allāh:
﴿وَلَا يَأۡتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَأَحۡسَنَ تَفۡسِيرًا33﴾
{Hindi sila nagdadala sa iyo ng isang paghahalintulad malibang naghatid Kami sa iyo ng katotohanan at isang higit na maganda sa pagpapaliwanag.} (Qur’ān 25:33)
Ang sinumang sumalungat sa mga Alagad ng Sunnah kaugnay sa pinaniwalaan nila sa paksa ng mga pangalan at mga katangian [ni Allāh], tunay na siya ay nasasadlak – at walang pagkaiwas sa pakikipagsalungatan sa mga patunay na ipinaabot at pinag-isipan – sa maliwanag na pagsasalungatan sa bawat anumang pinagtitibay niya at ikinakaila niya. Bumanggit nga si Al-Ḥāfiḍ̆ Ibnu Kathīr (kaawaan siya ni Allāh) sa napatanyag na pagpapakahulugan niya ng isang magandang pananalita kaugnay sa paksang ito. Iyon ay sa sandali ng pagsasalita niya sa sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿إِنَّ رَبَّكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ...﴾
{Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono.}
(Qur’ān 7:54)
Minamagaling ang pagpapaabot nito rito dahil sa kasukdulan ng benepisyo nito sapagkat nagsabi siya (kaawaan siya ni Allāh) ng hinggil dito:
"Ang mga tao kaugnay sa usaping ito ay may lubhang maraming sinasabi na hindi ito ang lugar ng paglalahad ng mga iyon. Tatahak lamang tayo sa usaping ito ayon sa doktrina ng Maayos na Kanunuan na sina Mālik, Al-Awzā`īy, Ath-Thawrīy, Al-Layth bin Sa`d, Ash-Shāfi`īy, Aḥmad, Isḥāq bin Rāhawayhi, at iba pa sa kanila kabilang sa mga imām ng mga Muslim sa matanda at makabagong panahon. Ito ay ang patanggap sa mga ito kung paanong nasaad nang walang takyīf (pagdedetalye ng kahulugan), walang tashbīh (pagwawangis ng kahulugan), at walang ta`ṭīl (pagsira ng kahulugan). Ang hayag na sumasagi sa mga isipan ng mga tagapagwangis ay ikinakaila kay Allāh sapagkat tunay na si Allāh ay hindi nakawawangis ng anuman kabilang sa nilikha Niya.
﴿...لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ﴾
{Walang katulad sa Kanya na anuman, at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.} (Qur’ān 42:11) Bagkus ang usapin ay gaya ng sinabi ng mga imām. Kabilang sa kanila si Nu`aym bin Ḥammād al-Khuzā`īy, ang Shaykh ni Imām Al-Bukhārīy, na nagsabi: 'Ang sinumang nagwangis kay Allāh sa nilikha Niya ay tumangging sumampalataya. Ang sinumang nagkaila ng anumang ipinanlarawan ni Allāh sa sarili Niya ay tumanggi ngang sumampalataya.10 Sa anumang ipinanlarawan ni Allāh sa sarili Niya ni ng Sugo Niya ay walang pagwawangis. Kaya ang sinumang nagpatibay para kay Allāh (napakataas Siya) mula sa anumang nasaad sa mga tahas na talata at mga tumpak na pabatid sa paraang naaangkop sa kapitaganan kay Allāh at nagkaila para kay Allāh ng mga kakulangan ay tumahak nga sa landas ng patnubay.'"11 Nagwakas ang pananalita ni Ibnu Kathīr (kaawaan siya ni Allāh).
Napaloloob sa pananampalataya kay Allāh, gayundin, ang paniniwala na ang pananampalataya ay pagsabi at paggawa, na nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway; na hindi pinapayagan ang takfīr (pagtuturing ng kawalang-pananampalataya) sa isa sa mga Muslim dahil sa [pagkagawa ng] anumang kabilang sa mga pagsuway na mababa sa Shirk at kawalang-pananampalataya, gaya ng pangangalunya, pagnanakaw, pakikinabang sa patubo, pag-inom ng mga pampalasing, kasuwailan sa mga magulang, at iba pa riyan kabilang sa malalaking kasalanan, hanggat hindi nagtuturing na ipinahihintulot iyon, batay sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya)
﴿إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُ...﴾
{Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya.} (Qur’ān 4:48) at yayamang napagtibay sa mga ḥadīth na mutawātir (nagkakasunud-sunuran sa salaysay) buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na kabilang sa mga ito ang sabi Niya: "Tunay na si Allāh ay magpapalabas mula sa Impiyerno ng sinumang sa puso nito ay may kasimbigat ng buto ng mustasa na pananampalataya."12
Ang Ikalawang Saligan: Ang Paniniwala sa mga Anghel
Ito ay naglalaman ng dalawang usapin: Ang Unang Usapin. Ang paniniwala sa mga angel sa pagbubuod. Iyon ay na maniwala tayo na si Allāh ay may mga anghel na nilikha Niya para sa pagtalima sa Kanya. Naglarawan Siya sa kanila na sila ay:
﴿وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۚ بَلۡ عِبَادٞ مُّكۡرَمُونَ 26 لَا يَسۡبِقُونَهُۥ بِٱلۡقَوۡلِ وَهُم بِأَمۡرِهِۦ يَعۡمَلُونَ27 يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يَشۡفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ٱرۡتَضَىٰ وَهُم مِّنۡ خَشۡيَتِهِۦ مُشۡفِقُونَ28﴾
Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak." Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus mga lingkod na pinarangalan [sila].
{27. Hindi sila nangunguna sa Kanya sa pagsabi samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa.
28. Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.} (Qur’ān 21:26-28)
Sila ay maraming klase, na kabilang sa kanila ang mga itinalaga sa pagpasan ng Trono [ni Allāh], kabilang sa kanila ang mga tagabantay ng Paraiso at Impiyerno, at kabilang sa kanila ang mga itinalaga sa pag-iingat sa mga gawa ng tao. Ang Ikalawang Usapin. Ang paniniwala sa mga Anghel sa paraang padetalye. Iyon ay sa pamamagitan ng paniniwala natin sa sinumang pinangalanan ni Allāh at ng Sugo Niya kabilang sa kanila gaya nina Jibrīl (Gabriel) na itinalaga sa pagkakasi, Mīka’īl (Miguel) na itinalaga sa pagpapaulan, Mālik na tagatanod ng Impiyerno, at Isrāfīl na itinalaga sa pag-ihip ng tambuli. Nasaad din ang pagbanggit sa kanila sa mga tumpak na ḥadīth, na kabilang sa mga ito ang napagtibay sa Ṣaḥīḥ ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nilikha ang mga anghel mula sa liwanag, nilikha ang mga jinn mula sa liyab ng apoy, at nilikha si Adan mula sa inilarawan sa inyo."}13 Nagsadokumento nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya.
Ang Ikatlong Saligan. Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan. Ito ay naglalaman din ng dalawang usapin:
ِAng Unang Usapin. Ang pananampalataya sa mga kasulatan ayon sa pagbubuod. Iyon ay dahil si Allāh ay nagpababa ng mga kasulatan sa mga propeta Niya at mga sugo Niya para sa paglilinaw ng karapatan Niya at pag-aanyaya tungo sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَنزَلۡنَا مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمِيزَانَ لِيَقُومَ ٱلنَّاسُ بِٱلۡقِسۡطِ...﴾
{Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ng mga malinaw na patunay at nagpababa Kami kasama sa kanila ng kasulatan at timbangan upang magpanatili ang mga tao ng pagkamakatarungan.} (Qur’ān 57:25) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿كَانَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ فَبَعَثَ ٱللَّهُ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ وَأَنزَلَ مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ فِيمَا ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ...﴾
{Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa, saka [nagkaiba-iba sila kaya] nagpadala si Allāh ng mga propeta bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Nagpababa Siya kasama sa kanila ng kasulatan kalakip ng katotohanan upang humatol sa pagitan ng mga tao sa anumang nagkaiba-iba sila hinggil doon.} (Qur’ān 2:213)
Ang Ikalawang Usapin. Ang pananampalataya sa mga kasulatan sa paraang padetalye. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsampalataya natin sa anumang pinangalanan ni Allāh mula sa mga ito gaya ng Tawrāh (Torah), Injīl (Ebanghelyo), Zabūr (Salmo), at Qur’ān. Naniniwala tayo na ang Qur’ān ay ang pinakamainam sa mga ito, ang pangwakas sa mga ito, ang tagapangibabaw sa mga ito, at ang tagapagpatotoo para sa mga ito. Ito ay ang kinakailangan sa buong Kalipunan na sundin at ipahatol kasama ng natumpak na sunnah ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nagpadala sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) bilang sugo sa lahat ng mga tao at mga jinn, nagpababa sa kanya ng Qur’ān na ito upang humatol sa pamamagitan nito sa gitna nilal, at gumawa rito bilang pagpapagaling sa [sakit na] nasa mga dibdib, bilang paglilinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, at bilang awa para sa mga mananampalataya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَهَٰذَا كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ مُبَارَكٞ فَٱتَّبِعُوهُ وَٱتَّقُواْ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ155﴾
{Ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala, nang sa gayon kayo ay kaaawaan,} (Qur’ān 6:155) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿...وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ تِبۡيَٰنٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ﴾
{Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim.} (Qur’ān 16:89) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡ جَمِيعًا ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِ ٱلنَّبِيِّ ٱلۡأُمِّيِّ ٱلَّذِي يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَكَلِمَٰتِهِۦ وَٱتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ158﴾
{Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo *nang lahatan, na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."} (Qur’ān 7:158) Ang mga talata [ng Qur’ān] kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Ang Ikaapat na Saligan. Ang Pananampalataya sa mga Sugo
Ito ay naglalaman gayundin ng dalawang usapin: Ang Unang Usapin. Ang pananampalataya sa mga sugo ayon sa pagbubuod. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsampalataya natin na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nagsugo sa mga lingkod Niya ng mga sugong kabilang sa kanila bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak, mga tagapagbabala, at mga tagapag-anyaya tungo sa katotohanan. Kaya ang sinumang tumugon sa kanila ay magtatamo ng kaligayahan at ang sinumang sumalungat sa kanila ay magigindapat sa kabiguan at pagsisisi. Ang pangwakas sa kanila at ang pinakamainam sa kanila ay ang Propeta nating si Muḥammad bin `Abdullāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), gaya ng sinabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوتَ...﴾
{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur’ān 16:36) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿رُّسُلٗا مُّبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَى ٱللَّهِ حُجَّةُۢ بَعۡدَ ٱلرُّسُلِ...﴾
{[Nagsugo Kami ng] mga sugo bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala upang hindi magkaroon ang mga tao laban kay Allāh ng isang katwiran matapos ng [pagsusugo sa] mga sugo.} (Qur’ān 4:165) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿مَّا كَانَ مُحَمَّدٌ أَبَآ أَحَدٖ مِّن رِّجَالِكُمۡ وَلَٰكِن رَّسُولَ ٱللَّهِ وَخَاتَمَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ...﴾
{Si Muḥammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni Allāh at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.} (Qur’ān 33:40)
Ang Ikalawang Usapin. Ang pananampalataya sa mga sugo sa paraang padetalye. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsampalataya natin sa paraang pagdedetalye at pagtukoy sa sinumang pinangalanan ni Allāh mula sa kanila o pinagtibay ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pagpapangalan doon gaya nina Noe, Hūd, Ṣāliḥ, Abraham, at iba pa sa kanila — basbasan ni Allāh at pangalagaan sila, ang mga mag-anak nila, at ang mga tagasunod nila.
Ang Ikalimang Saligan. Ang Pananampalataya sa Huling Araw
Ito ay naglalaman ng:
Pananampalataya sa bawat ipinabatid ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mangyayari matapos ng kamatayan gaya ng pagsubok sa libingan, pagdurusa roon, at kaginhawahan doon; at mangyayari sa Araw ng Pagbangon gaya ng mga hilakbot, mga kasawiang-palad, [pagtawid sa] ṣirāt (landasin), pagtitimbang [ng mga gawa], pagtutuos, pagganti, at pagbubuklat ng mga kalatas [ng mga gawa] sa gitna ng mga tao kaya may kukuha ng talaan niya sa pamamagitan ng kanang kamay niya at may kukuha ng talaan niya sa pamamagitan ng kaliwang kamay niya o nang patalikod sa likod niya.
Napaloloob din doon ang pananampalataya sa ḥawḍ (lawa) na inuman ng Propeta nating si Muḥammad at ang pananampalataya sa Paraiso at Impiyerno, pagkakita ng mga mananampalataya sa Panginoon nila (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), pakikipag-usap Niya sa kanila, at iba pa riyan kabilang sa nasaad sa Marangal na Qur’ān at Tumpak na Sunnah ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kinakailangan sa tao ang pananampalataya roon sa kabuuan niyon at ang paniniwala roon sa paraang nilinaw ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang Ikaanim na Saligan. Ang Pananampalataya sa Pagtatakda
Naglalaman ang pananampalataya rito ng apat na sangkap:
Ang Unang Usapin. Ang pananampalataya na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nakaalam na ng anumang nangyari at anumang mangyayari at nakaalam ng mga kalagayan ng mga lingkod Niya, mga panustos sa kanila, mga taning nila, mga gawa nila, at iba pa riyan kabilang sa mga pumapatungkol sa kanila: walang nakakukubli sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na anuman mula roon, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿...وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ﴾
{at alamin ninyo na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.} (Qur’ān 2:231) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿...لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عِلۡمَۢا﴾
{upang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si Allāh ay pumaligid nga sa bawat bagay sa kaalaman.} (Qur’ān 65:12)
Ang Ikalawang Usapin. Ang pananampalataya na si Allāh ay sumulat na ng bawat itinakda Niya at itinadhana Niya, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿قَدۡ عَلِمۡنَا مَا تَنقُصُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۡهُمۡۖ وَعِندَنَا كِتَٰبٌ حَفِيظُۢ 4﴾
{Nakaalam nga Kami sa anumang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. Sa piling Namin ay may isang talaang mapag-ingat.} (Qur’ān 50:4) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿...وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ فِيٓ إِمَامٖ مُّبِينٖ﴾
{Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw.} (Qur’ān 36:12) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿أَلَمۡ تَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ذَٰلِكَ فِي كِتَٰبٍۚ إِنَّ ذَٰلِكَ عَلَى ٱللَّهِ يَسِيرٞ70﴾
{Hindi ka ba nakaalam na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa langit at lupa. Tunay na iyon ay nasa isang aklat. Tunay na iyon kay Allāh ay madali.} (Qur’ān 22:70)
Ang Ikatlong Usapin: Ang pananampalataya sa kalooban Niyang natutupad sapagkat ang anumang niloob Niya ay mangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi mangyayari, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿...إِنَّ ٱللَّهَ يَفۡعَلُ مَا يَشَآءُ﴾
{Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya.} (Qur’ān 22:18) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
﴿إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ82﴾
{Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi rito: "Mangyari," saka mangyayari ito.} (Qur’ān 36:82) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ29﴾
{at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.}
(Qur’ān 81:29)
Ang Ikaapat na Usapin: Ang pananampalataya sa paglikha ni Allāh (napakataas Siya) ng lahat ng mga umiiral sapagkat walang tagalikha na iba pa sa Kanya at walang panginoon na iba sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿ٱللَّهُ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٞ62﴾
Si Allāh ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan. (Qur’ān 39:62) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡۚ هَلۡ مِنۡ خَٰلِقٍ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ3﴾
{O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay Allāh, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?} (Qur’ān 35:3)
Kaya ang pananampalataya sa pagtatakda ay sumasaklaw sa apat na usaping ito sa kabuuan ng mga ito gaya ng siyang pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah at Bukluran, na kasalungatan sa sinumang nagkaila sa ilan doon kabilang sa mga kampon ng mga bid`ah.
Kabilang sa mga mahalagang usapin sa tumpak na paniniwala na pinaniniwalaan ng mga Alagad ng Sunnah ang pag-ibig alang-alang kay Allāh, ang pagkamuhi alang-alang kay Allāh, ang pakikipagtangkilikan alang-alang kay Allāh, at ang pakikipag-away alang-alang kay Allāh. Ito ay ang paniniwala sa walā’ (pakikipagtangkilik) at barā’ (pakikipagwalang-kaugnayan). Ito ay bahagi ng pananampalataya kay Allāh (napakataas Siya).
Kaya naman ang mananampalataya ay umiibig sa mga mananampalataya at nakikipagtangkilikan sa kanila, at nasusuklam sa mga tagatangging sumampalataya at nakikipag-awayan sa kanila. Nasa pangunguna sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunang ito ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng siyang napagtibay sa ganang mga Alagad ng Sunnah at Bukluran sapagkat ang mga ito ay umiibig sa kanila, nakikipagtangkilikan sa kanila, at naniniwala na sila ay ang pinakamabuti sa mga tao matapos ng mga propeta batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Ang pinakamabuti sa mga henerasyon ay ang henerasyon ko, pagkatapos ang mga susunod sa kanila, pagkatapos ang mga susunod sa mga ito."}14 Napagkasunduan sa katumpakan nito.
Naniniwala sila na ang pinakamainam sa mga ito ay si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, pagkatapos si `Umar Al-Fārūq, pagkatapos si `Uthmān Dhunnūrayn, pagkatapos si `Alīy Al-Murtaḍā – malugod si Allāh sa kanilang lahat. Matapos ng mga ito ang natitira sa sampung [Kasamahang binalitaan ng pagpasok sa Paraiso], pagkatapos ang natitira sa mga Kasamahan – malugod si Allāh sa kanilang lahat. Nagpipigil sila [sa pagpuna] sa anumang napagtalunan sa pagitan ng mga Kasamahan at naniniwala sila na ang mga ito kaugnay roon ay mga nagsisikap [sa pagtalos ng tama], na ang sinumang tumama ay may dalawang pabuya at ang sinumang nagkamali ay may isang pabuya.
Umiibig sila sa mag-anak ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mga mananampalataya sa kanya, at tumatangkilik sila sa mga ito. Tumatangkilik sila sa mga maybahay ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mga ina ng mga mananampalataya, at dumadalangin sila ng pagkalugod sa mga ito sa kalahatan. Nagpapakawalang-kaugnayan sila sa pamamaraan ng Rawāfiḍ na nasusuklam sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nang-aalipusta sa mga ito, at nagpapakalabis-labis sa pagpipitagan sa mag-anak [ng Sugo] at nag-aangat sa mga ito higit sa kalagayan ng mga ito na pinaglagyan sa mga ito ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagpapakawalang-kaugnayan din sila sa pamamaraan ng Nawāṣib na namemerhuwisyo sa mag-anak [ng Sugo] sa sabi o gawa.
Ang nabanggit nating ito sa kabuuan nito ay napaloloob sa tumpak na pinaniniwalaan na ipinadala ni Allāh dahil dito ang Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan). Ito ay ang paniniwalang kinakailangang paniwalaan, kapitan, panatilihan, at ingatan laban sa nakikisalungatan dito. Ito ay ang paniniwala ng maliligtas na pangkat, ang mga Alagad ng Sunnah at Bukluran, na nagsabi kaugnay rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi matitigil ang isang pangkatin kabilang sa Kalipunan ko na mga nananaig dahil sa katotohanan, na hindi nakapipinsala sa kanila ang sinumang nagkanulo sa kanila hanggang sa dumating ang utos ni Allāh habang sila ay gayon."15 Sa isang salaysay: "Hindi matitigil ang isang pangkatin kabilang sa Kalipunan ko sa pagiging nasa katotohanan, na inaadya."16 Nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): {"Nagkahati-hati ang mga Hudyo sa pitumpu't isang pangkatin. Nagkahati-hati ang mga Kristiyano sa pitumpu't dalawang pangkatin. Magkakahati-hati ang Kalipunang ito sa pitumpu't tatlong pangkatin, na ang kabuuan ng mga ito ay [mapupunta] sa Apoy maliban sa iisa." Nagsabi kami: "Sino po sila, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang batay sa tulad ng anumang ako ay batay roon at ang mga Kasamahan ko."}17
Ang mga Paniniwalang Tagakontra sa Tumpak na Pinaniniwalaan
Ang mga nalilihis palayo sa paniniwalang ito at ang mga tumatahak sa laban dito ay maraming klase. Kabilang sa kanila ang mga mananamba ng mga anito, mga diyus-diyusan, mga anghel, mga walīy, mga jinn, mga punong-kahoy, mga bato, at iba pa sa mga iyan. Ang mga ito ay hindi tumugon sa paanyaya ng mga sugo; bagkus sumalungat ang mga ito sa kanila at nagmatigas ang mga ito sa kanila, gaya ng ginawa ng liping Quraysh at mga pangkat ng mga Arabe laban sa Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang mga ito ay humihiling sa mga sinasamba ng mga ito na tumugon sa mga pangangailangan, magpagaling ng mga maysakit, at mag-adya laban sa mga kaaway; at nag-aalay para sa kanila at namamanata para sa kanila. Noong nagmasama niyon sa mga ito ang Sugo ni Allāh at nag-utos sa mga ito ng pagpapakawagas sa pagsamba para kay Allāh lamang, nagtaka ang mga ito roon, nagmasama ang mga ito sa kanya, at nagsabi ang mga ito [ayon sa pagkakasipi ng Qur’ān]:
﴿أَجَعَلَ ٱلۡأٓلِهَةَ إِلَٰهٗا وَٰحِدًاۖ إِنَّ هَٰذَا لَشَيۡءٌ عُجَابٞ5﴾
{Gumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka."} (Qur’ān 38:5)
Hindi natitigil na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, nagbababala sa kanila laban sa Shirk, at nagbibigay-linaw sa kanila ng reyalidad ng ipinaaanyaya sa kanila hanggang sa pumatnubay si Allāh mula sa kanila ng sinumang pinatnubayan Niya. Pagkatapos pumasok sila matapos niyon sa Relihiyon ni Allāh nang pulu-pulutong saka nangibabaw ang Relihiyon ni Allāh higit sa nalalabi sa mga relihiyon matapos ng isang tuluy-tuloy na pag-aanyaya at isang mahabang pakikibaka mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila), at mga tagasunod nila sa paggawa ng mabuti. Pagkatapos nag-iba ang mga kalagayan at nanaig ang pagkamangmang sa higit na marami sa mga nilikha kaya nanumbalik ang marami sa relihiyon ng Kamangmangan dahil sa pagpapakalabis-labis sa pagpipitagan sa mga propeta at mga walīy, pagdalangin sa mga ito, pagpapasaklolo sa mga ito, at iba pa riyan na mga uri ng Shirk. Hindi sila nakaalam sa kahulugan ng [paniniwalang] walang Diyos kundi si Allāh kung paanong nakaalam sa kahulugan nito ang mga tagatangging sumampalataya ng mga Arabe. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan!
Hindi natigil ang Shirk na ito sa paglaganap sa mga tao hanggang sa panahon nating ito dahilan sa pananaig ng pagkamangmang at [dahilan] sa layo ng panahong ito sa panahon ng pagkapropeta.
Ang maling akala ng mga nahuli kabilang sa kanila ay ang maling akala ng mga una. Ito ay ang sabi nila:
﴿...هَٰٓؤُلَآءِ شُفَعَٰٓؤُنَا عِندَ ٱللَّهِ...﴾
{"Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh.”} (Qur’ān 10:18) at ang sabi pa nila:
﴿...مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ...﴾
{"Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan."} (Qur’ān 39:3) Nagpawalang-saysay nga si Allāh sa maling akalang ito at naglinaw Siya na ang sinumang sumamba sa iba pa sa Kanya, maging sino man iyon, nagtambal nga iyon sa Kanya at tumangging sumampalataya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):
﴿وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡ وَيَقُولُونَ هَٰٓؤُلَآءِ شُفَعَٰٓؤُنَا عِندَ ٱللَّهِ...﴾
{Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: "Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh."} (Qur’ān 10:18) Kaya tumugon si Allāh sa kanila (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan ng sabi Niya:
﴿قُلۡ أَتُنَبِّـُٔونَ ٱللَّهَ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ18﴾
{Sabihin mo: "Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa? Kaluwalhatian sa Kanya at *napakataas Siya higit* sa anumang itinatambal nila."} (Qur’ān 10:18)
Kaya nilinaw Niya (napakataas Siya) sa talatang ito na ang pagsamba sa iba pa sa Kanya kabilang sa mga propeta at mga walīy o iba pa sa kanila ay ang Malaking Shirk, kahit pa tinawag ito ng mga tagagawa nito ng iba pa riyan. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿...وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ...﴾
{... Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan.” ...} (Qur’ān 42:6) Pagkatapos tumugon si Allāh (napakataas Siya) sa kanila sa pamamagitan ng sabi Niya:
﴿...إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ﴾
{Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [na nag-ugnay ng anak sa Kanya] na palatangging sumampalataya.} (Qur’ān 39:3)
Kaya nagpalinaw Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa pamamagitan niyon na ang pagsamba nila sa iba pa sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, pangamba, pag-aasam, at tulad niyon ay kawalang-pananampalataya sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) at nagpasinungaling sa kanila sa sabi nila na ang mga diyos nila ay nagpapalapit sa kanila sa Kanya sa kadikitan.
Kabilang sa mga paniniwalang pangkawalang-pananampalatayang kumukontra sa tumpak na paniniwala at sumasalungat sa inihatid ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) ay ang pinaniniwalaan ng mga ateista sa panahong ito kabilang sa mga tagasunod nina Karl Marx, Vladimir Lenin, at iba pa sa kanila kabilang sa mga tagapag-anyaya ng ateismo at kawalang-pananampalataya, maging pinangalanan man nila iyon ng Sosyalismo o Komunismo o Ba`thismo o iba pa roon kabilang sa mga pangalan [ng mga ideyolohiya] sapagkat tunay na kabilang sa mga prinsipyo ng mga ateistang ito ay [ang paniniwalang] walang Diyos at ang buhay ay materyal.
Kabilang sa mga prinsipyo nila ay ang pagkakaila sa muling pagkabuhay, ang pagkakaila sa Paraiso at Impiyerno, at ang kawalang-pananampalataya sa mga relihiyon sa kabuuan ng mga ito. Ang sinumang tumingin sa mga aklat nila at nag-aral ng lagay nila ay makaaalam niyon nang tiyakan. Walang duda na ang paniniwalang ito ay tagakontra sa lahat ng mga relihiyong makalangit at tagapagpahantong sa mga alagad nito sa pinakamasagwa sa mga kahihinatnan sa Mundo at Kabilang-buhay.
Kabilang sa mga paniniwalang tagakontra sa totoo ang pinaniniwalaan ng ilan sa mga Ṣūfīy na ang ilan sa tinatawag nila bilang mga walīy ay nakikitambal kay Allāh sa pangangasiwa at namamatnugot sa mga pumapatungkol sa Daigdig. Tinatawag nila ang mga ito na mga quṭb (suhay), mga watd (tulos), mga ghawth (saklolo), at iba pa riyan na mga pantawag na inimbento nila para sa mga diyos nila. Ito ay Shirk sa Pagkapanginoon. Ito ay kabilang sa pinakapangit sa mga uri ng Shirk kay Allāh (napakataas Siya).
Ang sinumang nagbulay-bulay sa Shirk ng mga nauna kabilang sa mga kampon ng Kamangmangan at naghambing nito sa Shirk na lumaganap sa gitna ng mga nahuli, makatatagpo siya na ang Shirk ng mga nahuli ay higit na mabigat at higit na sukdulan. Ang paglilinaw niyan ay gaya ng sumusunod: Na ang mga tagatangging sumampalataya ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan ay namukod nga sa dalawang usapin: Ang Unang Usapin: Na sila ay hindi nangyaring nagtatambal sa Pagkapanginoon. Ang pagtatambal lamang nila ay sa Pagsamba sapagkat sila noon ay kumikilala sa Pagkapanginoon ukol kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – tanging sa Kanya – gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):
﴿وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُ...﴾
{Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh.} (Qur’ān 43:87) Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
﴿قُلۡ مَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أَمَّن يَمۡلِكُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَمَن يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَيُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّ وَمَن يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَۚ فَسَيَقُولُونَ ٱللَّهُۚ فَقُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ31﴾
{Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"} (Qur’ān 10:31) Ang mga talata [ng Qur’ān] kaugnay sa kahulugang ito ay lubhang marami.
Ang Ikalawang Usapin: Na ang Shirk nila sa Pagsamba ay hindi nangyaring palagian. Nangyayari lamang ito noon sa kalagayan ng kariwasaan samantalang sa kalagayan naman ng kagipitan, tunay na sila ay nagpapakawagas para kay Allāh sa pagsamba, gaya ng sinabi ni Allāh (napakataas Siya):
﴿فَإِذَا رَكِبُواْ فِي ٱلۡفُلۡكِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ إِذَا هُمۡ يُشۡرِكُونَ65﴾
{Kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]} (Qur’ān 29:65)
Hinggil naman sa mga tagapagtambal na mga nahuli, tunay na sila ay nagdagdag sa mga nauna sa dalawang punto: Ang Unang Punto: Ang Shirk ng ilan sa kanila ay sa Pagkapanginoon. Ang Ikalawang Punto: Ang Shirk nila ay sa [sandali ng] kariwasaan at kagipitan, gaya ng pagkakaalam niyon ng sinumang nakihalo sa kanila, nagsiyasat sa mga kalagayan nila, at nakakita sa ginagawa nila sa tabi ng libingan ni Al-Ḥusayn, ni Al-Badawīy, at ng iba pa sa dalawang ito sa Ehipto; sa tabi ng libingan ni Al-`Aydarūs sa Aden, ni Al-Hādī sa Yemen, ni Ibnu `Arabīy sa Sirya, at ni Shaykh `Abdulqādir Al-Jilānīy sa Iraq; at sa iba pa sa mga ito na mga napatanyag na libingan na nagpakalabis sa pagpipitagan sa mga ito at ang mga madlang-tao at nagtuon sa mga ito ng marami sa karapatan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nangaunti ang nagmamasama sa kanila niyon at naglilinaw sa kanila ng katotohanan ng Tawḥīd, na nagpadala si Allāh dahil dito ng Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ng bago pa niya na mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) noong bago pa niya. Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay sa Kanya mga magbabalik.
Kabilang sa mga paniniwalang tagakontra sa tumpak na pinaniniwalaan sa paksa ng mga pangalan at mga katangian [ni Allāh] ang mga paniniwala ng mga kampon ng mga bid`ah kabilang sa Jahmīyah, Mu`tazilah, at sinumang tumahak sa landas nila sa pagkakaila sa mga katangian ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pag-aalis sa kahulugan ng binanggit para sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na mga katangian ng kalubusan at paglalarawan sa Kanya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa katangian ng mga di-umiiral, mga walang-buhay, at mga imposible. Napakataas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki!
Napaloloob doon ang sinumang nagkaila sa ilan sa mga katangian [ni Allāh] at nagpatibay sa ilan sa mga ito gaya ng paniniwala ng Ashā`irah. Ang mga ito ay naoobliga, dahil sa pinagtibay nila na mga katangian, ng [pagkilala sa] katapat ng tinakasan nila sa mga katangian na ikinaila nila. Nagbigay-pakahulugan sila sa mga patunay ng mga ito, kaya naman sumalungat sila dahil doon sa mga patunay na panteksto at pangkatwiran, at nagkasalungatan sila kaugnay roon nang maliwanag na pagkakasalungatan.
Hinggil naman sa mga Alagad ng Sunnah at Bukluran, pinagtibay nga nila para kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ang pinagtibay Niya para sa sarili Niya o pinagtibay para sa Kanya ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) na mga pangalan at mga katangian ayon sa kalubusan. Nagpawalang-kinalaman sila sa Kanya sa pakikipagwangis sa nilikha Niya ayon sa pagpapawalang-kinalamang walang-kaugnayan sa bahid ng ta`ṭīl (pag-aalis ng kahulugan), kaya gumawa sila ayon sa mga patunay sa kabuuan ng mga ito, hindi sila naglihis [ng kahulugan], hindi sila nag-alis [ng kahulugan], at naligtas sila mula sa pagkakasalungatan na kinasadlakan ng iba pa sa kanila, gaya ng naunang paglilinaw niyan.
Ito ay ang landas ng kaligtasan at kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ito ay ang Landasing Tuwid na tinahak ng Kanunuan ng Kalipunang ito at mga pinuno nito. Walang mag-aayos sa huli sa kanila kundi ang ikinaayos ng una sa kanila, ang pagsunod sa Qur’ān at Sunnah at ang pag-iwan sa anumang sumalungat sa dalawang ito. Humihiling tayo kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na magpanumbalik Siya sa Kalipunang Islām sa katinuan nito, na magparami Siya rito ng mga tagapag-anyaya sa patnubay, at na magtuon Siya sa mga pinuno ng mga Muslim at mga maalam nila tungo sa pakikidigma sa Shirk, pagpuksa rito, at pagbibigay-babala laban sa mga kaparaanan nito; tunay na Siya ay Madinigin, Malapit. Si Allāh ay ang Katangkilik sa pagtutuon. Kasapatan sa atin si Allāh at kay inam ang Pinananaligan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan Niya. Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya at Sugo Niya na Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito.
***
tl397v4.0 - 17/08/2026
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2856; at Imām Muslim: 30.
Nagtala nito sina Al-Lālakā’īy sa Sharḥ Uṣūl Al-I`tiqād (Pagbibigay-linaw sa mga Saligan ng Paniniwala), p. 735; at Ibnu `Abdilbarr sa Jāmi` Al-`Ilm Wa Faḍluhu (Tagatipon ng Kaalaman at Kainaman Nito), p. 1901 subalit ang pananalita ng mga ḥadīth ay kapalit sa mga talata ng mga katangian at ang pananalita nito: "Isalaysay ninyo ang mga ḥadīth na ito kung paanong nasaad ang mga ito at huwag kayong makipagdebate hinggil sa mga ito."
Nagtala nito si Al-Bayhaqīy sa Al-Asmā’ wa Aṣ-Ṣifāt (Ang mga Pangalan at ang mga Katangian), p. 865. Sumang-ayon sa katumpakan ng isnād nito si Ibnu Taymiyah sa Al-Ḥamawīyah (Ang Ḥamawita, p. 269.) Nagsabi si Adh-Dhahabīy sa Al-`Arḍ (Ang Paglalahad), 2/223: Ang mga tagapagsalaysay nito ay mga imām na mapagkakatiwalaan.
Nagtala nito sina Al-Lālakā’īy sa Sharḥ Uṣūl Al-I`tiqād (Pagbibigay-linaw sa mga Saligan ng Paniniwala), p. 930; at Al-Bayhaqīy sa Al-Asmā’ wa Aṣ-Ṣifāt (Ang mga Pangalan at ang mga Katangian), p. 955.
Nagtala nito sina Al-Lālakā’īy sa Sharḥ Uṣūl Al-I`tiqād (Pagbibigay-linaw sa mga Saligan ng Paniniwala), p. 665; at Al-Bayhaqīy sa Al-Asmā’ Wa Aṣ-Ṣifāt (Ang mga Pangalan at ang mga Katangian), p. 868.
Nagtala nito sina Al-Lālakā’īy sa Sharḥ Uṣūl Al-I`tiqād (Pagbibigay-linaw sa mga Saligan ng Paniniwala), p. 664; Abū Na`īm sa Ḥilyah Al-Awliyā’ (Hiyas ng mga Katangkilik), 6/325; at Al-Bayhaqīy sa Al-Asmā’ Wa Aṣ-Ṣifāt (Ang mga Pangalan at ang mga Katangian), p. 867.
Nagtala nito sina Al-Muzakkīy sa Al-Muzakkīyāt (Ang mga Tagapagbusilak), p. 29; at Al-Lālakā’īy sa Sharḥ Uṣūl Al-I`tiqād (Pagbibigay-linaw sa mga Saligan ng Paniniwala), p. 663.
Nagtala nito sina Ad-Dārimīy sa Ar-Radd `Ala Al-Jahmīyah (Ang Tugon sa Jahmismo), p.67; at Al-Bayhaqīy sa Al-Asmā’ Wa Aṣ-Ṣifāt (Ang mga Pangalan at ang mga Katangian), p. 903.
Nagtala nito si Adh-Dhahabīy sa Al-`Ulūw (Ang Kaitaasan), p.464. Nagsabi si Al-Albānīy sa Mukhtaṣar Al-`Ulūw (Pinaiksi ng Kaitaasan), p.184: Ito ay tumpak na isnād, na ang mga tagapagsalaysay nito ay mga mapagkakatiwalaang nakikilala.
Tafsīr Ibnu Kathīr, 3/426-427
Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy: 22 mula sa ḥadīth ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya).
Nagtala nito si Imām Muslim: 2996 mula sa ḥadīth ni `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya.)
Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy: 3651, at Imām Muslim: 2533 mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya).
Nagtala nito si Imām Muslim: 1920 mula sa ḥadīth ni Thawbān (malugod si Allāh sa kanya).
Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah: 3952 mula sa ḥadīth ni Thawbān (malugod si Allāh sa kanya). Sumang-ayon sa katumpakan nito sina Ibnu Ḥibbān: 6714, at Al-Ḥākim: 8653.
Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy: 2641 mula sa ḥadīth ni `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanya). Nagsabi si Al-Munāwīy sa Fayḍ Al-Qadīr (Kasaganahan ng May-kakayahan): 5/347. Nasaad dito si `Abdurraḥmān bin Ziyād Al-Afrīqīy. Nagsabi si Adh-Dhahabīy na sumang-ayon sila sa kahinaan nito. Sumang-ayon naman sa katumpakan nito si Al-Albānīy sa Ṣaḥīḥ Al-Jāmi`: 5343.
Nagtala nito si Imām Muslim: 8.