PHPWord

 

إِقََامَةُ البَرَاهِينِ عَلَى

حُكْمِ مَنِ اسْتَغَاثَ بِغَيرِ اللهِ

 

 

Paglalahad ng mga Katibayan Hinggil sa
Hatol sa Taong Humihingi ng Saklolo sa Iba Bukod kay Allah

 

 

 

 

لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ

عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ

رَحِمَهُ اللهُ

 

Akda ni Ang Kanyang Kabunyian Shaykh

`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz

 

بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ

Ang Ikalawang Mensahe:

Hinggil sa Kahatulan ng Pagpapasaklolo sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)

Ang papuri ay ukol kay Allāh. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni Allāh, sa mag-anak niya, mga Kasamahan Niya, at sinumang napatnubayan sa pamamagitan ng patnubay niya.

Sa pagsisimula, naglathala nga ang diyaryong Kuwayti na Al-Mujtama` sa isyu nitong ika-15 na inilimbag noong 19/4/1390 Hijrah (24/06/1970 CE) ng mga taludtod sa ilalim ng pamagat: Sa Pag-alaala ng Marangal na Kaarawan ng Propeta. Ang mga ito ay mga taludtod na naglalaman ng pagpapasaklolo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagpapaadya sa kanya para sa pagpapatalos sa Kalipunang Islām, pag-aadya rito, at pagliligtas dito mula sa kinasadlakan nito na pagkakawatak-watak at pagkakaiba-iba, kalakip ng lagda ng isang nagpangalan sa sarili niya bilang Āminah. Ito ay isang teksto mula sa mga taludtod na tinutukoy:

O Sugo ni Allāh, magpatalos ka sa isang nakaaalam... sumisiklab ang digmaan at nasusunog ang sinumang nagpaningas nito

O Sugo ni Allāh, magpatalos ka sa isang kalipunan... na sa kadiliman ng pagdududa ay tumagal nga ang gala nito

O Sugo ni Allāh, magpatalos ka sa isang kalipunan... na sa mga kalituhan ng dalamhati ay nawala ang pagkakita nito.

Hanggang sa nagsabi siya:

Madaliin mo ang pag-aadya gaya ng pagmamadali mo nito... sa araw ng Badr nang tinawag mo ang Diyos.

Kaya napalitan ang kaabahan ng isang tagumpay na kahanga-hanga... tunay na kay Allāh ay may mga hukbong hindi mo nakikita

Ganito nagbabaling ang manunulat na ito ng panawagan niya at pagpapasaklolo niya sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang humihiling mula sa kanya ng pagpapatalos sa Kalipunang Islām ng pagmamadali sa pag-aadya habang nakalilimot o namamangmang na ang pag-aadya ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya – at hindi nasa kamay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni sa iba pa sa kanya na mga nilikha, gaya ng sinabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa Malinaw na Aklat Niya:

﴿...وَمَا النَّصْرُ إِلَّا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِ﴾

{Wala ang pagkaadya malibang mula sa ganang kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong,} (Qur’ān 3:126) Nagsabi pa Siya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):

﴿إِنْ يَنْصُرْكُمُ اللَّهُ فَلَا غَالِبَ لَكُمْ وَإِنْ يَخْذُلْكُمْ فَمَنْ ذَا الَّذِي يَنْصُرُكُمْ مِنْ بَعْدِهِ...﴾

{Kung mag-aadya sa inyo si Allāh ay walang dadaig sa inyo. Kung magtatatwa Siya sa inyo ay sino itong mag-aadya sa inyo matapos na Niya?} (Qur’ān 3:160)

Ang gawaing ito ng pagdalangin at pagpapasaklolo ay ang isang pagbaling ng isang uring kabilang sa mga uri ng pagsamba sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya): Nalaman nga sa pamamagitan ng teksto at ijmā` na iyon ay hindi pinapayagan at na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay lumikha ng nilikha upang sumamba sila sa Kanya at nagpadala ng mga sugo at nagpababa ng mga kasulatan para maglinaw ng pagsambang iyon at mag-anyaya tungo roon gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ56﴾

{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur’ān 51:56) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ...﴾

{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos."} (Qur’ān 16:36) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ 25﴾

{Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur’ān 21:25) Nagsabi pa Siya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):

﴿الر كِتَابٌ أُحْكِمَتْ آيَاتُهُ ثُمَّ فُصِّلَتْ مِنْ لَدُنْ حَكِيمٍ خَبِيرٍ1 أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا اللَّهَ إِنَّنِي لَكُمْ مِنْهُ نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ2﴾

{1. Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na pinahusay ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid.

2. [Ipinasasabi sa Sugo:] "Na huwag kayong sumamba kundi kay Allāh. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak."} (Qur’ān 11:1-2)

Kaya nagbigay-liwanag Siya (napakataas Siya) sa mga isinatahasang talatang ito na Siya ay hindi lumikha ng dalawang pangunahing nilalang kundi upang sumamba sila sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Naglinaw Siya na Siya ay nagsugo ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) para sa pag-uutos ng pagsambang ito at pagsaway laban sa kasalungatan nito. Nagpabatid Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na Siya ay nagsatahasan ng mga talata sa Aklat Niya at nagdetalye ng mga ito upang hindi sambahin ang iba pa sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).

Nalalaman na ang pagsamba ay nangangahulugan ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwan sa mga sinasaway Niya. Nag-utos nga si Allāh at nagpabatid Siya niyon sa maraming talata, na kabilang sa mga ito ang sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ...﴾

{Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon bilang mga makatotoo,} (Qur’ān 98:5) Ang sabi pa Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):

﴿وَقَضَى رَبُّكَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ...﴾

{Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya} [Al-Isra: 23] Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ فَٱعۡبُدِ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ2 أَلَا لِلَّهِ ٱلدِّينُ ٱلۡخَالِصُۚ وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ3﴾

{2. Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, [O Propeta Muḥ̖ammad,] ng Aklat kalakip ng katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon.

3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [na nag-ugnay ng anak sa Kanya] na palatangging sumampalataya.} (Qur’ān 39:2-3)

Ang mga talata kaugnay sa kahulugang ito ay marami at ang lahat ng mga ito ay nagpapatnubay sa pagkakinakailangan ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at pagwaksi ng pagsamba sa iba sa Kanya kabilang sa mga propeta at iba pa sa kanila.

Walang duda na ang pagdalangin ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga uri ng pagsamba at pinakamasaklaw sa mga ito kaya kinailangan ang pagpapakawagas dito para kay Allāh – tanging sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):

﴿فَادْعُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ14﴾

{Kaya dumalangin kayo kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur’ān 40:14) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):

﴿وَأَنَّ الْمَسَاجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدْعُوا مَعَ اللَّهِ أَحَدًا18﴾

{Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.} (Qur’ān 72:18) Ang pagpapanutong ito ng pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagdalangin ay sumasaklaw sa lahat ng mga nilikha gaya ng mga propeta at iba pa sa kanila. Ang sabi Niya:

﴿وَلَا تَدْعُ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُكَ وَلَا يَضُرُّكَ فَإِن فَعَلۡتَ فَإِنَّكَ إِذٗا مِّنَ ٱلظَّٰلِمِينَ106﴾

{Huwag kang dumalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."} (Qur’ān 10:106) Ito ay isang pakikipag-usap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nalalaman na si Allāh ay nangalaga nga sa kanya laban sa Shirk. Ang ninanais lamang doon ay ang pagbibigay-babala sa iba sa kanya, pagkatapos nagsabi Siya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿وَلَا تَدۡعُ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُكَ وَلَا يَضُرُّكَ فَإِنْ فَعَلْتَ فَإِنَّكَ إِذًا مِنَ الظَّالِمِينَ106﴾

{Huwag kang dumalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi nagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."} (Qur’ān 10:106) Ito ay isang pakikipag-usap sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang ninanais sa kanya ay ang pagbibigay-babala sa iba sa kanya dahil nalalaman na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay nagsanggalang sa Sugo Niya laban sa Shirk. Pagkatapos nagpaigting si Allāh (napakataas Siya) sa pagsaway at pagbibigay-babala sapagkat nagsabi Siya:

﴿...فَإِنْ فَعَلْتَ فَإِنَّكَ إِذًا مِنَ الظَّالِمِينَ﴾

{... sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."} Ang kawalang-katarungan, kapag itinaguri ito, ay tunay na ito ay tinutukoy rito ang Malaking Shirk, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

﴿...وَالْكَافِرُونَ هُمُ الظَّالِمُونَ﴾

{Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur’ān 2:254) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿...إِنَّ الشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ﴾

{tunay na ang pagtatambal ay talagang isang kawalang-katarungang sukdulan.} (Qur’ān 31:13) Kaya naman talagang kung ang pinapanginoon ng anak ni Adan (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga), kung sakaling dumalangin siya sa iba pa kay Allāh, siya ay magiging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, kaya papaano na ang iba pa sa kanya?

Kaya naman nalaman sa pamamagitan ng mga talatang ito at ng iba pa sa mga ito na ang pagdalangin sa iba pa kay Allāh – gaya ng mga patay, mga punong-kahoy, mga anito, at iba pa sa mga ito – ay isang pagtatambal kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at isang pagkakaila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa pagsamba – na siyang layon ng paglikha ni Allāh sa dalawang pangunahing nilalang, pagsusugo ng mga sugo, at pagpapababa ng mga kasulatan – at isang tagakontra sa kahulugan ng: Walang Diyos kundi si Allāh, na nagkakaila sa pagsamba sa iba pa kay Allāh at nagpapatibay nito kay Allāh – tanging sa Kanya, gaya ng sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):

﴿ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ هُوَ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ62﴾

{Iyon ay dahil si Allāh ay ang Katotohanan, dahil ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at dahil si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.} (Qur’ān 22:62)

Ito ay ang batayang panuntunan ng Relihiyon at pundasyon ng Kapaniwalaan. Hindi natutumpak ang mga pagsamba kundi matapos ng katumpakan ng batayang panuntunang ito gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

﴿وَلَقَدْ أُوحِيَ إِلَيْكَ وَإِلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكَ لَئِنْ أَشْرَكْتَ لَيَحْبَطَنَّ عَمَلُكَ وَلَتَكُونَنَّ مِنَ الْخَاسِرِينَ65﴾

{Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga bago mo pa na talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi.} (Qur’ān 39:65) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):

﴿...وَلَوْ أَشْرَكُوا لَحَبِطَ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ﴾

{Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa.} (Qur’ān 6:88)

Mula sa naunang nabanggit, napaglilinawan na ang Relihiyong Islām at ang pagsaksi na: "Walang Diyos kundi si Allāh" ay may dalawang dakilang batayan.

A. Na walang sambahin kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal sa Kanya – kaya naman ang sinumang dumalangin sa mga patay kabilang sa mga propeta at iba pa sa kanila o dumalangin sa mga anito o mga punong-kahoy o mga bato o iba pa sa mga ito kabilang sa mga nilikha o nagpasaklolo sa kanila o nagpakalapit-loob sa kanila sa pamamagitan ng mga pag-aalay at mga pamamanata o nagdasal sa kanila o nagpatirapa sa kanila, gumawa nga siya sa kanila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh, gumawa nga siya sa kanila bilang mga kaagaw sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya), at sumalungat nga siya at nagkaila sa kahulugan ng: Walang Diyos kundi si Allāh.

B. Na hindi sambahin si Allāh (napakataas Siya) kundi ayon sa Batas ng Propeta Niya at Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Kaya naman ang sinumang gumawa ng bid`ah sa Relihiyon na anumang hindi pinayagan ni Allāh, hindi siya nakapagsakatotohanan ng kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, hindi magpapakinabang sa kanya ang gawa niya, at hindi ito tatanggapin mula sa kanya. Nagsabi si Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿وَقَدِمْنَا إِلَى مَا عَمِلُوا مِنْ عَمَلٍ فَجَعَلْنَاهُ هَبَاءً مَنْثُورًا23﴾

{Tutuon Kami sa anumang ginawa nila na gawain saka gagawa Kami rito na alabok na ikinalat.} (Qur’ān 25:23) Ang tinutukoy ng mga gawang nababanggit sa talata ay mga gawa ng sinumang namatay sa pagtatambal kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Napaloloob sa mga ito rin ang mga gawaing pambid`ah na hindi pumayag sa mga ito si Allāh kaya tunay na ito sa Araw ng Pagbangon ay magiging alabok na ikinalat dahil sa pagiging ang mga ito ay hindi nakisang-ayon sa dinalisay na Batas Niya, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay tatanggihan." Napagkasunduan sa katumpakan nito.

Ang buod ng masasabi ay na ang manunulat na ito ay nagtuon nga ng pagpapasaklolo nito at panalangin nito sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at umayaw sa Panginoon ng mga nilalang na nasa kamay Niya ang pag-aadya, ang pagpinsala, at ang pagpapakinabang samantalang walang nasa kamay ng iba pa sa Kanya na anuman mula roon.

Walang duda na ito ay isang mabigat na buktot na kawalang-katarungan. Nag-utos nga si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng pagdalangin sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya). Nangako Siya sa sinumang dumadalangin sa Kanya ng pagtugon at nagbanta Siya sa sinumang nagmalaki sa pagtanggi roon ng pagpapasok sa Impiyerno gaya ng sinabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):

﴿وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ 60

{Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.} (Qur’ān 40:60) Ibig sabihin: mga minamaliit na hamak. Kaya nagpatunay ang mga marangal na talatang ito na ang pagdalangin ay isang pagsamba; at na ang sinumang nagmalaki sa pagtanggi roon, ang kanlungan niya ay Impiyerno. Kaya kapag ito ay naging kalagayan ng sinumang nagmalaki sa pagtanggi sa pagdalangin kay Allāh, magiging papaano na ang kalagayan ng sinumang dumalangin sa iba pa sa Kanya at umayaw sa Kanya samantalang Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Malapit, ang Tagapagmay-ari ng bawat bagay, at ang Nakakakaya sa bawat bagay, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌ أُجِيبُ دَعْوَةَ الدَّاعِ إِذَا دَعَانِ فَلْيَسْتَجِيبُوا لِي وَلْيُؤْمِنُوا بِي لَعَلَّهُمْ يَرْشُدُونَ 186﴾

{Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan.} (Qur’ān 2:186) Nagpabatid nga ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tumpak na ḥadīth na ang pagdalangin ay ang pagsamba. Nagsabi siya sa anak ng tiyuhin niya, si `Abdullāh bin `Abbās, (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya. Ingatan mo si Allāh, matatagpuan mo Siya sa dako mo. Kapag humiling ka, humiling ka kay Allāh. Kapag nagpatulong ka, magpatulong ka kay Allāh." (Nagtala nito si Imām At-Tirmidhīy at ang iba pa sa kanya.)

Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa isang kaagaw para kay Allāh, papasok siya sa Apoy." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.) Nasaad sa Ṣaḥīḥān ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay tinanong: {Aling pagkakasala ang pinakamabigat? Nagsabi siya: "na gumawa ka para kay Allāh ng isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo."} Ang kaagaw ay ang kapareha at ang katulad. Kaya naman ang sinumang dumalangin sa iba pa kay Allāh o nagpasaklolo roon o namanata roon o nag-alay roon o nagbaling para roon ng anuman sa pagsamba bukod pa sa naunang nabanggit, gumawa nga siya roon bilang kaagaw, maging iyon man ay isang propeta o isang walīy o isang hari o isang jinn o isang anito o iba pa roon kabilang sa mga nilikha.

Dito ay maaaring may magsasabi: "Kaya ano naman ang kahatulan sa paghiling sa taong buhay na nakadalo ayon sa nakakaya niya at pagpapasaklolo sa kanya kaugnay sa mga bagay-bagay na pisikal na nakakaya niya?" Ang sagot ay na ito ay hindi kabilang sa Shirk; bagkus kabilang sa mga bagay-bagay na karaniwang pinapayagan sa mga Muslim, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya) sa kuwento ni Moises:

﴿...فَاسْتَغَاثَهُ الَّذِي مِنْ شِيعَتِهِ عَلَى الَّذِي مِنْ عَدُوِّهِ...﴾

{Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya.} (Qur’ān 28:15) Gaya ito ng sinabi Niya (napakataas Siya) sa kuwento rin ni Moises:

﴿فَخَرَجَ مِنْهَا خَائِفًا يَتَرَقَّبُ...﴾

{Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay.} (Qur’ān 28:21) Gaya ito kapag nagpapasaklolo ang tao sa mga kasamahan niya sa digmaan at iba pa rito kabilang sa mga pangyayaring nagaganap sa mga tao at nangangailangan sila sa mga ito ng ilan sa kanila.

Nag-utos nga si Allāh sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na magpabatid sa Kalipunan niya na siya ay hindi nagmamay-ari para sa isa ng isang kapakinabangan ni isang kapinsalaan sapagkat nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):

﴿قُلْ إِنَّمَا أَدْعُو رَبِّي وَلَا أُشْرِكُ بِهِ أَحَدًا21 قُلْ إِنِّي لَا أَمْلِكُ لَكُمْ ضَرًّا وَلَا رَشَدًا22﴾

{21. Sabihin mo: "Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man."

22. Sabihin mo: "Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng isang pinsala ni isang paggabay."} (Qur’ān 72:20-21) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ188﴾

{Sabihin mo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni Allāh. Kung sakaling nangyaring ako ay nakaaalam sa nakalingid, talaga sanang nakapagparami ako ng kabutihan at hindi sumaling sa akin ang kasagwaan. Walang iba ako kundi isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak para sa mga taong sumasampalataya."} (Qur’ān 7:188)

Ang mga talata kaugnay sa kahulugang ito ay marami.

Kabilang sa nalalaman na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi dumadalangin kundi sa Panginoon niya, gaya ng napagtibay ayon sa kanya na siya noon sa Araw ng Badr ay nagpapasaklolo kay Allāh, nagpapaadya sa Kanya laban sa kaaway niya, at nangungulit doon." Nagsasabi siya: "O Panginoon ko, tuparin Mo sa akin ang ipinangako Mo sa akin," hanggang sa nagsabi ang pinakamalaking napakatapat na si Abū Bakr (malugod si Allāh dito): "Kasapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh, sapagkat tunay na si Allāh ay tutupad sa iyo ng ipinangako Niya sa iyo." Nagpababa si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) kaugnay roon ng sabi Niya (napakataas Siya):

﴿إِذۡ تَسۡتَغِيثُونَ رَبَّكُمۡ فَٱسۡتَجَابَ لَكُمۡ أَنِّي مُمِدُّكُم بِأَلۡفٖ مِّنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ مُرۡدِفِينَ9﴾

{[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo, [na nagsasabi]: "Tunay na Ako ay mag-aayuda sa inyo ng isang libo mula sa mga anghel na mga nagkakasunud-sunod."} (Qur’ān 8:9) Nagpaalaala sa kanila si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa mga talatang ito ng pagpapasaklolo nila. Nagpabatid Siya na Siya ay tumugon sa kanila sapagkat nag-ayuda Siya sa kanila ng mga anghel para magbalita ng pag-aadya at kapanatagan. Naglinaw Siya (kaluwalhatian sa Kanya) na ang pag-aadya ay hindi mula sa mga anghel at ito lamang ay ang pag-aadya mula sa ganang Kanya sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya):

﴿وَمَا النَّصْرُ إِلَّا مِنْ عِنْدِ اللَّهِ...﴾

{Wala ang pag-aadya kundi mula sa ganang kay Allāh} (Qur’ān 3:126) Nagsabi pa Siya (kapita-pitagan ang kapitaganan Niya):

﴿وَلَقَدْ نَصَرَكُمُ اللَّهُ بِبَدْرٍ وَأَنْتُمْ أَذِلَّةٌ فَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ123﴾

{Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa [labanan sa] Badr habang kayo ay mga kaaba-aba; kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.} (Qur’ān 3:123) Naglinaw Siya (napakataas Siya) sa talatang ito na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapag-adya sa kanila sa Araw ng Badr kaya naman nalaman dahil doon na ang ibinigay Niya sa kanila na sandata at lakas at ang inayuda Niya sa kanila na mga anghel, ang lahat ng iyon ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagkaadya, pagbabalita ng nakagagalak, at kapanatagan at ang pagkaadya ay hindi mula sa mga ito; bagkus ito ay mula sa ganang kay Allāh – tanging sa Kanya. Kaya papaano naglalakas-loob ang manunulat na ito o ang iba pa sa kanya na magtuon siya ng pagpapasaklolo niya at paghiling niya ng pag-aadya mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at umayaw siya sa Panginoon ng mga nilalang, ang Tagapagmay-ari ng bawat bagay, at ang Nakakakaya sa bawat bagay.

Walang duda na ito ay kabilang sa pinakapangit na kamangmangan, bagkus kabilang sa pinakamabigat na Shirk. Kaya naman ang kinakailangan sa manunulat ay na magbalik-loob siya kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa isang tapat na pagbabalik-loob. Ang tapat na pagbabalik-loob ay ang naglalaman ng ilan sa mga gawain: A. Ang pagsisisi sa kinasadlakan; B. Ang pagkalas sa kinasadlakan; C. Ang pagtitika sa hindi panunumbalik doon bilang pagdakila kay Allāh, bilang pagpapakawagas para sa Kanya, bilang pagsunod sa utos Niya, at bilang pangingilag sa sinaway Niya. Ito ay ang tapat na pagbabalik-loob. Mayroong ikaapat na gawaing natatangi kapag ang paggawa ng masagwa ay kaugnay sa karapatan ng mga nilikha: D. Ang pagsauli ng karapatan sa karapat-dapat dito o ang pagpapaumanhin nito sa kanya.

Nag-utos nga si Allāh sa mga lingkod Niya ng pagbabalik-loob at nangako Siya sa kanila ng pagtanggap nito, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

﴿...وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ﴾

{Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur’ān 24:31) Nagsabi naman siya sa panig ng mga Kristiyano:

﴿أَفَلَا يَتُوبُونَ إِلَى اللَّهِ وَيَسْتَغْفِرُونَهُ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ74﴾

{Kaya hindi ba sila nagbabalik-loob kay Allāh at humihingi ng tawad sa Kanya? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur’ān 5:74) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَالَّذِينَ لَا يَدْعُونَ مَعَ اللَّهِ إِلَهًا آخَرَ وَلَا يَقْتُلُونَ النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَا يَزْنُونَ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَلِكَ يَلْقَ أَثَامًا68 يُضَاعَفْ لَهُ الْعَذَابُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَيَخْلُدْ فِيهِ مُهَانًا69 إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَأُولَئِكَ يُبَدِّلُ اللَّهُ سَيِّئَاتِهِمْ حَسَنَاتٍ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا70﴾

{68. [Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan:

69. pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na hinahamak,

70. maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur’ān 25:68-70) Nagsabi pa si Allāh:

﴿وَهُوَ الَّذِي يَقْبَلُ التَّوْبَةَ عَنْ عِبَادِهِ وَيَعْفُو عَنِ السَّيِّئَاتِ وَيَعْلَمُ مَا تَفْعَلُونَ25﴾

{Siya ay ang tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya, nagpapaumanhin sa mga masagwang gawa, nakaaalam sa ginagawa ninyo,} (Qur’ān 42:25)

May natumpak na ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Siya ay nagsabi: "Ang Islām ay nagwawasak ng anumang bago nito. Ang pagbabalik-loob ay lumalagot sa anumang bago nito."

Isinatitik nga ang mga pinaiksing pangungusap na ito dahil sa bigat ng Shirk at pagiging ito ay pinakamabigat sa mga pagkakasala at dala ang pagkalinlang dahil sa namutawi mula sa manunulat na ito at dahil sa pagkakinakailangan ng pagpapayo alang-alang kay Allāh at alang-alang sa mga lingkod Niya. Humihiling ako kay Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) na magpakinabang siya dahil dito, na magsaayos Siya ng mga kalagayan natin at mga kalagayan ng mga Muslim nang lahatan, at na magmagandang-loob Siya sa atin nang lahatan ng pagkaunawa sa Relihiyon at katatagan dito at magkupkop Siya sa atin at sa mga Muslim laban sa mga kasamaan ng mga sarili natin at mga masagwa sa mga gawain natin; tunay na Siya ay ang Katangkilik doon at ang Nakakakaya roon.

Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at pagpalain Niya ang Lingkod Niya at Sugo Niyang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito.

***

 


بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ

Ang Ikatlong Mensahe:

Hinggil sa Kahatulan ng Pagpapasaklolo sa mga Jinn at mga Demonyo at Pamamanata sa Kanila

Mula kay `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz tungo sa sinumang nakakikita nito kabilang sa mga Muslim. Magtuon nawa sa akin si Allāh at sa kanila para sa pagkapit sa Relihiyon Niya at pagpapakatatag dito. Āmīn!

Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga biyaya Niya

Sa pagpapatuloy, nagtanong nga sa akin ang ilan sa mga kapatid tungkol sa ginagawa ng ilan sa mga mangmang na pagdalangin sa iba pa kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), at pagpapaayuda rito sa mga mahalagang bagay gaya ng pagdalangin sa mga jinn, pagpapasaklolo sa kanila, at pamamanata sa kanila. Kabilang doon din ang pagsabi ng ilan sa kanila: "O Pito," ibig sabihin: Pito sa mga pinuno ng mga jinn, "kunin ninyo siya, baliin ninyo ang mga buto niya, inumin ninyo ang dugo niya, gutay-gutayin ninyo siya, O Pito, gumawa kayo ng ganito!" O ang pagsabi nila: "Kunin ninyo siya, O mga jinn ng tanghali, O mga jinn ng hapon!" Ito ay umiiral nang marami sa mga dakong timog. Kabilang sa naisasama sa gawaing ito ang pagdalangin sa mga patay kabilang sa mga propeta, mga maaayos na tao, at iba pa sa kanila; ang pagdalangin sa mga anghel at ang pagpapasaklolo sa kanila. Ito sa kabuuan nito at ang mga kawangis nito ay nagaganap sa marami sa mga nauugnay sa Islām dala ng kamangmangan mula sa kanila at dala ng paggaya-gaya sa mga bago nila. Marahil nagpadali ang ilan sa kanila roon at nangatwiran sa pagsabi na: "Ito ay isang bagay na nangyayari sa dila, na hindi kami nagpapakay nito at hindi kami nananadya nito."

Nagtanong din siya sa akin tungkol sa kahatulan ng pakikipag-asawahan sa sinumang nakilala sa mga gawaing ito; at ng mga hayop na kinatay nila, pagdasal para sa kanila, at pagdarasal sa likuran nila; tungkol sa paniniwala sa mga salamangkero at mga manghuhula gaya ng sinumang nag-aangkin ng pagkakaalam sa karamdaman at mga kadahilanan nito sa simpleng pagmamasid niya sa isang bagay mula sa nasaling ng katawan ng maysakit gaya ng turban, pantalon, belo, at mga kawangis niyan.

Ang sagot: Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya at ukol sa mag-anak niya, Kasamahan niya, at sinumang napatnubayan dahil sa kanila hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.

Sa pagpapatuloy, tunay na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay lumikha nga ng dalawang pangunahing nilalang upang sumamba sila sa Kanya bukod sa bawat anumang iba sa Kanya at upang magtangi sila sa Kanya sa pagdalangin, pagpapasaklolo, pag-aalay, pamamanata, at nalalabi sa mga pagsamba. Ipinadala nga Niya ang mga sugo dahil doon at ipinag-utos Niya sa kanila ito. Pinababa Niya ang mga makalangit na kasulatan na ang pinakadakila sa mga ito ay ang Marangal na Qur’ān nang may paglilinaw roon, pag-aanyaya tungo roon, at pagbibigay-babala sa mga tao laban sa pagtatambal sa Kanya at pagsamba sa iba pa sa Kanya. Ito ay ang batayang panuntunan ng mga batayang panuntunan at ang pundasyon ng Kapaniwalaan at Relihiyon. Ito ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at ang reyalidad na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh sapagkat ito ay nagkakaila sa pagkadiyos at pagsamba sa iba pa kay Allāh at pagpapatibay nito – ibig sabihin: ang pagsamba – kay Allāh: tanging sa Kanya, bukod sa anumang iba sa Kanya kabilang sa nalalabi sa mga nilikha. Ang mga patunay rito mula sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) ay lubhang marami, na kabilang sa mga ito ang sabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ56﴾

{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur’ān 51:56) Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَقَضَى رَبُّكَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ...﴾

{Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya} [Al-Isra: 23] Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):

﴿وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ...﴾

"Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon bilang mga makatotoo," (Qur’ān 98:5) Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):

﴿وَقَالَ رَبُّكُمُ ادْعُونِي أَسْتَجِبْ لَكُمْ إِنَّ الَّذِينَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِي سَيَدْخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ60﴾

{Nagsabi ang Panginoon ninyo: "Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.} (Qur’ān 40:60) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِي عَنِّي فَإِنِّي قَرِيبٌ أُجِيبُ دَعْوَةَ الدَّاعِ إِذَا دَعَانِ...﴾

{Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit: sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin...} (Qur’ān 2:186)

Nilinaw Niya (kaluwalhatian sa Kanya) sa mga talatang ito na Siya ay lumikha ng dalawang pangunahing nilalang para sa pagsamba sa Kanya at na Siya ay nagtadhana – ibig sabihin: nag-utos at nagtagubilin – sa mga lingkod Niya sa isinatahasang bahagi ng Qur’ān at ayon sa dila ng Sugo (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na walang sambahin kundi ang Panginoon nila.

Nagbigay-liwanag Siya (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) na ang pagdalangin ay isang dakilang pagsamba, na ang sinumang nagmalaki sa pagtanggi rito ay papasok sa Impiyerno. Nag-utos Siya sa mga lingkod Niya na dumalangin sila sa Kanya – tanging sa Kanya – at nagpabatid Siya na Siya ay Malapit, na sumasagot ng panalangin nila kaya kinakailangan sa lahat ng mga lingkod na magtangi sa Panginoon nila sa pagdalangin dahil ito ay isang uri ng pagsamba na nilikha sila alang-alang dito at inutusan sila nito. Nagsabi Siya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿قُلْ إِنَّ صَلَاتِي وَنُسُكِي وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِي لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ162 لَا شَرِيكَ لَهُ وَبِذَلِكَ أُمِرْتُ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُسْلِمِينَ163﴾

{162. Sabihin mo: "Tunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang

163. walang katambal sa Kanya. Gayon nag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim."} (Qur’ān 6:162-163)

Kaya nag-utos si Allāh sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) na magpabatid sa mga tao na ang dasal niya, ang pag-aalay niya: ang pagkatay ng hayop, ang buhay niya, at ang kamatayan niya ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang – walang katambal sa Kanya. Batay roon, ang sinumang nag-alay para sa iba pa kay Allāh ay nagtambal nga kay Allāh gaya ng kung sakaling nagdasal siya sa iba pa kay Allāh dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay gumawa sa pagdarasal at pag-aalay na magkasama, at nagpabatid na ang dalawang iyon ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Kaya ang sinumang nag-alay para sa iba pa kay Allāh kabilang sa mga jinn, mga anghel, mga patay, at iba pa sa kanila, na nagpapakalapit-loob sa kanila sa pamamagitan niyon, siya ay gaya ng nagdasal sa iba pa kay Allāh. Nasaad naman sa tumpak na ḥadīth na ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay nagsabi: "Isinumpa ni Allāh ang sinumang nag-alay ng hayop sa iba pa kay Allāh." Nagtala nito si Imām Aḥmad sa isang magandang sanad ayon kay Ṭāriq bin Shihāb (malugod si Allāh sa kanya) ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: {May naparaang dalawang lalaki sa mga tao na may anito na hindi nilalampasan ng isa hanggang sa makapaghandog siya roon ng isang bagay. Kaya nagsabi sila sa isa sa dalawa: "Maghandog ka." Nagsabi naman siya: "Wala sa aking isang bagay na maihahandog ko." Nagsabi sila sa kanya: "Maghandog ka kahit na isang langaw." Kaya naghandog siya ng langaw saka hinayaan nila ang landas niya. Kaya papasok siya sa Apoy. Nagsabi naman sila sa isa pa: "Maghandog ka." Nagsabi naman siya: "Ako ay hindi naging ukol na maghandog ng isang bagay sa isa man bukod pa kay Allāh – kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya." Kaya tinaga nila ang leeg niya, kaya papasok siya sa Paraiso.}

Kaya kapag ang sinumang naghandog sa anito at tulad nito ng langaw at tulad nito ay nagiging isang tagapagtambal na nagiging karapat-dapat sa pagpasok sa Impiyerno, papaano na ang sinumang dumadalangin sa mga jinn, mga anghel, at mga walīy; papaano na ang sinumang nagpapasaklolo sa kanila, namamanata sa kanila, at naghahandog sa kanila ng mga kinatay na hayop, na naghahangad sa pamamagitan niyon ng pag-iingat ng yaman niya o paggaling ng maysakit niya o kaligtasan ng mga hayop niya at pananim niya; papaano na ang sinumang gumagawa niyon dala ng pangamba sa kasamaan ng mga jinn at tulad niyan? Walang duda na ang sinumang gumawa nito at mga kawangis nito ay higit na marapat na maging tagapagtambal na karapat-dapat sa pagpasok sa Impiyerno kaysa sa taong ito na naghandog ng langaw sa anito.

Kabilang sa nasaad hinggil doon din ang sabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ فَٱعۡبُدِ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ2 أَلَا لِلَّهِ ٱلدِّينُ ٱلۡخَالِصُۚ وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ3﴾

{2. Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, [O Propeta Muḥ̖ammad,] ng Aklat kalakip ng katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon.

3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [na nag-ugnay ng anak sa Kanya] na palatangging sumampalataya.} (Qur’ān 39:2-3) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَيَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنْفَعُهُمْ وَيَقُولُونَ هَؤُلَاءِ شُفَعَاؤُنَا عِنْدَ اللَّهِ قُلْ أَتُنَبِّئُونَ اللَّهَ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَى عَمَّا يُشْرِكُونَ18﴾

{Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: "Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh." Sabihin mo: "Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila."}

(Qur’ān 10:18)

Nagpabatid si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa dalawang talatang ito na ang mga tagapagtambal ay gumawa bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik kabilang sa mga nilikha, na sinasamba nila kasama sa Kanya dahil sa pangangamba, paghahangad, pag-aalay, pamamanata, pagdalangin, at tulad niyan, habang mga nag-aakala na ang mga katangkilik na iyon ay nagpapalapit-loob kay Allāh sa sinumang sumamba sa mga iyon at namamagitan para sa kanila sa kay Allāh. Pagkatapos nagpasinungaling sa kanila si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya); nagbigay-liwanag Siya sa kabulaanan nila; tumawag Siya sa kanila bilang mga sinungaling, mga tagatangging sumampalataya, at mga tagapagtambal; at nagpawalang-kinalaman Siya sa sarili Niya sa pagtatambal nila sapagkat nagsabi Siya (kamahal-mahalan Siya at kataas-taasan):

﴿...سُبْحَانَهُ وَتَعَالَى عَمَّا يُشْرِكُونَ﴾

{Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.} (Qur’ān 16:1) Kaya nalaman dahil doon na ang sinumang gumawa sa isang anghel o isang propeta o isang jinn o isang punong-kahoy o isang bato, bilang dinadalanginan kasama kay Allāh, pinagpapasaklolohan, at pinag-aalayan dahil sa pamamanata at paghahandog dala ng paghahangad ng Pamamagitan nito sa kay Allāh at pagpapalapit-loob nito kay Allāh o dala ng paghahangad ng pagpapagaling sa maysakit o pangangalaga sa ari-arian o kaligtasan ng nakaliban o anumang nakawangis niyon, nasadlak nga siya sa ganitong mabigat na Shirk at buktot na trahedya, na nagsabi si Allāh hinggil dito:

﴿إِنَّ اللَّهَ لَا يَغْفِرُ أَنْ يُشْرَكَ بِهِ وَيَغْفِرُ مَا دُونَ ذَلِكَ لِمَنْ يَشَاءُ وَمَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدِ افْتَرَى إِثْمًا عَظِيمًا48﴾

{Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay gumawa-gawa nga ng isang kasalanang sukdulan.} (Qur’ān 4:48) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿...إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ﴾

{Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya.} (Qur’ān 5:72)

Ang Pamamagitan ay matatamo lamang sa Araw ng Pagbangon para sa mga alagad ng Tawḥīd at pagpapakawagas, hindi para sa mga alagad ng Shirk, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong sinabi sa kanya: "O Sugo ni Allāh, sino ang pinakamaligaya sa mga tao sa Pamamagitan mo?" Nagsabi naman siya: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh nang wagas mula sa puso niya." Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat propeta ay may panalanging tinutugon ngunit nagmadali ang bawat propeta sa panalangin niya. Tunay na ako ay naglaan ng panalangin ko sa isang Pamamagitan para sa Kalipunan ko sa Araw ng Pagbangon saka ito ay ipatatamo, kung niloob ni Allāh, sa sinumang namatay mula sa Kalipunan ko habang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman."

Ang mga sinaunang tagapagtambal ay sumasampalataya na si Allāh ay Panginoon nila, Tagalikha nila, at Tagatustos nila. Nahumaling lamang sila sa mga propeta, mga walīy, mga anghel, mga punong-kahoy, mga bato, at mga kawangis niyan habang naghahangad ng Pamamagitan ng mga iyon sa kay Allāh at pagpapalapit-loob nila sa Kanya, gaya ng naunang nabanggit sa mga talata. Hindi nagpawalang-sala sa kanila si Allāh doon; bagkus nagmasama si Allāh sa kanila sa Dakilang Aklat Niya. Tumawag Siya sa kanila bilang mga tagatangging sumampalataya at mga tagapagtambal. Nagpasinungaling Siya sa kanila sa pag-aakala nila na ang mga diyos na ito ay mamamagitan para sa kanila at magpapalapit-loob sa kanila kay Allāh sa kadikitan. Hindi nagpawalang-sala sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); bagkus nakipaglaban sa kanila ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa Shirk na ito hanggang sa magpakawagas sila sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – bilang pagsasagawa sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَقَاتِلُوهُمْ حَتَّى لَا تَكُونَ فِتْنَةٌ وَيَكُونَ الدِّينُ لِلَّهِ...﴾

{Makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa walang mangyaring panliligalig at ang relihiyon ay sa kay Allāh.} (Qur’ān 2:193) Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Inutusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Kaya kapag gumawa sila niyon, maisasanggalang sila mula sa akin sa mga buhay nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng Islām. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh." Ang kahulugan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh" ay: hanggang sa magtangi sila kay Allāh sa pagsamba bukod sa bawat anumang iba sa Kanya.

Talaga nang ang mga tagapagtambal noon ay nangangamba sa mga jinn at nagpapakupkop sa mga iyon kaya naman nagpababa si Allāh (napakataas Siya) kaugnay roon ng sabi Niya:

﴿وَأَنَّهُ كَانَ رِجَالٌ مِنَ الْإِنْسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٍ مِنَ الْجِنِّ فَزَادُوهُمْ رَهَقًا6﴾

{Na noon ay may mga lalaki ng tao na nagpapakupkop sa mga lalaki ng jinn, kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan (takot).} (Qur’ān 72:6) Nagsabi ang mga pantas ng pagpapakahulugan sa marangal na talata: Ang kahulugan ng sabi na:

﴿...فَزَادُوهُمْ رَهَقًا﴾

{kaya dumagdag ang mga ito sa kanila ng isang kabigatan} ay: isang pangingilabot at pangamba dahil ang mga jinn ay nagpapalalo sa sarili ng mga ito at nagpapakamalaki kapag nakakita ang mga ito na ang mga tao ay humihiling ng pagkupkop dahil doon. Sa sandaling iyon, nagdaragdag ang mga ito sa kanila ng pagpapangamba at pagpapangilabot nang sa gayon magparami sila ng pagsamba sa mga ito at pagdulog sa mga ito.

Tumumbas nga si Allāh sa mga Muslim kapalit ng paghiling na pagkupkop na iyon sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) sa mga salita Niyang lubos. Nagpababa Siya kaugnay roon ng sabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿وَإِمَّا يَنْزَغَنَّكَ مِنَ الشَّيْطَانِ نَزْغٌ فَاسْتَعِذْ بِاللَّهِ إِنَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ200﴾

{Kung may magbubuyo nga naman sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh. Tunay na Siya ay Madinigin, Maalam.} (Qur’ān 7:200) Ang sabi pa Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ الْفَلَقِ1﴾

{Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway} (Qur’ān 113:1) Natumpak [ang ḥadīth] ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan saka nagsabi: "A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya)," walang pipinsala sa kanya na anuman hanggang sa lumisan siya mula sa tinuluyan niyang iyon."

Mula sa naunang nabanggit na mga talata at mga ḥadīth, nakaaalam ang naghahanap ng kaligtasan at ang nakaiibig sa pangangalaga sa relihiyon niya at kalayaan mula sa Shirk sa kaliit-liitan nito at kalaki-lakihan nito na ang pagkahumaling sa mga patay, mga anghel, mga jinn, at iba pa sa kanila kabilang sa mga nilikha; ang pagdalangin sa kanila; ang paghiling sa kanila ng pagkupkop; at ang tulad niyan ay kabilang sa gawain ng mga tagapagtambal na kampon ng Kamangmangan at kabilang sa pinakapangit na pagtatambal kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya). Kaya naman ang kinakailangan ay ang pagwaksi niyon, ang pag-iingat laban doon, ang pagtatagubilinan ng pagwaksi niyon, at ang pagmamasama sa sinumang gumawa niyon.

Hinggil naman sa sinumang nakilala mula sa mga tao sa mga gawaing pangshirk na ito, tunay na hindi pinapayagan ang pakikipag-asawahan sa kanya ni ang pagkain ng hayop na katay niya ni ang pagdarasal para sa kanya ni ang pagdarasal sa likuran niya hanggang sa magpahayag siya ng pagbabalik-loob kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) mula roon at magpakawagas siya sa pagdalangin at pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang pagdalangin ay ang pagsamba, bagkus ang pinakadiwa nito, gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Naisalaysay ito ayon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa iba pang pananalita, na siya ay nagsabi: "Ang pagdalangin ay ang pinakadiwa ng pagsamba." Hinggil naman sa pakikipag-asawahan sa mga tagapagtambal, nagsabi nga si Allāh (napakataas Siya):

﴿وَلَا تَنْكِحُوا الْمُشْرِكَاتِ حَتَّى يُؤْمِنَّ وَلَأَمَةٌ مُؤْمِنَةٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكَةٍ وَلَوْ أَعْجَبَتْكُمْ وَلَا تُنْكِحُوا الْمُشْرِكِينَ حَتَّى يُؤْمِنُوا وَلَعَبْدٌ مُؤْمِنٌ خَيْرٌ مِنْ مُشْرِكٍ وَلَوْ أَعْجَبَكُمْ أُولَئِكَ يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ وَاللَّهُ يَدْعُو إِلَى الْجَنَّةِ وَالْمَغْفِرَةِ بِإِذْنِهِ وَيُبَيِّنُ آيَاتِهِ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ221﴾

{Huwag kayong magpakasal sa mga babaing tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang babaing aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang babaing tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Huwag ninyong ipakasal [ang kababaihan ninyo] sa mga lalaking tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang lalaking tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Ang mga iyon ay nag-aanyaya tungo sa Apoy samantalang si Allāh ay nag-aanyaya tungo sa Paraiso at kapatawaran ayon sa pahintulot Niya. Naglilinaw Siya sa mga tanda Niya sa mga tao, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.} (Qur’ān 2:221) Sumaway si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa mga Muslim laban sa pag-aasawa ng mga babaing tagapagtambal kabilang sa mga tagasamba ng mga diyus-diyusan, mga jinn, mga anghel, at iba pa roon hanggang sa sumampalataya ang mga ito kalakip ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya, paniniwala sa Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa anumang inihatid nito, at pagsunod sa landas nito. Sumaway si Allāh laban sa pagpapakasal sa mga lalaking tagapagtambal ng mga babaing Muslim hanggang sa sumampalataya ang mga ito kalakip ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya, paniniwala sa Sugo (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), at pagsunod dito.

Nagpabatid Siya (kaluwalhatian sa Kanya) na ang babaing aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa malayang babaing tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa sinumang tumitingin dito at nakikinig sa pananalita nito dahil sa karikitan nito at kagandahan ng pananalita nito; at na ang lalaking aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa malayang lalaking tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa nakikinig dito at nakatingin dito dahil sa karikitan nito, katatasan nito, katapangan nito, at iba pa roon. Pagkatapos nagbigay-liwanag Siya sa mga kadahilanan ng pagtatanging ito sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿...أُولَئِكَ يَدْعُونَ إِلَى النَّارِ...﴾

{Ang mga iyon ay nag-aanyaya tungo sa Apoy} (Qur’ān 2:221) Tumutukoy Siya roon sa mga lalaking tagapagtambal at mga babaing tagapagtambal dahil sila ay kabilang sa mga tagapag-anyaya ng Impiyerno dahil sa mga sinasabi nila, mga ginagawa nila, pamumuhay nila, at mga kaasalan nila. Hinggil naman sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya, sila ay kabilang sa mga tagapag-anyaya ng Paraiso dahil sa mga kaasalan nila, mga gawain nila, at pamumuhay nila. Kaya papaano nagkakapantay ang mga ito at ang mga iyan?

Hinggil naman sa pagdarasal para sa mga tagapagtambal, nagsabi nga Siya (kamahal-mahalan Siya at kataas-taasan) hinggil sa pumapatungkol sa mga mapagpaimbabaw:

﴿وَلَا تُصَلِّ عَلَى أَحَدٍ مِنْهُمْ مَاتَ أَبَدًا وَلَا تَقُمْ عَلَى قَبْرِهِ إِنَّهُمْ كَفَرُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَمَاتُوا وَهُمْ فَاسِقُونَ84﴾

{Huwag kang magdasal para sa isa kabilang sa kanila na namatay – kailanman – at huwag kang tumayo sa puntod niya. Tunay na sila ay tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at namatay samantalang sila ay mga suwail.} (Qur’ān 9:84) Nagbigay-liwanag Siya (kapita-pitagan Siya at kataas-taasan) sa marangal na talatang ito na ang mapagpaimbabaw at ang tagatangging sumampalataya ay hindi dinadasalan ng basbas sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at sa Sugo Niya, at gayundin, hindi dinadasalan sa likuran nila at hindi sila ginagawa bilang mga imām ng mga Muslim dahil sa kawalang-pananampalataya nila at kawalan ng pagkamapagkakatiwalaan sa kanila, dahil sa mabigat na pagkamuhi na nasa pagitan nila at ng mga Muslim, at dahil sila ay hindi kabilang sa mga alagad ng pagdarasal at pagsamba dahil ang kawalang-pananampalataya at ang Shirk ay walang natitirang mabuting gawa sa mga ito. Humihiling tayo kay Allāh ng kaligtasan mula roon. Hinggil naman sa pagkain ng mga hayop na kinatay ng mga tagapagtambal, nagsabi nga Siya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) habang naglilinaw sa pagbabawal ng pagkain ng hayop na maytah (hindi nakatay) at mga hayop ng katay ng mga tagapagtambal:

﴿وَلَا تَأْكُلُوا مِمَّا لَمْ يُذْكَرِ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ وَإِنَّهُ لَفِسْقٌ وَإِنَّ الشَّيَاطِينَ لَيُوحُونَ إِلَى أَوْلِيَائِهِمْ لِيُجَادِلُوكُمْ وَإِنْ أَطَعْتُمُوهُمْ إِنَّكُمْ لَمُشْرِكُونَ121﴾

{Huwag kayong kumain mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni Allāh roon. Tunay na ito ay talagang kasuwailan. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nagkakasi sa mga katangkilik nila upang makipagtalo sila sa inyo. Kung tumalima kayo sa kanila, tunay na kayo ay talagang mga tagapagtambal.} (Qur’ān 6:121) Sumaway Siya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) sa mga Muslim laban sa pagkain ng maytah (hindi nakatay) o kinatay ng mga tagapagtambal dahil ito ay marumi sapagkat ang kinatay nito ay nasa kahatulan ng maytah (hindi nakatay), kahit pa man binanggit niya ang pangalan ni Allāh rito, dahil ang pagsambit ng ngalan ni Allāh mula sa kanya ay walang-saysay na walang epekto roon dahil iyon ay isang pagsamba, at ang Shirk ay nagpapabagsak ng pagsamba at nagpapawalang-saysay rito, hanggang sa magbalik-loob kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ang tagapagtambal. Pinayagan lamang Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) ang pagkain ng mga may kasulatan sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿...وَطَعَامُ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حِلٌّ لَكُمْ وَطَعَامُكُمْ حِلٌّ لَهُمْ...﴾

{... Ang pagkain ng mga nabigyan ng Kasulatan ay ipinahihintulot para sa inyo at ang pagkain ninyo ay ipinahihintulot para sa kanila. ...} (Qur’ān 5:5) Ito ay dahil sila ay nauugnay sa isang makalangit na relihiyon at nag-aangkin na sila ay mga tagasunod ni Moises at ni Jesus, kahit sila hinggil doon ay mga nagsisinungaling. Nagpawalang-bisa na si Allāh sa relihiyon nila at nagpawalang-saysay rito dahil sa pagkapadala kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga tao sa pangkalahatan. Subalit si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kataas-taasan) ay nagpahintulot sa atin ng pagkain ng mga may kasulatan at pag-aasawa ng mga babae nila dahil sa isang malalim na kasanhian at mga maisasaalang-alang na lihim na ipinaliwanag nga ng mga alagad ng kaalaman, na nasa kasalungatan naman ng mga tagapagtambal kabilang sa mga tagasamba ng mga diyus-diyusan at mga patay na mga propeta, mga walīy, at iba pa sa mga ito dahil ang relihiyon nila ay walang batayan at walang paghihinala rito; bagkus ito ay walang-saysay mula sa pundasyon kaya naman ang hayop na kinatay ng mga alagad nito ay maytah (hindi legal na nakatay) at hindi pinapayagan ang pagkain nito.

Hinggil naman sa sabi ng tao sa kinakausap niya na may jinn na bumagabag sa iyo, may jinn na kumuha sa iyo, may demonyo na sumanib sa iyo, at sinasabing nakawangis niyan, ito ay bahagi ng nauukol sa pag-alipusta at panlalait. Iyon ay hindi pinapayagan sa pagitan ng mga Muslim gaya ng nalalabi sa mga uri ng pag-alipusta at panlalait. Iyon ay hindi bahagi ng patungkol sa Shirk maliban na ang tagasabi niyon ay naniniwala na ang mga jinn ay namamatnugot sa mga tao nang walang pahintulot ni Allāh at kalooban Niya. Kaya ang sinumang naniwala niyon kaugnay sa mga jinn at iba pa sa kanila kabilang sa mga nilikha, siya ay isang tagatangging sumampalataya dahil sa paniniwalang ito dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagapagmay-ari ng bawat bagay at ang Nakakakaya sa bawat bagay at Siya ay ang Tagapagpakinabang, ang Tagapinsala. Walang umiiral na anuman kundi ayon sa pahintulot Niya, kalooban Niya, at pagtatakda Niyang nauna, gaya ng sinabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) habang nag-uutos sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) na magpabatid sa mga tao hinggil sa dakilang batayang panuntunang ito:

﴿قُلْ لَا أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعًا وَلَا ضَرًّا إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ وَلَوْ كُنْتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لَاسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسَّنِيَ السُّوءُ إِنْ أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ188﴾

{Sabihin mo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni Allāh. Kung sakaling nangyaring ako ay nakaaalam sa nakalingid, talaga sanang nakapagparami ako ng kabutihan at hindi sumaling sa akin ang kasagwaan. Walang iba ako kundi isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak para sa mga taong sumasampalataya."} (Qur’ān 7:188) Kaya kapag ang pinapanginoon ng nilikha at ang pinakamainam sa kanila (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) ay hindi nakapagdudulot para sa sarili niya ng pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni Allāh, papaano na sa iba pa sa kanya kabilang sa nilikha? Ang mga talata kaugnay sa kahulugang ito ay marami.

Hinggil naman sa pagtatanong sa mga manghuhula, mga salamangkero, mga astrologo, at mga kawangis nila kabilang sa sinumang nagsasagawa ng pagpapabatid tungkol sa mga pangyayaring nakalingid, ito ay isang nakasasamang hindi pinapayagan. Ang paniniwala sa kanila ay higit na matindi at hindi na nakasasama; bagkus ito ay kabilang sa mga sangay ng Kawalang-pananampalataya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi tatanggapin sa kanya ang pagdarasal ng apatnapung araw." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya.) Nasaad sa Ṣaḥīḥ niya rin ayon kay Mu`āwiyah bin Al-Ḥakam As-Salamīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway laban sa pagpunta sa mga manghuhula at pagtatanong sa kanila.}

Nagtala nito ang mga Alagad ng mga Sunnah ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Siya ay nagsabi: "Ang sinumang pumunta sa isang panghinaharap na manghuhula saka naniniwala roon sa sinasabi niyon, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."} Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami. Kaya ang kinakailangan sa mga Muslim ay ang pangingilag laban sa pagtatanong sa mga panghinaharap na manghuhula, mga pangnakaraang manghuhula, at nalalabi sa mga salamangkerong nagpapakaabala sa pagpapabatid tungkol sa mga pangyayaring nakalingid at panloloko sa mga Muslim, maging ito man ay sa ngalan ng panggagamot o iba pa rito, batay sa naunang nabanggit na pagsaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban doon at pagbibigay-babala niya laban doon. Napaloloob doon ang inaangkin ng ilan sa mga tao sa ngalan ng panggagamot na mga bagay-bagay na pangnakalingid. Kapag umamoy iyon ng turban ng lalaking maysakit o belo ng babaing maysakit o tulad niyan, nagsasabi iyon na ang lalaking maysakit na ito o ang babaing maysakit na ito ay gumawa ng ganito at yumari ng ganito," na kabilang sa mga bagay-bagay ng nakalingid na wala naman sa turban ng lalaking maysakit at tulad nito bilang katunayan daw dito samantalang tanging ang pinapakay mula roon ay ang panloloko sa madla nang sa gayon magsabi sila: ""Tunay na siya ay nakaaalam sa panggagamot, mga uri ng karamdaman, at mga kadahilanan nito." Marahil nagbigay siya sa kanila ng isang bagay mula sa mga gamot at talagang marahil nataon naman ang paggaling na iyon sa pagtatakda ni Allāh kaya nagpalagay sila na ito ay dahil sa mga kadahilanan ng gamot niya. Marahil ang karamdaman ay dahil sa mga kadahilanan ng ilan sa mga jinn at mga demonyo na naglilingkod sa tagapag-angking iyon ng panggagamot at nagpapabatid doon tungkol sa ilan sa mga pangyayaring nakalingid na napag-alaman nila. Kaya naman umaasa siya roon at nagpapalugod siya sa mga jinn at mga demonyo ng nababagay sa kanila na pagsamba saka naglalaho sila sa maysakit na iyon at nag-iiwan sila ng ipinanloko nila sa kanya na kapinsalaan. Ito ay isang bagay na nalalaman tungkol sa mga jinn at mga demonyo at sinumang nagsisilbi sa kanila.

Ang kinakailangan sa mga Muslim din ay ang pag-iingat laban doon, ang pagtatagubilinan ng pagwaksi niyon, ang pagsandal kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), at ang pananalig sa Kanya sa lahat ng mga nauukol. Walang masama sa paggamit ng mga legal na ruqyah, mga pinapayagang gamot, at pagpapalunas sa mga manggagamot na gumagawa ng pagsusuri sa maysakit at pagpapakatiyak sa sakit nito sa pamamagitan ng mga kadahilanang pisikal at rasyonal. Natumpak nga ang ḥadīth buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi: "Hindi nagpababa si Allāh ng isang sakit malibang nagpababa Siya para rito ng isang lunas na nakaalam dito ang sinumang nakaalam dito at namangmang dito ang sinumang namangmang dito." Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang bawat sakit ay may gamot. Kaya naman kapag may tumalab na isang gamot sa sakit, gumaling ito ayon sa pahintulot ni Allāh." Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mga lingkod ni Allāh, maggamutan kayo at huwag kayong maggamutan sa bawal." Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.

Kaya humihiling tayo kay Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) na magsaayos Siya ng mga kalagayan ng mga Muslim nang lahatan, maglunas Siya sa mga puso nila at mga katawan nila sa lahat ng kasamaan, magtipon Siya sa kanila sa patnubay, at magkupkop Siya sa atin at sa kanila laban sa mga panliligaw ng mga tukso at laban sa pagtalima sa demonyo at mga katangkilik nito; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh, ang Mataas, ang Sukdulan.

Basbasan ni Allāh, pangalagaan Niya, at pagpalain Niya ang Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito.

***

 


بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ

Ang Ikaapat na Mensahe:

Hinggil sa Kahatulan ng Pagpapakamananamba sa Pagsambit ng mga Sambiting Pambid`ah at Pangshirk

Mula kay `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz tungo sa Presensiya ng Pinarangalang Kapatid na ..................... Magtuon nawa sa kanya si Allāh sa bawat kabutihan. Āmīn.

Kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagbabala Niya.

Sa pagpapatuloy, umabot nga sa akin ang marangal na sulat ninyo – magpaabot nawa sa inyo si Allāh ng patnubay Niya – at ang nilaman nito na pagpapatalos na may naroroon sa bayan ninyo na mga taong kumakapit sa mga sambitin (wird) na hindi nagpababa si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Kabilang sa mga ito ang pambid`ah at kabilang sa mga ito ang pangshirk. Nag-uugnay sila niyon sa pinuno ng mga mananampalataya na si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya at iba pa sa kanya). Nagbabasa sila ng mga sambiting iyon sa mga pagtitipon ng dhikr o sa mga masjid matapos ng ṣalāh na maghrib, habang nag-aakala na ang mga ito ay pampalapit-loob kay Allāh, gaya ng sabi nila: "Sa pamamagitan ng karapatan ni Allāh, mga tao ni Allāh, tulungan ninyo kami sa pamamagitan ng tulong ni Allāh at maging tulong kayo sa amin sa pamamagitan ni Allāh." Gaya rin ng sabi nila: "O mga suhay, O mga pinapanginoon, sumagot kayo, O mga may ayuda sa amin, at mamagitan kayo kay Allāh. Ito ay alipin ninyo, nakatindig; at sa pintuan ninyo, nananatili; at dahil sa pagkukulang niya, nangangamba. Magsaklolo ka sa amin, O Sugo ni Allāh. Walang para sa akin na iba pa sa inyo na mapupuntahan ko. Mula sa inyo natatamo ang kahilingan. Kayo ay mga alagad ni Allāh dahil kay Ḥamzah na pinapanginoon ng mga martir at sinumang kabilang sa inyo na ayuda para sa amin. Magsaklolo ka sa amin, O Sugo ni Allāh." Gaya rin ng sabi nila: "O Allāh, basbasan Mo ang ginawa Mo bilang kadahilanan ng pagkabiyak ng mga lihim Mong pangkapangyarihan at bilang ng mga liwanag mong pangnapakamaawain kaya naging kinatawan sa presensiyang pampanginoon at kahalili ng mga lihim Mong pansarili."

Ang pagkaibig ninyo sa paglilinaw ng anumang bid`ah at anumang shirk. Natutumpak ba ang ṣalāh sa likuran ng imām na dumadalangin ng ganitong panalangin? Ang lahat ng iyon ay nalalaman.

Ang sagot: Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya at ukol sa mag-anak niya, Kasamahan niya, at sinumang napatnubayan dahil sa patnubay niya hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.

Sa pagpapatuloy, alamin mo, magtuon nawa sa iyo si Allāh, na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay lumikha lamang ng nilikha at nagsugo lamang ng mga sugo (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) upang sambahin Siya – tanging Siya: walang katambal sa Kanya bukod sa bawat anumang iba sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ56﴾

{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur’ān 51:56)

Ang pagsamba, gaya ng naunang paglilinaw nito, ay ang pagtalima kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) at ang pagtalima sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng paggawa sa iniutos Niya at ng Sugo Niya at pagwaksi ng sinaway Niya at ng Sugo Niya dahil sa pagsampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at pagpapakawagas sa Kanya sa gawain kasama ng kasukdulan ng pag-ibig sa Kanya at kakumpletuhan ng pagpapakaaba sa Kanya – tanging sa Kanya: napakataas Siya – bukod sa iba sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

﴿وَقَضَى رَبُّكَ أَلَّا تَعْبُدُوا إِلَّا إِيَّاهُ...﴾

{Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya ...} (Qur’ān 17:23) Ibig sabihin: Nag-utos Siya at nagtagubilin Siya na sambahin Siya nang mag-isa. Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ2 الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ3 مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ4 إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ5﴾

{2. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,

3. ang Napakamaawain, ang Maawain,

4. ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.

5. Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.} (Qur’ān 1:2-5) Nagpalinaw si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa pamamagitan ng talatang ito na Siya ay ang karapat-dapat para sambahin nang mag-isa at hingan ng tulong nang mag-isa. Nagsabi Siya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ فَٱعۡبُدِ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ2 أَلَا لِلَّهِ ٱلدِّينُ ٱلۡخَالِصُۚ...﴾

{2. Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon.

3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas ...} (Qur’ān 39:2-3) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿فَادْعُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ14﴾

{Kaya dumalangin kayo kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur’ān 40:14) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿وَأَنَّ الْمَسَاجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدْعُوا مَعَ اللَّهِ أَحَدًا18﴾

{Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.} (Qur’ān 72:18) Ang mga talata kaugnay sa kahulugang ito ay marami at ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay sa pagkakinakailangan ng pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba.

Nalalaman na ang pagdalangin sa mga uri nito ay bahagi ng pagsamba kaya hindi pinapayagan sa isa man sa mga tao na dumalangin siya kundi sa Panginoon niya ni magpatulong ni magpasaklolo kundi sa Kanya bilang pagsasagawa ayon sa mga marangal na talatang ito at anumang nasaad kaugnay sa kahulugan ng mga ito. Ito ay kaugnay sa anumang bukod pa sa mga karaniwang bagay-bagay at mga pisikal na kadahilanan na nakakakaya sa mga ito ang nilikhang buhay na naririyan sapagkat tunay na iyon ay hindi bahagi ng pagsamba; bagkus pinapayagan ayon sa teksto at ijmā` na magpatulong ang tao sa taong buhay kaugnay sa mga karaniwang bagay-bagay na nakakakaya iyon sa mga ito. Gaya ito ng kung nagpapatulong siya roon o nagpapasaklolo siya roon sa pagtulak ng kasamaan ng anak niya o tagapagsilbi niya o aso niya o anumang nakawangis niyan. Gaya ito ng kung nagpapatulong ang tao sa taong buhay na naririyan na nakakakaya o sa taong nakaliban sa pamamagitan ng paggamit ng mga pisikal na kadahilanan gaya ng pakikipagsulatan at tulad nito sa pagpapatayo ng bahay niya o pagsasaayos ng kotse niya o anumang nakawangis niyan. Kabilang doon ang pagpapasaklolo ng tao sa mga kasamahan niya sa pakikibaka at digmaan at tulad niyan. Kabilang sa paksang ito ang sabi ni Allāh (napakataas Siya) kaugnay sa kuwento ni Moises (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):

﴿...فَاسْتَغَاثَهُ الَّذِي مِنْ شِيعَتِهِ عَلَى الَّذِي مِنْ عَدُوِّهِ...﴾

{Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya.} (Qur’ān 28:15)

Hinggil naman sa pagpapasaklolo sa mga patay, mga jinn, mga anghel, mga punong-kahoy, at mga bato, iyon ay bahagi ng Malaking Shirk. Iyon ay bahagi ng kauri ng gawain ng mga sinaunang tagapagtambal sa mga diyos nila gaya nina Al-Lāt at Al-`Uzzā at iba sa dalawang ito. Gayundin ang pagpapasaklolo at ang pagpapatulong sa mga pinaniniwalaang nasa kanila ang wilāyah (pagkatangkilik ni Allāh) kabilang sa mga buhay kaugnay sa anumang walang nakakakaya niyon kundi si Allāh gaya ng pagpapagaling ng mga maysakit, kapatnubayan ng mga puso, pagpasok sa Paraiso, pagkaligtas sa Impiyerno, at mga kawangis niyan.

Ang mga naunang talata at ang anumang nasaad kaugnay sa kahulugan ng mga ito mula sa mga talata at mga ḥadīth, ang lahat ng mga ito ay nagpapatunay sa pagkakinakailangan ng pagtutuon sa mga puso tungo kay Allāh sa lahat ng mga bagay-bagay at pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya – dahil ang mga tao ay nilikha para roon at inutusan dito, gaya ng naunang nabanggit sa mga talata at gaya ng nasaad sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَاعْبُدُوا اللَّهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا...﴾

{Sumamba kayo kay Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.} (Qur’ān 4:36) Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ...﴾

{Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa Relihiyon} (Qur’ān 98:5) Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth ni Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): "Ang karapatan ni Allāh sa lingkod ay na sumamba sila sa Kanya at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman." Napagkasunduan sa katumpakan nito. Ang sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa isang kaagaw para kay Allāh, papasok siya sa Apoy." (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.) Nasaad sa Ṣaḥīḥān mula sa ḥadīth ng Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong nagpadala siya kay Mu`ādh sa Yemen, ay nagsabi rito: "Tunay na ikaw ay darating sa mga tao mula sa mga taong may kasulatan, kaya ang kauna-unahan sa ipaaanyaya mo sa kanila ay ang pagsasaksi na walang Diyos kundi si Allāh."} Sa isang pananalita: "Mag-anyaya ka sa kanila sa pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na ako ay Sugo ni Allāh." Sa isang salaysay ni Imām Al-Bukhārīy: "kaya ang kauna-unahan sa ipaaanyaya mo sa kanila ay na maniwala sila sa kaisahan ni Allāh." Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Ṭāriq bin Ashyam Al-Ashja`īy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at tumangging sumampalataya sa anumang sinasamba bukod pa kay Allāh, ipinagbabawal lapastangin ang yaman niya at ang buhay niya. Ang pagtutuos sa kanya ay nasa kay Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya)."} Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.

Ang Tawḥīd na ito ay batayan ng Relihiyong Islām. Ito ay ang pundasyon ng Kapaniwalaan. Ito ay ang ulo ng usapin at ang pinakamahalaga sa mga tungkulin. Ito ay ang kasanhian sa paglikha sa dalawang pangunahing nilalang at ang kasanhian sa pagsusugo ng mga sugo sa kalahatan (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga), gaya ng naunang nakasaad sa mga talatang nagpapatunay roon. Kabilang sa mga ito ang sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ56﴾

{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.} (Qur’ān 51:56) Kabilang sa mga patunay roon din ang sabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ...﴾

{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos." ...} (Qur’ān 16:36) Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):

﴿وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ25﴾

{Hindi Kami nagsugo bago mo pa ng anumang sugo malibang nagkakasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba kayo sa Akin.} (Qur’ān 21:25) Nagsabi Siya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) tungkol kina Noe, Hūd, Ṣāliḥ, at Shu`ayb (sumakanila ang basbas at ang pangangalaga) na sila ay nagsabi sa mga tao nila:

﴿...اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَهٍ غَيْرُهُ...﴾

{... sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. ...} (Qur’ān 7:59) Ito ang paanyaya ng mga sugo sa kalahatan gaya ng ipinatunay roon ng dalawang naunang talata. Umamin nga ang mga kaaway ng mga sugo na ang mga sugo ay nag-utos sa kanila ng pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba at pagkalas sa mga diyos na sinasamba bukod pa sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) sa kuwento ng liping `Ād na sila ay nagsabi kay Hūd (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):

﴿...أَجِئْتَنَا لِنَعْبُدَ اللَّهَ وَحْدَهُ وَنَذَرَ مَا كَانَ يَعْبُدُ آبَاؤُنَا...﴾

{... "Dumating ka ba sa Amin upang sumamba kami kay Allāh lamang at umiwan Kami sa anumang dating sinasamba ng mga magulang namin? ...} (Qur’ān 7:70) Nagsabi naman si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) tungkol sa liping Quraysh noong nag-aanyaya sa kanila ang Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba at pagwaksi sa anumang sinasamba nila bukod pa sa Kanya kabilang sa mga anghel, mga walīy, mga anito, at mga punong-kahoy, at iba pa riyan.

﴿أَجَعَلَ الْآلِهَةَ إِلَهًا وَاحِدًا إِنَّ هَذَا لَشَيْءٌ عُجَابٌ5﴾

{Gumawa ba siya sa mga diyos bilang nag-iisang diyos? Tunay na ito ay talagang isang bagay na kataka-taka."} (Qur’ān 38:5) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) tungkol sa kanila:

﴿إِنَّهُمْ كَانُوا إِذَا قِيلَ لَهُمْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ يَسْتَكْبِرُونَ35 وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُوٓاْ ءَالِهَتِنَا لِشَاعِرٖ مَّجۡنُونِۭ36﴾

{35. Tunay na sila dati, kapag sinabi sa kanila na walang Diyos kundi si Allāh, ay nagmamalaki

36. at nagsasabi: "Tunay na kami ba ay talagang mga mag-iiwan sa mga diyos namin dahil sa isang manunulang baliw?"} (Qur’ān 37:35-36) Ang mga talatang nagpapahiwatig ng kahulugang ito ay marami.

Mula sa nabanggit natin mula sa mga talata at mga ḥadīth, lumiliwanag sa iyo – magpatnubay nawa sa akin si Allāh at sa iyo sa pagkaunawa sa Relihiyon at pagkatalos sa karapatan ng Panginoon ng mga nilalang – na ang mga panalanging ito at mga uri ng pagpapasaklolo na nilinaw ko sa tanong mo, ang lahat ng mga ito ay kabilang sa mga uri ng Malaking Shirk dahil ito ay isang pagsamba sa iba pa kay Allāh at isang paghiling ng mga bagay-bagay na walang nakakakaya sa mga ito na iba sa Kanya mula sa mga patay at mga nakaliban. Iyon ay higit na pangit kaysa sa Shirk ng mga sinauna dahil ang mga sinauna ay nagtatambal lamang sa kalagayan ng kaalwanan samantalang sa kalagayan naman ng mga kagipitan ay nagpapakawagas sila para kay Allāh ng pagsamba dahil sila ay nakaaalam na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Nakakakaya sa pagliligtas sa kanila mula sa kagipitan hindi ang iba pa sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya) sa Malinaw na Aklat Niya tungkol sa mga tagapagtambal na iyon:

﴿فَإِذَا رَكِبُواْ فِي ٱلۡفُلۡكِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ إِذَا هُمۡ يُشۡرِكُونَ65﴾

{Kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]} (Qur’ān 29:65) Nagsabi naman Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) habang nakikipag-usap sa kanila sa iba pang talata:

﴿وَإِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فِي ٱلۡبَحۡرِ ضَلَّ مَن تَدۡعُونَ إِلَّآ إِيَّاهُۖ فَلَمَّا نَجَّىٰكُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ أَعۡرَضۡتُمۡۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ كَفُورًا67﴾

{Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat.} (Qur’ān 17:67)

Kapag nagsabi ang isang nagsasabi kabilang sa mga nahuling tagapagtambal na ito: "Tunay na kami ay hindi tumutukoy na ang mga iyon ay nagbebenipisyo dahil sa mga sarili nila at nagpapagaling sa mga maysakit namin dahil sa mga sarili nila o nagpapakinabang sa amin dahil sa mga sarili nila o nakapipinsala sa amin dahil sa mga sarili nila. Tumutukoy lamang kami sa Pamamagitan nila kay Allāh (napakataas Siya) kaugnay roon."

Ang sagot ay na sabihin sa kanya: Tunay na ito ay ang tinutukoy ng mga sinaunang tagatangging sumampalataya at ang ninanais sabihin nila. Hindi ninanais sabihin nila na ang mga diyos nila ay lumilikha o nagtutustos o nagpapakinabang o nakapipinsala dahil sa sarili ng mga ito sapagkat tunay na iyan ay nagpapawalang-saysay sa binanggit ni Allāh tungkol sa kanila sa Qur’ān; at na sila ay nagnanais ng Pamamagitan ng mga iyon, impluwensiya ng mga iyon, at pagpapalapit-loob ng mga iyon kay Allāh sa kadikitan, gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya):

﴿وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡ وَيَقُولُونَ هَٰٓؤُلَآءِ شُفَعَٰٓؤُنَا عِندَ ٱللَّهِ...﴾

{Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: "Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh...} (Qur’ān 10:18) Kaya tumugon si Allāh sa kanila roon sa pamamagitan ng sabi Niya:

﴿...قُلۡ أَتُنَبِّـُٔونَ ٱللَّهَ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ﴾

{... Sabihin mo: "Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa [na may katambal Siya]? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila."} (Qur’ān 10:18) Nagpalinaw si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na Siya ay hindi nakaaalam sa mga langit ni sa lupa ng isang mapagpamagitan sa ganang Kanya ayon sa paraang tinutukoy ng mga tagapagtambal. Ang anumang hindi nakaaalam si Allāh sa kairalan nito ay walang kairalan para rito dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi napagkukublihan ng anuman. Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ 1 إِنَّآ أَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ فَٱعۡبُدِ ٱللَّهَ مُخۡلِصٗا لَّهُ ٱلدِّينَ2 أَلَا لِلَّهِ ٱلدِّينُ ٱلۡخَالِصُۚ وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ3﴾

{1. Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.

2. Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo ng Aklat kalakip ng katotohanan, kaya sumamba ka kay Allāh habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon.

3. Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [na nag-ugnay ng anak sa Kanya] na palatangging sumampalataya.} (Qur’ān 39:1-3)

Ang kahulugan ng relihiyon dito ay ang pagsamba. Ito ay ang pagtalima kay Allāh at ang pagtalima sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), gaya ng nakaraang nabanggit. Napaloloob rito ang pagdalangin, ang pagpapasaklolo, ang pangamba, ang paghahangad, ang pag-aalay, at ang pamamanata, kung paanong napaloloob dito ang pagdarasal, ang pag-aayuno, at ang iba pa riyan kabilang sa ipinag-utos ni Allāh at ng Sugo Niya. Nagpalinaw si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na ang pagsamba ay para sa Kanya – tanging sa Kanya – at na kinakailangan sa mga tao ang pagpapakawagas dito sa Kanya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) dahil ang utos Niya sa Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan) ng pagpapakawagas ng pagsamba sa Kanya ay isang utos para sa lahat ng mga anak ng Kalipunang ito.

Pagkatapos naglinaw si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) matapos niyon tungkol sa mga tagatangging sumampalataya sapagkat nagsabi Siya:

﴿...وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ مَا نَعۡبُدُهُمۡ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَآ إِلَى ٱللَّهِ زُلۡفَىٰٓ...

{Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: "Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan."} (Qur’ān 39:3) Kaya tumugon si Allāh sa kanila sa sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿...إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ﴾

{... Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [na nag-ugnay ng anak sa Kanya] na palatangging sumampalataya.} (Qur’ān 39:3) Kaya nagpabatid (kaluwalhatian sa Kanya) sa marangal na talatang ito na ang mga tagatangging sumampalataya ay hindi sumamba sa mga walīy bukod pa sa Kanya kundi upang magpalapit-loob sa kanila kay Allāh sa kadikitan. Ito ay ang tinutukoy ng mga tagatangging sumampalataya sa matanda at makabagong panahon. Nagpawalang-saysay nga si Allāh doon sa sabi Niya (napakataas Siya):

﴿...إِنَّ ٱللَّهَ يَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ فِي مَا هُمۡ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ كَٰذِبٞ كَفَّارٞ﴾

{... Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [nag-uugnay sa Kanya ng katambal,] na palatangging sumampalataya.} (Qur’ān 39:3) Nagbigay-liwanag si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa kasinungalingan nila sa pag-aangkin nila na ang mga diyos nila ay nagpapalapit-loob sa kanila kay Allāh sa kadikitan, at sa kawalang-pananampalataya nila dahil sa ibinaling nila sa mga iyon na pagsamba. Dahil doon, nalalaman ng bawat sinumang may pinakamababang pagkatalos na ang mga sinaunang tagatangging sumampalataya ay may kawalang-pananampalataya lamang dahil sa paggawa nila sa mga propeta, mga walīy, mga punong-kahoy, mga bato, at iba pa riyan kabilang sa mga nilikha, bilang mga mapagpamagitan sa pagitan nila at ni Allāh; at dahil sa paniniwala nila na sila ay natutugunan sa mga pangangailangan nila nang walang pahintulot Niya at pagkalugod Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) gaya ng pamamagitan ng mga ministro sa harap ng mga hari kaya naman nag-analohiya sila sa Kanya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) sa mga hari at mga pinuno. Nagsabi sila: Kung paanong ang sinumang may pangangailangan sa hari at pinuno ay nagpapamagitan sa kanya sa mga piling tao niya at mga ministro niya, gayundin, kami ay nagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagsamba sa mga propeta Niya at mga walīy Niya. Ito ay kabilang sa pinakabulaang kabulaanan dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay walang kawangis, hindi sinusukat ayon sa nilikha Niya, at walang nakapamamagitan sa Kanya na isa man malibang may pahintulot Niya sa Pamamagitan at hindi Siya nagpapahintulot maliban sa mga alagad ng Tawḥīd. Siya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa bawat bagay ay May-kakayahan at sa bawat bagay ay Maalam. Siya ay ang pinakamaawain sa mga naaawa. Hindi Siya natatakot sa isa man at hindi Siya nangangamba rito dahil Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya at ang Tagapatnugot sa kanila kung papaano Niyang niloloob. Sa kasalungatan sa mga hari at mga pinuno sapagkat tunay na sila ay hindi nakakakaya sa bawat bagay kaya dahil doon nangangailangan sila sa sinumang makatutulong sa kanila, sa anumang maaaring mawawalang-kakayahan sila, gaya ng mga ministro nila, mga piling tao nila, at mga hukbo nila kung paanong nangangailangan sila ng pagpapaabot sa kanila ng mga hindi nila nalalaman ang pangangailangan kaya nangangailangan sila ng magsusumamo sa kanila at magpapalugod sa kanila mula sa mga ministro nila at mga piling tao nila. Hinggil sa Panginoon (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha niya samantalang Siya ay pinakamaawain sa kanila kaysa sa mga ina nila. Siya ang Tagahatol na Makatarungan. Naglalagay Siya ng mga bagay-bagay sa mga kalalagyan ng mga ito ayon sa hinihiling ng karunungan Niya, kaalaman Niya, at kakayahan Niya kaya hindi pinapayagan na sukatin Siya ayon sa nilikha Niya sa anuman sa mga paraan. Dahil dito, nagbigay-liwanag Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa Aklat Niya na ang mga tagapagtambal ay kumilala nga na Siya ay ang Tagalikha, ang Tagatustos, ang Tagapangasiwa at na Siya ay ang tumutugon sa nagigipit, pumapawi sa kasagwaan, nagbibigay-buhay, nagbibigay-kamatayan, at iba pa riyan na mga ginagawa Niya (kaluwalhatian sa Kanya). Talaga ngang ang alitan sa pagitan ng mga tagapagtambal at ng mga sugo ay sa pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya, gaya ng sinabi Niya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُ...﴾

{Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh ...} (Qur’ān 43:87) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿قُلۡ مَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِ أَمَّن يَمۡلِكُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَمَن يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَيُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّ وَمَن يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَۚ فَسَيَقُولُونَ ٱللَّهُۚ فَقُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ31﴾

{Sabihin mo: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?" Magsasabi sila na si Allāh, kaya sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?"} (Qur’ān 10:31) Ang mga talata kaugnay sa kahulugang ito ay marami.

Nauna na ang pagkabanggit ng mga talata na nagpapatunay na ang hidwaan sa pagitan ng mga sugo at mga kalipunan ay tanging nasa pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh nang mag-isa, gaya ng sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّٰغُوتَ...﴾

{Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos ...} (Qur’ān 16:36) at ng nasaad kaugnay sa kahulugan nito mula sa mga talata. Naglinaw Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa maraming bahagi ng Marangal na Aklat Niya ng pumapatungkol sa Pamamagitan sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya):

﴿...مَن ذَا ٱلَّذِي يَشۡفَعُ عِندَهُۥٓ إِلَّا بِإِذۡنِهِ...﴾

{... Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon pahintulot Niya? ...} (Qur’ān 2:255) Nagsabi pa Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):

﴿وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ26﴾

{Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.} (Qur’ān 53:26)

Nagsabi naman Siya kaugnay sa paglalarawan sa mga anghel:

﴿...وَلَا يَشۡفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ٱرۡتَضَىٰ وَهُم مِّنۡ خَشۡيَتِهِۦ مُشۡفِقُونَ﴾

{... Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.} (Qur’ān 21:28)

Nagpabatid Siya (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) na Siya ay hindi nalulugod sa kawalang-pananampalataya mula sa mga lingkod Niya at nalulugod lamang sa pagtanaw ng utang na loob mula sa kanila. Ang pagtanaw ng utang na loob ay ang paniniwala sa Kaisahan Niya at ang paggawa ayon sa pagtalima sa Kanya sapagkat nagsabi Siya (napakataas Siya):

﴿إِن تَكۡفُرُواْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ عَنكُمۡۖ وَلَا يَرۡضَىٰ لِعِبَادِهِ ٱلۡكُفۡرَۖ وَإِن تَشۡكُرُواْ يَرۡضَهُ لَكُمۡ...﴾

{Kung tatanggi kayong sumampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa inyo at hindi Siya nalulugod para sa mga lingkod Niya sa kawalang-pananampalataya. Kung magpapasalamat kayo ay malulugod Siya roon para sa inyo ...} (Qur’ān 39:7)

Nagsalaysay si Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya ayon kay Abū Huraryrah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay nagsabi: {O Sugo ni Allāh, sino po ang pinakamaligaya sa mga tao sa Pamamagitan mo?" Nagsabi siya: "Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh nang mula sa puso niya." O nagsbi siya: "mula sa sarili niya."}

Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang bawat propeta ay may panalanging tinutugon ngunit nagmadali ang bawat propeta sa panalangin niya. Tunay na ako ay naglaan ng panalangin ko sa isang Pamamagitan para sa Kalipunan ko sa Araw ng Pagbangon saka ito ay ipatatamo kung niloob ni Allāh sa sinumang namatay mula sa Kalipunan ko habang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman."} Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.

Ang lahat ng nabanggit natin na mga talata at mga ḥadīth ay nagpapatunay na ang pagsamba ay karapatan ni Allāh – tanging sa Kanya – at na hindi pinapayagan ang pagbaling ng anuman mula sa mga ito sa iba pa kay Allāh ni sa mga propeta ni sa iba pa sa kanila at na ang Pamamagitan ay pag-aari ni Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) gaya ng sinabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):

﴿قُل لِّلَّهِ ٱلشَّفَٰعَةُ جَمِيعٗا...﴾

{Sabihin mo: "Ukol kay Allāh ang [pagpapahintulot ng] pamamagitan nang lahatan ...} (Qur’ān 39:44) Walang nagiging karapat-dapat dito na isa man malibang matapos ng pagpapahintulot Niya sa tagapamagitan at pagkalugod Niya sa pinamamagitanan. Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay hindi nalulugod kundi sa Tawḥīd, gaya ng naunang nabanggit. Batay rito, tunay na ang mga tagapagtambal ay walang bahagi sa kanila sa Pamamagitan. Nagbigay-liwanag nga si Allāh nito sa sabi Niya (napakataas Siya):

﴿فَمَا تَنفَعُهُمۡ شَفَٰعَةُ ٱلشَّٰفِعِينَ 48﴾

{Kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pamamagitan ng mga tagapamagitan.} (Qur’ān 74:48) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿...مَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ حَمِيمٖ وَلَا شَفِيعٖ يُطَاعُ﴾

{... Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang matalik na kaibigan ni tagapagpamagitang tatalimain.} (Qur’ān 40:18)

Nalalaman na ang kawalang-katarungan sa sandali ng pagtataguri ay ang pagtatambal kay Allāh, gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya):

﴿...وَٱلۡكَٰفِرُونَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ﴾

{... Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur’ān 2:254) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):

﴿...إِنَّ ٱلشِّرۡكَ لَظُلۡمٌ عَظِيمٞ﴾

{... Tunay na ang pagtatambal [kay Allāh] ay talagang isang kawalang-katarungang [kasalanang] sukdulan.} (Qur’ān 31:13)

Hinggil naman sa nabanggit ko sa tanong na sabi ng ilan sa mga Ṣūfīy sa mga masjid at iba pa sa mga ito: "O Allāh, basbasan Mo ang ginawa Mo bilang kadahilanan ng pagkabiyak ng mga lihim Mong pangkapangyarihan at bilang ng mga liwanag mong pangnapakamaawain kaya naging kinatawan ng presensiyang pampanginoon at kahalili ng mga lihim Mong pansarili ..." hanggang sa wakas nito.

Ang sagot ay na sabihin: Tunay na ang pananalitang ito at ang mga kawangis nito ay kabilang sa pangungusap ng pagkukunwari at pagpapakasukdulan, na nagbibigay-babala laban dito ang Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nasaad sa isinalaysay ni Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Napahamak ang mga nagpapakasukdulan!" Nagsabi siya nito nang tatlong ulit.}

Nagsabi si Imām Ibnu Al-Khaṭṭābīy (kaawaan siya ni Allāh): Ang nagpapakasukdulan ay ang nagpapakalalim sa isang bagay at ang nagkukunwari sa pagsaliksik nito sa mga doktrina ng mga alagad ng Kalām, na mga pumapasok sa hindi pumapatungkol sa kanila, na mga sumusunog sa hindi naabot ng mga isip nila.

Nagsabi si Abu As-Sa`ādāt ibnu Al-Athīr: Sila ay ang mga nagpakalalim na nagpapasobra sa pagsasalita, na mga nagsasalita ng abot sa pinakadulo ng mga lalamunan nila, na hango mula sa naṭ`, ang pinakamataas na matigas na ngalangala sa bibig. Pagkatapos ginamit ito sa bawat nagpapakalalim sa sinasabi at ginagawa.

Sa pamamagitan ng nabanggit ng dalawang pantas na ito kabilang sa mga pantas ng wika, magliliwanag sa iyo at sa bawat sinumang may pinakamababang pagkatalos na ang pamamaraang ito ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa Propeta natin at pinapanginoon nating Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay kabilang sa pangungusap ng pagkukunwari at pagpapakasukdulan na sinasaway. Ang isinasabatas para sa Muslim sa paksang ito ay na maghangad siya ng pamamaraang napagtibay ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa paraan ng pagdalangin ng basbas at pangangalaga sa kanya. Doon ay may kasapatan higit sa iba pa roon.

Kabilang doon ang isinalaysay nina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim sa Ṣaḥīḥān ayon kay Ka`b bin `Ujrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nag-utos sa amin si Allāh na manalangin kami ng basbas sa iyo. Kaya papaano po kaming mananalangin ng basbas sa iyo?" Kaya nagsabi siya: "Magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. Allāhumma bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā ibrāhīma wa-`alā āli ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"}

Nasaad sa Ṣaḥīḥān ayon kay Abū Ḥumayd As-Sā`idīy (malugod si Allāh sa kanya): {Sila ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, papaano po kaming mananalangin ng basbas sa iyo?" Nagsabi siya: "Magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā azwājihi wa-dhurrīyatihi kamā ṣallayta `alā āli ibrāhīm, wa-bārik `alā muḥammadin wa-`alā azwājihi wa-dhurrīyatihi kamā bārakta `alā āli ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad, ang mga maybahay niya, at ang mga inapo niya gaya ng pagbasbas Mo sa mag-anak ni Abraham; at pagpalain Mo si Muḥammad, ang mga maybahay niya, at ang mga inapo niya gaya ng pagpapala Mo sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.)"

Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi si Bashīr bin Sa`d: "O Sugo ni Allāh, nag-utos sa amin si Allāh na manalangin kami ng basbas sa iyo. Kaya papaano po kaming mananalangin ng basbas sa iyo?" Kaya nanahimik siya pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi kayo: Allāhumma ṣalli `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammadin, kamā ṣallayta `alā āli ibrāhīm; wa-bārik `alā muḥammadin wa-`alā āli muḥammad, kamā bārakta `alā āli ibrāhīm fi -l`ālamīn; innaka ḥamīdum majīd. (O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo sa mag-anak ni Abraham; at pagpalain Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagpapala Mo sa mag-anak ni Abraham sa mga nilalang; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.) Ang pagbati naman ay gaya ng nalaman."}

Ang mga pananalitang ito at ang mga kawangis ng mga ito, kabilang sa napagtibay ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay ang nararapat sa Muslim na gamitin sa panalangin niya ng basbas at pangangalaga sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) dahil ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang pinakamaalam sa mga tao sa naaangkop na gamitin sa panig niya kung paanong siya ay ang pinakamaalam sa mga tao sa nararapat na gamitin sa panig ng Panginoon niya na mga pananalita.

Hinggil naman sa mga pananalitang pakunwari at pinauso at mga pananalitang nagsasaposibilidad ng isang kahulugang hindi tumpak gaya ng mga pananalitang binanggit sa tanong, tunay na iyon ay hindi nararapat gamitin dahil sa taglay ng mga ito na pagkukunwari at dahil sa pagiging ang mga ito ay maaaring maipakakahulugan sa mga kahulugang walang-kabuluhan kasabay ng pagiging ang mga ito ay sumasalungat sa mga pananalitang pinili ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at iginabay niya sa Kalipunan niya. Siya ay ang pinakamaalam sa mga nilikha, ang pinakamapagpayo sa kanila, at ang pinakamalayo sa kanila sa pagkukunwari – sumakanya mula sa Panginoon niya ang pinakamainam na basbas at pangangalaga.

Bukod pa rito, naghahangad ako na sa nabanggit natin na mga patunay sa paglilinaw sa reyalidad ng Tawḥīd, reyalidad ng Shirk, at pagkakaiba sa pagitan ng nasa kung ano ang mga sinaunang tagapagtambal at ang mga nahuling tagapagtambal kaugnay sa paksang ito; at sa paglilinaw sa pamamaraan ng isinasabatas na pagdalangin ng basbas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may kasapatan at pangkumbinsi sa tagahanap ng katotohanan. Hinggil naman sa sinumang walang pagkaibig sa pag-alam sa katotohanan, ito ay isang tagasunod ng pithaya niya. Nagsabi si Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya):

﴿فَإِن لَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكَ فَٱعۡلَمۡ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّنِ ٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ بِغَيۡرِ هُدٗى مِّنَ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ50﴾

{Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh? Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.} (Qur’ān 28:50)

Naglinaw Siya (kaluwalhatian sa Kanya) sa marangal na talatang ito na ang mga tao hinggil sa pagkakaugnay sa pagkapadala ni Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa punto ng patnubay at relihiyon ng katotohanan ay dalawang bahagi:

A. Tumutugon kay Allāh at sa Sugo Niya;

B. Tagasunod sa pithaya niya, pagkatapos nagpabatid Siya (kaluwalhatian sa Kanya) na walang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh.

Kaya humihiling tayo kay Allāh (kapita-pitagan ang pagpipitagan sa Kanya) ng kaligtasan laban sa pagsunod sa pithaya at na gumawa Siya sa amin at sa inyo at sa nalalabi sa mga kapatid natin na maging kabilang sa mga tagatugon sa Kanya at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), mga tagapagdakila sa Batas Niya, at mga tagapagbigay-babala laban sa bawat sumasalungat sa Batas Niya na mga bid`ah at mga pithaya; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay.

Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, Sugo Niya, at Propeta nating si Muḥammad; ang mag-anak niya; ang mga Kasamahan niya; at ang mga tagasunod niya ayon sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.

 

***

 

 

tl397v4.0 - 17/08/2026