بَيَانُ كُفْرِ وَضَلَالِ مَنْ زَعَمَ أَنَّهُ يَجُوزُ لِأَحَدٍ الخُرُوجُ مِنْ شَرِيعَةِ مُحَمَّدٍ ﷺ
Ang Paglilinaw sa Kawalang-Pananampalataya at Pagkaligaw ng Sinumang Nag-akala na Pinapayagan sa Isang Tao ang Paglabas sa Sharī`ah ni Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
لِسَمَاحَةِ الشَّيْخِ العَلَّامَةِ
عَبْدِ العَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللهِ بْنِ بَازٍ
رَحِمَهُ اللهُ
Akda ni Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Ang Ikalabindalawang Mensahe:
Ang Paglilinaw sa Kawalang-Pananampalataya at Pagkaligaw ng Sinumang Nag-akala na Pinapayagan sa Isang Tao ang Paglabas sa Sharī`ah ni Muḥammad (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa pangwakas sa mga propeta at mga isinugo ang Propeta nating si Muḥammad at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya nang magkakasama.
Sa pagpapatuloy, napag-alaman ko sa artikulong inilathala ng pahayagang Ash-Sharq Al-Awsaṭ sa isyu nitong numero: 5834 at petsang 5/6/1415 Hijrah (11/10/1994 CE), na isinulat ng isang tumatawag sa sarili niya bilang `Abdulfattāḥ Al-Ḥāyik, sa ilalim ng pamagat na: Ang Maling Pagkaintindi.
Ang buod ng artikulo: Ang pagkakaila niya sa isang nalalamang bahagi ng Relihiyong Islām dahil sa kalinawan at dahil sa teksto at ijmā`. Ito ay ang pagkapangkalahatan ng mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng mga tao. Ang pag-aangkin niya na ang sinumang hindi sumunod kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi tumalima sa kanya, bagkus nanatili ito sa pagiging isang Hudyo o isang Kristiyano, ito ay nasa isang relihiyong totoo. Pagkatapos nagmataas siya sa Panginoon ng mga nilalang (kaluwalhatian sa Kanya) sa kasanhian sa pagdudulot ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail at nagturing siya na iyon ay bahagi ng kawalang-kapararakan.
Nagsagawa siya ng paglilihis ng mga tekstong pangkapahayagan at paglalagay ng mga ito sa hindi mga kinalalagyan ng mga ito. Nagpakahulugan siya ng mga ito sa pamamagitan ng idinidikta ng pithaya niya. Tumutol siya sa mga patunay na pangkapahayagan at mga tekstong tahasang nagpapatunay sa pagkapangkalahatan ng mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa kawalang-pananampalataya ng sinumang nakarinig sa kanya ngunit hindi sumunod sa kanya, na si Allāh ay hindi tumatanggap ng iba pa sa Islām bilang relihiyon, at iba pa riyan mula sa mga tekstong tahas na tinutulan niya upang malinlang sa pamamagitan ng pananalita niya ang mga mangmang. Ang ginawa niyang ito ay isang kawalang-pananampalatayang tahasan, isang pagtalikod sa Islām, at isang pagpapasinungaling kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at sa Sugo Niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), gaya ng pagkakaalam niyon ng sinumang nakabasa ng usapin mula sa mga alagad ng kaalaman at pananampalataya.
Ang kinakailangan sa nakatalaga sa tungkulin ay ang pagsampa ng kaso niya sa hukuman para sa paghiling ng pagbabalik-loob niya at paghatol sa kanya ayon sa hinihiling ng dinalisay na batas.
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay naglinaw nga ng pagkapangkalahatan ng mensahe ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagkakinakailangan ng pagsunod sa kanya ng lahat ng mga jinn at mga tao. Doon ay hindi namamangmang ang sinumang may pinakamababang taglay na kaalaman kabilang sa mga Muslim.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
﴿قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡ جَمِيعًا ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَـَٔامِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِ ٱلنَّبِيِّ ٱلۡأُمِّيِّ ٱلَّذِي يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَكَلِمَٰتِهِۦ وَٱتَّبِعُوهُ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ158﴾
{Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo nang lahatan, na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."} (Qur’ān 7:158) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿...وَأُوحِيَ إِلَيَّ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ لِأُنذِرَكُم بِهِۦ وَمَنۢ بَلَغَ...﴾
{... Ikinasi sa akin ang Qur’ān na ito upang magbabala ako sa inyo nito at sa sinumang naabot nito ...} (Qur’ān 6:19) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿قُلۡ إِن كُنتُمۡ تُحِبُّونَ ٱللَّهَ فَٱتَّبِعُونِي يُحۡبِبۡكُمُ ٱللَّهُ وَيَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ31﴾
{ Sabihin mo [O Propeta Muḥammad]: "Kung kayo ay umiibig kay Allāh, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si Allāh at magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain."} (Qur’ān 3:31) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَن يَبۡتَغِ غَيۡرَ ٱلۡإِسۡلَٰمِ دِينٗا فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡهُ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ85﴾
{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur’ān 3:85) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا كَآفَّةٗ لِّلنَّاسِ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا...﴾
{Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala ...} (Qur’ān 34:28) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا رَحۡمَةٗ لِّلۡعَٰلَمِينَ107﴾
{Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang.} (Qur’ān 21:107) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿...وَقُل لِّلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡأُمِّيِّـۧنَ ءَأَسۡلَمۡتُمۡۚ فَإِنۡ أَسۡلَمُواْ فَقَدِ ٱهۡتَدَواْۖ وَّإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ﴾
{... Sabihin mo sa mga binigyan ng Kasulatan at mga iliterato: "Nagpasakop ba kayo?" Kung nagpasakop sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si Allāh ay Nakakikita sa mga lingkod.} (Qur’ān 3:20) Nagsabi pa Siya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿تَبَارَكَ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡفُرۡقَانَ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦ لِيَكُونَ لِلۡعَٰلَمِينَ نَذِيرًا1﴾
{Napakamapagpala ang nagbaba ng [Qur’ān bilang] pamantayan sa Lingkod Niya upang ito para sa mga nilalang ay maging isang mapagbabala} (Qur'ān 25:1)
Nagsalaysay sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na: {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Binigyan ako ng limang hindi binigyan ng mga ito ang isa man bago ko: iniadya ako sa pamamagitan ng pagkasindak [ng mga kaaway] sa layo ng paglalakbay ng isang buwan, ginawa para sa akin ang lupa bilang mapagpapatirapaan at bilang pandalisay kaya ang alinmang lalaki kabilang sa Kalipunan ko na inabutan ng ṣalāh ay magdasal siya, ipinahintulot sa akin ang mga samsam samantalang hindi ito ipinahintulot sa isa man bago ko, binigyan ako ng Pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kalipunan niya sa partikular samantalang ipinadala ako sa mga tao sa pangkalahatan."}
Ito ay isang paglilinaw na tahasan dahil sa pagkapangkalahatan at pagkasaklaw ng mensahe ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa lahat ng mga tao, na ito ay nagpawalang-bisa sa lahat ng mga naunang batas, at na ang sinumang hindi sumunod kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi tumalima sa kanya, iyon ay isang tagatangging sumampalataya na tagasuway na karapat-dapat sa parusa ni Allāh. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿...وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ مِنَ ٱلۡأَحۡزَابِ فَٱلنَّارُ مَوۡعِدُهُۥ...﴾
{... Ang sinumang tumangging sumampalataya rito [sa Qur’ān] kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako sa kanya. ...} (Qur’ān 11:17) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿...فَلۡيَحۡذَرِ ٱلَّذِينَ يُخَالِفُونَ عَنۡ أَمۡرِهِۦٓ أَن تُصِيبَهُمۡ فِتۡنَةٌ أَوۡ يُصِيبَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ﴾
{... Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka may tumama sa kanila na isang sigalot o may tumama sa kanila na isang pagdurusang masakit.} (Qur’ān 24:63) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُۥ يُدۡخِلۡهُ نَارًا خَٰلِدٗا فِيهَا وَلَهُۥ عَذَابٞ مُّهِينٞ14﴾
{Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay magpapapasok Siya sa Apoy bilang mananatili roon at ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak.} (Qur’ān 4:14) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿...وَمَن يَتَبَدَّلِ ٱلۡكُفۡرَ بِٱلۡإِيمَٰنِ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ﴾
{...Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay lumihis nga palayo sa katumpakan ng landas.} (Qur’ān 2:108) Ang mga talata [ng Qur’ān] kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay nag-ugnay nga ng pagtalima sa Sugo (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa pagtalima sa Kanya. Naglinaw Siya na ang sinumang naniwala sa iba pa sa Islām, ito ay lugi. Walang tatanggapin mula rito na isang kusang-loob na pagsamba ni isang tungkuling pagsamba sapagkat nagsabi Siya:
﴿وَمَنْ يَبْتَغِ غَيْرَ الْإِسْلَامِ دِينًا فَلَنْ يُقْبَلَ مِنْهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ 85﴾
{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.} (Qur’ān 3:85) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿مَنْ يُطِعِ الرَّسُولَ فَقَدْ أَطَاعَ اللَّهَ...﴾
{Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh.} (Qur’ān 4:80) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿قُلْ أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ فَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا عَلَيْهِ مَا حُمِّلَ وَعَلَيْكُمْ مَا حُمِّلْتُمْ وَإِنْ تُطِيعُوهُ تَهْتَدُوا...﴾
{Sabihin mo: "Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo; ngunit kung tatalikod kayo, tanging kailangan sa kanya ang ipinapasan sa kanya at kailangan sa inyo ang ipinapasan sa inyo. Kung tatalima kayo sa kanya ay mapapatnubayan kayo.} (Qur'ān 24:54) Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَالْمُشْرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا أُولَئِكَ هُمْ شَرُّ الْبَرِيَّةِ 6﴾
{Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay magiging nasa Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa sangkinapal.} (Qur’ān 98:6)
Nagsalaysay si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ niya na: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya, walang nakaririnig hinggil sa akin na isa mula sa Kalipunang ito, na isang Hudyo ni isang Kristiyano, pagkatapos namatay iyon habang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, malibang iyon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
Naglinaw nga ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng gawa niya at sabi niya ng kawalang-saysay ng relihiyon ng sinumang hindi pumasok sa Relihiyong Islām sapagkat nakipagdigmaan nga siya sa mga Hudyo at mga Kristiyano kung paanong nakipagdigmaan siya sa iba pa sa kanila kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at tumanggap siya mula sa nagbigay sa kanya kabilang sa kanila ng jizyah nang sa gayon hindi sila pumigil sa pag-abot ng paanyaya sa natitira sa kanila at nang sa gayon pumasok sa Islām ang sinumang nagnais kabilang sa kanila nang walang pangamba sa mga kalipi nito na bumalakid sa kanya o pumigil sa kanya o pumatay sa kanya.
Nagsalaysay nga sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Samantalang kami ay nasa masjid, lumabas ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "Humayo kayo sa mga Hudyo." Kaya lumisan kami kasama niya hanggang sa dumating kami sa Bet Midrash. Tumayo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nanawagan sa kanila saka nagsabi siya: "O katipunan ng mga Hudyo, umanib kayo sa Islām, maliligtas kayo." Kaya nagsabi sila: "Nakapagpaabot ka na, O Ama ni Al-Qāsim." Kaya nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyon ay ninanais ko; umanib kayo sa Islām, maliligtas kayo." Kaya nagsabi sila: "Nakapagpaabot ka na, O Ama ni Al-Qāsim." Kaya nagsabi sa kanila ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iyon ay ninanais ko." Pagkatapos nagsabi siya nito sa ikatlong pagkakataon.} Teksto ng ḥadīth.
Ang tinutukoy ay na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumunta sa mga may relihiyon kabilang sa mga Hudyo sa Bet Midrash nila saka nag-anyaya sa kanila tungo sa Islām at nagsabi sa kanila: "Umanib kayo sa Islām, maliligtas kayo." Umulit-ulit siya nito sa kanila.
Gayundin, nagpadala siya ng sulat niya kay Heraclius, na nag-aanyaya rito tungo sa Islām at nagpapabatid rito na kung tatanggi ito, tunay na nakaatang dito ang kasalanan ng mga tumanggi sa Islām dahilan sa pagtanggi nito roon. Nagsalaysay nga sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ nilang dalawa na si Heraclius ay nagpatawag ng sulat ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagbasa nito saka nasaad dito: "Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. Mula kay Muḥammad na Sugo ni Allāh tungo kay Heraclius na Dakila ng Bizancio. Kapayapaan ay ukol sa sinumang sumunod sa patnubay. Sa pagsisimula, tunay na ako ay nag-aanyaya sa iyo sa pamamagitan ng paanyaya ng Islām. Umanib ka sa Islām, maliligtas ka: magbibigay sa iyo si Allāh ng pabuya sa iyo nang dalawang ulit; ngunit kung tatalikod ka, tunay na nakaatang sa iyo ang kasalanan ng mga tagabukid.
﴿يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ كَلِمَةٖ سَوَآءِۭ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمۡ أَلَّا نَعۡبُدَ إِلَّا ٱللَّهَ وَلَا نُشۡرِكَ بِهِۦ شَيۡـٔٗا وَلَا يَتَّخِذَ بَعۡضُنَا بَعۡضًا أَرۡبَابٗا مِّن دُونِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَقُولُواْ ٱشۡهَدُواْ بِأَنَّا مُسۡلِمُونَ64﴾
{Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."}" (Qur’ān 3:64)
Pagkatapos noong umayaw sila at tumanggi sila sa pagpasok sa Islām, nakipaglaban sa kanila siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) at nagsatungkulin siya sa kanila ng jizyah.
Para sa pagbibigay-diin sa pagkaligaw nila at na sila ay nasa isang relihiyong walang-saysay matapos ng pagkapawalang-bisa nito dahil sa Relihiyon ni Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nag-utos si Allāh sa Muslim na humiling kay Allāh sa bawat araw, sa bawat dasal, at sa bawat pagyukod na magpatnubay sa kanya sa landasing tuwid na tumpak na tinatanggap, ang Islām: na magpaiwas sa kanya sa daan ng mga kinagalitan, ang mga Hudyo at ang mga kawangis nila na nakaaalam na sila ay nasa kabulaanan at nagpupumilit doon; na magpaiwas sa kanya sa daan ng mga ligaw na nagpapakamananamba nang walang kaalaman at nag-aakala na sila ay nasa isang daan ng patnubay samantalang sila ay nasa daan ng kaligawan, ang mga Kristiyano at ang mga nakiwangis sa kanila kabilang sa mga iba pang kalipunan nagpapakamananamba sa pagkaligaw at kamangmangan. Ang lahat ng iyon ay upang makaalam ang Muslim ng kaalaman ng katiyakan na ang bawat relihiyong iba pa sa Islām ay kabulaanan at na ang bawat sinumang nagpapakamananamba kay Allāh ayon sa iba pa sa Islām ay ligaw. Ang sinumang hindi naniniwala roon ay hindi kabilang sa mga Muslim. Ang mga patunay sa paksang ito ay marami mula sa Qur’ān at Sunnah.
Kaya ang kinakailangan sa may-akda ng artikulong ito na si `Abdulfattāḥ ay na magdali-dali siya sa tapat na pagbabalik-loob at na magsulat siya ng isang artikulong nagpapahayag dito ng pagbabalik-loob niya. Ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh ng isang tapat na pagbabalik-loob, tatanggap si Allāh sa kanya ng pagbabalik-loob batay sa sabi ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿...وَتُوبُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ﴾
{... Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.} (Qur’ān 24:31) (Qur’ān 24:31) Ang sabi pa Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
﴿وَٱلَّذِينَ لَا يَدۡعُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ وَلَا يَقۡتُلُونَ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَا يَزۡنُونَۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ يَلۡقَ أَثَامٗا68 يُضَٰعَفۡ لَهُ ٱلۡعَذَابُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَيَخۡلُدۡ فِيهِۦ مُهَانًا69 إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ عَمَلٗا صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ يُبَدِّلُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِهِمۡ حَسَنَٰتٖۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا70﴾
{68. [Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan:
69. pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na hinahamak,
70. maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur’ān 25: 68-70) (Qur'ān 25:68-70) Batay rin sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Islām ay nagwawasak ng anumang bago nito. Ang pagbabalik-loob ay nagwawasak ng anumang bago nito." at sabi pa niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang nagbalik-loob mula sa pagkakasala ay gaya ng sinumang walang pagkakasala sa kanya."
Ang mga talata at ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.
Humihiling ako kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) na ipakita Niya sa atin ang katotohanan bilang katotohanan at itustos Niya sa atin ang pagsunod doon; na ipakita Niya sa atin ang kabulaanan bilang kabulaanan at itustos Niya sa atin ang pag-iwas doon; na ipagmagandang-loob Niya sa atin, sa manunulat na si `Abdulfattāḥ, at sa lahat ng mga Muslim ang tapat na pagbabalik-loob; at na kupkupin Niya tayo sa kalahatan laban sa mga panliligaw ng mga sigalot at pagtalima sa pithaya at demonyo; tunay na Siya ay ang Katangkilik doon at ang Nakakakaya niyon.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, ang mga Kasamahan niya, at ang sinumang sumunod sa kanila sa paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Pagtutumbas.
***
tl397v4.0 - 17/08/2026