رِسَالَتَانِ مُوجَزَتَانِ فِي الزَّكَاةِ وَالصِّيَامِ
Dalawang Pinaiksing Mensahe Kaugnay sa Zakāh at Pag-aayuno
سَمَاحَةُ الشَّيْخِ
عَبْدِ الْعَزِيزِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ بَازٍ
رَحِمَهُ اللَّهُ
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Kaawaan siya ni Allāh – napakataas Siya
بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ
Dalawang Pinaiksing Mensahe Kaugnay sa Zakāh at Pag-aayuno
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Kaawaan siya ni Allāh – napakataas Siya.
Ang Unang Mensahe
Kaugnay sa mga Mahalagang Pananaliksik Hinggil sa Zakāh
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.
Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na wala nang propeta matapos niya, sa mag-anak niya, at mga Kasamahan niya. Sa pagpapatuloy:
Tunay na ang tagapag-udyok sa pagsulat ng salitang ito ay ang pagpapayo at ang pagpapaalaala hinggil sa tungkulin ng pagbibigay ng zakāh na nagwawalang-bahala rito ang marami sa mga Muslim sapagkat hindi sila nagpapalabas nito sa paraang isinasabatas sa kabila ng bigat ng pumapatungkol dito at pagiging ito ay isa sa limang haligi ng Islām na hindi natutuwid ang estruktura kundi ayon dito batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh]." Napagkasunduan sa katumpakan nito.
Ang pagsatungkulin sa mga Muslim ng pagbibigay ng zakāh ay kabilang sa pinakahayag sa mga kagandahan ng Islām at pag-aaruga nito sa mga pumapatungkol sa mga tagayakap nito dahil sa dami ng mga benepisyo nito at pagkaapurahan ng pangangailangan ng mga maralita ng mga Muslim dito.
Kabilang sa mga benepisyo nito ang pagpapatatag sa mga bigkis ng pagmamahalan sa pagitan ng mayaman at maralita dahil ang mga kaluluwa ay likas na nilalang sa pag-ibig sa sinumang gumawa ng maganda sa kanila.
Kabilang sa mga benepisyo nito ang pagdadalisay ng kaluluwa, ang pagbubusilak nito, at ang paglayo dahil dito sa kaasalan ng kasibaan at karamutan gaya ng pagtukoy ng Marangal na Qur'ān sa kahulugang ito sa sabi Niya (napakataas Siya):
﴿خُذۡ مِنۡ أَمۡوَٰلِهِمۡ صَدَقَةٗ تُطَهِّرُهُمۡ وَتُزَكِّيهِم بِهَا...﴾
{Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito} (Qur'ān 9:103)
Kabilang sa mga ito ang pagpapahirati sa Muslim sa katangian ng kagalantehan, pagkamapagbigay, at simpatiya sa may pangangailangan.
Kabilang sa mga ito ang pagtamo ng pagpapala, karagdagan, at panumbas mula kay Allāh. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿...وَمَا أَنفَقْتُم مِّن شَيْءٍ فَهُوَ يُخْلِفُهُ وَهُوَ خَيْرُ الرَّزِقِينَ﴾
{Ang anumang ginugol ninyo na anuman, Siya ay magtutumbas nito at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos.} (Qur'ān 34:39) Ang sabi naman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tumpak na hadith: {Nagsasabi si Allāh: "O Anak ni Adan, gumugol ka, gugugol Kami sa iyo ..."} May iba pa roong nabanggit na maraming benepisyo.
Nasaad nga ang matinding banta sa panig ng sinumang nagmamaramot nito o nagkukulang sa pagpapalabas nito. Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
﴿وَٱلَّذِينَ يَكۡنِزُونَ ٱلذَّهَبَ وَٱلۡفِضَّةَ وَلَا يُنفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٖ 34 يَوۡمَ يُحۡمَىٰ عَلَيۡهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكۡوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمۡ وَجُنُوبُهُمۡ وَظُهُورُهُمۡۖ هَٰذَا مَا كَنَزۡتُمۡ لِأَنفُسِكُمۡ فَذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡنِزُونَ 35﴾
{34. O mga sumampalataya, tunay na marami sa mga pantas at mga monghe ay talagang kumakain ng mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan at sumasagabal sa landas ni Allāh. Ang mga nag-iimbak ng ginto at pilak at hindi gumugugol sa mga ito ayon sa landas ni Allāh ay magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit.
35. Sa araw na papainitan ang mga ito sa apoy ng Impiyerno at heheruhan sa pamamagitan ng mga ito ang mga noo nila, ang mga tagiliran nila, at ang mga likod nila [ay sasabihin]: “Ito ang inimbak ninyo para sa mga sarili ninyo, kaya lasapin ninyo ang dati ninyong iniimbak!”} (Qur'ān 9:34-35) Kaya naman ang bawat yamang hindi ginagampanan ang pagbibigay ng zakāh nito, ito ay isang tagong yaman na pagdurusahin dahil dito ang tagapagmay-ari nito sa Araw ng Pagbangon gaya ng ipinatunay roon ng tumpak na ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang anumang tagapagmay-ari ng ginto ni pilak, na hindi ginampanan ang karapatan nito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya na mga piraso mula sa apoy, saka paiinitin ang mga ito sa apoy ng Impiyerno, saka papasuin sa pamamagitan ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang mga ito sa kanya, sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa pagitan ng mga tao, kaya makakikita siya sa landas niya na maaaring patungo sa Paraiso at maaaring patungo sa Impiyerno."
Pagkatapos bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tagapagmay-ari ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa na hindi gumaganap sa pagbibigay ng zakāh ng mga ito at nagpabatid siya na ito ay pagdurusahin dahil sa mga ito sa Araw ng Pagbangon.
May natumpak na ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {siya ay nagsabi: "Ang sinumang binigyan ni Allāh ng yaman saka hindi siya gumanap sa pagbibigay ng mga zakāh nito, magsasaanyo ito sa kanya bilang isang ulupong na panot na may dalawang batik, na lilingkis sa kanya sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos susunggab ito sa mga panga niya, pagkatapos magsasabi ito: 'Ako ang ari-arian mo, ako ang tagong yaman mo.'" Pagkatapos bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Huwag ngang mag-akala ang mga nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa kabutihang-loob Niya na iyon ay mabuti para sa kanila, bagkus iyon ay masama para sa kanila. Kukulyaran sila ng ipinagmaramot nila sa Araw ng Pagbangon. Ukol kay Allāh ang pagmamana sa mga langit at lupa. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Mapagbatid.} (Qur'ān 3:180)}
Ang zakāh ay kinakailangan sa apat na klase: ang lumalabas mula sa lupa kabilang sa mga butil at mga bunga, ang ipinapastol kabilang sa mga hayupan, ang ginto at ang pilak, at ang mga paninda ng kalakal.
Ang bawat isa mula sa apat na klaseng ito ay may tinakdaang niṣāb, na hindi kinakailangan ang zakāh sa mababa rito. Ang niṣāb ng mga butil at mga bunga ay 5 wasq. Ang wasq ay 60 ṣā` ayon sa ṣā` ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Mula sa datiles, pasas, trigo, bigas, sebada, at tulad ng mga ito, ang niṣāb ay 300 ṣā` ayon sa ṣā` ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang ṣā` ay apat na dakot ng magkadikit na mga kamay ng lalaking katamtaman ang laki kapag ang mga kamay niya ay pinuno.
Ang kinakailangan na zakāh doon ay 10% kapag ang punong datiles at ang mga pananim ay nadidiligan nang walang gastusin gaya ng mga ulan, mga ilog, mga bukal na dumadaloy, at tulad niyon.
Hinggil naman sa kapag ang mga ito ay nadidiligan sa pamamagitan ng pagpapakahirap at gastusin gaya ng mga pandilig, mga makina, bomba ng tubig, at tulad niyon, tunay na ang kinakailangan dito ay 5% gaya natumpak na ḥadīth hinggil doon ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Hinggil naman sa niṣāb ng ipinapastol na mga kamelyo, mga baka, at mga tupa, dito ay may isang maliwanag na pagdedetalye sa mga tumpak na ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nasa abot ng kakayahan ng nakaiibig sa pag-alam dito ang magtanong sa mga may kaalaman tungkol doon. Kung sakaling hindi dahil sa pagpapakay ng pagpapaiksi, talaga sanang bumanggit tayo nito para sa kalubusan ng benepisyo.
Hinggil naman sa niṣāb ng pilak, 140 mithqāl ito. Ang katumbas nito sa Dirham ng Saudi Arabia ay 56 Riyal (14.93 Dolyar).
Ang niṣāb ng ginto ay 25 mithqāl. Ang katumbas nito sa Libra ng Saudi Arabia ay 11 at 3/7 LIbra, na sa gramo ay 92 gramo. Ang kinakailangan [na zakāh] sa pilak at ginto ay 2.5% sa sinumang nagmay-ari ng niṣāb mula sa dalawang ito o mula sa isa sa dalawang ito at nakalipas dito ang isang lunar na taon.
Ang tubo na resulta ng puhunan ay hindi nangangailangan ng isang panibagong taon kung paanong ang produkto ng ipinapastol na hayupan na resulta ng puhunan ay hindi nangangailangan ng isang panibagong taon kapag umabot sa niṣāb.
Ayon sa kahatulan ng ginto at pilak ang mga salaping ginagamit ng mga tao sa ngayon, tinatawag man ang mga ito na Dirham o Dinar o Dolyar o iba pa roon na mga pangalan. Kapag umabot ang halaga ng mga ito sa niṣāb ng pilak o ginto at nakalipas sa mga ito ang isang lunar na taon, kinakailangan sa mga ito ang zakāh.
Napabibilang sa mga salapi ang mga alahas ng mga babae na ginto o pilak lalo na kapag umabot ang mga ito sa niṣāb at nakalipas sa mga ito ang isang lunar na taon. Tunay na kinakailangan sa mga ito ang zakāh kahit ang mga ito ay nakalaan sa personal na paggamit o paarkila ayon sa pinakatumpak sa mga pahayag ng mga maalam batay sa pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang tagapagmay-ari ng ginto ni pilak, na hindi ginampanan ang karapatan nito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya na mga piraso mula sa apoy, ... hanggang sa katapusan ng ḥadīth na naunang nabanggit.
Noong napagtibay sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nakakita sa kamay ng isang babae ng dalawang pulseras na ginto, nagsabi siya: "Nagbibigay ka ba ng zakāh nito?" Nagsabi ito: "Hindi po." Nagsabi siya: "Nagagalak ka ba na magpulseras sa iyo si Allāh dahil sa dalawang ito sa Araw ng Pagbangon ng mga pulseras ng apoy?" Kaya itinapon niya ang dalawang ito at sinabi niya: "Ang dalawang ito ay para kay Allāh at para sa Sugo Niya." Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud at Imām An-Nasā'īy sa isang magandang sanad.
Napagtibay kay Ummu Salamah (malugod sa kanya si Allāh) na ito noon ay nagsusuot ng mga alahas na ginto saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tagong yaman po ba ito?" Kaya nagsabi siya: "Ang anumang umabot na patawan ng zakāh saka binigyan ng zakāh ay hindi isang tagong yaman." May mga iba pang ḥadīth ayon sa kahulugang ito.
Hinggil naman sa mga paninda ng kalakal, ang mga bagay na inilalaan para ipagbili, tunay na ang mga ito ay tatayain sa katapusan ng lunar na taon at ilalabas ang 2.5% ng halaga ng mga ito bilang zakāh, maging ang halaga man ng mga ito ay tulad ng presyo ng mga ito o higit na mataas o higit na mababa, batay sa ḥadīth ni Samurah na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag-uutos sa amin na ilabas ang kawanggawa mula sa inilalaan namin para ipagbili." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.
Napaloloob doon ang mga lupaing inilalaan para sa ipagbili, ang mga real estate, ang mga sasakyan, ang mga makina ng waterpump, at ang iba pa roon kabilang sa mga klase ng mga bagay na inilalaan para ipagbili.
Hinggil naman sa mga gusaling inilalaan para paupahan hindi para itinda, ang zakāh ay nasa mga upa sa mga ito kapag nakalipas sa mga ito ang isang lunar na taon. Hinggil naman sa mismong estruktura ng mga ito, walang zakāh sa mga ito dahil sa pagiging ang mga ito ay hindi inihanda para ipagbili. Gayundin ang mga pribadong kotse at mga sasakyang pampasahero, walang zakāh sa mga ito kapag ang mga ito ay hindi inilaan para ipagbili at binili lamang ang mga ito ng may-ari ng mga ito para gamitin.
Kapag may naipon sa may-ari ng pampasaherong sasakyan o iba pa rito na salaping umabot sa niṣāb, kailangan sa kanya ang magbigay ng zakāh ng mga ito kapag lumipas sa mga ito ang isang lunar na taon, maging inihanda man niya ang mga ito para sa gugulin o para sa pag-aasawa o para sa pagbili ng isang real estate o para sa pagbabayad ng utang o iba pa roon na mga pinapakay batay sa pagkapangkalahatan ng mga patunay na pangkapahayagan na nagpapatunay sa pagkakinakailangan ng zakāh sa tulad nito.
Ang tumpak mula sa mga pahayag ng mga maalam ay na ang pagkakautang ay hindi pumipigil sa pagbibigay ng zakāh batay sa naunang nabanggit.
Gayundin ang mga ari-arian ng mga ulila at mga baliw, kinakailangan sa mga ito ang zakāh sa ganang mayoriya ng mga maalam kapag umabot ang mga ito sa niṣāb at nakalipas sa mga ito ang isang lunar na taon. Kinakailangan sa mga tagatangkilik nila ang magpalabas ng zakāh batay sa layunin para sa kanila sa sandali ng pagkalubos ng lunar na taon. Batay ito sa pagkapangkalahatan ng mga patunay, tulad ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ḥadīth ni Mu`ādh (malugod sa kanya si Allāh) noong ipinadala niya ito sa mga mamamayan ng Yemen: "Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng isang kawanggawa sa mga ari-arian nila na kinukuha mula sa mga mayaman nila at ibinabalik sa mga maralita nila."
Ang zakāh ay karapatan ni Allāh. Hindi pinapayagan ang pagpapabor nito sa sinumang hindi naging karapat-dapat dito ni ang magtamo ang tao nito para sa sarili niya bilang kapakinabangan o magtulak siya nito bilang kapinsalaan ni ang magsanggalang siya sa pamamagitan nito ng yaman niya o magtulak siya sa pamamagitan nito ng isang pagpula. Bagkus kinakailangan sa Muslim ang magbaling ng zakāh niya sa mga karapat-dapat dito dahil sa pagiging sila ay mga marapat dito, hindi dahil sa iba pang pakay, kasabay ng pagkasiya ng sarili rito at pagpapakawagas kay Allāh roon nang sa gayon maalis ang pagpula sa kanya at maging karapat-dapat siya sa masaganang paggantimpala at pagtumbas.
Nagpaliwanag nga si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) sa Marangal na Aklat Niya ng mga klase ng mga marapat sa zakāh. Nagsabi Siya (napakataas Siya):
﴿إِنَّمَا ٱلصَّدَقَٰتُ لِلۡفُقَرَآءِ وَٱلۡمَسَٰكِينِ وَٱلۡعَٰمِلِينَ عَلَيۡهَا وَٱلۡمُؤَلَّفَةِ قُلُوبُهُمۡ وَفِي ٱلرِّقَابِ وَٱلۡغَٰرِمِينَ وَفِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَٱبۡنِ ٱلسَّبِيلِۖ فَرِيضَةٗ مِّنَ ٱللَّهِۗ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ60﴾
{Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin, at mga nagkakautang, ayon sa landas ni Allāh, at kinapos sa daan – bilang tungkulin mula kay Allāh. Si Allāh ay Maalam, Marunong.} (Qur'ān 9:60)
Sa pagwawakas ng marangal na talatang ito sa dalawang dakilang pangalang ito ay may isang pagtawag-pansin mula kay Allāh sa mga lingkod Niya na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya kung sino ang naging karapat-dapat sa kanila para sa kawanggawa at sino ang hindi naging karapat-dapat; at ang Marunong sa pagbabatas Niya at pagtatakda Niya kaya naman hindi Niya inilalagay ang mga bagay kundi sa mga kalalagyan ng mga ito na naaangkop sa mga ito, kahit pa nalingid sa ilan sa mga tao ang ilan sa mga lihim ng karunungan Niya, upang mapanatag ang mga tao sa pagbabatas Niya at magpasakop sila sa patakaran Niya.
Si Allāh ang hinihilingan na magtuon Siya sa atin at mga Muslim sa pag-unawa sa Relihiyon Niya, pagpapakatapat sa pakikitungo sa Kanya, pagtatagisan sa anumang nagpapalugod sa Kanya, at pag-iwas mula sa mga tagapag-obliga ng galit Niya; tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad, ang mag-anak nito, at ang mga Kasamahan nito.
Ang Pangkalahatang Pangulo ng mga Pangangasiwa ng mga Pagsasaliksik na Pangkaalaman
Pagbibigay-fatwā, Pag-aanyaya, at Paggabay.
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh `Abdul`azīz bin `Abdillāh bin Bāz.
***
Ang Ikalawang Mensahe
Hinggil sa Kainaman ng Pag-aayuno sa Ramadan at Pagdarasal sa Gabi Nito Kasama ng Paglilinaw sa mga Mahalagang Patakarang Maaaring Nalilingid sa Ilan sa mga Tao
Sa ngalan ni Allāh, ang Mahabagin, ang Maawain
Mula kay `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz tungo sa sinumang nakakikita nito kabilang sa mga Muslim. Magpatahak nawa si Allāh sa akin at sa kanila sa landas ng mga alagad ng pananampalataya at magtuon nawa Siya sa akin at sa kanila para sa pag-unawa sa Sunnah at Qur'ān. Āmīn!
Kapayapaan ni Allāh ay sumainyo at ang awa ni Allāh at ang mga pagbibiyaya Niya.
Sa pagpapatuloy: Ito ay isang pinaiksing payo na nauugnay sa kainaman ng pag-aayuno sa Ramaḍān at pagdarasal sa gabi nito at kainaman ng pagtatagisan dito sa mga maayos na gawa kasama ng paglilinaw sa mga mahalagang patakaran na maaaring nakukubli sa ilan sa mga tao.
Napagtibay buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay nagbabalita ng nakagagalak sa mga Kasamahan niya hinggil sa pagdating ng buwan ng Ramaḍān at nagpapabatid sa kanila (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ito ay buwan na pinagbubuksan dito ang mga pintuan ng awa at ang mga pintuan ng Paraiso, pinagsasara rito ang mga pintuan ng Impiyerno, at kinukulyaran dito ang mga demonyo. Nagsasabi siya:
{Kapag unang gabi ng Ramaḍān, pinagbubuksan ang mga pintuan ng Paraiso saka walang isinasara mula sa mga ito na isang pintuan, pinagsasara ang mga pintuan ng Impiyerno saka walang binubuksan mula sa mga ito na isang pintuan, at iginagapos ang mga demonyo. May nananawagang isang tagapanawagan: "O tagapaghangad ng kabutihan, tumuloy ka; at O tagapaghangad ng kasamaan, tumigil ka." Si Allāh ay may mga pinalaya mula sa Impiyerno. Iyon ay sa bawat gabi.}
Nagsasabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):
"Dumating sa inyo ang buwan ng Ramaḍān, ang buwan ng pagpapalang maglulukob sa inyo si Allāh dito para pababain Niya ang awa, ibaba Niya ang mga kamalian, at tugunin Niya ang panalangin. Tumitingin si Allāh sa pagtatagisan ninyo rito kaya magmamarangal Siya sa inyo sa mga anghel Niya. Kaya magpakita kayo kay Allāh mula sa mga sarili ninyo ng kabutihan sapagkat tunay na ang miserable ay ang sinumang ipinagkait sa kanya ang awa ni Allāh."
Nagsasabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):
"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya. Ang sinumang nagdasal sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya..Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya"
Nagsasabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):
{Nagsasabi si Allāh: "Ang bawat gawa ng anak ni Adan ay ukol dito ang magandang gawa katumbas ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya rito. Nag-iwan siya ng pagnanasa niya, pagkain niya, at inumin niya alang-alang sa Akin. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa: tuwa sa sandali ng pagtigil-ayuno niya at tuwa sa sandali ng pakikipagkita sa Panginoon niya. Talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk."}
Ang mga ḥadīth hinggil sa kainaman ng pag-aayuno sa Ramaḍān at pagdarasal sa gabi nito at ang kainaman ng uri ng ayuno ay marami.
Nararapat sa mananampalataya na samantalahin ang oportunidad na ito: ang iminagandang-loob ni Allāh sa kanya na pagkaabot sa buwan ng Ramaḍān kaya makikipagmabilisan siya sa mga pagtalima, mag-iingat siya sa mga masagwang gawa, at magsisipag siya sa pagganap sa isinatungkulin ni Allāh sa kanya lalo na ang limang ṣalāh sapagkat ang mga ito ay haligi ng Islām at ang mga ito ay pinakadakila sa mga tungkulin matapos ng Dalawang Pagsaksi. Ang kinakailangan sa bawat Muslim at Muslimah ay ang pangangalaga sa mga ito at ang pagganap sa mga ito sa mga oras ng mga ito nang may kataimtiman at kapanatagan.
Kabilang sa pinakamahalaga sa mga kinakailangan sa mga ito sa panig ng mga lalaki ang pagganap sa mga ito sa konggregasyon sa mga bahay ni Allāh na nagpahintulot si Allāh na iangat at banggitin sa mga ito ang pangalan Niya gaya ng sinabi Niya:
﴿وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱرۡكَعُواْ مَعَ ٱلرَّٰكِعِينَ 43﴾
{Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at yumukod kayo kasama sa mga yumuyukod.}
(Qur'ān 2:43)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿حَٰفِظُواْ عَلَى ٱلصَّلَوَٰتِ وَٱلصَّلَوٰةِ ٱلۡوُسۡطَىٰ وَقُومُواْ لِلَّهِ قَٰنِتِينَ 238﴾
{Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na pinakagitna. Tumayo kayo kay Allāh bilang mga masunurin.}
(Qur'ān 2:238)
Nagsabi pa Siya:
﴿قَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ 1 ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي صَلَاتِهِمۡ خَٰشِعُونَ 2﴾
{1. Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya,
2. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagtataimtim,}
(Qur'ān 23:1-2)
Hanggang sa nagsabi Siya:
﴿وَالَّذِينَ هُمْ عَلَى صَلَوَتِهِمْ يُحَافِظُونَ 9 أَوَلَيْكَ هُمُ الْوَرِثُونَ 10 الَّذِينَ يَرِثُونَ الْفِرْدَوسَ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 11﴾
{na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga. Ang mga iyon ay ang mga tagapagmana, na mga magmamana ng Firdaws. Sila roon ay mga mananatili.}
(Qur'ān 23:9-11)
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh, kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."
Ang pinakamahalaga sa mga tungkulin matapos ng ṣalāh ay ang pagbibigay ng zakāh gaya ng sinabi Niya:
﴿وَمَآ أُمِرُوٓاْ إِلَّا لِيَعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ حُنَفَآءَ وَيُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُواْ ٱلزَّكَوٰةَۚ وَذَٰلِكَ دِينُ ٱلۡقَيِّمَةِ 5﴾
{Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.}
(Qur'ān 98:5)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
﴿وَأَقِيمُوا الصَّلَوٰةَ وَءاتُوا الزَّكَوةَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ 56﴾
{Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo sa Sugo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan.}
(Qur'ān 24:56)
Nagpatunay ang Dakilang Aklat ni Allāh at ang Marangal na Sunnah ng Sugo Niya na ang sinumang nagbigay ng zakāh ng yaman niya ay pagdurusahin dahil dito sa Araw ng Pagbangon.
Ang pinakamahalaga sa mga bagay-bagay matapos ng ṣalāh at zakāh ay ang pag-aayuno sa Ramaḍān. Ito ay isa sa limang haligi ng Islām na nababanggit sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh]."
Kinakailangan sa Muslim na ingatan ang pag-aayuno niya at ang pagdarasal sa gabi nito laban sa ipinagbawal ni Allāh na mga sinasabi at mga ginagawa dahil ang pinapakay sa pag-aayuno ay ang pagtalima kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ang pagdakila sa mga binabanal Niya, ang pakikibaka sa sarili sa pagsalungat sa pithaya nito sa pagtalima sa Panginoon nito, at ang pagpapahirati rito sa pagtitiis laban sa ipinagbawal ni Allāh. Ang pinapakay ay hindi ang payak na pag-iwan sa pagkain, pag-inom, at lahat ng mga tagapagpatigil-ayuno. Dahil dito, may natumpak na ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi:
"Ang pag-aayuno ay kalasag. Kaya kapag naging araw ng ayuno ng isa sa inyo ay huwag siyang makipagtalik at huwag siyang mag-ingay. Kaya naman kung may umalipusta sa kanya na isa man o may nakipag-away sa kanya, magsabi siya: Tunay na ako ay nag-aayuno."
Natumpak din [ang ḥadīth] ayon sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Na siya ay nagsabi:
"Ang sinumang hindi nag-iwan ng pagsasabi ng kabulaanan at paggawa nito, si Allāh ay walang pangangailangan na mag-iwan siya ng pagkain niya at pag-inom niya."}
Kaya nalaman dahil sa mga tekstong ito at iba pa sa mga ito na ang kinakailangan sa tagapag-ayuno ay ang pag-iingat laban sa bawat ipinagbawal ni Allāh sa kanya at ang pangangalaga sa bawat inobliga ni Allāh sa kanya. Sa pamamagitan niyon, maaasahan para sa kanya ang kapatawaran, ang pagpapalaya mula sa Impiyerno, at ang pagtanggap ng pag-aayuno at pagdarasal sa gabi.
Mayroong mga bagay-bagay na maaaring nalilingid sa ilan sa mga tao.
Kabilang sa mga ito na ang kinakailangan sa Muslim ay mag-ayuno siya dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan hindi dala ng pakitang-tao ni dala ng pagpapasikat ni dala ng paggaya-gaya sa mga tao o dala ng pakikipagsunuran sa mag-anak niya o mga mamamayan ng bayan niya. Bagkus ang kinakailangan sa kanya ay na ang tagapaghikayat sa kanya sa pag-aayuno ay ang pananampalataya niya na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanya niyon at ang pag-asa niya ng pabuya sa piling ng Panginoon niya roon. Gayundin ang pagdarasal sa gabi ng Ramaḍān, kinakailangan na magsagawa nito ang Muslim dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan hindi dahil sa iba pang kadahilanan. Dahil dito, nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):
"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya. Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa pagkakasala niya."
Kabilang sa mga pangyayaring maaaring nalilingid ang patakaran ng mga ito sa ilan sa mga tao ang maaaring magaganap sa tagapag-ayuno na pagkasugat at balinguyngoy o pagsusuka o pagpunta ng tubig o gasolina sa lalamunan niya nang hindi sinasadya. Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay hindi nakasisira sa pag-aayuno subalit ang sinumang nanadya ng pagsuka ay masisira ang pag-aayuno niya batay sa sabi ng Propeta:
"Ang sinumang nangibabaw sa kanya ang pagsusuka, walang pagbabayad-ayuno sa kanya; at ang sinumang sadyang sumuka, kailangan sa kanya ang pagbabayad-ayuno."
Kabilang doon ang maaaring magaganap sa tagapag-ayuno na pagpapahuli ng paligo ng janābah hanggang sa pagkasapit ng madaling-araw at ang nagaganap sa ilan sa mga babae na pagpapahuli ng paligo ng pagkaregla o pagdurugo [kaugnay sa panganganak] hanggang sa pagkasapit ng madaling-araw kapag nakakita siya ng pagtigil-pagdurugo bago magmadaling-araw sapagkat tunay na inoobliga sa kanya ang pag-aayuno. Walang hadlang sa pagpapahuli ng babae ng pagpaligo hanggang sa matapos ng pagsapit ng madaling-araw subalit hindi ukol sa kanya ang pagpapahuli nito hanggang sa pagsikat ng araw; bagkus kinakailangan sa kanya na maligo at magdasal ng fajr bago ng pagkasikat ng araw.1
Gayundin ang junub, hindi ukol sa kanya ang pagpapahuli ng pagpaligo hanggang sa matapos ng pagsikat ng araw; bagkus kinakailangan sa kanya na maligo at magdasal ng fajr bago ng pagkasikat ng araw. Kinakailangan sa lalaki ang pagdali-dali niyon nang sa gayon makaabot siya sa ṣalāh sa fajr kasama ng konggregasyon.
Kabilang sa mga pangyayaring hindi nakasisira sa pag-aayuno ang pagpapasuri ng dugo at ang pagpapasailalim sa pagpapaineksiyon ng hindi nagpapakay rito ng pamalit-sustansiya subalit ang pagpapahuli niyon hanggang sa gumabi ay higit na marapat at higit na maingat kapag naging posible iyon batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."
Ang sabi pa niya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):
"Ang sinumang nangilag sa mga nakapanghihinala ay nakapag-ingat nga para sa relihiyon niya at dangal niya."
Kabilang sa mga pangyayaring maaaring nalilingid ang patakaran ng mga ito sa ilan sa mga tao ang kawalan ng kapanatagan sa ṣalāh, maging ito man ay isang tungkulin o isang kusang-loob. Nagpatunay nga ang mga tumpak na ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagkapanatag ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng pagsasagawa ng ṣalāh, na hindi natutumpak ang ṣalāh nang wala nito. Ito ay ang kawalang-tinag sa ṣalāh, ang kataimtiman dito, at ang kawalan ng pagmamadali hanggang sa bumalik ang bawat vertebra sa lugar nito. Marami sa mga tao ang nagdarasal sa Ramaḍān ng ṣalāh na tarāwīḥ na naging ṣalāh na hindi nila naisasaisip at hindi napapanatag dito; bagkus pinapaspasan nila ito gaya ng pagtuka. Ang ṣalāh na ito ayon sa ganitong paraan ay walang-saysay at ang tagapagsagawa nito ay nagkakasalang hindi mapabubuyaan.
Kabilang sa mga pangyayaring maaaring nalilingid ang patakaran ng mga ito sa ilan sa mga tao ang pag-aakala nila na ang tarāwīḥ ay hindi pinapayagang makabawas dito buhat sa 21 rak`ah at ang pag-aakala nila na ito ay hindi pinapayagang makadagdag dito sa 11 rak`ah o 13 rak`ah. Ito, sa kabuuan nito, ay isang pag-aakala na wala sa lugar nito; bagkus ito ay kamaliang sumasalungat sa mga patunay.
Nagpatunay nga ang mga tumpak na ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ṣalāh sa gabi ng Ramaḍān ay pinalawak [ang saklaw] dito sapagkat wala ritong isang tinakdaang hangganang hindi pinapayagan salungatin; bagkus napagtibay buhat sa kanya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay nagdarasal sa gabi ng Ramaḍān ng 11 rak`ah. Marahil nagdasal siya ng 13 rak`ah at marahil nagdasal siya ng higit na kaunti kaysa riyan sa Ramaḍān at sa ibang buwan. Noong tinanong siya tungkol sa ṣalāh sa gabi:
"Ang ṣalāh sa gabi ay tigdalawang rak`ah tigdalawang rak`ah ngunit kapag natakot ang isa sa inyo sa [pagsapit ng] madaling-araw ay makapagdarasal siya ng iisang rak`ah na magsisilbing witr para sa kanya sa dinasal na niya."
Napagkasunduan sa katumpakan nito.
Walang itinatakda na mga rak`ah sa partikular na bilang, wala sa Ramaḍān at wala sa iba pang buwan. Dahil dito, nagdasal ang mga Kasamahan sa panahon ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa ilan sa mga pagkakataon ng 23 rak`ah at sa ilan sa mga ito ng 11 rak`ah. Ang lahat ng iyon ay napagtibay buhat kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) at buhat sa mga Kasamahan sa panahon niya.
Ang ilan sa Salaf noon ay nagdarasal sa Ramaḍān ng 36 rak`ah at nagdarasal ng witr na tatlong rak`ah. Ang ilan sa kanila ay nagdarasal ng 41 rak`ah. Bumanggit niyon tungkol sa kanila si Shaykh Al-Islām Ibnu Taymiyah at ang iba pa kabilang sa mga alagad ng kaalaman kung paanong bumanggit siya (ang awa ni Allāh ay sumakanya) na ang usapin kaugnay roon ay malawak. Bumanggit din siya na ang pinakamainam sa sinumang nagpapahaba ng pagbigkas [ng Qur'ān sa ṣalāh], pagyukod, at pagpapatirapa ay magpakaunti siya ng bilang ng rak`ah; at ang sinumang nagpapagaan ng pagbigkas, pagyukod, at pagpapatirapa ay magdagdag siya sa bilang ng rak`ah. Ito ang kahulugan ng pananalita niya (kaawaan siya ni Allāh).
Ang sinumang nagbulay-bulay sa Sunnah ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaalam na ang pinakamainam dito sa kabuuan nito ay ang ṣalāh na 11 rak`ah o 13 rak`ah sa Ramaḍān at iba pang buwan dahil sa pagiging iyon ay ang sumasang-ayon sa gawa ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kadalasan sa mga kalagayan niya dahil ito ay higit na magaan sa mga nagdarasal at higit na malapit sa katimtiman at kapanatagan. Ang sinumang nagdagdag ay wala namang kaasiwaan at walang pagkasuklam gaya ng naunang nabanggit.
Ang pinakamainam para sa sinumang nagdarasal kasama ng imām sa dasal sa gabi ng Ramaḍān ay na hindi lumisan kundi kasabay ng imām batay sa sabi ng Propeta:
"Tunay na ang lalaki, kapag nagdasal sa gabi kasama ng imān hanggang sa lumisan ito, magtatala si Allāh para sa kanya ng pagdarasal sa gabi."
Isinasabatas sa lahat ng mga Muslim ang pagsisipag sa mga uri ng pagsamba sa marangal na buwang ito ng ṣalāh na kusang-loob; pagbabasa ng Qur'ān nang may pagninilay-nilay at pagpapakaunawa; pagpaparami ng tasbīḥ, tahlīl, taḥmīd, takbīr, istighfār, at mga panalanging pangkapahayagan; pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama; pagdalangin kay Allāh; pag-aliw sa mga maralita at mga dukha; pagsisipag sa pagsasamabuting-loob sa mga magulang; pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak; pagpaparangal sa kapitbahay at pagdalaw sa maysakit; at iba pa roon kabilang sa mga uri ng kabutihan. Batay ito sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa naunang ḥadīth:
"Tumitingin si Allāh sa pagtatagisan ninyo rito kaya magmamarangal Siya sa inyo sa mga anghel Niya. Kaya magpakita kayo kay Allāh mula sa mga sarili ninyo ng kabutihan sapagkat tunay na ang miserable ay ang sinumang ipinagkait sa kanya ang awa ni Allāh."
Batay ito sa isinalaysay buhat sa kanya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya ay nagsabi:
"Ang sinumang nagpakalapit-loob dito sa pamamagitan ng isang gawaing kabilang sa mga gawain ng kabutihan ay gaya ng sinumang gumanap ng isang tungkulin sa [buwang] iba pa rito. Ang sinumang gumanap dito ng isang tungkulin ay gaya ng sinumang gumanap ng pitumpung tungkulin sa [buwang] iba pa rito."
Batay ito sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa tumpak na ḥadīth:
"Ang isang `umrah sa Ramaḍān ay nakatutumbas sa isang ḥajj o isang ḥajj kasama ko."
Ang mga ḥadīth at ang mga ulat na nagpapatunay sa pagkaisinasabatas ng pakikipagtagisan at pakikipagpaligsahan sa mga uri ng kabutihan sa marangal na buwang ito ay marami.
Si Allāh ay ang hinihilingan na magtuon sa atin at nalalabi sa mga Muslim sa bawat anumang naroon ang pagkalugod Niya at na tumanggap sa pag-aayuno natin at pagdarasal natin sa gabi, magsaayos sa mga kalagayan natin, at magkupkop sa atin sa kalahatan laban sa mga pagliligaw ng mga tukso, gaya ng paghiling natin sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na magsaayos sa mga pinuno ng mga Muslim at magbuklod sa adhikain nila sa katotohanan. Tunay na Siya ay ang Marapat doon at Nakakakaya niyon.
Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh at mga pagpapala Niya.
***
Index
Ang Unang Mensahe 2
Kaugnay sa mga Mahalagang Pananaliksik Hinggil sa Zakāh 2
Ang Ikalawang Mensahe 14
Hinggil sa Kainaman ng Pag-aayuno sa Ramadan at Pagdarasal sa Gabi Nito Kasama ng Paglilinaw sa mga Mahalagang Patakarang Maaaring Nalilingid sa Ilan sa mga Tao 14
***
Ang paligong ito ay kinakailangan sa taong nakipagtalik o dumanas ng paglabas ng punlay sa anumang paraan.