أحكام الجنائز (فلبيني تجالوج)

  • earth Ang Wika
    (فلبيني تجالوج)
  • earth Akda:
    اللجنة العلمية برئاسة الشؤون الدينية بالمسجد الحرام والمسجد النبوي
PHPWord

 

 

 

 

أَحْكَامُ الجَنَائِزِ

 

Ang mga Patakaran sa Paglilibing

 

 

اللَّجْنَةُ العِلْمِيَّةُ

بِرِئَاسَةِ الشُّؤُونِ الدِّينِيَّةِ بِالمَسْجِدِ الحَرَامِ وَالمَسْجِدِ النَّبَوِيِّ

 

Ang Lupong Pangkaalaman sa Panguluhan ng mga Kapakanang Panrelihiyon sa Masjid na Pinakababanal at Masjid ng Propeta

 


بِسْمِ اللهِ الرَّحمَنِ الرَّحِيمِ

Ang mga Patakaran sa Paglilibing

 

Ang Lupong Pangkaalaman sa Panguluhan ng mga Kapakanang Panrelihiyon sa Masjid na Pinakababanal at Masjid ng Propeta

Ang Panimula

 

Ang papuri ay ukol kay Allāh, na namumukod-tangi sa pananatili at nagtakda ng kamatayan sa lahat ng mga buhay. Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa ipinadala bilang awa para sa mga nilalang, ang pinuno nating si Muḥammad; at ukol sa mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at mga tagasunod niya sa kalahatan. Sa pagpapatuloy,

Tunay na ang mga kasawiang-palad ay nananatili sa mga anak ni Adan sa Mundong ito. Nagsabi si Allah:

﴿وَلَنَبۡلُوَنَّكُم بِشَيۡءٖ مِّنَ ٱلۡخَوۡفِ وَٱلۡجُوعِ وَنَقۡصٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَنفُسِ وَٱلثَّمَرَٰتِۗ...﴾

{Talagang susubok nga Kami sa inyo sa pamamagitan ng isang anuman kabilang sa pangamba at gutom, at ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga...} (Qur'ān 2:155)

Pagkatapos nagkomento Siya (kaluwalhatian sa Kanya) hinggil sa kinakailangan sa nasawing-palad, ang pagtitiis:

 

﴿...وَبَشِّرِ ٱلصَّٰبِرِين﴾

{... Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagtitiis,} (Qur'ān 2:155) ang pagtitiis at ang pagsuko sa pagtatadhana Niya:

﴿ٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَٰبَتۡهُم مُّصِيبَةٞ قَالُوٓاْ إِنَّا لِلَّهِ وَإِنَّآ إِلَيۡهِ رَٰجِعُونَ 156﴾

{na mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: “Tunay na kami ay kay Allāh at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik.} (Qur'ān 2:156) Kaya naman ang sinumang gumawa niyon, pinuri nga Niya ang kinahinatnan:

﴿أُوْلَٰٓئِكَ عَلَيۡهِمۡ صَلَوَٰتٞ مِّن رَّبِّهِمۡ وَرَحۡمَةٞۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُهۡتَدُونَ 157﴾

{Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na mga pagbubunyi mula sa Panginoon nila at awa. Ang mga iyon ay ang mga napapatnubayan.} (Qur'ān 1:157)

Ito ay isang pinaiksing mensahe para sa iyo, O ikaw na nawalan ng isang kamag-anak o isang mahal o isang iniibig. Humiling tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) na magpakinabang Siya sa amin at sa iyo nito. Ito ay pinamagatang:

 

Ang mga Patakaran sa Paglilibing.

 

Humiling tayo kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa iyo ng dakila sa pabuya at pampalubag-loob. at humihiling para sa sinumang naulila ng kapatawaran at kaluguran.

Mga Pampagalak na Balitang Makapanginoon

 

Kapatid ko, O ikaw na sinubok ng isang kasawiang-palad ng pagkamatay, magsaalaala ka ng sabi ni Allāh:

﴿...وَبَشِّرِ ٱلصَّٰبِرِين﴾

{... Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagtitiis,} (Qur'ān 2:155)

*Tunay na ukol sa pagpanaw ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang pinakadakilang pagpapalubag-loob at pakikiramay sapagkat nagsbi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dinapuan ang isa sa inyo ng isang kasawiang-palad, mag-alaala siya ng isang kasawiang-palad sa akin sapagkat tunay na ito ay pinakamabigat sa mga kasawiang-palad sa ganang kanya." Nagsalaysay nito si Imām Aṭ-Ṭabrānīy.

* Ikaw ay pinangangakuan ng panumbas ayon sa pananalita ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sapagkat ayon kay Ummu Salamah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Walang anumang taong dinadapuan ng isang kasawiang-palad saka nagsasabi ng: "Innā lillāhi wa-innā ilayhi rāji`ūn. Allāhumma ajirnī fī muṣībatī wa-akhlif lī khayram minhā. (Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na tayo ay sa Kanya magbabalik. O Allāh, magtumbas Ka para sa akin sa pagsubok kong ito, at magpalit Ka para sa akin ng higit na mabuti kaysa rito.)" malibang magpapabuya sa kanya si Allāh dahil sa kasawiang-palad niya at magtutumbas para sa kanya ng higit na mabuti kaysa riyan."} Nagtala nito si Imām Muslim.

*Talaga ngang sumubok sa iyo si Allāh upang magtakip-sala Siya para sa iyo ng mga kamalian mo. Ayon kina Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay nagsabi: "Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni pagkalungkot ni pagkaperhuwisyo ni pagkahapis − kahit tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."} Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy.

Talaga ngang nangako sa iyo si Allāh (napakataas Siya) ng isang bahay sa Paraiso! Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Kapag namatay ang anak ng tao, nagsasabi si Allāh sa mga anghel: "Kinuha ninyo ang anak ng lingkod Ko?" Kaya magsasabi sila: "Oo." Kaya magsasabi Siya: "Kinuha ninyo ang bunga ng puso niya?" Kaya magsasabi sila: "Oo." Kaya magsasabi Siya: "Ano ang sinabi ng lingkod Ko?" Kaya magsasabi sila: "Nagpuri siya sa Iyo at dumalangin ng pagbabalik." Kaya magsasabi Siya: "Magpatayo kayo para sa lingkod Ko ng isang bahay sa Paraiso at tawagin ninyo itong bahay ng pagpupuri."} Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy at sumang-ayon sa kagandahan nito si Al-Albānīy.

* Bagkus nangako sa iyo si Allāh (napakataas Siya) ng Paraiso sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Walang ukol sa lingkod Kong mananampalataya sa ganang Akin na isang ganti – kapag kumuha Ako ng hirang niya mula sa mga naninirahan sa Mundo pagkatapos umasa siya ng gantimpala rito – kundi ang Paraiso."} Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy.

* Huwag kang mangamba, huwag kang malungkot sa nawala sa iyo, at magpaganda ka ng pagpapalagay sa Panginoon mo sapagkat ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:

"Tunay na ang isa sa inyo, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang upuan niya sa umaga at gabi.* Kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, kabilang siya sa mga maninirahan sa Paraiso; at kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, kabilang siya sa mga maninirahan sa Impiyerno; saka sasabihin: Ito ang upuan mo hanggang sa bumuhay sa iyo si Allāh sa Araw ng Pagbangon."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

Ang Kainaman ng Pagdalo sa Libing

 

Ang Una: Ang pagdalo rito sa piling ng mag-anak nito hanggang sa pagsagawa ng ṣalāh para rito.

Ang Ikalawa: Ang pagdalo rito sa piling ng mag-anak nito hanggang sa makatapos sa paglilibing nito. Ito ay pinakamainam at pinakamarami sa pabuya.

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang sumaksi sa libing hanggang sa madasalan ito, ukol sa kanya ay isang qīrāṭ. Ang sinumang sumaksi hanggang sa mailibing ito, ukol sa kanya ay dalawang qīrāṭ." Sinabi: "Ano po ang dalawang qīrāṭ?" Nagsabi siya: "Tulad ng dalawang malaking bundok."} Napagsang-ayunan sa katumpakan nito.

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sino ang inumaga kabilang sa inyo ngayong araw na nag-aayuno?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi siya: "Saka sino ang dumalo kabilang sa inyo ngayong araw sa isang libing?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi siya: "Sino ang nagpakain kabilang sa inyo ngayong araw ng isang dukha?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Nagsabi siya: ""Sino ang dumalaw kabilang sa inyo ngayong araw sa isang maysakit?" Nagsabi si Abū Bakr (malugod si Allāh sa kanya): "Ako po." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi nabuklod ang mga ito sa isang tao malibang papasok siya sa Paraiso."} Nagtala nito si Imām Muslim.

Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh sa Libing

 

Ang Unang Takbīr: Hihiling ng pagkupkop kay Allāh laban sa Demonyong Kasumpa-sumpa, sasambit ng: Bismi -llāh, at bibigkas ng Al-Fātiḥah at isang maikling sūrah o iilang āyah.

Ang Ikalawang Takbīr: Mananalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang pagsambit ng Ṣalāh Ibrāhīmīyah.

Ang Ikatlong Takbīr: Mananalangin para sa patay. Ang pinakamainam ay na magsabi ng: Allāhumma ­-ghfir li-ḥayyinā wa-mayyitinā, wa-shāhidinā wa-ghā'ibinā, wa-ṣaghīrinā wa-kabīrinā, wa-dhakarinā wa- unthānā. Allāhumma man aḥyaytahu minnā fa-aḥyihi `ala ­-l'islāmi, wa-man tawaffaytahu minnā fa-tawwaffahu `ala ­-l'īmān. (O Allāh, magpatawad Ka sa buhay sa amin at patay sa amin, nakadalo sa amin at nakaliban sa amin, nakababata sa amin at nakatatanda sa amin, at lalaki sa amin at babae sa amin. O Allāh, ang sinumang binigyang-buhay Mo kabilang sa amin ay magbigay-buhay Ka sa kanya sa Islām at ang sinumang pinapanaw Mo kabilang sa amin ay magpapanaw Ka sa kanya sa Pananampalataya.) Allāhumma -ghfir laHU, wa-rḥamHU, wa-`āfiHI, wa-`fu `anHU, wa-akrim nuzulaHU, wa-wassi` mudkhalaHU, wa-ghsilHU bi-lmā'i wa-ththalji wa-lbaradi, wa-naqqiHI mina -dhdhunúbi wa-lkhaṭāyā kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanasi, wa-abdilHU dāran khayram min dāriHI wa-ahlan khayram min ahliHI, wa-adkhilHU -ljannata, wa-a`idhHU min `adhābi -lqabr. (O Allāh, magpatawad Ka sa kanya; maawa Ka sa kanya; magpagaling Ka sa kanya; magpaumanhin Ka sa kanya; magparangal Ka sa tuluyan Niya; magpalawak Ka ng pasukan niya; maghugas Ka sa kanya ng tubig, yelo, at granizo; magdalisay Ka sa kanya mula sa mga pagkakasala at mga pagkakamali kung paanong nadadalisay ang puting damit mula sa karumihan; magpalit Ka sa kanya ng isang tahanang higit na mabuti kaysa sa tahanan niya at ng isang asawang higit na mabuti kaysa sa asawa niya; magpapasok Ka sa kanya sa Paraiso; magkupkop Ka sa kanya laban sa pagdurusa sa libingan.)§1 Ang lahat ng ito ay naingatan buhat sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kung mananalangin para rito ng mga iba pang panalangin, wala namang masama, tulad ng pagsabi ng: Allāhumma in kāna muḥsinan, fa-zid fī iḥsāniHI wa-in kāna musī'an fa-tajāwaz `an sayyi'ātiHI. Allāhumma -ghfir laHU wa-thabbitHu bi-lqawli -ththābit. (O Allāh, kung siya ay naging isang tagagawa ng maganda, magdagdag Ka [ng gantimpala] alang-alang sa paggawa niya ng maganda; at kung siya ay naging isang tagagawa ng masagwa, magpalampas Ka sa mga masagwang gawa niya. O Allāh, magpatawad Ka sa kanya at magpatatag Ka sa kanya sa pamamagitan ng matatag na sinasabi.)

Ang Ikaapat na Takbīr: Titigil nang kaunti, pagkatapos magsasagawa ng iisang taslīm sa gawing kanan habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh)."

Ang mga Kalagayan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh sa Libing

 

1. Na magsagawa ng ṣalāh para sa patay sa dasalan ng paglilibing.

2. Na magsagawa ng ṣalāh para rito sa masjid.

3. Na magsagawa ng ṣalāh para rito sa sementeryo bago ng paglilibing.

4. Na magsagawa ng ṣalāh para rito sa sementeryo matapos ng paglilibing nang kaunting panahon.

5. Na magsagawa ng ṣalāh para rito sa sementeryo matapos ng paglilibing nang matagal na panahon.

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May itim na lalaki o babae na nagwawalis sa masjid saka namatay ito at hindi nakaalam ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa pagkamatay nito saka nakaalaala siya nito isang araw kaya nagsabi siya: "Ano ang ginawa ng taong iyon?" Nagsabi sila: "Namatay po siya, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Kaya ba hindi kayo nagpahayag sa akin?" Kaya nagsabi sila: "Tunay na siya po ay ganito. Ganito po ang kuwento niya." Nagsabi siya: 'Kaya humamak kayo sa pumapatungkol sa kanya." Nagsabi pa siya: "Magturo kayo sa akin sa libingan niya." Kaya pumunta siya sa libingan nito saka nagdasal para rito.} Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.

Mga Mahalagang Paggabay

 

Una: Ang pagmamabilis sa paghahanda ng patay at ang hindi pagpapahuli ng paglilibing nito nang walang maidadahilan sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Magmabilis kayo sa libing; sapagkat kung ito ay naging maayos, may isang kabutihang ipinauuna ninyo; at kung ito ay naging iba roon, may isang kasamaang inaalis ninyo palayo sa mga leeg ninyo."} Napagsang-ayunan sa katumpakan nito.

Ikalawa: Ang pagpapaibig sa pagsasagawa ng ṣalāh para sa patay at ang pagbibigay-babala laban sa pagtatamad-tamaran sa pagdalo rito.

Ikatlo: Ang hindi pagpapahuli sa pagbayad ng utang para sa patay sapagkat ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang kaluluwa ng mananampalataya ay nakabitin sa utang niya hanggang pagbayaran ito para sa kanya."} Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām At-Tirmidhīy.

Ikaapat: Ang hindi pananaghoy. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtataas ng tinig sa pagbilang-bilang sa mga mabuting katangian ng patay at mga kagandahan ng mga gawain niya. Ito ay kabilang sa nauukol sa Panahon ng Kamangmangan sapagkat ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "May apat sa Kalipunan ko na kabilang sa nauukol sa Panahon ng Kamangmangan, na hindi sila nag-iiwan nito: ang pagmamayabang sa mga katayuan, ang panghahamak sa mga kaangkanan [ng iba], ang paghingi ng ulan sa pamamagitan ng mga bituin(astronomy), at ang pananaghoy."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Ikalima: Ang pag-iingat laban sa paglalakad sa ibabaw ng libingan o pag-upo rito sapagkat ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang ang maglakad ako sa ibabaw ng isang baga o isang tabak o ang magtahi ako ng sandalyas ko sa paa ko ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa maglakad ako sa ibabaw ng libingan ng isang Muslim."} Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah.

Ikaanim: Ang hindi pagmamadali sa pagdalangin para sa patay at sa paglisan matapos ng paglibing dito sapagkat ayon kay Abū `Amr - at sinabi ni Abū `Abdillāh at sinabi din ni Abū Laylā - `Uthmān bin `Affān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nakatapos siya ng paglilibing sa patay, ay tumitindig sa tabi nito at nagsasabi: "Humingi kayo ng tawad para sa kapatid ninyo at humiling kayo para sa kanya ng pagpapatatag sapagkat tunay na siya ngayon ay tinatanong."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud.

Ikapito: Ang pagbati ng kapayapaan sa mga nakahimlay sa mga sementeryo sa sandali ng pagdaan sa mga ito o pagbisita sa mga ito. Ayon kay Buraydah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa kanila, kapag pumunta sila sa mga sementeryo, na magsabi ang tagasabi nila: "Assalāmu `alaykum ahla -­ddiyār mina ­lmu’minīn wa-lmuslimīn, wa-innā in shā’a ­-llāhu bikum lāḥiqūn. As’alu ­-llāha lanā wa-lakumu -l`āfiyah. (Ang kapayapaan ay sumainyo, o mga nakahimlay sa mga libingan, mula sa mga mananampalataya at mga Muslim. Tunay na kami, kung niloob ni Allāh, sa inyo ay mga susunod. Humihiling ako kay Allāh para sa amin at para sa inyo ng kagalingan.)" Nagsalaysay nito si imām Muslim.

Ikawalo: Ang pag-aabala-abalahan at ang pag-uusap-usapan hinggil sa mga nauukol sa Mundo nang walang pagsasaalang-alang sa lugar at kalagayan.

Ang Pagwawakas

 

Ang kamatayan ay isang pintuan at ang lahat ng mga tao ay papasok doon. Alamin mo na walang tagapangaral na tulad ng kamatayan. Maawa nawa si Allāh sa patay ninyo at magpalampas nawa Siya rito at sa lahat ng mga patay ng mga Muslim.

Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang lahatan.

 

***

Index

 

Ang Panimula 2

Mga Pampagalak na Balitang Makapanginoon 4

Ang Kainaman ng Pagdalo sa Libing 6

Ang Paraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh sa Libing 8

Ang mga Kalagayan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh sa Libing 10

Mga Mahalagang Paggabay 11

Ang Pagwawakas 14

 

 

***


§ Kung ang patay ay isang babae, palitan ang HU/HI ng HĀ. Kung ang patay ay dalawang tao, palitan ang HU ng HUMĀ at ang HI ng HIMĀ. Kung ang patay ay higit sa dalawang babae, palitan ang HU ng HUNNA at ang HI ng HINNA. Kung ang patay ay higit sa dalawang tao na may kahit isang lalaki, palitan ang HU ng HUM at ang HI ng HIM.